Isang binata na nakasuot ng puting amerikana at malinaw na mayaman habang tumatawa sa harapan ng gusali. “Hahaha! Lumabas ka na, maganda, kung hindi ay masusunog ka ng buhay!”Hawak pa rin nito ang tanglaw na ginamit na pansindi sa gasolina na binuhos sa paligid ng gusali. Makikita sa mga mata nito ang mabangis na kasabikan habang pinapanood ang ang lumalagablab na apoy, at nagsimula pang bumukol ang lugar sa pagitan ng kanyang mga binti!-Samantala, hila-hila ni Mona si Winter habang tumatakbo sila papunta ng ika-limang palapag, saka nagtago sa isang abandonadong classroom at umuubo ng malakas dahil sa usok sa paligid nila. “Iwan mo na ako, Mona! Tumakbo ka na!” Tinulak ni Winter si Mona, sinusubukan na patakasin ito ng mag-isa. Walang duda na magagawang makatakas ni Mona mula sa mga lalaking nakaitim kapag mag-isa lang ito. Alam ni Winter na nanatili lang si Mona sa loob ng gusali ng dahil sa kanya. Sa kabilang banda naman, nanggagalaiti naman si Mona habang naghahabol ng h
Bumagsak na ang hagdan sa loob ng building at walang pwedeng maakyat doon. Tinawid ni Frank ang handrail na naiwan roon nang may liksi ng isang unggoy at tumalon sa fifth floor sa loob lang ng kalahating minuto. “Mona! Winter!” sigaw niya habang nagpakawala ng purong vigor para hawiin ang makapal na usok. “Frank! Nandito kami!” Isang mahinang sigaw mula kay Mona ang narinig mula sa lecture hall sa dulo ng hallway. Sumugod si Frank papunta roon at tumakbo sa pader para talunan ang pader ng apoy, sabay mabilis na hinila sina Mona at Winter sa mga bisig niya. Habang walang malay si Winter, kinakabahang tumingala si Mona sa kanya.” Hindi kami makalabas. Nasusunog ang hagdan!”“Kumapit ka lang nang mahigpit!” Sigaw ni Frank. Nang naipon nag vigor sa meridian nexus niya, nagpakawala siya ng malakas na bugso ng purong vigor mula sa palad niya, na humiwa sa dagat ng apoy sa harapan niya at pinadilim ang pader sa likod nito. Bang!Sa labas ng campus gates, tumingala si Jean at n
Nagtaka lang si Frank sa akusasyon ni Maron. “Pinatay sina Bocek at Quinn?”“Ano, di mo alam?” Huminto si Maron bago tumawa. “Hindi ba masyado nang huli para magpanggap lang inosente?”Kumunot ang noo ni Frank. “Hindi ko sila pinatay.”“Oh, so sinasabi mong aksidente silang nadulas habang naglalakad, tapos bam—namatay sila.” Gumawa ng tunog si Maron habang sumenyas siya sa leeg niya at natawa. “Hindi ko alam kung anong binabalak ng sect nito. Kahit na ganun, inosente ako at may testigo rito,” sabi ni Frank, sabay lumingon kay Mona. Tumango si Mona—naroon siya nang nilabanan ni Frank si Bocek. “Hindi niya pinatay si Bocek Ocean o ang anak niyang si Quinn. Pinakawalan niya sila at nakita ko yun gamit ng sarili kong mga mata.”“Ganun ba. Nagkamali lang pala ako ng akala.” Seryosong tumango si Maron bago ngumisi kay Frank. “O iniisip mo talagang maniniwala ako sa kalokohang yan?”Habang kinawayan sila, suminghal siya. “Hindi na mahalaga yun sa ngayon—kalaban ka ng Sage Lake Sect a
Nanlaki ang mga mata ni Maron. “Ano?! Masyadong puro ang vigor ng hayop na'to!”Bago pa siya nakakibo, sumayaw si Frank nang parang isang dragon at kumilos nang sobrang bilis na nag-iwan siya ng mga anino sa likod niya. Tumalon siya papunta sa mga lalaking naka-itim at hindi nagtagal ay narinig ang mga sigaw at sampal habang lumipad ang mga sandata at mga bahagi ng katawan sa ere. At habang lalong lumaban si Frank, mas lalo naman siyang gumaling. Bumagsak ang lahat ng mga lalaking naka-itim sa loob ng limang minuto at tumayo si Frank sa gitna nila. Nang sinuntok ni Frank ang mukha ng huling lalaki, pinalipad niya ito at pinagulong sa paanan ni Maron. Mula rito, sila Maron at Frank na lang ang naiwang nakatayo habang tinitigan nang masama ni Frank si Maron. “Yun lang ang dala mo? Mga mahihinang gumagamit ng vigor?”“Oh, hindi ako umaasang may magagawa sila sa'yo…” ngumiti si Maron. “Binigyan nila ako ng sapat na oras. Tignan mo kasi, tinuturuan kita ng leksyon dito, Frank La
Sabi ni Carol, “Oh, kung ganun mabuti naman… Siya nga pala, alam mo ba kung uuwi sina Winter at Mona para maghapunan?”“Hindi,” sagot ni Frank habang ginagawa ang lahat para manatiling kalmado sa kabila ng takot niya. “Ang totoo, wala sa'min ang uuwi ngayong gabi, pero uuwi kami bukas ng gabi.”“Oh, sige. Mag-ingat ka kasama ng mga dalaga, Frank.”“Sige, wag kang mag-alala.”Binaba ni Frank ang tawag pagkatapos pagaanin ang loob ni Carol, ngunit isa na namang tawag ang dumating. Ngayon naman ay si Bravo. “Mr. Lawrence… Dumating ang mga Salazar at kinuha sina Ms. Lane at Ms. Turnbull! Ginawa namin ang makakaya namin para lumaban, pero nakatakas sila! Patawad, ako—”“Hindi, ayos lang. Hindi mo to kasalanan,” pinagaan ni Frank ang loob ni Bravo kahit lumubog ang puso niya sa sandaling iyon. Nang binaba niya ang tawag, hindi na maitatago ang mga galit na galit na mata niya. “Donald Salazar!” sumigaw siya nang nagngingitngit ang ngipin. “Binigyan kita ng pagakakataon! Talagang su
Nag-utos ang boses sa headset niya sa wikang Talnamese. “Sundan mo siya, at alamin mo kung saan niya nakuha ang ruby na yun.”“Opo, sir,” sumagot ang lalaki habang tumayo siya. Wala siyang emosyon nang sinundan niya si Cindy na masayang-masaya. -Sa gabing iyon, nagpaalam si Janet sa mga kasamahan niya sa Flora Hall, pinatay ang mga ilaw, at handa nang umuwi. Nang dinampot niya ang bag niya, napansin niya ang isang mapayat na anyong tumumba sa madilim na pader. “Ano?” Lumapit si Janet at nakita niyang nababalot ng sugat ang babae. Nagpatong-patong ang mga sugat niya habang nagkapunit-punit ang mga damit niya. “Hello? Hoy!” Lumapit si Janet at marahang tinapik ang pisngi niya. “Frank… Frank Lawrence…” biglang bumulong ang babae. “Frank Lawrence?” Bulalas ni Janet sa gulat at lumapit para makinig sa mahinang bulong ng babae. Pero walang duda—sinabi niya ang pangalang Frank Lawrence. “Hindi kaya siya ang girlfriend ni Frank?!” mabilis na kumilos si Janet at tinawag ang
Ang babae ay si Quinn Ocean. Kahit na ganun, nagtaka si Frank kahit na nakahinga siya nang maluwag—malinaw niyang naaalalang hinayaan niyang mabuhay sina Quinn at ang ama niyang si Bocek. Kahit wala ang vigor at meridian nexus niya, meron pa rin siyang martial arts. Kung ganun, anong nagdala sa kanya sa bingit ng kantahan? Ang Sage Lake Sect?Patuloy na gumawa ng teorya si Frank, ngunit walang magagawa ang panghuhula. Sa halip, lumingon siya sa mga aligagang manggagamot sa paligid ni Quinn at kumunot ang noo nang nagsabing, “Padaan. Iwan niyo siya sa'kin.”Lumapit si Janet at nagtanong, “Kilala mo ba siya, Frank?”“Oo,” pinadaloy ni Frank ang vigor niya papunta sa mga daliri niya at mabilis tinapik ang iba't ibang acupoints niya nang walang hinto.Hindi nagtagal, umubo siya ng namuong dugo. “Karayom!” Sigaw ni Frank habang nakaunat ang kamay kay Janet. “Oh… Sige!” Mabilis na tumakbo si Janet para kumuha ng isang kahon ng sterilisadong karayom. Whoosh.Kumuha si Frank
Napaisip si Frank habang tinitigan niya si Quinn sa mga mata, pero sa huli ay umiling siya. “Mukhang huli na ang lahat. Sa tingin ko wala nang makakapagpaliwanag kay Maron Ocean, at hindi na magbabago ang isip ng Sage Lake Sect kahit bumalik ka.”Huminto siya, pagkatapos ay nagpatuloy, “Higit pa roon, wala ka nang halaga sa Sage Lake Sect pagkatapos mamatay ng tatay mo. Sa halip na maghiganti sa mga Salazar kagaya ng sabi mo, papatayin na lang ako ni Mason para mas makinabang dito.”Namutla ang mukha ni Quinn sa paliwanag ni Frank. Lalo na't alam niyang totoo ang sinabi ni Frank. Sa sandaling nasira ang meridian nexus ni Bocek, alam nila ni Quinn na wala nang lugar para sa kanila sa Sage Lake Sect. Gusto nilang bumalik para lang maglikom ng kakampi at gamitin ang reputasyon nila para bawiin ang kahit anong yamang mayroon sila bago sila umalis. Ngayong patay na si Bocek, wala na ang kahit anong impluwensyang mayroon sila. Wala nang mangyayari kahit bumalik ngayon si Quinn—