”Frank Lawrence? Ngayon ko lang narinig ang pangalan niya.”“Sino siya? Ang lakas ng loob niya na banggain ang Graves family, na isa sa top four families ng Southstream!”“Nababaliw na ba siya? Gusto na ba niyang mamatay?”“Uy, mukhang magiging maganda ‘to! Nakahanda na ang headline ko para bukas!”“Magiging maganda ang palabas!”Ang payapang kasalan ay unang ginulo ng bulungan ng mga tao, at di nagtagal, nagsimula na ang kaguluhan.Sabay-sabay na pinag-usapan ng mga tao ang tungkol sa pagkatao ni Frank, ang arranged marriage sa pagitan ng mga Lane at mga Graves, at kung ano ang naging dahilan sa panggugulo sa kasalang ito.“Oh, napanaginipan ko na mangyayari ‘to…” Biglang nagsalita ang isang heiress ng may kumikislap na mga mata. “Ikakasal ang prinsesa sa isang prinsipe, ngunit dumating sa kasal nila ang tunay na pag-ibig ng prinsesa upang itakas siya…”“Gumising ka nga. Ito ang reyalidad, hindi ito isang fairy tale—at ipinapahamak ng lalaking ‘yun ang sarili niya.”“Oo nga.
Nang makita niya na tumayo ang mga security guard na nakaupo kasama ng mga bisita, halos maiyak na si Helen sa sobrang kaba. “Bakit ka pumunta dito, Frank? Umalis ka na bago ka pa sugurin ng mga guwardiya ng Graves family!”“Umalis?” Ngumiti si Frank. “Kung ganun, isasama kita.”“Nagbibiro ka pa rin hanggang ngayon?!” Halos maiyak na si Helen sa sobrang inis.“Hindi ako nagbibiro,” sabi ni Frank, tumingin siya sa mga mata ni Helen nang maging seryoso ang kanyang ekspresyon. “Alam ko na pinilit ka ni Chaz na pakasalan siya sa pamamagitan ng pagbabanta sa buhay ko.”Nagkagulo ang mga tao sa mga sinabi ni Frank, habang nasira naman ang pagpapanggap ni Chaz bilang isang mapagmahal at mabuting lalaki.Kung ganun pinilit lang ni Chaz si Helen para pakasalan niya siya kahit na ayaw sa kanya ni Helen?!Walang sinuman ang ayaw ng tsismis, lalo na ang drama at intriga na may kinalaman sa mga mayayaman at makapangyarihang pamilya.Habang nagkakagulo ang mga bisita sa sobrang pananabik at n
’Helen, may mga pagkakataon na hindi ka dapat mag-isip. Isa kang babae at dapat mas magtiwala ka sa instincts mo at lakasan mo ang loob mo! Sundin mo ang puso mo kapag may kinakaharap kang problema, kung hindi ay habangbuhay kang magsisisi gaya ko.’Naging matalim ang nalilitong tingin ni Helen nang maalala niya ang huling habilin ng kanyang lolo.Salamat sa talino at pag-iisip niya kaya lumago ang Lane Holdings.Subalit, ang talino at ang kaiisip din niya ang naging dahilan upang ulit-ulitn ang mga nakita niya, at pagdudahan ang lahat ng mga sinabi ni Frank.Iniisip niya ang tungkol dito noon at pinagsisihan niya ito ngunit sa huli ay nanatili siyang rasyonal at inalis niya ang mga pagsisising iyon.At ganun din ang nangyayari ngayon, dahil patuloy na sinasabi sa kanya ng isip niya na huwag siyang sumama kay Frank, kung hindi ay malaki ang magiging kapalit nito.Gayunpaman, patuloy itong nilalabanan ng kanyang puso, dahil gusto talaga niyang kunin ang kamay ni Frank… hanggang sa
Hindi nawala sa karakter si Helen bilang isang malakas at independent na babae sa tagal ng pagkakakilala at pagsasama nila ni Frank at nanatili itong tahimik kahit magkasama sila. Ang kanyang pagwawala ay nagpalakas ng tibok ng kanyang puso, at niyakap niya ito ng mahigpit sa kanyang mga bisig, ng kumikinang ang kanyang mga mata. “Huwag kang mag-alala. Hindi kita hahayaan na mamatay dito…hinding hindi!” “Sige!” Tumango si Helen habang nasa kanyang mga bisig—nagdesisyon siya na magtiwala kay Frank, at gagawin niya ito hanggang sa huli!“Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo, Helen?!” sigaw ni Chaz, nagbago ang itsura ng kanyang mukha dahil sa galit saka pinakita ang tunay niyang pagkatao.Ang sarili niyang bride-to-be ay iiwan siya sa altar. Hindi lang yun—ang sinabi nito ang nagpahiya sa kanya. Mas mabuti pang itigil na niya ito!Ang pagbuking sa kanya sa harap ng maraming tao at pagsampal sa kanya, pagkatapos ay sumama sa ibang lalaki?!Ang kanyang reputasyon ay nayurakan—ano
”Tama na yan!”Tumayo si Gina at isinigaw kay Helen, “Pwede bang magsitigil na kayo?! Pinsan mo si Cindy! Talaga bang handa kang itulak siya sa bangin?!”“Ako, itutulak siya?!” Miserableng tumawa si Helen. “Anak niyo ako, Nay! Kalimutan mo na ang humingi sa akin ng tulong matapos niyong maghiwalay ni Ama—isinama mo pa ang pabigat na Cindy na yan sa pasanin ko! At alam niyo naman lahat kung gaano karami ang mga masama niyang ginawa—ganun ba ako katanga sa paningin nito?”Pagkatapos, habang pinanliliskan si Gina, pinagpatuloy niya, “Isa pa, malugod kitang tinaggap dahil naghiwalay na kayo ni ama, pero ni isang araw ay naging tahimik ang buhay ko simula nang dumating kayo! Lagi ka na lang nagrereklamo dahil hindi ka makapamuhay ng marangya sa northstream, at sinisisi mo si Lolo dahil sa pagiging istrikto nito sayo—niloko mo pa nga ako na hiwalayan si Frank! Ginawa mo kong kalaban ni Frank at itinulak ang aking Lolo na magpakamatay!”“Marahil masaya na kayo pareho ni Cindy, pero paano
Kahit pati si Burt ay kailangan tumigil at mag-isip dahil ang mga bodyguards na ito ay naglilingkod sa mga Lionhearts.Subalit, tinakip lang ni Frank ang kanyang mga palad sa mga mata ni Helen, at sinabi ang isang malamig na salita. “Kamatayan!”Nagging mabangis ang ekspresyon ng mukha ni Burt nung marinig niya ang utos ni Frank, dahil ibig sabihin lang nito ay wala silang dapat ikabahala ngayon.Elegante niyang winasiwas ang kanyang espada, na naglabas ng sumasayaw na mga anino. Bago pa man makakilos ang mga bodyguards ng mga Lionheart, bumulagta na sila sa lapag, duguan habang tumalsik naman ang kanilang mga binti at nagkalat sa paligid. “Ano?! Si Burt ay isang Birthright rank… Ganun na ba kalayo ang kanyang narating?!”Walang kakulangan ng mga magagaling na martial artists sa mga naiwan na bisita, at ang ilan pa nga sa kanila ay kilala si Burt.Subalit, lahat sila ay nagulantang nang makita nila si Burt na naglabas ng kanyang pure vigor!Kahit ang mga magagaling na martial
Subalit, nilait lang ni Frank si Neil. “Walang utang na loob. Sino ka ba sa tingin mo para sabihin sa akin kung ano ang dapat kong gawin?” Wala siyang balak na habulin si Neil bilang paggalang kay Vicky, ngunit hindi rin naman siya masisisi sa nangyari nung ginawa ni Neil ang bagay na ito. “Isipin mo muna ng maigi ang sinasabi mo, Frank.” Sigaw ni Neil. “Hindi magtatagal at nandito na si Titus, kaya lumugar ka at lumuhod. Malay mo, maging maunawain si titus at buhayin ka! Magmatigas ka lang, at maski ako ay hindi ka na matutulungan.”“Hahaha!” Hindi mapigilan ni Frank na matawa sa pagyayabang ni Neil sa puntong iyon, habang umiiling. “Hay naku, Neil… pareho naman kayong mga Turnbulls, pero bakit mas matalino si Vicky, habang ikaw naman ay walang utak?”“Iniinsulto mo ba ako?!” Pinanlisikan ni Neil si Frank. ‘Kapatid, kunin mo si Ms. Lane at umalis na kayo. Kaya ko na to.” sabi ni Burt sa sandaling iyon. Sa tulong ng Ichor Pill na pinadala sa kanya ni Frank, mabilis siyang gu
Isang lalaki na may mahabang kapote ang pumasok, sa sobrang talas ng tingin nito ay para bang mga patalim na ang mga ito.Meron itong mahabang itim na buhok na may linya ng puti sa bangs nito na may hiwa sa gitna. Na may taas na 1.9 metro, malaki ang pangangatawan nito, na nagpapakita na isa itong malakas na martial artist. “Kailangan mong tulungan si Mr. Graves! Papatayin siya ni Frank Lawrence!” Aligagang sigaw ni Wilbur. “Huminahon ka lang.” Tinignan ni Titus si Wilbur upang siguraduhin ito, habang matikas itong naglalakad papunta sa ibaba ng stage, sabay nginitian si Frank na nasa itaas nito. “Kung ganun, ikaw si Frank Lawrence? Narinig ko kanina sa labas ang sinabi mo na hindi ka natatakot sa akin?”Mahinahon ang tono nito, ngunit may madilim na awra na lumalabas sa mga mata nito na tumama kay Burt na naging dahilan para umatras ito.Namutla sa pagkabigla si Burt nang may napagtanto siya. “Natapos na niya ang Birthright! K-Kung ganun ay yan ang lakas ni Titus Lionheart?!”
“Mas magaling kaysa sa'yo?”Tumaas ang kilay ni Jean at tumawa siya nang malakas. “Nakakatawa ka talaga, Mr. Lawrence—mas magaling ka pang manloko kaysa sa mga negosyante. Ang ganda ngang pakinggan, pero gaano karaming tao ba sa mundong ito ang mas magaling kaysa sa'yo?”“Ahem. Masasabi kong… napakarami nila.” Kinamot ni Frank ang tungki ng ilong niya. “Alam mo talaga kung paano mambola ng lalaki, Jean, pero isa lang akong lalaking ikinasal sa pamilya ng asawa niya at pinalayas pagkatapos.”“Sige, wala nang halong nito.” Naging seryoso ang ekspresyon ni Jean habang tinitigan niya siya nang maigi. “Sapat na ang pag-oobserba ko kay Winter para makitang seryoso siya sa'yo. Pero kung may pakialam ka kay Winter, hindi ka dapat magpakita ngayong araw o masyadong nagyabang. Ngayong ginawa mo yan, kailangan mong maging responsable—naiintindigan mo ba yun, Mr. Lawrence?”Gayunpaman, nahiya si Frank. Mas bata si Winter sa kanya, at ipinagkatiwala siya ng mentor niya sa kanya. Kapag nagka
Halatang marami pang sasabihin si Winter, pero wala siyang nagawa kundi umalis sa entablado. Pagkatapos niya, habang tinanggap ni Jean ang sertipiko niya, nagtanong siya nang pabulong, “Mr. Lawrence, sabihin mo sa'kin—anong tingin mo kay Winter?”“Kay Winter?” Kampanteng ngumiti si Frank. “Siya ang nakababata kong kapatid na ipinagkatiwala sa'kin ng mentor ko para alagaan habangbuhay.”“Ah, naiintindihan ko na.”Tumango si Jean, na yumuko kay Frank bago umalis sa entablado kasama ng sertipiko niya. Nanood si Frank habang umalis siya. Inisip niyang mas matanda siyang mag-isip kumpara sa mga kaedaran niya. -May aftershow pagkatapos ng convocation ceremony, kung saan tumayo si Noel sa entablado para kumanta sa mga tao. Isa talaga siyang sikat na bituin, natulala ang lahat sa kanya niya kahit na pag-arte ang espesyalidad niya. Pagkatapos niyang umalis sa entablado, isang nakakagulat na mukha ang lumitaw. “Hoy, Master Lawrence! Pumasa ako sa entrance exams para sa Riverton
Pagkatapos lumabas ni Bill ng convocation hall, tahimik na tahimik ang seremonya—sa sobrang tahimik ay baka kaya nilang marinig ang karayom na bumagsak sa lapag. “Urgh… Ang tigas ng ulo niya. Sayang lang ang pagsisikap ng tatay niya.” Bumuntong-hininga si Dan habang nanood siya. May talento si Bill at ginusto niyang kunin siya bilang estudyante. Ang totoo, ginawa ni Dan iyon para palusugin ang isip ni Bill, para matutunan niya ang pagpapakumbaba at katapatan. Natural na binalak niya ring ipakita kay Frank ang iniisip niya sa usaping ito, at malay nila baka palampasin ni Frank ang ginawa ni Bill at magbigay pa ng ilang payo?Gayunpaman, hindi ito tinanggap ng batang iyon, na lumayas pa nga at iniwang dismayado si Dan. Nahimasmasan rin si Dan. “Umalis siya, at yun na yun. Walang pagkadismaya rito—malinaw na masama ang pag-iisip niya sa kabila ng talento niya.”Gayunpaman, ang hindi alam ni Dan, binigyan si Bill ng tatay niya ng malinaw na utos na kunin ang Riverton University g
“Hah! Ano naman ngayon? Hindi siya maikukumpara kahit sa buhok ni Professor Lawrence!”“Ano ba. Nakakainsulto yan sa buhok ni Professor Lawrence.”“Ano? May buhok ka ni Professor Lawrence? Magkano? Bibilhin ko!”Ang lantarang pangungutya at pagkamuhi mula sa mga kapwa niya estudyante ay nagpayuko at nagpangitngit sa ngipin ni Bill, na sa sobrang higpit ay halos mabasag ang ngipin niya. “Bwisit…” pabulong niyang mura. Nasa likuran niya si Winter, pinapanood siya habang pinahiya siya mula sa umpisa hanggang sa dulo. Hindi lang siya nabigong ligawan si Winter—itinatakwil na ngayon si Bill ng lipunan, at maruming-marumi na ang reputasyon niya. Kapag umabot ang balita sa tatay niya sa Zamri, hindi lang siya basta pagagalitan, tiyak na bubugbugin siya ng tatay niya at itatakwil. Lalo na't hindi maiiwasang marurumihan rin ang reputasyon ng tatay niya, at pagtatawanan ng kahit na sino ang tatay niya nang dahil sa kanya!“Frank Lawrence… Winter Lawrence… Jean Zims… Maghintay lang ka
“Tama na yan,” sabi ni Dan Zimmer sa sandaling iyon at pinigilan ang usapan. Kasabay nito, tinitigan nang masama ng chief ng Flora Hall ang namumutlang si Bill. “Mamaya na natin gawin ang kamustahan. Dapat nating ipagpatuloy ang seremonya sa ngayon.”Pagkatapos nito, nanahimik ang maingay na madla at nanood ang lahat habang naglakad si Frank papunta sa entablado at umupo sa tabi ng ibang importanteng tao. “Hehe.” Tumawa siya at kumindat kay Winter. Kahit kanina ay malapit na siyang makuha, nagtago siya ng isang ngiti sa ilalim ng palad niya—hindi nagsinungaling ang mahal niyang kuya, at nandito ang mga mahahalagang taong iyon dahil sa imbitasyon niya!Talagang tuwang-tuwa siya na makita ang sorpresang inihanda ni Frank para sa kanya!Sa kabilang banda, bumulong si Bill sa sarili niya, “Paanong nangyari to? Paano…”Maputlang-maputla siya habang bumagsak siya sa upuan niya. Nakatulala siya kay Frank habang nakipag-usap siya sa ibang mahalagang tao sa paligid niya. Sa paligid
“Uh-huh,” tumango si Frank sa dalawang babae bago tumingala sa mahahalagang tao sa entablado nang may maliit na ngiti.“Heh. Ang tagal nating di nagkita.” Tumawa siya. Nanigas ang buong hall sa mga sinabi niya, habang napanganga sina Jean at Winter. Anong ibig sabihin nito? Kilala ba talaga sila ni Frank… o nagpapanggap lang siya?Pero kung nagpapanggap siyang magkakilala sila… Hindi ba sumosobra na siya para lang magmukhang maganda?!Sa malapit, nakangisi pa rin si Bill, ngunit nanigas siya nang parang estatwa habang ginambala siya ng masamang kutob. Hindi kaya dumating talaga ang mahahalagang taong iyon sa ilalim ng imbitasyon ng putong ito? Imposible yan! Sinong nagbigay sa kanya ng karapatang?!Natural na nadurog kaagad ang huling pag-asa niyang hindi ito totoo nang ngumiti ang striktong senador ng Riverton na si Gerald Simmons at tumayo, pagkatapos ay tumango kay Frank. “Ang tagal nating di nakita, Mr. Lawrence. Ang kisig mo pa ring tignan!”“Ano?!”Dahil sa pagbati ni
Pagkatapos lumapit sa tabi ni Winter, ngumiti si Frank at nagtanong, “Hindi ka naniniwala sa'kin, Winter?”Nabigla si Winter, ngunit umiling siya kaagad. “Syempre naniniwala ako sa'yo. Bakit di ako maniniwala sa'yo?”Nanatiling nakangiti si Frank sa kanya at nagpatuloy, “Sinasabi kong ako ang nag-imbita sa mga mahahalagang taong iyon at nagsisinungaling ang batang yan. Naniniwala ka ba sa'kin?”Bago nakapagsalita si Winter, suminghal si Winter. “Gumastos siguro nang malaki ang mga Turnbull sa'yo para maging propesor ka dito, lalo na't ang bata mo pa. Kaya payo ko lang sa'yo: tigilan mong ilagay ang sarili mo sa problema, dahil alam naming lahat kung paano mo nakuha ang trabaho mo. Kung sasabihin namin ito nang malakas, mapapahiya ka. Ibig kong sabihin, halatang wala kang problema tungkomdun, pero paano naman si Winter? Gaano kasama ito para sa isang magiging doktor na masira ang hinaharap niya dahil sa kiya niyang nabubuhay sa yaman ng babae?”Nagalit kaagad si Winter at tumayo, sa
“Tama!” Napagkamalan ni Bill na pagkakonsensya ang pagtataka ni Frank at nakumbinsi siyang nahuli niya si Frank. Tinaas niya ang mukha niya habang magyabang siya, “Ang tatay ko ang chief ng Uplake Hospital sa Zamri, at isa itong subsidiary na pag-aari ni Gene Pearce, ang pinakamayamang tao sa east coast.”“Ano?!”Lumingon ang mga tao kay Bill sa gulat nang nabanggit niya si Gene. Nakakatakot! Tauhan pala ng pinakamayamang tao sa east coast ang tatay niya!Malinaw na ngayong mayroon siyang impluwensiyang imbitahan ang mga importanteng taong iyon…Gayunpaman, alam din mismo ni Bill na may daan-daang ospital na pagmamay-ari si Gene, at pagmamay-ari lang ng tatay niya ang isang may katamtamang laki.Nakakamangha man itong pakinggan, ngunit parang aso lang ni Gene ang tatay niya, na pwedeng sipain sa daan sa isang salita lang mula sa lalaki. At para naman sa mga tanyag na tao ng Riverton na nakaupo sa entablado sa sandaling iyon, nasanay silang lahat sa pagiging asong tumatahol par
Natulala si Bill, ngunit mabilis niyang hinalughog ang utak niya habang nanood ang lahat at nagpasyang magpatuloy na magpanggap pagkatapos ng kalahating segundo. Kung hindi, hindi lang niya ipapahiya ang sarili niya sa harapan ni Winter, magiging biro rin siya ng bawat isang estudyante at kukutyain sa buong Riverton. Sa puntong iyon, wala na siyang pag-asang makakuha ng trabaho sa larangan ng medisina sa Draconia, kahit sa dami ng henerasyon ng mga doktor sa pamilya niya. Baka nga magdala ito ng matinding pinsala sa negosyo ng tatay niya, dahil walang mag-aabalang bumisita sa ospital niya. Kung kaya't mabilis na naging galit ang gulat niya at kaagad siyang sumigaw kay Frank, sa intensyong palayasin siya. “Sino ka? Sinong nagpapasok sa'yo sa hall na'to?! Bawal pumasok ang mga kung sino rito!”Kaagad na kumampi si Winter kay Frank, “Kapatid ko siya, Bill. Hindi siya kung sino lang.”Tumango ang ibang mga estudyante. “Oo, Bill. Hindi mo siya kilala dahil palagi kang nasa ibang