Umiling si Quinn. “Wag kang mag-aalala sa'kin. Pwede nila akong patayin kung gusto nila.”Nagulat si Frank na makita siyang magmatigas. “Sige. Sakay,” sabi niya at naiwang nanonood habang nagpaika-ika siya papunta sa kotse niya at nahirapang sumakay. Malinaw na kahit gamit ang milagrosong Ichor Pill, hindi sapat ang isang gabi para tuluyang gumaling si Quinn—pinatigil lang nito ang mga sugat niya sa paglala. Ang totoo, mabubuksan muli ang mga sugat niya kapag kumilos siya, at dumugo si Quinn mula sa hita niya kahit umupo siya sa harapan. Tahimik siya sa buong biyahe habang nakatitig sa harapan. Biglang tumunog ang phone ni Frank sa isang tawag mula kay Janet Zimmer. “Frank… Nakita mo ba yung babae kagabi? Wala na siya nang magising ako ngayong umaga! Malala pa ang mga sugat niya at hindi pa naaayos ang mga buto niya. Natatakot akong…”“Wag kang mag-alala.” Tahimik na sabi ni Frank nang narinig niya ang pag-aalala sa boses ni Janet habang tumingin siya sa nanginginig na mga
Ang technique na tinutukoy niya ay ang Needles of Nine Animus. Pinalabas ni Frank ang purong vigor niya, pinaikot ito sa acupoint needles bilang mga malinaw na hibla pagkatapos itong linisin. Pagkatapos, tinutukan niya ang acupoint ni Quinn. Tinuon niya ang lahat ng atensyon niya sa epidermis habang dahan-dahan niyang tinusok ang isang karayom sa tiyan niya. “Ahhh…” Umungol si Quinn sa paraang mababaliw ang kahit na sino. “Kumapit ka lang,” sabi ni Frank sa kanya at pambihirang pinagpawisan sa noo niya. Hindi pa niya nagamit ang acupuncture technique na ito noon dahil nabasa niya lang ito sa isang libro mula sa ipinagbabawal na bahagi ng Mystic Sky Sect. Nagpapabilis ng paggaling ang acupuncture technique na ito kahit gaano pa katindi ang sugat. Habang hindi ito kapani-paniwala, hindi ito isang technique na nagpapagaling ng lahat ng sugat at sakit. Sa halip, isa itong radikal na technique na ginagamit sa mahahalagang sitwasyon dahil sinusunog nito ang potensyal at vigor lim
Hindi lumingon si Frank nang lumabas siya ng hotel, ngunit sumalubong sa kanya ang isang malaking grupo ng mga taong nagtitipon sa labas. May mga lalaki at babae roon at lahat sila ay tumango sa pag-unawa nang nakita nila si Frank. Lumapit ang dalawang lalaki sa sandaling iyon at nagsabing, “Ang galing mo, pare!”“Oo nga. Pwede mo ba kaming bigyan ng rekomendasyon?”Nasamid si Frank, at pagkatapos lang ng ilang sandali ay doon niya lang napansin kung anong ibig sabihin ng dalawang lalaki. Hindi masyadong malaki ang hotel at manipis ang mga pader—narinig siguro ang boses ni Quinn sa buong gusali. “Mag-iwan ka naman ng number, pogi.” Hinarang pa nga si Frank sa daan niya palabas ng dalawang babaeng nakatapis lang ng tuwalya habang kumikindat. “Pasensya na, hindi ako interesado.”Nilampasan sila ni Frank, pero hinabol siya ng dalawang lalaki. “Sige na, pare! Anong sikreto mo? Sabihin mo sa'min…”Habang nasa kwarto pa rin, naiwang nakatulala si Quinn sa mga dugo sa kama, at n
Wala nang mas madali pa kaysa sa pag-iwas ni Quinn sa mga gwardiya at pumuslit papasok sa bahay ni Dahok. Naghiwalay sila ni Frank dahil kukunin niya ang atensyon ng mga lider ng Sage Lake Sect. Naglakad siya papunta sa mountain gates at kaagad na nakita ang karatulang may pangalang ‘Sage Lake Sect' na nakaukit dito—talagang nakakamangha ang mga sektang ilang daang taon nang nakatayo. Sumama ang mukha ng mga apprentice na nakabantay at sumigaw nang nakita nila si Frank, “Sinong nandiyan?!”“Si Frank Lawrence ng Riverton.”Bumagsak ang ekspresyon ng mga apprentice sa sandaling sumagot si Frank at pinalibutan nila siua habang tumakbo ang isa sa kanila para mag-ulat. Hindi nagtagal, lumabas sina Maron Ocean at isang grupo ng mga Elder ng Sage Lake Sect at tumayo sa taas ng hagdan habang tinignan si Frank nang may pangmamata. Nakasuot pa rin si Maron ng puting suit. Pumalakpak siya nang nakita niya si Frank. “Di na masama. Ang tapang mong pumunta mo rito para mamatay.”Sumama
“Bibigyan kita ng pagakakataon ngayon,” sumbat ni Frank kay Maron at ibinalik ang banta niya sa kanya. “Pakawalan mo sila, o mamamatay ka!”Bumagsak ang ekspresyon nina Elder Huxley at Elder Randel sa banta ni Frank, ngunit mukhang kalmado lang si Maron. Para bang inasahan niyang aatake si Frank at gagawin siyang hostage kaya hindi siya nanlaban. Ang totoo, mukha pa nga siyang kuntento bilang hostage ni Frank. “Wag kayong kikilos!” sigaw niya kina Elder Huxley at Elder Randel habang handa silang iligtas siya bago lumingon kay Frank at ngumiti. “Sige lang, gawin mo. Patayin mo ako!”“Ano?” Natulala si Frank na walang kinakatakutan si Maron. “Oh, wag kang masyadong magulat.” Tumawa si Maron. “Patayin mo ko ngayon din kung may tapang ka, Frank Lawrence—pero kailangan mo tong pag-isipan: wala sa mga babae mo ang makakalabas nang buhay kapag ginawa mo yun. Kung yun ang gusto mo, gawin mo.”Kampante si Maron na aatras si Frank—kahit na kayang durugin ni Frank ang leeg niya kagaya
Walang katapusan ang kayabangan ni Maron, malinaw na sinasabi niya ang lahat ng masasabi niya para galitin si Frank. “Nagkataong mayroon akong bisita mula sa Morhen, pero paano ko ba sasabihin ito? Hindi namin kayang magalit siya.”Bumuntong-hininga si Maron at umiling nang dramatiko habang naglakad siya paikot kay Frank. “Napakaganda niya, pero masyado siyang makapangyarihan. Papatayin niya lang ako kapag pinilit ko ang sarili ko sa kanya—kaya kailangan ko ng kampeong walang kinakatakutan, at isang taong walang kinalaman sa Sage Lake Sect para pabagsakin siya. Pero hindi ko siya gustong saktan, gusto ko lang siyang mawalan ng depensa—mawalan ng malay sana.”“Pagkatapos nun, ako nang bahala sa lahat,” pagtatapos niya, sabay tinapik ang balikat at pisngi ni Frank. “Umaasa ako sa'yo, Mr. Lawrence! Kapag nagawa mo yun, pa…”Napahinto si Maron habang nagbago ang isip niya. “Sandali, sayang naman kung pakakawalan ko nang ganun kadali ang isang martial elite na kagaya mo—may limang host
May ere si Silverbell ng isang dalisay na diyosa, kasing puti ng niyebe ang kutis niya, at nanatili ang mga kamay niya sa hita niya habang tinitigan niyang maigi si Maron. “Kung tama ang alaala ko, ang chief dapat ng sect mo ang kikitain ko, Mr. Maron. O baka wala siyang pakialam sa disposisyon ko bilang chief ng Martial Alliance, na magpapaliwanag sa kawalan niya?”Matalim ang mga salita niya sa kanila ng dalisay na itsura niya. Kasing lamig ng tagsibol ang boses niya at nanigas ang mukha ni Maron kahit na pinilit niyang ngumiti. “Hindi totoo yan, Lady Silverbell. Palaging napag-iisa ang tatay ko sa bahay niya araw-araw, pero nasaktan siya kamakailan at nagpapagaling. Ibinigay niya rin ang mga gawain niya sa'kin—”“Kung ganun, sa ibang araw na lang ako babalik.” Tumayo si Silverbell sa sandaling iyon at handa nang umalis. Mabilis siyang pinigilan ni Maron at mapagpaumanhing ngumiti. “Pakiusap, Lady Silverbell. Hindi ibig sabihin nito ay wala kaming kahit na anong kampeon para ku
"Hahaha…"Tumatawa si Maron habang papalapit siya, sabay inakbayan si Frank. “Lady Silverbell, ito ang kaibigan ko, si Frank Lawrence.”“Frank Lawrence…?! Hindi, imposible yan.”Humina sandali ang malamig na mga mata ni Silverbell na nagpakita ng pagtataka at pag-alala. Gayunpaman, nagtagal lang ito ng isang sandali habang nanatili siyang kalmado at itinapon ang mga kaisipang iyon. Nagpunta siya sa East Draconia para kay Frank Lawrence—o Donn Lawrence, sa ibang salita. Si Donn ang anak ni Godwin Lawrence, ang Lord of the Southern Woods. Sinabihan si Silverbell na nakahanap ng tagumpay si Donn sa Riverton at kailangan niyang maglakbay dito para makita siya… para linawin ang lahat at tapusin ang engagement na pinagdesisyunan para sa kanila ng mga magulang nila simula noong mga bata pa sila. Para naman sa lalaking nasa harapan niya… Kahit na pareho sila ng pangalan, hindi dapat nandito sa Southdam si Frank, lalo na ang masangkot sa Sage Lake Sect. Lalo na't ang Sage Lake Sect a