Share

Kabanata 609

Nang makita niya na sumimangot si Helen sa sinabi niya, agad na sinabi ni Gina sa kanya na, "Huwag kang mag-alala—puro salita lang yung walanghiyang ‘yun. Sinusubukan ka lang niyang lokohin para sumama ka sa kanya. Siguradong hindi niya susubukang pumasok sa lugar na ‘to… Anong malay natin, baka umalis na siya sa Riverton sa mga oras na ‘to!”

Nadismaya at umasa si Helen—ang tanging gusto niya ay maging ligtas si Frank, at wala siyang magawa kundi umasa na hindi na gumawa si Frank ng dahilan upang lumala pa ang sitwasyon.

Biglang pumasok sa kwarto si Cindy noong sandaling iyon, at agad niyang hinablot ang jewelry box, napanganga siya dito at kay Helen, “Wow… Binigay ba sayo ni Mr. Graves ang mga ‘to? Pwede bang sa’kin na lang ang ilan sa mga kwintas na ‘to? Hindi pa ako nakapagsuot ng kahit anong ganito kamamahalin…”

“Sige, sayo na ‘yan.” Pinilit ngumiti ni Helen.

Hindi siya interesado sa jewelry box at itinulak niya ito papunta kay Cindy.

“Salamat, Helen!” Tuwang-tuwa si Cindy at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status