Ang narinig lang ni Titus ay malapit sina Vicky at Frank, wala siyang narinig na naging pisikal sila. Walang lalaki ang makakatanggap na inagawan sila ng babae bago pa man siya maikasal, at ganun din si Titus, ang tagapagmana ng isang respetadong dinastiya kagaya ng mga Lionheart!Sumama ang mukha niya sa sandaling iyon. “Totoo ba ang sinabi ni Neil, Mr. Lawrence?”Bago nakapagsalita si Frank, tumalon si Neil habang tinuro niya siya at sumigaw, “Frank Lawrence! Natulog ba si Vicky sa mansyon mo sa Skywater Bay?! Sagutin mo ko!”“May sariling kwarto si Vicky sa kwarto ko,” kalmadong sabi ni Frank kahit habang sinalubong niya ang masamang titig ni Titus. “Pero magkatrabaho lang kami, hindi kami lumalagpas doon. Paniwalaan mo ang gusto mo.”“Manahimik ka!” Galit na sumigaw si Neil. “Sa tingin mo hindi ko kilala si Vicky? Mahuhulog na siya sa mga patibong mo kung di ako nangialam! Hah! Itanggi mo lang kung gusto mo—meron akong recording!”Ngumisi si Neil habang nilabas niya ang phon
Ngayong lamang sila, maging ang tono ni Titus ay hindi na magalang nang nag-utos siya, “Lumuhod ka at patayin mo ang sarili mo, Frank Lawrence, at hahayaan kong maging buo ang bangkay mo.”Walang mahina sa mga bodyguard na dala niya. Maging si Frank ay mahihirapang labanan ang isang daan sa kanila, at ang malala pa roon, si Titus ay isang banal na Birthright rank elite, habang may higit isang dosenang iba pang Birthright rank elites sa mga bodyguard niya. Tiyak na wala nang takas para kay Frank, ngunit tumawa lang siya. “Hah! Iniisip ko pa naman kung gaano ka kagaling, Titus Lionheart, ngayong pinatunayan mong masyado kang kampante sa una nating pagkikita. At saka nagpadala ka ng ganito kadaming tao laban sa isang tao? Hindi ka ba nahihiya kahit na mapatay mo nga ako?”“Binubuhos ng leon ang lahat sa paghuli kahit na sa isang hamak na kuneho.” Ngumisi si Titus, hindi niya mamaliitin si Frank dahil sa pagyayabang niya. “Kilala ko kayong mga Lawrence, at hindi kami mananalo kung hind
“Hahaha!” Tumawa nang malakas si Tim habang dinala niya rin ang mga tao niya papasok ng hall. “Wag kang masyadong magyabang ngayong ganito lang karami ang nadala mo!”Bilang chief ng Riverton commerce guild, siya ang pinakamayaman kahit ikumpara siya sa lahat ng malalaking personalidad sa Riverton. Gustong-gusto niyang makuha ang utang na loob ni Frank, nagdala siya ng higit isang libong tao kabilang na ang sarili niyang mga tauhan at isang dosenang vigor wielder na inarkila niya mula sa black market. Talagang hindi siya nagtipid nang kahit kaunti!Doon rin pumasok si Kenny Sparks sa hall kasama ng hindi mabilang na apprentices ng Skyblade Dojo. Ang ekspresyon niya ay may nakamamatay na kaseryosohan habang nag-anunsyo siya, “Mr. Lawrence, dumating na ang Skyblade Dojo. Magiging kapareho ka na namin!”“Hoho, Mr. Lawrence. Nandito rin ang Flora Hall, pero sana maintindihan nito na hindi kami nakapagdala ng marami.” Dumating din si Dan Zimmer na tumawa nang pumasok siya sa hall sa tu
Hindi na nakakagulat ngayon na nananatiling kalmado at arogante si Frank—dumating siya nang handa. Natural na hindi alam ni Chaz o ni Neil kung paano nahulaan ni Frank ang plano nila at nalabanan ito. Isa itong tanong para kay Jaud na ayaw magpakilala. Nanlumo din sina Chaz at Neil—maging ang mga Lionheart ay hindi mananalo laban kay Frank, lalo na ngayong dinala niya ang pinagsamang lakas ng Riverton!At dahil maingat silang nagplano para lang patayin si Frank, wala sa kanila ang makakaligtas dito. Lalo na't hindi sila kayang protektahan ng mga Lionheart—lalo na ngayong hindi man lang matiyak ni Titus ang kaligtasan niya. At kung talagang intake ni Titus si Frank, hindi lang basta manonood ang mga kaibigan niya—ang bawat isang kakampi ng mga Lionheart, kabilang na mismo si Titus, ay mamamatay dito. “T-Titus! Pakiusap, takot na takot ako… Ayokong mamamatay! Hindi rito!” Humahagulgol si Wilbur na basa na ang pantalon. Kahit si Titus ay nanlumo—nakikita niya ang hukbong na
“Ano? Hindi ka ba titigil, Mr. Lawrence?”Kuminang nang mabangis ang mga mata ni Titus—talagang sumosobra na si Frank!“Binabalaan kita—kapag may nangyari sa'kin rito sa Riverton…” Tumawa siya nang malamig at tumingin sa paligid niya. “Wala rito ang makakaligtas!”Napangiwi ang mga makapangyarihang tao ng Riverton, ngunit dahan-dahang nagpatuloy si Frank papalapit sa kanya at tinitigan siya sa mata habang nagsabing, “Wala akong intensyong labanan ka—gudgo ko lang linawin ang isang bagay sa'yo.”“At ano naman yun?” Singhal no Titus. Naramdaman pa rin ng matalas na pakiramdam niya ang higit isang dosenang baril na nakatutok sa mukha niya. “Tungkol ito kay Vicky Turnbull,” sabi ni Frank.Muntik nang magwala si Titus sa sandaling iyon, sabay suminghal, “Ano, ipapahiya mo ba ako sa harapan ng lahat?”“Wala akong interes o atensyon para gawin yun.” Umiling si Frank. “Nangangako ako sa dangal ko na wala kaming ginagawang eskandaloso ni Vicky.”“Yun lang yun? Sa tingin mo maniniwala a
Lumapit si Hans kay Frank sabay sumenyas nang may naghahanap na mga mata. “Paano naman ang dalawang to, Mr. Lawrence?”Namumuhing ngumiti si Frank. “Mananatili silang peste kapag nanatili silang buhay, at walang dahilan para mabuhay pa ang Graves family….”Pagkatapos ay mapagmataas niyang tinignan si Neil na para bang isa siyang aso habang paulit-ulit na yumuko si Neil sa paanan niya. “Nakakadiri at taksil na basura. Ilista mo ang lahat ng krimen niya at ipadala mo ito sa mga Turnbull, pagkatapos ay patayin niyo siya.”“Sige, sir,” sagot ni Hans nang may saludo. Pagkatapos nito, lumapit ang dalawang sundalo at hinila si Neil papalayo kahit na nagmakaawa siya, “Pakiusap, Mr. Lawrence! Maawa ka! Naloko ako… Niloko ako ni Chaz! Pakiusap, hayaan mo kong mabuhay…”Sa kabilang banda, nakahiga si Chaz sa lapag. Tumatawa siya nang sobrang lakas kahit habang lumuluha na para bang nasiraan na siya ng bait. “Nagulat ako, Frank! Nagkamali ako… Hindi ko alam na marami kang kaibigan!”Haban
Nagpumilit si Gina, “Dalian mo na, Cindy! Hindi tayo pwedeng manatili sa Riverton… Hindi, hindi tayo pwedeng manatili sa bansang ito! Kailangan nating tumakas sa ibang bansa, at may dalawampung minuto lang tayo bago marating sa airport!”“Papunta na!” Sigaw ni Cindy habang dala ang isang tambak ng branded cosmetic products ni Helen palabas ng kwarto ni Helen at isinaksak ang lahat ng ito sa maleta. Nang nakita iyon ni Gina, kaagad niya siyang pinagalitan, “Oh, wag na yan, Cindy! Magkano ba ang cosmetic products na yan? Tara na!”“Nabili mo na ba ang plane tickets natin, Tita Gina?”“Oo—may ilang milyon pa akong ipon at sa mga kayamanang ito, magiging sapat pa ang pera natin para mabuhay sa ibang bansa.”Sa kabila ng sinabi niya, bakas sa mukha ni Gina ang kaba. Hindi sila nanatili sa Graves Mansion kanina at sa halip ay tumakas kasama ng mga bisita. Lalo na't base sa reaksyon ni Helen, alam ni Gina na hindi niya papakasalan si Chaz ngayon. At ngayong hindi natuloy ang kasal
Sumigaw si Jade, “Wag mong isiping pababayaan ka ng mga Lane ng Northstream bago ka umako ng responsibilidad para sa gulong ito! Ibibigay ka namin sa mga Graves at Lionheart para hindi nila isiping magkakampi tayo… Hindi, mula sa araw na'to, wala nang kinalaman ang Northstream Lanes sa Southstream Lanes!”“Ano?!” Sa gulat, muntik bumagsak si Gina! Maging ang mukha ni Cindy ay bumagsak, pero nagmadali siyang lumapit kay Jade nang may mapagpaumanhing ngiti. “Pakiusap, Tita Jade. Pamilya tayo, di ba? Hindi mo naman kailangang gawin to, di ba?”“Hah!” Ngumiti si Jade kay Cindy sa sandaling iyon. “Sinabi mo bang pamilya tayo, Cindy? Wala ka ba talagang kahihiyan? Pamilya ka lang ni Gina. Paanong naging pamilya kita? At saka, ayaw kong maugnay sa isang taong magnanakaw ng alahas ng bride sa araw ng kasal niya!”Walang katulad na balita ang isang masamang balita—bumagsak ang ekspresyon ni Cindy sa sumbat ni Jade. Hindi niya inakalang kumalat na pala ang balita ng pagnanakaw niya sa b