”Ano?!" Nagulat ang mga Southstream Lane sa mga sinabi ni Roth, at habang nag-iisip sila kung ano talaga ang ibig sabihin niya, nagtanong si Gavin, “Anong ibig mong sabihin, Roth…?”Yung totoo, duda siya at inudyukan niya ang anak niya na magbigay ng mas marami pang detalye.Nang makita niya na nahihirapan ang pamilya niya na intindihin ang sinabi niya, inayos ni Roth ang kanyang salamin habang nagsasalita siya ng diretso sa pagkakataong ito, “Ang Four Families ng Southstream ay tatlo na lang ngayon. Pinatay ang lahat ng tatlumpu’t dalawang miyembro ng Graves family—walang natirang buhay sa kanila.”Nagulat ang mga Southstream Lane sa mga sinabi ni Roth.“Pinatay? Lahat sila?!* Sigaw ni Gavin, bago siya lumingon kay Frank ng naninigas at nang makita niya na nanatiling kalmado si Frank sa kabila ng balita…Para bang alam na niya ito.Hinablot ni Gavin ang kolyar ni Roth, at sumigaw siya, "Pero paano ang mga Lionheart o si Titus?!”"Huminahon ka, Dad.” Inayos ni Roth wng salamin
Alam ni Roth na kapag nagalit ng pamilya niya ang isang halimaw na gaya ni Frank, matutulad sila sa mga Graves!Napalunok siya habang nakatingin sa kanya ang pamilya niya, takang-taka sila. Lumapit siya sa tatay niya at bumulong, “Dad, mas nakakatakot pa ang lalaking ‘yan kaysa sa inaakala mo!" Muntik nang mahimatay si Gavin noong sinabi sa kanya ni Roth ang lahat ng gjnawa ni Frank sa Graves Mansion.Totoo ang lahat ng ‘yun?!Gayunpaman, siguradong hindi nila nakikita kung anong kapangyarihan ang posibleng sumusuporta kay Frank, nagyabang pa sila na naging maunawain sila sa hindi pagpatay kay Frank. Sa kabila ng lahat ng ginawa nila, isang malaking himala kung hahayaan silang mabuhay ni Frank!Thud!Lumuhod din si Gavin. "Mr. Lawrence! Naging bulag ako, pinagdudahan ko ang mga salita mo at ang kapangyarihan mo! Nararapat lang na maparusahan ako! Kami, ang mga Southstream Lane, ay mga bulag at mga hangal!”Si Gavin ang ikalawang namumunong awtoridad sa pamilya. Natural, ang pag
At ngayon, nang marinig ni Jade na banggitin ni Frank ang pustahan nila ni Jon, alam niya na wala siyang takas.Lumingon siya kay Gavin alang-alang sa kapakanan ng kanyang anak na lalaki, at sumigaw siya, “Please! Kailangan may gawin ka!”Kapag namatay si Jon sa pagkain ng tae ng aso, ang pamilya nila ang magiging katatawanan ng buong Southstream!Ayaw din ni Gavin na mamatay ng miserable ang pinakabata niyang anak na lalaki at tumingin siya ng nakikiusap kay Frank. “Please, Mr. Lawrence. Noon pa man ay maloko na talaga ang anak ko—nagbibiro lang siya para pasayahin ang mga bagay. Please maunawaan mo sana…”Pagkatapos, sinampal niya si Jon sa harap ng lahat dahil sa kalokohan niya, at sumigaw siya, “Humingi ka ng tawad kay Mr. Lawrence!”Natauhan si Jon dahil sa pagsampal sa kanya ni Gavin, at agad siyang yumuko sa harap ni Frank. “Nagbibiro lang ako, Mr. Lawrence! Hindi ko intensyon na insultuhin ka…”“Talaga?” Humarap si Frank kay Luna, na nakaluhod at nanginginig. “May nagsabi
Pagkaraan ng isang oras, tinanggihan ni Frank ang imbitasyon ng mga Southstream Lane na manatili upang maghapunan at umuwi siya kasama si Helen, si Cindy, at si Gina.Isa itong napakasayang lakad. Kahit na tinanggihan ni Frank ang mga pagtatangka nila Roth na bigyan siya ng pera, nagawa ng mga Southstream Lane na makuha ang loob ni Frank sa pamamagitan ni Helen.Sumumpa si Gavin na mag-iinvest siya sa Lane Holdings at tutulungan niya ang paglago ng negosyo ni Helen habang ibinibigay sa kanya ng buo ang mga ari-arian ng yumaong si Mason.Habang si Jon naman, pinilit siya ng sarili niyang kapatid na si Roth na tuparin ang pustahan nila ni Frank, kahit na mas gumaan ang parusa niya, dahil kailangan na lamang niyang halikan ang pwet ng mga aso niya.Umiiyak siya ngunit wala siyang pagpipilian kundi gawin ito, at nagmadali siyang hugasan ang kanyang bibig at magsipilyo noong tapos na siya.Pagkaraan ng ilang araw, isang grupo na pinadala ng mga Southstream Lane ang dumating at iniuwi a
Base sa sinabi ni Frank, malinaw na kilala ng matandang lalaki si Frank at si Helen.At sapat na ang pagkakakilala ni Helen kay Frank para malaman niya na may alitan sa pagitan ni Frank at ng matanda.Pagkatapos ay sumilip si Helen sa helicopter sa di kalayuan. Malinaw na matagal nang nakalapag dun ang helicopter, kung hindi ay hindi ito makakatawag ng atensyon ng napakaraming tao.“Sir,” sabi ni Helen. “Please huwag kang magalit kay Frank. Alam kong matagal kang naghintay, kaya bakit hindi muna kayo umupo sa loob?”“Oh, maganda ang asal mo. Maganda ‘yun.” Ngumiti si Fenton.Subalit, bago siya makapasok, tumayo si Frank sa pagitan niya at ng mga pinto. “Hindi, hindi mo kailangang pumasok. Sabihin mo kung ano ang kailangan mong sabihin dito at umalis ka na.”Sumimangot si Helen sa kawalan ng galang ni Frank.Subalit, naalala din niya na hindi si Frank yung tipo ng tao na mambabastos ng matatanda.At kung nagpapakita ng kawalan ng galang si Frank, hindi siya dapat mangialam at hi
Nagmadaling lumapit sa kanila si Gina noong sandaling iyon, puno ng pananabik ang ekspresyon niya. "Tingnan mo, Helen! Ang ruby na ‘to… Mas maganda ang kulay nito kaysa sa lahat ng mga brilyanteng nakita ko sa expo! Diyos ko, magkano kaya ‘to mabebenta—”"Mom!” Sumigaw sa galit si Helen. "Pwede bang huwag mong pakialaman ang isang bagay na ganito kahalaga? Ibabalik natin ‘yan!”"Ano?! Hindi!” Nagulat si Gina, niyakap niya ang kahon habang pinagmamasdan niya si Helen. "Nasa kahon ang pangalan mo, kaya malinaw na para sayo ‘to! Bakit mo ito ibabalik?!”Umiling si Helen. “Masyado ito mamahalin. Hindi ko ito matatanggap.”Inirapan ni Gina si Helen. "Regalo ‘to ng isang tao! Paano mo ‘to nagagawang tanggihan?!”Hindi niya ito ibabalik anuman ang mangyari!Sumang-ayon si Cindy. "Kunin mo na ‘to, Helen. Isa itong regalo mula sa pamilya ni Mr. Lawrence, hiling nila na maging masaya ang pagsasama niyo.”Sa halip ay humarap si Helen kay Frank. "Ibalik mo na lang ‘to. Hindi ko gustong magk
Nang makita niya na nakahanda nang tumakbo si Frank upang habulin si Winter, pumunta si Vicky sa gilid at pinigilan niya si Frank.Pagkatapos, pinalaki niya ang makinis niyang dibdib, at nagpatuloy siya sa pagtatanong kay Frank.Noong sandaling iyon, isang humihikab na Helen ang lumabas suot ang kanyang pajama. “Sino ‘yan, Frank?”Gayunpaman, agad siyang naalerto nang makita niya si Vicky sa may pinto, nagtagpo ang mga mata nila ng may delikado at pumuputok na kuryente.“No way!” Nagngitngit sa galit si Vicky.“Yes way.” Pinalaki ni Helen ang kanyang dibdib at mayabang siyang ngumiti.“Hindi ako naniniwala sayo!” Sumigaw si Vicky, bagaman mukha siyang malungkot.“Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan!” Nakapamewang si Helen habang nakatayo siya sa tabi ni Frank at nagmamataas.Hinihingal sa galit si Vicky at nakatingin siya ng masama kay Helen. “Hindi ko inasahan na gagawin mo ‘yan, Helen—inaamin ko ‘yun!”“Masyado mo akong pinupuri.” Ngumiti ng matagumpay si Helen habang na
Sumigaw si Mona, “Hintayin mo ako, Winter…”Nang maglaho ang boses niya sa malayo, tumingin ng malamig sila Helen at Vicky kay Frank.“Isa siyang martial elite na nakilala ko sa Southdam. Kinuha ko siya bilang bodyguard ni Winter,” sagot ni Frank.“Sinong bodyguard…? Teka, nakaalis na ba ang lahat?” Nagtanong si Kiki habang palabas siya ng kwarto niya.Nangingitim ang ilalim ng mga mata niya, at magulo ang buhok niya—malinaw na hindi siya gaanong nakatulog kagabi.Napanganga si Helen nang magpakita si Kiki bago siya lumingon kay Frank ng hindi makapaniwala.Inihanda niya ang sarili niya habang nagpapaliwanag siya, “Siya si Kiki Moss. Nandito siya dahil nagtatago siya mula sa mga Sorano.”“Hello, ako si Kiki!” Nagpakita ng isang propesyonal na ngiti si Kiki kay Helen.Nanatiling tahimik si Helen bago siya nagtanong, “Gaano karaming babae ba ang nakatira dito, Frank?”“Siya na yung huli,” agad na siniguro sa kanya ni Frank.Subalit, biglang lumabas si Frida Blue mula sa kwarto