Nang makita niya na tumayo ang mga security guard na nakaupo kasama ng mga bisita, halos maiyak na si Helen sa sobrang kaba. “Bakit ka pumunta dito, Frank? Umalis ka na bago ka pa sugurin ng mga guwardiya ng Graves family!”“Umalis?” Ngumiti si Frank. “Kung ganun, isasama kita.”“Nagbibiro ka pa rin hanggang ngayon?!” Halos maiyak na si Helen sa sobrang inis.“Hindi ako nagbibiro,” sabi ni Frank, tumingin siya sa mga mata ni Helen nang maging seryoso ang kanyang ekspresyon. “Alam ko na pinilit ka ni Chaz na pakasalan siya sa pamamagitan ng pagbabanta sa buhay ko.”Nagkagulo ang mga tao sa mga sinabi ni Frank, habang nasira naman ang pagpapanggap ni Chaz bilang isang mapagmahal at mabuting lalaki.Kung ganun pinilit lang ni Chaz si Helen para pakasalan niya siya kahit na ayaw sa kanya ni Helen?!Walang sinuman ang ayaw ng tsismis, lalo na ang drama at intriga na may kinalaman sa mga mayayaman at makapangyarihang pamilya.Habang nagkakagulo ang mga bisita sa sobrang pananabik at n
’Helen, may mga pagkakataon na hindi ka dapat mag-isip. Isa kang babae at dapat mas magtiwala ka sa instincts mo at lakasan mo ang loob mo! Sundin mo ang puso mo kapag may kinakaharap kang problema, kung hindi ay habangbuhay kang magsisisi gaya ko.’Naging matalim ang nalilitong tingin ni Helen nang maalala niya ang huling habilin ng kanyang lolo.Salamat sa talino at pag-iisip niya kaya lumago ang Lane Holdings.Subalit, ang talino at ang kaiisip din niya ang naging dahilan upang ulit-ulitn ang mga nakita niya, at pagdudahan ang lahat ng mga sinabi ni Frank.Iniisip niya ang tungkol dito noon at pinagsisihan niya ito ngunit sa huli ay nanatili siyang rasyonal at inalis niya ang mga pagsisising iyon.At ganun din ang nangyayari ngayon, dahil patuloy na sinasabi sa kanya ng isip niya na huwag siyang sumama kay Frank, kung hindi ay malaki ang magiging kapalit nito.Gayunpaman, patuloy itong nilalabanan ng kanyang puso, dahil gusto talaga niyang kunin ang kamay ni Frank… hanggang sa
Hindi nawala sa karakter si Helen bilang isang malakas at independent na babae sa tagal ng pagkakakilala at pagsasama nila ni Frank at nanatili itong tahimik kahit magkasama sila. Ang kanyang pagwawala ay nagpalakas ng tibok ng kanyang puso, at niyakap niya ito ng mahigpit sa kanyang mga bisig, ng kumikinang ang kanyang mga mata. “Huwag kang mag-alala. Hindi kita hahayaan na mamatay dito…hinding hindi!” “Sige!” Tumango si Helen habang nasa kanyang mga bisig—nagdesisyon siya na magtiwala kay Frank, at gagawin niya ito hanggang sa huli!“Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo, Helen?!” sigaw ni Chaz, nagbago ang itsura ng kanyang mukha dahil sa galit saka pinakita ang tunay niyang pagkatao.Ang sarili niyang bride-to-be ay iiwan siya sa altar. Hindi lang yun—ang sinabi nito ang nagpahiya sa kanya. Mas mabuti pang itigil na niya ito!Ang pagbuking sa kanya sa harap ng maraming tao at pagsampal sa kanya, pagkatapos ay sumama sa ibang lalaki?!Ang kanyang reputasyon ay nayurakan—ano
”Tama na yan!”Tumayo si Gina at isinigaw kay Helen, “Pwede bang magsitigil na kayo?! Pinsan mo si Cindy! Talaga bang handa kang itulak siya sa bangin?!”“Ako, itutulak siya?!” Miserableng tumawa si Helen. “Anak niyo ako, Nay! Kalimutan mo na ang humingi sa akin ng tulong matapos niyong maghiwalay ni Ama—isinama mo pa ang pabigat na Cindy na yan sa pasanin ko! At alam niyo naman lahat kung gaano karami ang mga masama niyang ginawa—ganun ba ako katanga sa paningin nito?”Pagkatapos, habang pinanliliskan si Gina, pinagpatuloy niya, “Isa pa, malugod kitang tinaggap dahil naghiwalay na kayo ni ama, pero ni isang araw ay naging tahimik ang buhay ko simula nang dumating kayo! Lagi ka na lang nagrereklamo dahil hindi ka makapamuhay ng marangya sa northstream, at sinisisi mo si Lolo dahil sa pagiging istrikto nito sayo—niloko mo pa nga ako na hiwalayan si Frank! Ginawa mo kong kalaban ni Frank at itinulak ang aking Lolo na magpakamatay!”“Marahil masaya na kayo pareho ni Cindy, pero paano
Kahit pati si Burt ay kailangan tumigil at mag-isip dahil ang mga bodyguards na ito ay naglilingkod sa mga Lionhearts.Subalit, tinakip lang ni Frank ang kanyang mga palad sa mga mata ni Helen, at sinabi ang isang malamig na salita. “Kamatayan!”Nagging mabangis ang ekspresyon ng mukha ni Burt nung marinig niya ang utos ni Frank, dahil ibig sabihin lang nito ay wala silang dapat ikabahala ngayon.Elegante niyang winasiwas ang kanyang espada, na naglabas ng sumasayaw na mga anino. Bago pa man makakilos ang mga bodyguards ng mga Lionheart, bumulagta na sila sa lapag, duguan habang tumalsik naman ang kanilang mga binti at nagkalat sa paligid. “Ano?! Si Burt ay isang Birthright rank… Ganun na ba kalayo ang kanyang narating?!”Walang kakulangan ng mga magagaling na martial artists sa mga naiwan na bisita, at ang ilan pa nga sa kanila ay kilala si Burt.Subalit, lahat sila ay nagulantang nang makita nila si Burt na naglabas ng kanyang pure vigor!Kahit ang mga magagaling na martial
Subalit, nilait lang ni Frank si Neil. “Walang utang na loob. Sino ka ba sa tingin mo para sabihin sa akin kung ano ang dapat kong gawin?” Wala siyang balak na habulin si Neil bilang paggalang kay Vicky, ngunit hindi rin naman siya masisisi sa nangyari nung ginawa ni Neil ang bagay na ito. “Isipin mo muna ng maigi ang sinasabi mo, Frank.” Sigaw ni Neil. “Hindi magtatagal at nandito na si Titus, kaya lumugar ka at lumuhod. Malay mo, maging maunawain si titus at buhayin ka! Magmatigas ka lang, at maski ako ay hindi ka na matutulungan.”“Hahaha!” Hindi mapigilan ni Frank na matawa sa pagyayabang ni Neil sa puntong iyon, habang umiiling. “Hay naku, Neil… pareho naman kayong mga Turnbulls, pero bakit mas matalino si Vicky, habang ikaw naman ay walang utak?”“Iniinsulto mo ba ako?!” Pinanlisikan ni Neil si Frank. ‘Kapatid, kunin mo si Ms. Lane at umalis na kayo. Kaya ko na to.” sabi ni Burt sa sandaling iyon. Sa tulong ng Ichor Pill na pinadala sa kanya ni Frank, mabilis siyang gu
Isang lalaki na may mahabang kapote ang pumasok, sa sobrang talas ng tingin nito ay para bang mga patalim na ang mga ito.Meron itong mahabang itim na buhok na may linya ng puti sa bangs nito na may hiwa sa gitna. Na may taas na 1.9 metro, malaki ang pangangatawan nito, na nagpapakita na isa itong malakas na martial artist. “Kailangan mong tulungan si Mr. Graves! Papatayin siya ni Frank Lawrence!” Aligagang sigaw ni Wilbur. “Huminahon ka lang.” Tinignan ni Titus si Wilbur upang siguraduhin ito, habang matikas itong naglalakad papunta sa ibaba ng stage, sabay nginitian si Frank na nasa itaas nito. “Kung ganun, ikaw si Frank Lawrence? Narinig ko kanina sa labas ang sinabi mo na hindi ka natatakot sa akin?”Mahinahon ang tono nito, ngunit may madilim na awra na lumalabas sa mga mata nito na tumama kay Burt na naging dahilan para umatras ito.Namutla sa pagkabigla si Burt nang may napagtanto siya. “Natapos na niya ang Birthright! K-Kung ganun ay yan ang lakas ni Titus Lionheart?!”
Nakangisi lahat sa tuwa sina Chaz, Wilbur, at maging si Neil habang nagbago nang malaki ang ugali ni Titus. Para bang walang mali sa lalaking ito—naging magalang lang siya bago pumatay!“Pinatay mo ang kaibigan kong si Hubert Sorano at ang mga tagapagsilbi ng pamilya ko, at ngayon naman, ginulo mo ang kasal ni Mr. Graves, ang tauhan ko. Maraming buhay ang nawala, kaya gusto ko talagang malaman kung anong masasabi mo, Mr. Lawrence!”Sa mga salitang iyon, sumabog ang madilim na aura niya at lumusob papunta kay Frank!Gayunpaman, hindi natakot si Frank. Pagkatapos iwan si Helen kay Burt, nagpakawala siya ng isang bugso ng madilim na awra at nilabanan ang kay Titus. “Huh?” Napabulalas si Titus nang nakita niyang hindi natinag si Frank. Nagulat siya na ganito pala kalakas si Frank. Nanatiling walang emosyon si Frank habang lumingon siya kay Burt. “Dalhin mo si Helen at umalis na kayo.”“Oo!” Tumango si Burt. Sa isang tingin niya lang kay Titus ay alam na niyang wala siyang laban