Tinitigan ni Sif si Frank na para bang nababaliw na siya. “Mahirap bang aminin na tanga ka? Kinailangan mong magpanggap na baliw, at para kanino?”Nagbulungan rin ang lahat ng tao sa paligid nila. “Binenta ng mga Lionheart ang hale pearl sa Leaf family sa halagang dalawandaang libo?”“Imposible… Di ba binili ito ni Trevor Zurich sa halagang 200 million?”“Ano bang alam mo? Ganun lang talaga ang mayayaman—mga tanga sila.”Habang karamihan sa kanila ay lumingon kay Frank dahil tumatawa siya nang malakas, karamihan sa kanila ay sumang-ayon kay Sif—nabaliw na si Frank dahil malaki ang naging pinsala nito sa kanya. Kaya palaging sinasabi ng mga tao na handa ka dapat na mawala ang lahat kapag kinalaban mo ang mga Lionheart! Habang lalong nag-ingat ang lahat nang tumingin sila kay Sif, mas lalo naman siyang yumabang. “Narinig mo yun? Hindi lang ako—minamata kayo ng lahat ngayong alam na nila! Pero tumatawa ka pa rin… Hindi mo ba alam na nakakahiya ka?”“Ganun ba?” Inayos ni Frank a
“Sa tingin mo hindi ka magmumukhang tanga sa ginagawa mo? Hindi, mas magmumukhang tanga ka lang! Hahaha… Huh?”Biglang tumigil sa pagtawa si Sif nang nakita niya ito—ang maliit na usbong na nasa palad ni Frank pagkatapos mabasag ng hale pearl. Walang duda… Tumutubo ang usbong sa loob ng perlas!At kahit na maliit ito, malinaw ito kagaya ng isang perpektong hiyas. Ang hugis nito ay gawa ng isang master craftsman, at napakaliwanag ng kulay emerald na kinang nito na masakit itong titigan nang matagal!Higit pa roon, makikita ang matingkad na berdeng dagta na dumaloy sa malinaw na usbong at ang sandamakmak na vigor na dala nito. Kahit ang isang tanga ay makikitang espesyal ito. “H-Hindi ba isa yang Hale Marrow? Hindi ba alamat lang yun?!” Tumili si Tavis nang napakalakas pagkatapos ng sandaling pagkagulat nang walang pakialam sa pagligtas sa kahihiyan ni Sif. Nagkagulo ang auction hall sa sandaling iyon. “Hale Marrow? Ano yun?”“Puta, ang Hale Marrow! Maliit lang ang tyansa n
Naramdaman niyang nagbuhol ang kalamnan niya lalo na nang may nagtanong kay Frank nang malakas kung ibebenta niya ang Hale Marrow sa halagang limampung bilyon. Dalawandaang milyon para sa limampung bilyon—hindi na kailangang sabihing kumita nang napakalaki si Frank!Kinalaban niya sana ang bid ni Frank kung alam niya lang ang salamangkang tumutubo sa loob ng hale pearl, at talagang pinagsisihan niya ngayong hindi niya ito ginawa! Kung pwede lang, babalik siya sa nakaraan para sampalin ang sarili niya nang dalawang beses!Bigla na lang, pinatunog ni Trevor ang dila niya nang tuwang-tuwa. “Kumusta, Ms. Lionheart? Hindi ko inakalang ibinenta ng pamilya mo ang Hale Marrow sa Leaf family para lang sa halagang dalawandaang libo. Ang masasabi ko lang ay… Tsk, tsk.”Tuwang-tuwa rin si Frank, at bihira siyang matuwa sa kahit na ano—ang Hale Marrow ay isang napakapambihirang kayamanan, at mas pambihira pa kaysa sa Five Elemental Wonders. Hindi na sa pagpapagaling sa sarili niya—kikita n
Gayunpaman, walang intensyon si Frank na makipagnegosasyon at direkta siyang tumanggi. “Pasensya ka na, Ms. Lionheart—may paggagamitan akong malaking bagay para sa Hale Marrow ko, at hindi ko to ibebenta kahit magkano pa ang ialok mo sa'kin.”“Ano?!” Nabigla si Sif at uminit ang ulo niya. Ito ang unang beses na may tumanggi sa kanya, ang heiress ng Lionheart!“Nagmamabuting-loob na nga ako rito!” sigaw niya. “Alamin mo ang lugar mo at ibigay mo yan sa'kin ngayon din! Walang kahit na sinong tumatanggi sa'kin, at palaging ibinibigay ng lahat ang kahit na anong gusto ko!”Tinaas lang ni Frank ang isang kilay niya at ngumiti. “Talaga? Paano mo nagawang ipaliwanag ang panghoholdap gamit ng mga makatarungang mga salita? O baka sa'yo rin ang lugar na'to? Siguro naman alam mo rin dapat kung paano sumunod sa patakaran, Ms. Lionheart?”“Manahimik ka! Ang salita ko ang batas!” Mayabang na sigaw ni Sif habang nakatitig nang masama kay Frank. “Sisiguraduhin ng mga Lionheart na magiging sulit
Ano pa bang punto ng auction ng Leaf family? Bakit di na lang nila ipamigay ang bawat isang gamit sa mga Lionheart?!“Hmph. Kung ganun, mauuna na ako.”“Oo nga, masyado namang malaki ang mga Lionheart para kalabanin natin.”Sa huli, tumayo ang isa sa mga bidder at umalis… at hindi nagtagal, grupo-grupo silang umalis. “Huh… Teka, sandali, sandali, wag kayong umalis!” Tinawag sila ni Jenny mula sa stage, ngunit karamihan ng bidders at nag-impake na para umalis. Lalo na't malinaw na ngayong wala silang dahilan para dumalo sa auction na ito. “Ano…” Natulala si Sif habang pinanood niya ang lahat na umalis ng auction hall. Hindi niya inasahang aalis na lang nang ganun-ganun ang lahat. Pero simple lang ang dahilan nila, at si Frank ang nagsimula nito—kung may kahit na sino sa kanilang makakuha ng kayamanan ngayon, makakaalis lang sila sa permiso ni Sif.Kapag sinabi niya, oras na para ibigay ito—o mahaharap sila sa bangis ng mga Lionheart. At dahil wala sa kanila ang kayang tang
“Sana'y maunawaan mo kami.”At nang may magalang na tango, umalis si Jenny nang hindi lumilingon pabalik. Naiwang nakatayo roon si Sif na nanginginig sa galit. Ito ang pinakamasaklap na araw para sa kanya!Nagbayad siya ng tumataginting na 5.5 billion dollars para sa dalawang piraso ng basura. At ang masaklap pa roon, nakita ng bawat isang malaking taong dumalo sa auction ang mapagbantang parte ng mga Lionheart, at sa sandaling kumalat ang balita tungkol dito, ito na ang magiging image ng lahat sa kanila. Hindi lang sa Norsedam—kahit ang main branch ng similya sa Morhen ay maaapektuhan!“Hayop…”Dahil alam niyang nagkamali siya nang malaki, hinigpitan ni Sif ang kamao niya habang muntik siyang lamunin ng galit niya. Ngunit si nagtagal ay ngumiti siya nang mabangis—dahil nagkamali na rin naman siya, kailangan niya na lang ipagpatuloy ang lahat hanggang sa dulo!Pagbabayarin niya si Frank kahit na magsalita ang buong Norsedam—at ang pinakamahalaga roon, ang nakuha ang kayam
Bumuntong-hininga si Frank. “Nakakamuhi si Sif Lionheart kagaya ng pagiging… malupit niya.”Halatang huminto ang Birthright rank goon leader nang nabanggit si Sif at sumigaw sa inis, “Wala kaming koneksyon kay Mr. Lionheart. Ibigay mo ang Hale Marrow o mamamatay ka!”“Ano, sinasabi mo bang mabubuhay ako kapag binigay ko too? At saka ‘Ms. Lionheart’?” Suminghal si Frank sa pagkamuhi, nadulas ka roon, pare.”Nang mapansing naloko siya, sinukuan na ng Birthright rank goon leader ang lahat ng pagpapanggap niya. “Sugod!” sigaw niya, sabay sinenyasan ang mga tao niyang atakihin si Frank. “Teka, ito ang gusto mo, tama?” Simpleng nilabas ni Frank ang Hale Marrow. “Tigil! Wag mong sirain ang Hale Marrow!”Umatras ang ilan sa mga goon nang nakita nila ito sa takot na baka masira nila ito. Kaagad na lumapit ang Birthright rank good leader kay Frank at inutusan siyang, “Tama na yan! Ibigay mo sa'kin yan!”“Sige, kunin mo,” sigaw ni Frank at ibinato ang Hale Marrow sa ere. Sa isang k
Habang naglabas si Frank ng mga hibla ng purong vigor, mabilis niya itong nilagay sa harapan niya. Hindi ito makikita ng pangkaraniwang tao, pero nararamdaman ng mga goon na bumagal ang kilos nila kahit na sumugod sila papasok. Hindi dapat mabuhay ang mas mahihina!Sa kabilang banda, kumilos nang mas mabilis si Frank habang nasa gitna siya ng miasma. Pow!Mabilis na lumapag ang mga kamao niya at naiwang sumuka ng dugo ang limang doon, sabay tumigas ang mga katawan nila. “Ano?! H-Hindi kaya nakumpleto na niya ang Birthright rank?!”Mabilis na iniatras ng goon ang binti niya nang nakita niya kung anong nangyayari. Nabigla ang mukha niya sa gulat nang para bang nakakita siya ng multo. Masyadong swabe at banayad ang kilos ni Frank nang parang isang dumadaloy na ilog na elegante ring tignan. Habang sumugod siya sa gilid ng nakabilog na goons, umatake siya gamit ng palad, kamao, o daliri niya habang nakataas pa rin ang mga sandata nila, kung kaya't naiwan silang nanigas sa kina