Sumigaw si Jade, “Wag mong isiping pababayaan ka ng mga Lane ng Northstream bago ka umako ng responsibilidad para sa gulong ito! Ibibigay ka namin sa mga Graves at Lionheart para hindi nila isiping magkakampi tayo… Hindi, mula sa araw na'to, wala nang kinalaman ang Northstream Lanes sa Southstream Lanes!”“Ano?!” Sa gulat, muntik bumagsak si Gina! Maging ang mukha ni Cindy ay bumagsak, pero nagmadali siyang lumapit kay Jade nang may mapagpaumanhing ngiti. “Pakiusap, Tita Jade. Pamilya tayo, di ba? Hindi mo naman kailangang gawin to, di ba?”“Hah!” Ngumiti si Jade kay Cindy sa sandaling iyon. “Sinabi mo bang pamilya tayo, Cindy? Wala ka ba talagang kahihiyan? Pamilya ka lang ni Gina. Paanong naging pamilya kita? At saka, ayaw kong maugnay sa isang taong magnanakaw ng alahas ng bride sa araw ng kasal niya!”Walang katulad na balita ang isang masamang balita—bumagsak ang ekspresyon ni Cindy sa sumbat ni Jade. Hindi niya inakalang kumalat na pala ang balita ng pagnanakaw niya sa b
Bayolenteng inagaw ng mga bodyguard ang mga maleta nina Gina at Cindy bago sila tinulak sa lapag at tinali. “Dalhin niyo sila!” Sigaw ni Jade, at dinala sila ng mga bodyguard. Pagkatapos, nanatili ang mga mata ni Jade sa mga maletang punong-puno ng alahas bago nag-utos na dalhin ang lahat ng ito papunta sa kanya. Natural na aangkinin niya ang lahat ng ito—ang galing talaga nina Gina at Cindy, ibinalot na nila ang lahat para sa kanya! -Makalipas ang isang oras, ligtas na nakauwi sa Lane Manor ang hindi mapakaling si Helen na inihatid ni Burt. Inisip niya ay nasa bahay si Gina dahil nakita niya ang kotseng binili niya para sa kanya sa labas, ngunit pagpasok niya sa pintuan ay natagpuan niyang magulo ang bahay. Hindi lang sina Gina at Cindy—wala ring mga katulong ang naroon. Nakaramdam ng masamang kutob si Helen—sa kabila ng sama ng loob niya kay Gina, nanay niya pa rin si Gina at kaagad na nag-alala si Helen para sa kaligtasan niya. “Ano to?” Bulong ni Burt habang dinam
Hindi nagtagal ay dumating ang Maybach ni Frank sa Lane Manor.Naging emosyonal si Frank habang pinagmasdan niya ang mansyon—ang huling beses na pumasok siya rito ay noong lamay ni Henry Lane.Nagdesisyon siya na patirahin na rin si Helen sa Skywater Bay kasama niya.Ibibigay niya kina Cindy at Gina ang mansyon kung alam nila kung saan sila lulugar at titigil na sila sa panggugulo sa kanya.Gayunpaman, tumunog ang phone niya noong pipindutin na niya ang doorbell.Isa itong number na hindi niya kilala, ngunit sinagot ito ni Frank ng walang pag-aalinlangan.“Nagulat akong buhay ka pa, Frank,” sabi ng isang sinauna ngunit makapangyarihang boses mula sa kabilang linya. Humigpit ang hawak ni Frank sa phone niya—nagdala ng lahat ng klase ng alaala ng nakaraan ang boses na iyon. Huminto siya sandali para pakalmahin ang sarili niya hanggang sa maaari, pagkatapos ay walang emosyon sumagot, “Mukha ngang nagulat ka.”“Hoho… May sama ka ng loob sa'kin ngayon, bata?”Para bang tumusok
Marespetong sumagot ang valet na nagngangalang Fenton, “Animnapu’t tatlong taon na, sir.”“At ang anak mo… Narinig ko maayos ang buhay niya sa Morhen?” Tanong ni Godwin. “Parang ganun na nga.” Tumango si Fenton habang tumawa. “Nabalitaan kong siya ang lider ng Martial Union o kung ano. Hindi talaga natin maiintindihan kung anong ginagawa ng mga kabataan ngayon.”Lumingon si Godwin sa valet at kaibigan niya nang nakangiti. “Buhay pa si Frank. May bisa pa rin ba ang pagkakasundo nila?”“Syempre, my lord. Magpapadala ako kaagad ng balita sa anak ko at papapuntahin ko siya ng Riverton para protektahan si Master agad-agad.”“Magaling.” Tumango si Godwin, ngunit hindi nagtagal ay umiling siya at bumuntong-hininga. “May panganib sa bawat isang sulok ng Draconia. Ang magagawa lang natin ay hintaying matauhan ang batang yun!”“Matalino siya sa edad niya. Tiyak na maiintindihan niya rin ang problema mo, sir.”Nagsasalita pa ang dalawang lalaki nang biglang pumasok ang isang nakaunipormen
Bumalik si Burt sa Lane Manor makalipas ang kalahating oras at sinabi kay Frank ang impormasyong mayroon siya. “Nahanap ko na sila. Sina Gina at Cindy Zonda ay parehong kinuha ng Southstream Lanes.”“Ang Southstream Lanes?” Nagtaka si Helen—hindi ba pamilya silang lahat? Bakit nila kukunin sina Gina at Cindy?Nang makitang hindi niya naintindihan kung anong nangyayari, nanatiling walang emosyon si Frank habang sinabi niyang, “Gusto nilang patunayang wala silang kinalaman sa'tin.”Habang sumama ang mukha ni Helen sa napagtanto niya, nagpatuloy si Frank. “Tara na. Kahit na hindi karapatdapat na ina si Gina, kamag-anak pa rin siya—sa ganun, hindi rin ako pwedeng magbulag-bulagan rito.”“Salamat, Frank.” Natural na natutukoy ni Helen na sasamahan niya siya para bawiin si Gina mula sa Southstream Lanes at sobra siyang nagpapasalamat. Walang katapusan ang pagsisisi niya—bakit hindi niya napansin na napakaperpekto pala ni Frank?-Pagkatapos magpaalam kay Burt, dinala ni Frank si He
Tinapos ni Gavin ang kwento, “Pero hindi mo kami nilapitan, at pinigilan kami ni Gina na lumapit sa'yo nang direkta. Iyon ang dahilan kung bakit nagkaganito ang lahat ngayon.”Doon lang naintindihan ni Helen kung bakit palagi siyang pinagbabawalan ni Gina na bisitahin si Mason dito sa mansyon ng Southstream Lanes. Patay na siya, at gustong angkinin ni Gina ang lahat ng mayroon siya noon!Maging ang mga plano niya para ibalik sa main family ang Northstream Lanes ay para lang sa layuning iyon!Bigla siyang nahilo at babagsak na sana siya sa lapag kung hindi siya sinalo ni Frank. Nang makitang bumibigay si Helen sa bigat ng sitwasyon, nagtanong siya, “Nasaan na si Gina ngayon?”“Frank Lawrence, tama?” Malinaw na walang pakialam si Gavin, at umiling siya kay Frank habang hindi niya pinansin ang tanong niya. “Hindi ko alam kung paano mo nagawang makatakas sa mga Graves at mga Lionheart, pero hindi kita hahayaang makaalis ngayong nandito ka na.”Kahit na ganun, sa isang tingin lang,
Natawa si Frank. “Kakaiba talaga ang panlasa mo, Jon.”Nasamid si Jon, ngunit tumawa rin siya nang malamig hindi nagtagal. “Kung ganun, tinatanggap mo ang pustahan? Magaling!” Sabi ni Jon habang pumapalakpak. “Magiging testigo ang pamilya ko—kapag hindi talaga napaatras ni Frank si Titus Lionheart, siya ang kakain ng tae ng mga aso ko!”“Hahaha! Wag kang magpanggap na matapang, Frank!” Suminghal si Luna. “Sikat si Jon sa matibay na determinasyon niya… Pero gusto ko ring makitang kumain ka ng tae!”“Frank, dapat ay maging mas mapagpakumbaba ka.” Wala ring nasabi si Gavin sa pagyayabang ni Frank. Halos hindi maprotektahan nina Frank at Helen ang mga sarili nila ngayon, pero nagpunta pa rin sila rito para iligtas si Gina?Hindi, hindi lang iyon—talagang nagawa ni Frank na magsabi ng ganitong kasinungalingan? Tanga ba ang tingin niya sa kanila at papaniwalaan nila ang mga malabong kwento niya?Nagsimulang kamuhian ni Gavin si Frank dahil dito—pakiramdam niya ay iniinsulto ni Frank
Nagpatuloy si Helen sa paglalakad palapit kay Gina at kinagalitan niya siya, “Paano si Dad? Lagi mong sinasabi sa’kin na iniwan ka niya at namumuhay siya ng parang isang hari dito!”“Ahh…” Bumuntong hininga si Gina sa inis, alam niya na lumabas na ang katotohanan. “Aksidente ang nangyari. H-Hindi ko intensyon na saktan siya.”“Sige, kung hindi mo sinadya ‘yun, anong binabalak mong gawin sa mga ari-arian niya?!” Suminghal si Helen, halos mabasag ang mga ngipin niya sa sobrang gigil. “Bakit mo ako pinipigilan na makausap si Uncle Gavin at ang ibang miyembro ng pamilya natin pero determinado ka na pabalikin nila tayong mga Northstream Lane?!”“Ano… Uh…”Hindi makatingin ng diretso sa kanya si Gina—may palusot siya sa kahit anong bagay ngunit hindi sa tanong na ito dahil kasama nila ngayon ang mga taong may kinalaman dito!Nang wala na siyang ibang pagpipilian, nagsimula siyang magalit upang baguhin ang usapan. “Hayy, Helen! Hindi mo ba alam na pinatay mo tayong lahat? Hindi lang tayo
Ang mga babae ay nakaramdam ng paghamak kay Winter habang hindi nila alam kung saan sila dapat mag-intern.Nang marinig ni Frank ang kanilang pag-uusap, nakita siya ni Jessica at nag-double take. "Hey, hindi ba't kapatid ni Winter 'yan?"Gayunpaman, hindi nagtagal ay siya'y nagbiro. "Talagang ginawa mo ang lahat para lang makakuha ng trabaho ang kapatid mo!""Oo nga, ipinadala mo siya na parang regalo sa kama ng isang matandang lalaki… Wala nang hihigit pa sa iyong tiyaga."Ang pang-aasar ay nag-iwan kay Frank na nalilito, bagaman agad niyang napagtanto na nagkamali sila ng pagkakaintindi habang patuloy silang nagkukwentuhan.Si Winter ay talagang may kakayahang maging pinuno ng Zamri Hospital—sa katunayan, sapat na sapat ang kanyang kasanayan sa medisina, at hindi niya kailangang gumamit ng anumang hindi kanais-nais na paraan.Habang nanatiling nagdududa ang mga babae sa kabila ng mga sinabi ni Frank, hinila lang sila ni Frank para makita si Winter upang siya na mismo ang magsab
May isa lamang porsyentong tsansa si Gus na mabuhay, pero may isang bagong graduate na inakalang kasintahan ni Gene na nagtagumpay sa tsansang iyon?!Grabe, kaya na ngang makipag-usap ng lalaki ngayon!Pakiramdam ni Paco na parang gumuho ang kanyang mundo, na parang ang mga dekadang kaalaman niya sa medisina ay walang halaga sa ilang mga bata.Sa paligid niya, ang kanyang mga katulong ay nakatitig sa gulat.Hindi nagawa ni Paco! Ano ang nagbigay sa kanilang dalawa ng karapatan na magtagumpay?Posible bang mas magaling pa ang kanilang mga kasanayan sa medisina kaysa kay Paco kahit na mas kulang sila sa karanasan?"Alam mo ba ang pangalan na Frank Lawrence?"Si Gus ay sumagot kay Winter at Jean Zims, kahit na nakapikit pa rin ang kanyang mga mata."Frank Lawrence?"Nagpalitan ng tingin sina Winter at Jean."Siya ang kapatid ko," sagot ni Winter."Siya ang aking mentor," sabay na sinabi ni Jean.Tumango si Gus at huminga ng malalim. "Kung ganun siya nga talaga ‘yun… Muli niya
"Oh! Dumating sila para kay Winter." Ngumiti ang katulong."Siguro balak nilang hingin sa kanya ang internship, dahil bagong talagang siyang pinuno ng ospital natin at lahat."Pumihit si Paco kay Winter noon din, ang kanyang titig malamig habang malamig na sumagot, "Ano bang akala mo sa ospital namin?! Hindi ito lugar para sa mga batang nagmamadaling umakyat sa ranggo. Lumayas ka dito!""Ano? Humihingi ba kami ng pahintulot na manatili?" Tina ay nagmaktol sa paghamak at lumingon muli upang umalis matapos magbigay ng malamig na titig kay Winter."Sandali…"Sinubukan ni Winter na magsalita, pero sobrang pagod niya mula sa operasyon na halos hindi siya makapagbigkas ng isang pantig.Patuloy na nagalit si Paco sa kanya noon, "Sabi ko, chief, sapat na ang binigay mong gulo sa akin para sa isang araw, kaya ipaalam mo sa utak mo—ospital ito, hindi lugar para kay Gene Pearce na magtago ng mga kalaguyo!"Pagkatapos, itinuturo si Gus Zeller sa trolley bed, sumigaw si Paco, "Tingnan mo ang
"Phew…"Matapos ang mahigit apat na oras na operasyon, bumagsak si Winter sa isang upuan, ang kanyang mga kamay ay puno ng dugo."Okay ka lang ba, Winter?" tanong ni Jean habang pinupunasan ang pawis sa noo ni Winter.Umiling si Winter. "Ang laki ng pagkadismaya ko…""Oo nga…" buntong-hininga ni Jean, nilingon ang lalaki sa surgical table na kakatatapos lang operahan, habang nilingon siya at si Winter. "Okay lang—ginawa mo ang lahat ng makakaya mo.""Alam ko." Nagsalita si Winter nang may lungkot.Di nagtagal, si Gus Zeller ay inilipat sa isang wheel bed at itinulak palabas ng silid ng operasyon."Hahaha! Ang sakit na nito… Tingnan mo lang ang mukha niya, parang nabigo siya.""Hehe. Mga batang mayabang, sabi ko sa'yo. Ayos lang, isang tagapaglingkod ng Soranos ang namatay sa kanilang surgical table… talagang magagalit ang mga Sorano.""Eh, hindi naman kasalanan natin 'yan. Abangan na lang natin kung paano ito magiging."Nagkunot-noo si Winter nang marinig niya ang mga tao, pe
At kapag nalaman ng mga Sorano na babae ni Gene Pearce ang nag-opera sa kanilang retainer, mas mabilis na babagsak si Winter.Ito ang patibong na inihanda ni Paco para kay Winter—katapusan na niya, gawin man niya ito o hindi.Ngumisi siya, dahil naniniwala siya na imposible para kay Winter na mailigtas ang buhay ni Gus Zeller.Bago dumating si Winter, sinuri na niya si Gus—bali-bali ang mga buto sa buong katawan niya at naputol ang isang braso niya, habang dumudugo naman ang mga organs niya.Maging ang pagtibok ng puso niya ay lubhang napakahina.Para kay Paco, kahit na marami na siyang karanasan, dinaig pa ni Gus yung nasagasaan ng tren.Isa siyang patay na naglalakad, at hindi magiging maganda ang mga bagay para sa sinumang tatanggap sa kaso niya.At nagkataon namang magagamit ito ni Paco laban sa bago niyang chief, na kasisimula pa lang ng kanyang unang araw sa trabaho.“Gaano man kakakaiba ang sitwasyon, ang pagliligtas sa buhay ng pasyente ang prayoridad natin,” sabi ni Wi
Bagaman nangangahulugan iyon na hindi kayang hawakan ni Winter ang mga komplikadong kaso at hindi niya kayang linangin ang mga pill, ang kanyang kaalaman sa mga acupoint, masahe, at kasanayan sa acupuncture ay kayang hawakan ang karamihan sa lahat, kahit na hindi ito kasing epektibo ng kay Frank.Pagkatapos ng lahat, ang mga tao tulad ni Frank na nagmaster sa parehong martial arts at medisina ay isang pambihira.Sa kabilang banda, nagulat si Paco na kinuha ni Winter ang scalpel nang walang kaalam-alam, ngunit hindi nagtagal ay tumatawa na siya kasama ang kanyang mga katulong.Ang surgical wing ay isang lugar ng kaseryosohan, at sinisira nila ito."Sandali, chief." Ngumisi si Paco habang lumalapit kay Winter."Hindi ko naman sinasadyang maliitin ka, pero kakagraduate mo lang sa unibersidad at hindi ka pa nakapag-internship. Ito ang unang beses mong humawak ng scalpel, tama ba?"Tumango si Winter nang mahinahon at hindi nagalit."Pfft…"Pinigilan ni Paco ang pagtawa, habang ang kany
Pareho nang higit-kumulang na napagtanto nina Vicky at Helen na ang pagpapanatili ng spiritron vein ay hindi naman talaga mabuti para sa kanila, lalo na't nagdudulot ito ng walang katapusang mga problema.Ang pagkaligaw sa oras ay, mula sa isang pananaw, ang matalinong hakbang.Naiintindihan ni Frank kung ano ang iniisip ni Silverbell.Tanging isang malaking organisasyon tulad ng Martial Alliance at ang kanilang mga tagasuporta ang may lakas na mapanatili ito—ang pagbibigay kay Frank sa kanyang kasalukuyang estado ay makakasama sa kanya sa halip."Ano ang gagawin natin ngayon, Frank?" tanong ni Vicky nang may pag-aalala."Umupo at huwag gumawa ng kahit ano," sabi ni Frank matapos mag-isip ng matagal tungkol dito, lumingon sa pagitan nina Vicky at Helen."Kung may makakahanap ng eksaktong lokasyon ng spiritron vein, problema na nila iyon at hindi natin. Ang lungsod ng Zamri ay gulo na dahil sa spiritron vein, kaya hindi pa panahon para tayo ang magpakita. Sa puntong ito, ang pinakama
Samantala, sa isang conference room sa tuktok ng Lanecorp Tower, nakasimangot sina Vicky at Helen.Pagkatapos ng lahat, pareho silang may mga espada na nakatutok sa kanilang mga makikinis na leeg."Ano'ng ginagawa mo, Silverbell?!" sigaw ni Helen."Heh. Nagulat ako... may isang malapit na tao na nakapagpalusot sa akin." Tumatawa si Vicky, pero ang kanyang mga mata ay kumikislap ng malamig."Pasensya na, ladies," si Silverbell ay nakadamit ng puti tulad ng dati, hawak ang kanyang espada sa isang kamay at isang nagniningning na alahas na kahawig ng isang anting-anting sa kanyang kabila.Iyon ang spiritron vein na binanggit ni Helen sa phone.Nang bumalik sila, Vicky, at Silverbell sa Lanecorp Tower, isang grupo ng mga lalaking nakasuot ng itim na nag-aabang ang sumugod sa kanila.At nang kinuha ng mga lalaking nakasuot ng itim ang spiritron vein at ibinigay ito kay Silverbell, napagtanto nina Vicky at Helen na sila ay niloko.Kahit na siya ang kaibigan ni Frank mula pagkabata at l
Sa isip na iyon, tumingin si Frank pataas at sumigaw, "Sir, wala sa akin ang spiritron vein, pero alam ko kung nasaan ito. Hinihiling ko ang iyong pag-unawa bilang aking senior na bigyan ako ng pabor na palayain ang aking pamilya, at dadalhin kita kung nasaan ito!"Tumahimik ang paligid ng sirang templo sa mga salita ni Frank, habang nag-iisip ang taong nagkukubli sa mga anino.Di nagtagal, muling nagsalita ang kanyang matandang boses."Sige. Dahil isa kang tao ng mga prinsipyo, may tiwala ako sa iyo."Lumabas siya mula sa mga anino, isang matandang lalaki na may kulay-abong buhok at may bakal na maskara na tumatakip sa kalahati ng kanyang mukha ang naglakad palabas.Ang kanyang ekspresyon ay malamig, at may dala siyang kwintas ng mga butil ng dasal sa isang kamay.Tumigil ang tibok ng puso ni Frank nang makita niya siya—ang nakakatakot na presyon na ipinapakita ng lalaking iyon ay malinaw na nagpapakita na siya ay Transcendentrank!Hindi niya maiwasang maalala ang sinabi sa kanya ni