Isang engrandeng prusisyon ng mga luxury cars ang nakitang umandar mula Riverton Avenue diretso sa Turnbull Villa na pinangunahan ng mga kotse ng pulis. Ang bawat isang kalsada sa daan ay sinara nang maaga para lang tanggapin ang prusisyon. Huminto ang lahat ng interesadong mga tao sa paligid at nagtaka kung aling malalaking tao ang gagawa ng ganitong magarbong pagdating. Engrandeng nakabihis sina Walter Turnbull at Susan Redford habang nakatayo sila sa harapan ng mga tauhan nila at naghintay na salubungin ang prusisyon. Nang huminto ang lahat ng kotse sa loob, dahan-dahang bumaba si Sif nang binuksan ng driver niya ang pinto para sa kanya. Nakasuot siya ng luxury brands mula ulo hanggang paa.“Maligayang pagdating, Ms. Lionheart. Pumasok kayo!” Halatang binobola ni Susan si Sif dahil siya ang kapatid ni Titus at ang nakatatandang kapatid ng young naster ng Volsung Sect. Dahil dito, tiyak na may timbang ang posisyon niya kahit sa mga Lionheart. “Ang tagal nating di nagkita, Mr
Maraming beses tinanong ni Walter si Vicky mula noon, ngunit hindi malinaw ang mga sagot ni Vicky—ang tanging sinasabi niya ay hindi na kailangang alalahanin ni Walter ang tungkol sa engagement niya kay Titus.Sa madaling salita, nagdesisyon sila Titus at Vicky na i-annul ang kanilang engagement ng palihim.At dahil dito, inasahan na ni Walter na hindi magtatagal ay magpapadala ng tao ang mga Lionheart upang bisitahin sila.Kahit na wala siyang ideya kung bakit pumayag si Titus na i-annul ang engagement, ang katotohanan na sinabi iyon ni Vicky ay nangangahulugan na pumayag si Titus dito.Habang lumilipad ang isip ni Walter, uminom ng tsaa si Sif at mabagal na nagsalita, “May isang buwan pa bago ang napagkasunduang araw ng engagement, pero sinabi sa’min ni Titus na annulled na daw ang engagement nang walang sinasabing dahilan.”Tumingin si Sif kay Walter at nagtanong, “Iniisip ko lang kung alam mo ba ang tungkol dito, Mr. Turnbull?”“Ano?” Nagulat si Walter, inisip niya ang tungko
Nang maging tensyonado ang paligid dahil sa mga sinabi ni Sif, si Vicky—na kakabangon lang sa kama at naglinis—ay naglakad pababa sa paikot na hagdan.Agad na iniba ni Susan ang usapan. "Oh, Vicky. Halika, umupo ka—pinag-uusapan namin ang engagement mo kay Titus." Subalit, nakasimangot si Vicky at itinaas ang kanyang kamay upang patigilin siya."Narinig ko ang sinabi niyo,” sabi ni Vicky, sumimangot siya nang lumingon siya kay Sif. “Pasensya na sa sasabihin ko, pero hindi na matutuloy ang engagement ko kay Titus at wala nang makakapagpabago pa ng desisyon ko." Nanigas ang lahat sa mga sinabi niya, walang sinuman sa kanila ang nag-akala na sasabihin iyon iyon ni Vicky.Mayroon nga kayang isang bagay na hindi nila alam?Sumimangot si Susan habang nagtatanong siya, “Anong sinasabi mo, Vicky? Gising ka na ba talaga? Bakit hindi matutuloy ang isang maayos na engagement, at paano ka nagdesisyon ng mag-isa?!”"Alam ko kung ano ang sinasabi ko, Mom,” kalmadong sinabi ni Vicky. "Sayang,
Hinampas ni Sif ang kanyang tasa sa mesa habang namimilipit sa galit ang kanyang mukha. "Hindi mahalaga kahit na ano pa ang sabihin mo—papakasalan mo si Titus anuman ang mangyari!”Subalit, nanindigan si Vicky at hindi siya nagpatinag. "Sasakyan ko ang kahit na anong arrangement, pero desisyon ko kung kanino ako magpapakasal. Hindi ako susunod sa gusto niyo.”"Hah!” Tumawa ng malakas si Sif. "May ideya ka ba kung anong nangyayari dito, Vicky?! Napakaswerte mo na interesado sayo ang kapatid ko! Hindi, wala kang karapatang magdesisyon pati na ang pamilya mo—ang pamilya ko lang ang magdedesisyon, naririnig mo?!”Maging ang mukha ni Susan ay napasimangot sa tono ng pananalita ni Sif. Hindi nagpunta dito si Sif upang makipag-usap—nandito siya upang ipilit sa kanila ang awtoridad ng mga Lionheart!"Kung ganun, mabuti pa umuwi ka at tanungin mo ang kapatid mo,” malamig na sagot ni Vicky. "Kung tatanggi siyang i-annul ang engagement, hindi na ako makikipagtalo.”"Hindi! Hindi pwede!” Dinu
Nagsalita din si Walter, "Tama ‘yun, Vicky. Dapat mo kaming kausapin tungkol sa ganitong klaseng bagay.”Kung sabagay, si Titus ang pinakamahalaga sa nakababatang henerasyon ng pamilya niya at isa siyang prodigy sa lahat ng mga mayayaman sa Morhen. Bukod sa naabot niya ang Birthright rank bago pa siya magtatlumpung taong gulang, nagawa rin niyang makakuha ng mataas na posisyon sa Volsung Sect.Sinasamba ng mga mayayamang babae ang kagwapuhan niya at ang napakalaki niyang potensyal at kinababaliwan nila siya.Ngunit, tila walang pakialam ang mismong anak ni Walter, hinihiling pa niya na i-annul ang kanilang engagement?!Kahit na gaano kapambihira si Frank, hinding-hindi niya mapapantayan si Titus o ang alinman sa lakas at impluwensya na maipagmamalaki niya.Gayunpaman, nanatiling walang pakialam si Vicky habang sumasagot siya, “Ako ang magdedesisyon kung sino ang pakakasalan ko, hindi ibang tao. At hindi ko isasakripisyo ang sarili ko para sa kapakanan ng pamilya.”Noon, matatangg
Sa sobrang ilap ng South Sea Crow ay ilang beses sinubukan at nabigo ang South Sea Four na pabagsakin siya sa loob ng tatlong taon, kahit na napakaraming mga Ascendant rank sa alyansa nila.Paano pipigilan ni Vicky ang babaeng ‘yun sa loob lang ng isang buwan, at anong magagawa niya?-Samantala, sa Skywater Bay, nakaligo na si Helen at naghahanda na siyang pumunta sa trabaho noong pinigilan siya ni Frank.“Kamusta ang promotion para sa farm resort?” Tanong niya.Umirap si Helen. “Isang linggo pa lang mula nang magsimula tayo.”Gayunpaman, hindi nagtagal ay kinindatan niya si Frank, dahilan upang kumabog ng malakas ang puso ni Frank.Pinigilan niya ang pagnanais niyang yakapin si Helen, at sa halip ay ngumiti siya. “May iba ka pa bang kailangan?”“Wala na. Ipaubaya mo na lang yung promotion sa’min ni Vicky—yung paghahanda na lang sa farm ang alalahanin mo.” “Talaga?” Lumapit sa kanya si Frank, tumalim ang kanyang mga mata.“Oo…”Humina ang boses ni Helen at itinaas niya ang
Pagkatapos niyang ihatid sa paaralan sila Winter at Mona, nanatili si Frank sa loob ng kotse niya habang tinatawagan niya ang private number na binigay sa kanya ni Helen.“Hello?” Hindi nagtagal ay narinig ang pagod na boses ni Noel.“Ms. York? Ako ‘to, si Frank Lawrence,” sabi ni Frank. “Kamusta ka? Pwede ba kitang yayain na uminom?”Hindi niya inasahan na papayag ang isang star actress na gaya niya at hindi siya seryoso sa sinabi niya.Dahil dito, hindi niya inasahan na mananahimik sandali si Noel bago siya magtanong, “Saan?”“Huh…” Medyo nabigla siya, pinili lamang ni Frank ang unang lugar na sumulpot sa isip niya. “The Dynasty.”“Sige,” sagot ni Noel at ibinaba niya ang tawag.Napakamot ng ulo si Frank—pang pain lang niya ang imbitasyon, at hindi niya inasahan na kakagatin ito ng star actress.Ganun ba talaga siya kagwapo?Natawa si Frank habang hinihimas niya ang kanyang baba at iniliko niya ang kanyang Maybach upang magmadaling pumunta sa The Dynasty.-Gaya ng dati, m
Nang marinig ang sigaw ng lalaki, isang malaking kalbong lalaki ang naglakad mula sa malapit na bar. “Sinong gumagawa ng gulo?”Noong tumingin siya sa likod ng lalaki at nakita niya kung sino ito, agad niyang dinampot ang isang tablecloth at hinagis niya ito sa mukha ng lalaki. “Wala kang kwenta! Hindi mo nakilala si Mr. Lawrence dahil lang nakainom ka?! Sinabi ko na sayo na tumigil ka na sa paglalasing, pero ayaw mong makinig! At huwag mong isipin na idadamay mo ako sa kalat mo!”“Mr. Lawrence… Sino kamo?” Halatang hindi pa nahihimasmasan ang lalaking nasa lapag.Noong mahimasmasan siya, agad siyang lumuhod sa harap ni Frank. “Pasensya na talaga, Mr. Lawrence… Hindi kita nakilala! Sinabi din sa’min ni Bravo Lambert na libre ang lahat kapag bumisita ka—”“Umalis ka na lang,” sabi ni Frank, hindi siya interesado na parusahan ang lalaki dahil lasing siya at hindi maintindihan. “At huwag mo nang susubukan na pormahan ang mga babae ng gaya ng ginawa mo, o patay ka kapag nakita kita.”
Pasensyoso at seryosong lalaki si Gene pasalamat sa mga taon niya bilang isang negosyante, at hindi talaga siya bababa sa lebel ni Cindy. Gayunpaman, ang mga salita niya ay halatang isang insulto para kay Frank at sa posisyon niya.“Ayos lang, Mr. Lawrence. Hayaan mong patunayan ko ang sarili ko.”Tinaas niya ang isang kamay niya para pigilan si Frank bago siya kumilos at bumunot siya ng isang makintab na gintong cars mula sa bulsa niya. Sa katotohanan, sa sobrang kintab nito ay nasilaw sandali ang mga empleyado ng Lanecorp. “Ano yan?” Kumunot naman ang noo ni Cindy at hindi niya ito nakilala. “Isa itong custom gold card na gawa mismo para sa executives ng Pearce Group. Ang kahit na sinong may dala nito ay kayang bumili nang hindi kailangang magbayad sa kahit na anong establisimyento sa ilalim ng tatak namin.”Nang nakangiti, tinuro ni Gene ang mukhang nakatatak sa gold card. “Ms. Zonda, hindi ba kamukha ko ang tao sa larawang ito?”“Kamukha?” Kinuha ni Cindy ang gold card na
Kahit na ganun, habang nakatulala si Gene, mukhang sanay na rito si Frank habang nakatayo siya sa tabi ni Gene. “Wag mo siyang isipin. Payaso lang siya.”Hindi pinansin ni Frank si Cindy. Handa siyang lampasan siya at pumunta sa opisina ni Helen kasama ni Gene. “Hoy, hoy, hoy. Teka.”Biglang lumapit si Cindy at humarang sa daraanan ni Gene. “May problema ba?” Tanong ni Gene, na nailang sa pagkamuhi sa mga mata ni Cindy. Siya ang pinakamayamang tao sa east coast—wala pang trumato sa kanya nang ganito noon!“Huhulaan ko. Dahil inimbitahan ka ni Frank, ibig sabihin nito ay ikaw si Gene Pearce, ang pinakamayamang tao sa east coast?”“Oo, ako nga.” Kalmadong tumango si Gene. Kumunot ang noo ni Frank at sinigawan si Cindy, “Umayos ka, Cindy! Wag ka nang gumawa ng gulo!”“Imposible! Ako, gumagawa ng gulo?”Ngumisi si Cindy, at tinitigan niya si Gene habang pinapatunog ang dila niya. “Sa totoo lang, hindi mo ba kayang kumuha ng propesyonal? Napakaputla ng bayarang aktor mo na p
Napangiti si Gene nang nahimasmasan siya. “Ang isang talentong kagaya mo… Ang head ng health and safety department? Sobra namang…”Kung iisipin, sa kakayahan ni Frank, dapat ay isa siyang board member na personal na may parte sa polisiya ng kumpanya. Pero head lang siya ng health and safety department? Sa madaling salita, isang pinabangong security guard? Nabigla talaga rito si Gene!“Hehe…” Tumawa lang si Frank, nang hindi galit at hindi nagpaliwanag. Habang medyo emosyonal, lumingon si Gene kay Frank at binigyan siya ang matapat na alok. “Mr. Lawrence, bakit di ka na lang sumali sa Pearce Group a halip na maging security guard dito? Maghahanda ako ng posisyong nababagay sa'yo, kasama ng isang lugar sa board bilang policy makers sa Pearce Group. Magtiwala ka sa'kin—mas magiging maliwanag ang kinabukasang aasahan mo kasama ko.”Umiling si Frank. “Masyado kong mahal ang kalayaan ko at ayaw na ayaw kong madamay sa masalimuot na usapan ng malalaking kumpanya.”“Higit pa roon…” H
Bubuksan pa lang ni Helen ang pinto ng opisina niya at papasok nang sumigaw si Cindy, “Hah! Wag kang masyadong mayabang, Helen! Distraksyon lang ang lahat ng ginawa mo kanina—tama ako, ano? Hindi niyo kayang kunin ni Frank ang mga loteng iyon mula kay Gene Pearce, ano?” Huminto si Helen sa paglalakad at lumingon para titigan nang namumuhi si Cindy. “Mali ka. Naniniwala akong makukuha talga ni Frank ang lupang kailangan ng Lanecorp. Nangako siya sa'kin, at hindi niya ako ipapahiya.”“Hah! Ikaw na nagsabi! Kung ganun, mananatili ako rito!” Nagmamatigas na sigaw ni Cindy. “Tingnan natin kung anong magagawa ni Frank… At ano namang gagawin mo kapag di niya nagawa?”“Bababa ako bilang boses chairwoman ng Lanecorp.” Suminghal si Helen at pumasok sa opisina niya. “Hahaha! Sige… sabi mo, eh!” Tumawa si Cindy at naramdaman niyang umakyat ang dugo sa utak niya. Dahil iniwan siya ni Will, naniwala siyang dinidiin ni Helen ang sugat niya sa pagpapalayas sa kanya pabalik ng Riverton, at wala
Nang bumalik si Helen sa Lanecorp, nakita niyang nag-iimpake si Cindy at handa nang umalis, ngunit dumada muna siya sa bawat isang empleyado sa malapit. “Bakit di niyo hulaan kung anong nangyari pagkatapos makinig ng pinsan ko sa mahal niyang asawa at pumunta sa Drenam Limited? Sabi niya ibibigay ni Gene Pearce ang limang loteng nakuha niya sa bid, pero anong nangyari? Hindi man lang iyon alam ng valet niya! Oh, para silang sinampal sa mukha bang dumating kami roon!“Tsk, tsk… Nakita niyo sana ang mukha nina Helen at Frank… Napakalungkot ng mukha nila! Oh, ang sakit ng tiyan ko kakatawa! Isipin niyo yun—si Gene Pearce ang pinakamayamang tao sa east coast! Bakit siya makikinig kay Frank? Sino ba siya sa tingin niya?”“Oh siya, aalis na ako.” Tumawa siya habang inimpake niya ang lahat ng gamit niya at nagsimulang umalis. “Pwede kayong manatili rito habang pinapabagsak nina Helen at ng ex-husband niya ang kumpanya niyo!”Kahit na ganun, nakasalubong niya si Helen, na narinig ang laha
Hindi alam ni Zorn kung paanong nagawa ni Frank na iwasan ang obserbasyon niya kanina, ngayon kit nakahinga pa rin siya nang maluwag pagkatapos maramdaman ang tunay na hangganan ng lakas ni Frank. Kahit na malakas ang isang tunay na Birthright rank, wala pa ring laban si Frank sa kanya!“Mamatay ka na!!!” Sigaw ni Zorn habang binuhos niya ang lahat ng lakas niya sa pinakamalakas na atake niya at ayaw niya ng karagdagang problema. Nakasalalay dito kung mapapatay niya si Frank. Natural na ginagawa niya lang ito dahil nakita niyang mamamatay talaga si Frank para ipagtanggol si Gene. Kapag nagpasya si Frank na umiwas, tatama naman kay Gene ang atake ni Zorn at tiyak na mamamatay siya. Dahil dito, kung gustong mabuhay ni Frank si Gene, kailangan niyang saluhin ang atake niya!Lumabas ang itim at puting pure vigor mula sa palad ni Zorn, naghalo sa isang kulay abo na gumawa ng bagyo. Yumanig ang buong building—ganito ang pinakamalakas na atake ng isang Ascendant rank. "Hmph…"
Kalmadong binasa ni Gene ang sitwasyon. Dahil bata pa si Frank at magaling sa panggagamot, tiyak na wala siyang oras para magsanay ng martial arts nang maigi. Baka nga ang pagsalag niya sa atake ni Zorn kanina ay umubos sa lakas niya—kapag nagtagal siya rito, magiging masaklap ang kamatayan niya kagaya ng nangyari sa mga martial artist na dinala ni Gene. At dahil iniligtas na ni Frank ang buhay niya, ayaw makita ni Gene na ibuwis ni Frank ang buhay niya nang ganito. Dahil dito, sabi niya, “Mr. Lawrence, sa pagitan naming dalawa ito ni Mr. Lawrence. Wag kang mangialam—umalis ka na habang pwede pa.”“Hehe…” Tumawa si Frank sa halip na umalis, na lumingon pa nga kay Gene para magtanong, “Sigurado ka bang di ako mananalo, Mr. Pearce?”“Oh…” Napatunganga si Gene sa tanong niya. Hindi niya masasabing naniniwala siya kay Frank dahil ayaw niyang ibuwis ni Frank ang buhay niya. At pagkatapos mag-isip nang matagal, umiling si Gene sa pagsuko. “Mr. Lawrence, magkaibigan kami ni Zorn
Sumama ang ekspresyon ni Zorn nang nakita niyang kayang harapin ni Gene ang kamatayan nang ganito kakalmado, trinato niya pa si Zorn na parang susunod siya sa lahat ng sinasabi niya. Pakiramdam niya ay parang siya ang natalo kasi pinatay niya si Gene nang ganyan!At nang nakita ang kaseryosohan sa mga mata ni Gene, nagdalawang-isip siya. “Ah, naaalala ko kung paano ka nangakong susundan mo ko habangbuhay isang dekada ang nakaraan…” Biglang bumuntong-hininga si Gene nang inalala niya ito, nakangiti pa siya na parang binisita niya ang alaala ng sandaling iyon. “Matalik tayong magkaibigan simula noong mga bata pa tayo, at kahit na naghiwalay tayo sandali, lumapit ka sa'kin sa depression… may humahabol sa'yo. Kahit na ganun, pinagkatiwalaan kita nang walang kapalit. “Sa sobrang tapat ng mga salitang sinabi mo noon ay nakatatak ito sa alaala ko… Naaalala ko pa ito hanggang ngayon. Ikaw ang nag-iisang kaibigang pinagkatiwalaan ko sa buhay ko, tapos—”Habang mapait na tumatawa, pagt
“Ano?!”Hindi nakakibo kaagad ang martial artist na pinakamalapit kay Zorn at tumama ang kamao ni Zorn sa kanya. Sumabog ang ulo niya nang parang pakwan sa sandaling iyon, at nag-iwan ng kadiring pulang eksena. “Ano?! Ascendant rank siya?!”Kaagad na naramdaman ng ibang martial artist sa paligid ni Zorn na may mali. Lalo na't ang mga Ascendant rank ay mas malakas kaysa sa Birthright rank, kasama ng napakakapal na pure vigor nila na malaya nilang ginagamit. Natural na mayroong mga halimaw na kagaya ni Frank na hindi saklaw ng patakarang ito—nasa Birthright rank lang siya, pero karamihan ng mga nasa Ascendant rank ay mahihirapan sa kanya. Tanging mga nasa peak Ascendant rank ang kayang pumilit kay Frank na gamitin ang mga alas niya, at dahil iyon sa paghina niya tatlong taon ang nakaraan. Salamat sa pagdating niya sa Birthright rank nang dalawang beses, mas dumami at mas makapal ang pure vigor ni Frank, na walang binatbat sa mga nasa Ascendant rank. At ngayon, nakatago mism