Hindi nagtagal ay dumating ang Maybach ni Frank sa Lane Manor.Naging emosyonal si Frank habang pinagmasdan niya ang mansyon—ang huling beses na pumasok siya rito ay noong lamay ni Henry Lane.Nagdesisyon siya na patirahin na rin si Helen sa Skywater Bay kasama niya.Ibibigay niya kina Cindy at Gina ang mansyon kung alam nila kung saan sila lulugar at titigil na sila sa panggugulo sa kanya.Gayunpaman, tumunog ang phone niya noong pipindutin na niya ang doorbell.Isa itong number na hindi niya kilala, ngunit sinagot ito ni Frank ng walang pag-aalinlangan.“Nagulat akong buhay ka pa, Frank,” sabi ng isang sinauna ngunit makapangyarihang boses mula sa kabilang linya. Humigpit ang hawak ni Frank sa phone niya—nagdala ng lahat ng klase ng alaala ng nakaraan ang boses na iyon. Huminto siya sandali para pakalmahin ang sarili niya hanggang sa maaari, pagkatapos ay walang emosyon sumagot, “Mukha ngang nagulat ka.”“Hoho… May sama ka ng loob sa'kin ngayon, bata?”Para bang tumusok
Marespetong sumagot ang valet na nagngangalang Fenton, “Animnapu’t tatlong taon na, sir.”“At ang anak mo… Narinig ko maayos ang buhay niya sa Morhen?” Tanong ni Godwin. “Parang ganun na nga.” Tumango si Fenton habang tumawa. “Nabalitaan kong siya ang lider ng Martial Union o kung ano. Hindi talaga natin maiintindihan kung anong ginagawa ng mga kabataan ngayon.”Lumingon si Godwin sa valet at kaibigan niya nang nakangiti. “Buhay pa si Frank. May bisa pa rin ba ang pagkakasundo nila?”“Syempre, my lord. Magpapadala ako kaagad ng balita sa anak ko at papapuntahin ko siya ng Riverton para protektahan si Master agad-agad.”“Magaling.” Tumango si Godwin, ngunit hindi nagtagal ay umiling siya at bumuntong-hininga. “May panganib sa bawat isang sulok ng Draconia. Ang magagawa lang natin ay hintaying matauhan ang batang yun!”“Matalino siya sa edad niya. Tiyak na maiintindihan niya rin ang problema mo, sir.”Nagsasalita pa ang dalawang lalaki nang biglang pumasok ang isang nakaunipormen
Bumalik si Burt sa Lane Manor makalipas ang kalahating oras at sinabi kay Frank ang impormasyong mayroon siya. “Nahanap ko na sila. Sina Gina at Cindy Zonda ay parehong kinuha ng Southstream Lanes.”“Ang Southstream Lanes?” Nagtaka si Helen—hindi ba pamilya silang lahat? Bakit nila kukunin sina Gina at Cindy?Nang makitang hindi niya naintindihan kung anong nangyayari, nanatiling walang emosyon si Frank habang sinabi niyang, “Gusto nilang patunayang wala silang kinalaman sa'tin.”Habang sumama ang mukha ni Helen sa napagtanto niya, nagpatuloy si Frank. “Tara na. Kahit na hindi karapatdapat na ina si Gina, kamag-anak pa rin siya—sa ganun, hindi rin ako pwedeng magbulag-bulagan rito.”“Salamat, Frank.” Natural na natutukoy ni Helen na sasamahan niya siya para bawiin si Gina mula sa Southstream Lanes at sobra siyang nagpapasalamat. Walang katapusan ang pagsisisi niya—bakit hindi niya napansin na napakaperpekto pala ni Frank?-Pagkatapos magpaalam kay Burt, dinala ni Frank si He
Tinapos ni Gavin ang kwento, “Pero hindi mo kami nilapitan, at pinigilan kami ni Gina na lumapit sa'yo nang direkta. Iyon ang dahilan kung bakit nagkaganito ang lahat ngayon.”Doon lang naintindihan ni Helen kung bakit palagi siyang pinagbabawalan ni Gina na bisitahin si Mason dito sa mansyon ng Southstream Lanes. Patay na siya, at gustong angkinin ni Gina ang lahat ng mayroon siya noon!Maging ang mga plano niya para ibalik sa main family ang Northstream Lanes ay para lang sa layuning iyon!Bigla siyang nahilo at babagsak na sana siya sa lapag kung hindi siya sinalo ni Frank. Nang makitang bumibigay si Helen sa bigat ng sitwasyon, nagtanong siya, “Nasaan na si Gina ngayon?”“Frank Lawrence, tama?” Malinaw na walang pakialam si Gavin, at umiling siya kay Frank habang hindi niya pinansin ang tanong niya. “Hindi ko alam kung paano mo nagawang makatakas sa mga Graves at mga Lionheart, pero hindi kita hahayaang makaalis ngayong nandito ka na.”Kahit na ganun, sa isang tingin lang,
Natawa si Frank. “Kakaiba talaga ang panlasa mo, Jon.”Nasamid si Jon, ngunit tumawa rin siya nang malamig hindi nagtagal. “Kung ganun, tinatanggap mo ang pustahan? Magaling!” Sabi ni Jon habang pumapalakpak. “Magiging testigo ang pamilya ko—kapag hindi talaga napaatras ni Frank si Titus Lionheart, siya ang kakain ng tae ng mga aso ko!”“Hahaha! Wag kang magpanggap na matapang, Frank!” Suminghal si Luna. “Sikat si Jon sa matibay na determinasyon niya… Pero gusto ko ring makitang kumain ka ng tae!”“Frank, dapat ay maging mas mapagpakumbaba ka.” Wala ring nasabi si Gavin sa pagyayabang ni Frank. Halos hindi maprotektahan nina Frank at Helen ang mga sarili nila ngayon, pero nagpunta pa rin sila rito para iligtas si Gina?Hindi, hindi lang iyon—talagang nagawa ni Frank na magsabi ng ganitong kasinungalingan? Tanga ba ang tingin niya sa kanila at papaniwalaan nila ang mga malabong kwento niya?Nagsimulang kamuhian ni Gavin si Frank dahil dito—pakiramdam niya ay iniinsulto ni Frank
Nagpatuloy si Helen sa paglalakad palapit kay Gina at kinagalitan niya siya, “Paano si Dad? Lagi mong sinasabi sa’kin na iniwan ka niya at namumuhay siya ng parang isang hari dito!”“Ahh…” Bumuntong hininga si Gina sa inis, alam niya na lumabas na ang katotohanan. “Aksidente ang nangyari. H-Hindi ko intensyon na saktan siya.”“Sige, kung hindi mo sinadya ‘yun, anong binabalak mong gawin sa mga ari-arian niya?!” Suminghal si Helen, halos mabasag ang mga ngipin niya sa sobrang gigil. “Bakit mo ako pinipigilan na makausap si Uncle Gavin at ang ibang miyembro ng pamilya natin pero determinado ka na pabalikin nila tayong mga Northstream Lane?!”“Ano… Uh…”Hindi makatingin ng diretso sa kanya si Gina—may palusot siya sa kahit anong bagay ngunit hindi sa tanong na ito dahil kasama nila ngayon ang mga taong may kinalaman dito!Nang wala na siyang ibang pagpipilian, nagsimula siyang magalit upang baguhin ang usapan. “Hayy, Helen! Hindi mo ba alam na pinatay mo tayong lahat? Hindi lang tayo
Hindi nag-alinlangan si Helen. “Pasensya na." Pinili niya na magtiwala kay Frank anuman ang mangyari at tumanggi siya kahit na gaano pa karisonable ang mga Southstream Lane, si Gina, o si Cindy.Noong sandaling iyon, tanging si Frank lang ang maaasahan niya.Pumunta siya sa tabi ni Frank, sinalubong niya ang nagtatakang tingin ng mga Southstream Lane gamit ang kanyang girlboss poise. “Sinabi niyong lahat na umalis si Roth upang makipagkita sa mga Graves at mga Lionheart, at babalik siya maya-maya lang. Kung ganun, pwede nating hintayin na makabalik siya, at tingnan natin kung nagsisinungaling ba ang asawa ko.”"Kung sakaling nagsisinungaling siya, luluhod ako at hihingi ng tawad ng walang reklamo!”Tumingin si Helen kay Frank.Nang makita ni Frank na nagtitiwala na sa kanya si Helen ngayon, pinisil niya ang kanyang kamay upang mapanatag ang kanyang loob. “Huwag kang mag-alala. Hinding-hindi ako magsisinungaling sayo." Kampante siyang nginitian ni Helen."Nababaliw ka na ba, H
”Ano?!" Nagulat ang mga Southstream Lane sa mga sinabi ni Roth, at habang nag-iisip sila kung ano talaga ang ibig sabihin niya, nagtanong si Gavin, “Anong ibig mong sabihin, Roth…?”Yung totoo, duda siya at inudyukan niya ang anak niya na magbigay ng mas marami pang detalye.Nang makita niya na nahihirapan ang pamilya niya na intindihin ang sinabi niya, inayos ni Roth ang kanyang salamin habang nagsasalita siya ng diretso sa pagkakataong ito, “Ang Four Families ng Southstream ay tatlo na lang ngayon. Pinatay ang lahat ng tatlumpu’t dalawang miyembro ng Graves family—walang natirang buhay sa kanila.”Nagulat ang mga Southstream Lane sa mga sinabi ni Roth.“Pinatay? Lahat sila?!* Sigaw ni Gavin, bago siya lumingon kay Frank ng naninigas at nang makita niya na nanatiling kalmado si Frank sa kabila ng balita…Para bang alam na niya ito.Hinablot ni Gavin ang kolyar ni Roth, at sumigaw siya, "Pero paano ang mga Lionheart o si Titus?!”"Huminahon ka, Dad.” Inayos ni Roth wng salamin