Nagtaas ng kilay si Vicky, malinaw ang ibig niyang sabihin. Mahina naman na sagot ni Frank, “Siya nga pala, tinulungan ko si Bravo Lambert na makuha ang parte ng lupa ng kanyang gang sa inupahan ng mga Salazar. Nagtayo ang mga Salazar ng pabrika doon, at ang kanilang mga makinarya para sa paggawa ng gamot ay nandoon pa rin.” “Talaga?” Kuminam ang mga mata ni Vicky. “Eksakto, matapos natin mabawi ang lupa, inupahan ko ang pabrika kay Bravo, kaya ang gagawin ko ay—” “Aha! Tulad ng inaasahan ko sa head ng aking pharmaceutical research.” Hindi siya pinatapos ni Vicky. “Ano? Magkano naman ang hinihingi ni Bravo? Kukunin ko ang lahat.” sabi nito, sabay kindat. “May makukuha kang dalawampung porsyento na kita mula dito.”“Hindi,” umiling si Frank. “Balak kong ibenta ang pabrika kay Helen at sa Lane Holdings.”“Ano?!” Napatayo si Vicky bago bumuntong hininga sa pagkadismaya. “Ganun pala—Kuha ko na. May gagawin pa ako, kaya mauuna na ako.”Nahuli siya ni Frank sa braso bago pa man
Tumango si Helen. “Sang-ayon ako. Mas pipiliin ko na hindi magipit si Frank.”At doon, ang dalawang girlboss ng Riverton ay pinaghatiaan ang pabrika na nakuha ni Frank mula sa mga Salazar. Ang iba pang detalye ay nakasalalay na sa dalawang ito—wala naman na itong kinalaman kay Frank. -Pagsapit ng tanghali, nakaupo si Randall Young sa kanyang jewelry store sa may Square Street ng Riverton, habang hawak ang kanyang magnifying glass habang sinusuri niya ang isang matingkad na ruby. Makalipas ang mahabang sandali, bumuntong hininga ito ng mahaba at itinabi ang magnifying glass. Pagkatapos, tiningna niya ang babae na nasa harapan niya, sabay nilinis ang kanyang lalamunan. “Ang kintab at itsura nito ay mairarango na pinaka maganda sa lahat—isa itong ruby na nababagay para sa isang maharlika ng Talnam. Kaya naman, pwede mo bang sabihin kung saan mo ito nakuha. Natural lang na si Cindy ang nakatayo sa harapan ni Randall. Dinala niya kay Randall ang ruby na pinadala ni Fenton,
Pagtatapos ni Cindy, “Mapagkakatiwalaan mo si Randall Young kahit na hindi kayo maniwala sa akin, tama, Tita Gina?”“Frank Lawrence!” Sigaw ni Gina sa mga sandaling iyon. “Nagsinungaling ka sa akin! Akala ko naman ay nagbago ka na, ngunit niloloko mo lang pala ako gamit ng isang bolang kristal! Hindi, kailangan ko siyang pigilan na makuha si Helen ng ganito. Kakausapin ko siya tungkol dito. Pwede niya akong patayin sa harapan ni Helen kung gusto niya!”Pagkatapos ng pagwawala niya, binaba ni Gina ang telepono, sabay ngumiti ng masama si Cindy at pinasa kay Randall ang ruby. “500 milyon kung ganun!”-Kinahapunan, sa wakas ay nagkasundo na sila Frank, Vicky, at Helen tungkol sa pabrika. Ngunit bago pa man siya makahinga ng maluwag, bigla naman tumunog ang kanyang phone. ‘Hello?” Tanong ni Frank, at narinig niya ang paghingal mula sa kabilang linya. ‘Hello?!” pagdidiin niya, nialaksan naman niya ngayon ang kanyang boses. Sa wakas ay sumagot si Mona sa sandaling iyon. “Frank
Mabilis na nagmaneho si Frank papuntang Riverton University, at nakarating sa loob ng labinlimang minuto na kadalasan ay inaabot ng kalahating oras. Naningkit ang kanyang mga mata at kaagad na nakita ang ambulansya sa may tarangkahan, at nakaramdam ng masamang pangitain. Tumakbo siya papunta dito at nahanap niya ang mga paramediko na ginagamot ang ilang mga estudyante, bawat isa sa mga ito ay duguan ang mga mukha. Mabuti na lang, wala siyang kilala sa mga ito. Pagkatapos, ng naglalakad na siya papunta sa gusali, isang babae ang biglang lumitaw at humarang sa kanyang daanan. “Hoy, tigil! Hinarangan na ng mga pulis ang lugar—walang pwedeng pumasok sa loob!”Pareho silang nabigla nang makita nila ang isa-t isa, dahil ang babae ay walang ibha kungt hindi ang matalik na kaibigan ni Winter, si Jean Zims. “Frank?!” Mukhang nabigla ito. “Anong nangyari dito, Jean?!” Tanong ni Frank, pinipigilan ang nararamdaman nitong taranta hangga’t makakaya niya. “Hindi ko rin alam—may isang
Isang binata na nakasuot ng puting amerikana at malinaw na mayaman habang tumatawa sa harapan ng gusali. “Hahaha! Lumabas ka na, maganda, kung hindi ay masusunog ka ng buhay!”Hawak pa rin nito ang tanglaw na ginamit na pansindi sa gasolina na binuhos sa paligid ng gusali. Makikita sa mga mata nito ang mabangis na kasabikan habang pinapanood ang ang lumalagablab na apoy, at nagsimula pang bumukol ang lugar sa pagitan ng kanyang mga binti!-Samantala, hila-hila ni Mona si Winter habang tumatakbo sila papunta ng ika-limang palapag, saka nagtago sa isang abandonadong classroom at umuubo ng malakas dahil sa usok sa paligid nila. “Iwan mo na ako, Mona! Tumakbo ka na!” Tinulak ni Winter si Mona, sinusubukan na patakasin ito ng mag-isa. Walang duda na magagawang makatakas ni Mona mula sa mga lalaking nakaitim kapag mag-isa lang ito. Alam ni Winter na nanatili lang si Mona sa loob ng gusali ng dahil sa kanya. Sa kabilang banda naman, nanggagalaiti naman si Mona habang naghahabol ng h
Bumagsak na ang hagdan sa loob ng building at walang pwedeng maakyat doon. Tinawid ni Frank ang handrail na naiwan roon nang may liksi ng isang unggoy at tumalon sa fifth floor sa loob lang ng kalahating minuto. “Mona! Winter!” sigaw niya habang nagpakawala ng purong vigor para hawiin ang makapal na usok. “Frank! Nandito kami!” Isang mahinang sigaw mula kay Mona ang narinig mula sa lecture hall sa dulo ng hallway. Sumugod si Frank papunta roon at tumakbo sa pader para talunan ang pader ng apoy, sabay mabilis na hinila sina Mona at Winter sa mga bisig niya. Habang walang malay si Winter, kinakabahang tumingala si Mona sa kanya.” Hindi kami makalabas. Nasusunog ang hagdan!”“Kumapit ka lang nang mahigpit!” Sigaw ni Frank. Nang naipon nag vigor sa meridian nexus niya, nagpakawala siya ng malakas na bugso ng purong vigor mula sa palad niya, na humiwa sa dagat ng apoy sa harapan niya at pinadilim ang pader sa likod nito. Bang!Sa labas ng campus gates, tumingala si Jean at n
Nagtaka lang si Frank sa akusasyon ni Maron. “Pinatay sina Bocek at Quinn?”“Ano, di mo alam?” Huminto si Maron bago tumawa. “Hindi ba masyado nang huli para magpanggap lang inosente?”Kumunot ang noo ni Frank. “Hindi ko sila pinatay.”“Oh, so sinasabi mong aksidente silang nadulas habang naglalakad, tapos bam—namatay sila.” Gumawa ng tunog si Maron habang sumenyas siya sa leeg niya at natawa. “Hindi ko alam kung anong binabalak ng sect nito. Kahit na ganun, inosente ako at may testigo rito,” sabi ni Frank, sabay lumingon kay Mona. Tumango si Mona—naroon siya nang nilabanan ni Frank si Bocek. “Hindi niya pinatay si Bocek Ocean o ang anak niyang si Quinn. Pinakawalan niya sila at nakita ko yun gamit ng sarili kong mga mata.”“Ganun ba. Nagkamali lang pala ako ng akala.” Seryosong tumango si Maron bago ngumisi kay Frank. “O iniisip mo talagang maniniwala ako sa kalokohang yan?”Habang kinawayan sila, suminghal siya. “Hindi na mahalaga yun sa ngayon—kalaban ka ng Sage Lake Sect a
Nanlaki ang mga mata ni Maron. “Ano?! Masyadong puro ang vigor ng hayop na'to!”Bago pa siya nakakibo, sumayaw si Frank nang parang isang dragon at kumilos nang sobrang bilis na nag-iwan siya ng mga anino sa likod niya. Tumalon siya papunta sa mga lalaking naka-itim at hindi nagtagal ay narinig ang mga sigaw at sampal habang lumipad ang mga sandata at mga bahagi ng katawan sa ere. At habang lalong lumaban si Frank, mas lalo naman siyang gumaling. Bumagsak ang lahat ng mga lalaking naka-itim sa loob ng limang minuto at tumayo si Frank sa gitna nila. Nang sinuntok ni Frank ang mukha ng huling lalaki, pinalipad niya ito at pinagulong sa paanan ni Maron. Mula rito, sila Maron at Frank na lang ang naiwang nakatayo habang tinitigan nang masama ni Frank si Maron. “Yun lang ang dala mo? Mga mahihinang gumagamit ng vigor?”“Oh, hindi ako umaasang may magagawa sila sa'yo…” ngumiti si Maron. “Binigyan nila ako ng sapat na oras. Tignan mo kasi, tinuturuan kita ng leksyon dito, Frank La