Sabi ni Carol, “Oh, kung ganun mabuti naman… Siya nga pala, alam mo ba kung uuwi sina Winter at Mona para maghapunan?”“Hindi,” sagot ni Frank habang ginagawa ang lahat para manatiling kalmado sa kabila ng takot niya. “Ang totoo, wala sa'min ang uuwi ngayong gabi, pero uuwi kami bukas ng gabi.”“Oh, sige. Mag-ingat ka kasama ng mga dalaga, Frank.”“Sige, wag kang mag-alala.”Binaba ni Frank ang tawag pagkatapos pagaanin ang loob ni Carol, ngunit isa na namang tawag ang dumating. Ngayon naman ay si Bravo. “Mr. Lawrence… Dumating ang mga Salazar at kinuha sina Ms. Lane at Ms. Turnbull! Ginawa namin ang makakaya namin para lumaban, pero nakatakas sila! Patawad, ako—”“Hindi, ayos lang. Hindi mo to kasalanan,” pinagaan ni Frank ang loob ni Bravo kahit lumubog ang puso niya sa sandaling iyon. Nang binaba niya ang tawag, hindi na maitatago ang mga galit na galit na mata niya. “Donald Salazar!” sumigaw siya nang nagngingitngit ang ngipin. “Binigyan kita ng pagakakataon! Talagang su
Nag-utos ang boses sa headset niya sa wikang Talnamese. “Sundan mo siya, at alamin mo kung saan niya nakuha ang ruby na yun.”“Opo, sir,” sumagot ang lalaki habang tumayo siya. Wala siyang emosyon nang sinundan niya si Cindy na masayang-masaya. -Sa gabing iyon, nagpaalam si Janet sa mga kasamahan niya sa Flora Hall, pinatay ang mga ilaw, at handa nang umuwi. Nang dinampot niya ang bag niya, napansin niya ang isang mapayat na anyong tumumba sa madilim na pader. “Ano?” Lumapit si Janet at nakita niyang nababalot ng sugat ang babae. Nagpatong-patong ang mga sugat niya habang nagkapunit-punit ang mga damit niya. “Hello? Hoy!” Lumapit si Janet at marahang tinapik ang pisngi niya. “Frank… Frank Lawrence…” biglang bumulong ang babae. “Frank Lawrence?” Bulalas ni Janet sa gulat at lumapit para makinig sa mahinang bulong ng babae. Pero walang duda—sinabi niya ang pangalang Frank Lawrence. “Hindi kaya siya ang girlfriend ni Frank?!” mabilis na kumilos si Janet at tinawag ang
Ang babae ay si Quinn Ocean. Kahit na ganun, nagtaka si Frank kahit na nakahinga siya nang maluwag—malinaw niyang naaalalang hinayaan niyang mabuhay sina Quinn at ang ama niyang si Bocek. Kahit wala ang vigor at meridian nexus niya, meron pa rin siyang martial arts. Kung ganun, anong nagdala sa kanya sa bingit ng kantahan? Ang Sage Lake Sect?Patuloy na gumawa ng teorya si Frank, ngunit walang magagawa ang panghuhula. Sa halip, lumingon siya sa mga aligagang manggagamot sa paligid ni Quinn at kumunot ang noo nang nagsabing, “Padaan. Iwan niyo siya sa'kin.”Lumapit si Janet at nagtanong, “Kilala mo ba siya, Frank?”“Oo,” pinadaloy ni Frank ang vigor niya papunta sa mga daliri niya at mabilis tinapik ang iba't ibang acupoints niya nang walang hinto.Hindi nagtagal, umubo siya ng namuong dugo. “Karayom!” Sigaw ni Frank habang nakaunat ang kamay kay Janet. “Oh… Sige!” Mabilis na tumakbo si Janet para kumuha ng isang kahon ng sterilisadong karayom. Whoosh.Kumuha si Frank
Napaisip si Frank habang tinitigan niya si Quinn sa mga mata, pero sa huli ay umiling siya. “Mukhang huli na ang lahat. Sa tingin ko wala nang makakapagpaliwanag kay Maron Ocean, at hindi na magbabago ang isip ng Sage Lake Sect kahit bumalik ka.”Huminto siya, pagkatapos ay nagpatuloy, “Higit pa roon, wala ka nang halaga sa Sage Lake Sect pagkatapos mamatay ng tatay mo. Sa halip na maghiganti sa mga Salazar kagaya ng sabi mo, papatayin na lang ako ni Mason para mas makinabang dito.”Namutla ang mukha ni Quinn sa paliwanag ni Frank. Lalo na't alam niyang totoo ang sinabi ni Frank. Sa sandaling nasira ang meridian nexus ni Bocek, alam nila ni Quinn na wala nang lugar para sa kanila sa Sage Lake Sect. Gusto nilang bumalik para lang maglikom ng kakampi at gamitin ang reputasyon nila para bawiin ang kahit anong yamang mayroon sila bago sila umalis. Ngayong patay na si Bocek, wala na ang kahit anong impluwensyang mayroon sila. Wala nang mangyayari kahit bumalik ngayon si Quinn—
Umiling si Quinn. “Wag kang mag-aalala sa'kin. Pwede nila akong patayin kung gusto nila.”Nagulat si Frank na makita siyang magmatigas. “Sige. Sakay,” sabi niya at naiwang nanonood habang nagpaika-ika siya papunta sa kotse niya at nahirapang sumakay. Malinaw na kahit gamit ang milagrosong Ichor Pill, hindi sapat ang isang gabi para tuluyang gumaling si Quinn—pinatigil lang nito ang mga sugat niya sa paglala. Ang totoo, mabubuksan muli ang mga sugat niya kapag kumilos siya, at dumugo si Quinn mula sa hita niya kahit umupo siya sa harapan. Tahimik siya sa buong biyahe habang nakatitig sa harapan. Biglang tumunog ang phone ni Frank sa isang tawag mula kay Janet Zimmer. “Frank… Nakita mo ba yung babae kagabi? Wala na siya nang magising ako ngayong umaga! Malala pa ang mga sugat niya at hindi pa naaayos ang mga buto niya. Natatakot akong…”“Wag kang mag-alala.” Tahimik na sabi ni Frank nang narinig niya ang pag-aalala sa boses ni Janet habang tumingin siya sa nanginginig na mga
Ang technique na tinutukoy niya ay ang Needles of Nine Animus. Pinalabas ni Frank ang purong vigor niya, pinaikot ito sa acupoint needles bilang mga malinaw na hibla pagkatapos itong linisin. Pagkatapos, tinutukan niya ang acupoint ni Quinn. Tinuon niya ang lahat ng atensyon niya sa epidermis habang dahan-dahan niyang tinusok ang isang karayom sa tiyan niya. “Ahhh…” Umungol si Quinn sa paraang mababaliw ang kahit na sino. “Kumapit ka lang,” sabi ni Frank sa kanya at pambihirang pinagpawisan sa noo niya. Hindi pa niya nagamit ang acupuncture technique na ito noon dahil nabasa niya lang ito sa isang libro mula sa ipinagbabawal na bahagi ng Mystic Sky Sect. Nagpapabilis ng paggaling ang acupuncture technique na ito kahit gaano pa katindi ang sugat. Habang hindi ito kapani-paniwala, hindi ito isang technique na nagpapagaling ng lahat ng sugat at sakit. Sa halip, isa itong radikal na technique na ginagamit sa mahahalagang sitwasyon dahil sinusunog nito ang potensyal at vigor lim
Hindi lumingon si Frank nang lumabas siya ng hotel, ngunit sumalubong sa kanya ang isang malaking grupo ng mga taong nagtitipon sa labas. May mga lalaki at babae roon at lahat sila ay tumango sa pag-unawa nang nakita nila si Frank. Lumapit ang dalawang lalaki sa sandaling iyon at nagsabing, “Ang galing mo, pare!”“Oo nga. Pwede mo ba kaming bigyan ng rekomendasyon?”Nasamid si Frank, at pagkatapos lang ng ilang sandali ay doon niya lang napansin kung anong ibig sabihin ng dalawang lalaki. Hindi masyadong malaki ang hotel at manipis ang mga pader—narinig siguro ang boses ni Quinn sa buong gusali. “Mag-iwan ka naman ng number, pogi.” Hinarang pa nga si Frank sa daan niya palabas ng dalawang babaeng nakatapis lang ng tuwalya habang kumikindat. “Pasensya na, hindi ako interesado.”Nilampasan sila ni Frank, pero hinabol siya ng dalawang lalaki. “Sige na, pare! Anong sikreto mo? Sabihin mo sa'min…”Habang nasa kwarto pa rin, naiwang nakatulala si Quinn sa mga dugo sa kama, at n
Wala nang mas madali pa kaysa sa pag-iwas ni Quinn sa mga gwardiya at pumuslit papasok sa bahay ni Dahok. Naghiwalay sila ni Frank dahil kukunin niya ang atensyon ng mga lider ng Sage Lake Sect. Naglakad siya papunta sa mountain gates at kaagad na nakita ang karatulang may pangalang ‘Sage Lake Sect' na nakaukit dito—talagang nakakamangha ang mga sektang ilang daang taon nang nakatayo. Sumama ang mukha ng mga apprentice na nakabantay at sumigaw nang nakita nila si Frank, “Sinong nandiyan?!”“Si Frank Lawrence ng Riverton.”Bumagsak ang ekspresyon ng mga apprentice sa sandaling sumagot si Frank at pinalibutan nila siua habang tumakbo ang isa sa kanila para mag-ulat. Hindi nagtagal, lumabas sina Maron Ocean at isang grupo ng mga Elder ng Sage Lake Sect at tumayo sa taas ng hagdan habang tinignan si Frank nang may pangmamata. Nakasuot pa rin si Maron ng puting suit. Pumalakpak siya nang nakita niya si Frank. “Di na masama. Ang tapang mong pumunta mo rito para mamatay.”Sumama