Pagkaraan ng isang oras, tinanggihan ni Frank ang imbitasyon ng mga Southstream Lane na manatili upang maghapunan at umuwi siya kasama si Helen, si Cindy, at si Gina.Isa itong napakasayang lakad. Kahit na tinanggihan ni Frank ang mga pagtatangka nila Roth na bigyan siya ng pera, nagawa ng mga Southstream Lane na makuha ang loob ni Frank sa pamamagitan ni Helen.Sumumpa si Gavin na mag-iinvest siya sa Lane Holdings at tutulungan niya ang paglago ng negosyo ni Helen habang ibinibigay sa kanya ng buo ang mga ari-arian ng yumaong si Mason.Habang si Jon naman, pinilit siya ng sarili niyang kapatid na si Roth na tuparin ang pustahan nila ni Frank, kahit na mas gumaan ang parusa niya, dahil kailangan na lamang niyang halikan ang pwet ng mga aso niya.Umiiyak siya ngunit wala siyang pagpipilian kundi gawin ito, at nagmadali siyang hugasan ang kanyang bibig at magsipilyo noong tapos na siya.Pagkaraan ng ilang araw, isang grupo na pinadala ng mga Southstream Lane ang dumating at iniuwi a
Base sa sinabi ni Frank, malinaw na kilala ng matandang lalaki si Frank at si Helen.At sapat na ang pagkakakilala ni Helen kay Frank para malaman niya na may alitan sa pagitan ni Frank at ng matanda.Pagkatapos ay sumilip si Helen sa helicopter sa di kalayuan. Malinaw na matagal nang nakalapag dun ang helicopter, kung hindi ay hindi ito makakatawag ng atensyon ng napakaraming tao.“Sir,” sabi ni Helen. “Please huwag kang magalit kay Frank. Alam kong matagal kang naghintay, kaya bakit hindi muna kayo umupo sa loob?”“Oh, maganda ang asal mo. Maganda ‘yun.” Ngumiti si Fenton.Subalit, bago siya makapasok, tumayo si Frank sa pagitan niya at ng mga pinto. “Hindi, hindi mo kailangang pumasok. Sabihin mo kung ano ang kailangan mong sabihin dito at umalis ka na.”Sumimangot si Helen sa kawalan ng galang ni Frank.Subalit, naalala din niya na hindi si Frank yung tipo ng tao na mambabastos ng matatanda.At kung nagpapakita ng kawalan ng galang si Frank, hindi siya dapat mangialam at hi
Nagmadaling lumapit sa kanila si Gina noong sandaling iyon, puno ng pananabik ang ekspresyon niya. "Tingnan mo, Helen! Ang ruby na ‘to… Mas maganda ang kulay nito kaysa sa lahat ng mga brilyanteng nakita ko sa expo! Diyos ko, magkano kaya ‘to mabebenta—”"Mom!” Sumigaw sa galit si Helen. "Pwede bang huwag mong pakialaman ang isang bagay na ganito kahalaga? Ibabalik natin ‘yan!”"Ano?! Hindi!” Nagulat si Gina, niyakap niya ang kahon habang pinagmamasdan niya si Helen. "Nasa kahon ang pangalan mo, kaya malinaw na para sayo ‘to! Bakit mo ito ibabalik?!”Umiling si Helen. “Masyado ito mamahalin. Hindi ko ito matatanggap.”Inirapan ni Gina si Helen. "Regalo ‘to ng isang tao! Paano mo ‘to nagagawang tanggihan?!”Hindi niya ito ibabalik anuman ang mangyari!Sumang-ayon si Cindy. "Kunin mo na ‘to, Helen. Isa itong regalo mula sa pamilya ni Mr. Lawrence, hiling nila na maging masaya ang pagsasama niyo.”Sa halip ay humarap si Helen kay Frank. "Ibalik mo na lang ‘to. Hindi ko gustong magk
Nang makita niya na nakahanda nang tumakbo si Frank upang habulin si Winter, pumunta si Vicky sa gilid at pinigilan niya si Frank.Pagkatapos, pinalaki niya ang makinis niyang dibdib, at nagpatuloy siya sa pagtatanong kay Frank.Noong sandaling iyon, isang humihikab na Helen ang lumabas suot ang kanyang pajama. “Sino ‘yan, Frank?”Gayunpaman, agad siyang naalerto nang makita niya si Vicky sa may pinto, nagtagpo ang mga mata nila ng may delikado at pumuputok na kuryente.“No way!” Nagngitngit sa galit si Vicky.“Yes way.” Pinalaki ni Helen ang kanyang dibdib at mayabang siyang ngumiti.“Hindi ako naniniwala sayo!” Sumigaw si Vicky, bagaman mukha siyang malungkot.“Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan!” Nakapamewang si Helen habang nakatayo siya sa tabi ni Frank at nagmamataas.Hinihingal sa galit si Vicky at nakatingin siya ng masama kay Helen. “Hindi ko inasahan na gagawin mo ‘yan, Helen—inaamin ko ‘yun!”“Masyado mo akong pinupuri.” Ngumiti ng matagumpay si Helen habang na
Sumigaw si Mona, “Hintayin mo ako, Winter…”Nang maglaho ang boses niya sa malayo, tumingin ng malamig sila Helen at Vicky kay Frank.“Isa siyang martial elite na nakilala ko sa Southdam. Kinuha ko siya bilang bodyguard ni Winter,” sagot ni Frank.“Sinong bodyguard…? Teka, nakaalis na ba ang lahat?” Nagtanong si Kiki habang palabas siya ng kwarto niya.Nangingitim ang ilalim ng mga mata niya, at magulo ang buhok niya—malinaw na hindi siya gaanong nakatulog kagabi.Napanganga si Helen nang magpakita si Kiki bago siya lumingon kay Frank ng hindi makapaniwala.Inihanda niya ang sarili niya habang nagpapaliwanag siya, “Siya si Kiki Moss. Nandito siya dahil nagtatago siya mula sa mga Sorano.”“Hello, ako si Kiki!” Nagpakita ng isang propesyonal na ngiti si Kiki kay Helen.Nanatiling tahimik si Helen bago siya nagtanong, “Gaano karaming babae ba ang nakatira dito, Frank?”“Siya na yung huli,” agad na siniguro sa kanya ni Frank.Subalit, biglang lumabas si Frida Blue mula sa kwarto
Nagtaas ng kilay si Vicky, malinaw ang ibig niyang sabihin. Mahina naman na sagot ni Frank, “Siya nga pala, tinulungan ko si Bravo Lambert na makuha ang parte ng lupa ng kanyang gang sa inupahan ng mga Salazar. Nagtayo ang mga Salazar ng pabrika doon, at ang kanilang mga makinarya para sa paggawa ng gamot ay nandoon pa rin.” “Talaga?” Kuminam ang mga mata ni Vicky. “Eksakto, matapos natin mabawi ang lupa, inupahan ko ang pabrika kay Bravo, kaya ang gagawin ko ay—” “Aha! Tulad ng inaasahan ko sa head ng aking pharmaceutical research.” Hindi siya pinatapos ni Vicky. “Ano? Magkano naman ang hinihingi ni Bravo? Kukunin ko ang lahat.” sabi nito, sabay kindat. “May makukuha kang dalawampung porsyento na kita mula dito.”“Hindi,” umiling si Frank. “Balak kong ibenta ang pabrika kay Helen at sa Lane Holdings.”“Ano?!” Napatayo si Vicky bago bumuntong hininga sa pagkadismaya. “Ganun pala—Kuha ko na. May gagawin pa ako, kaya mauuna na ako.”Nahuli siya ni Frank sa braso bago pa man
Tumango si Helen. “Sang-ayon ako. Mas pipiliin ko na hindi magipit si Frank.”At doon, ang dalawang girlboss ng Riverton ay pinaghatiaan ang pabrika na nakuha ni Frank mula sa mga Salazar. Ang iba pang detalye ay nakasalalay na sa dalawang ito—wala naman na itong kinalaman kay Frank. -Pagsapit ng tanghali, nakaupo si Randall Young sa kanyang jewelry store sa may Square Street ng Riverton, habang hawak ang kanyang magnifying glass habang sinusuri niya ang isang matingkad na ruby. Makalipas ang mahabang sandali, bumuntong hininga ito ng mahaba at itinabi ang magnifying glass. Pagkatapos, tiningna niya ang babae na nasa harapan niya, sabay nilinis ang kanyang lalamunan. “Ang kintab at itsura nito ay mairarango na pinaka maganda sa lahat—isa itong ruby na nababagay para sa isang maharlika ng Talnam. Kaya naman, pwede mo bang sabihin kung saan mo ito nakuha. Natural lang na si Cindy ang nakatayo sa harapan ni Randall. Dinala niya kay Randall ang ruby na pinadala ni Fenton,
Pagtatapos ni Cindy, “Mapagkakatiwalaan mo si Randall Young kahit na hindi kayo maniwala sa akin, tama, Tita Gina?”“Frank Lawrence!” Sigaw ni Gina sa mga sandaling iyon. “Nagsinungaling ka sa akin! Akala ko naman ay nagbago ka na, ngunit niloloko mo lang pala ako gamit ng isang bolang kristal! Hindi, kailangan ko siyang pigilan na makuha si Helen ng ganito. Kakausapin ko siya tungkol dito. Pwede niya akong patayin sa harapan ni Helen kung gusto niya!”Pagkatapos ng pagwawala niya, binaba ni Gina ang telepono, sabay ngumiti ng masama si Cindy at pinasa kay Randall ang ruby. “500 milyon kung ganun!”-Kinahapunan, sa wakas ay nagkasundo na sila Frank, Vicky, at Helen tungkol sa pabrika. Ngunit bago pa man siya makahinga ng maluwag, bigla naman tumunog ang kanyang phone. ‘Hello?” Tanong ni Frank, at narinig niya ang paghingal mula sa kabilang linya. ‘Hello?!” pagdidiin niya, nialaksan naman niya ngayon ang kanyang boses. Sa wakas ay sumagot si Mona sa sandaling iyon. “Frank