At ngayon, nang marinig ni Jade na banggitin ni Frank ang pustahan nila ni Jon, alam niya na wala siyang takas.Lumingon siya kay Gavin alang-alang sa kapakanan ng kanyang anak na lalaki, at sumigaw siya, “Please! Kailangan may gawin ka!”Kapag namatay si Jon sa pagkain ng tae ng aso, ang pamilya nila ang magiging katatawanan ng buong Southstream!Ayaw din ni Gavin na mamatay ng miserable ang pinakabata niyang anak na lalaki at tumingin siya ng nakikiusap kay Frank. “Please, Mr. Lawrence. Noon pa man ay maloko na talaga ang anak ko—nagbibiro lang siya para pasayahin ang mga bagay. Please maunawaan mo sana…”Pagkatapos, sinampal niya si Jon sa harap ng lahat dahil sa kalokohan niya, at sumigaw siya, “Humingi ka ng tawad kay Mr. Lawrence!”Natauhan si Jon dahil sa pagsampal sa kanya ni Gavin, at agad siyang yumuko sa harap ni Frank. “Nagbibiro lang ako, Mr. Lawrence! Hindi ko intensyon na insultuhin ka…”“Talaga?” Humarap si Frank kay Luna, na nakaluhod at nanginginig. “May nagsabi
Pagkaraan ng isang oras, tinanggihan ni Frank ang imbitasyon ng mga Southstream Lane na manatili upang maghapunan at umuwi siya kasama si Helen, si Cindy, at si Gina.Isa itong napakasayang lakad. Kahit na tinanggihan ni Frank ang mga pagtatangka nila Roth na bigyan siya ng pera, nagawa ng mga Southstream Lane na makuha ang loob ni Frank sa pamamagitan ni Helen.Sumumpa si Gavin na mag-iinvest siya sa Lane Holdings at tutulungan niya ang paglago ng negosyo ni Helen habang ibinibigay sa kanya ng buo ang mga ari-arian ng yumaong si Mason.Habang si Jon naman, pinilit siya ng sarili niyang kapatid na si Roth na tuparin ang pustahan nila ni Frank, kahit na mas gumaan ang parusa niya, dahil kailangan na lamang niyang halikan ang pwet ng mga aso niya.Umiiyak siya ngunit wala siyang pagpipilian kundi gawin ito, at nagmadali siyang hugasan ang kanyang bibig at magsipilyo noong tapos na siya.Pagkaraan ng ilang araw, isang grupo na pinadala ng mga Southstream Lane ang dumating at iniuwi a
Base sa sinabi ni Frank, malinaw na kilala ng matandang lalaki si Frank at si Helen.At sapat na ang pagkakakilala ni Helen kay Frank para malaman niya na may alitan sa pagitan ni Frank at ng matanda.Pagkatapos ay sumilip si Helen sa helicopter sa di kalayuan. Malinaw na matagal nang nakalapag dun ang helicopter, kung hindi ay hindi ito makakatawag ng atensyon ng napakaraming tao.“Sir,” sabi ni Helen. “Please huwag kang magalit kay Frank. Alam kong matagal kang naghintay, kaya bakit hindi muna kayo umupo sa loob?”“Oh, maganda ang asal mo. Maganda ‘yun.” Ngumiti si Fenton.Subalit, bago siya makapasok, tumayo si Frank sa pagitan niya at ng mga pinto. “Hindi, hindi mo kailangang pumasok. Sabihin mo kung ano ang kailangan mong sabihin dito at umalis ka na.”Sumimangot si Helen sa kawalan ng galang ni Frank.Subalit, naalala din niya na hindi si Frank yung tipo ng tao na mambabastos ng matatanda.At kung nagpapakita ng kawalan ng galang si Frank, hindi siya dapat mangialam at hi
Nagmadaling lumapit sa kanila si Gina noong sandaling iyon, puno ng pananabik ang ekspresyon niya. "Tingnan mo, Helen! Ang ruby na ‘to… Mas maganda ang kulay nito kaysa sa lahat ng mga brilyanteng nakita ko sa expo! Diyos ko, magkano kaya ‘to mabebenta—”"Mom!” Sumigaw sa galit si Helen. "Pwede bang huwag mong pakialaman ang isang bagay na ganito kahalaga? Ibabalik natin ‘yan!”"Ano?! Hindi!” Nagulat si Gina, niyakap niya ang kahon habang pinagmamasdan niya si Helen. "Nasa kahon ang pangalan mo, kaya malinaw na para sayo ‘to! Bakit mo ito ibabalik?!”Umiling si Helen. “Masyado ito mamahalin. Hindi ko ito matatanggap.”Inirapan ni Gina si Helen. "Regalo ‘to ng isang tao! Paano mo ‘to nagagawang tanggihan?!”Hindi niya ito ibabalik anuman ang mangyari!Sumang-ayon si Cindy. "Kunin mo na ‘to, Helen. Isa itong regalo mula sa pamilya ni Mr. Lawrence, hiling nila na maging masaya ang pagsasama niyo.”Sa halip ay humarap si Helen kay Frank. "Ibalik mo na lang ‘to. Hindi ko gustong magk
Nang makita niya na nakahanda nang tumakbo si Frank upang habulin si Winter, pumunta si Vicky sa gilid at pinigilan niya si Frank.Pagkatapos, pinalaki niya ang makinis niyang dibdib, at nagpatuloy siya sa pagtatanong kay Frank.Noong sandaling iyon, isang humihikab na Helen ang lumabas suot ang kanyang pajama. “Sino ‘yan, Frank?”Gayunpaman, agad siyang naalerto nang makita niya si Vicky sa may pinto, nagtagpo ang mga mata nila ng may delikado at pumuputok na kuryente.“No way!” Nagngitngit sa galit si Vicky.“Yes way.” Pinalaki ni Helen ang kanyang dibdib at mayabang siyang ngumiti.“Hindi ako naniniwala sayo!” Sumigaw si Vicky, bagaman mukha siyang malungkot.“Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan!” Nakapamewang si Helen habang nakatayo siya sa tabi ni Frank at nagmamataas.Hinihingal sa galit si Vicky at nakatingin siya ng masama kay Helen. “Hindi ko inasahan na gagawin mo ‘yan, Helen—inaamin ko ‘yun!”“Masyado mo akong pinupuri.” Ngumiti ng matagumpay si Helen habang na
Sumigaw si Mona, “Hintayin mo ako, Winter…”Nang maglaho ang boses niya sa malayo, tumingin ng malamig sila Helen at Vicky kay Frank.“Isa siyang martial elite na nakilala ko sa Southdam. Kinuha ko siya bilang bodyguard ni Winter,” sagot ni Frank.“Sinong bodyguard…? Teka, nakaalis na ba ang lahat?” Nagtanong si Kiki habang palabas siya ng kwarto niya.Nangingitim ang ilalim ng mga mata niya, at magulo ang buhok niya—malinaw na hindi siya gaanong nakatulog kagabi.Napanganga si Helen nang magpakita si Kiki bago siya lumingon kay Frank ng hindi makapaniwala.Inihanda niya ang sarili niya habang nagpapaliwanag siya, “Siya si Kiki Moss. Nandito siya dahil nagtatago siya mula sa mga Sorano.”“Hello, ako si Kiki!” Nagpakita ng isang propesyonal na ngiti si Kiki kay Helen.Nanatiling tahimik si Helen bago siya nagtanong, “Gaano karaming babae ba ang nakatira dito, Frank?”“Siya na yung huli,” agad na siniguro sa kanya ni Frank.Subalit, biglang lumabas si Frida Blue mula sa kwarto
Nagtaas ng kilay si Vicky, malinaw ang ibig niyang sabihin. Mahina naman na sagot ni Frank, “Siya nga pala, tinulungan ko si Bravo Lambert na makuha ang parte ng lupa ng kanyang gang sa inupahan ng mga Salazar. Nagtayo ang mga Salazar ng pabrika doon, at ang kanilang mga makinarya para sa paggawa ng gamot ay nandoon pa rin.” “Talaga?” Kuminam ang mga mata ni Vicky. “Eksakto, matapos natin mabawi ang lupa, inupahan ko ang pabrika kay Bravo, kaya ang gagawin ko ay—” “Aha! Tulad ng inaasahan ko sa head ng aking pharmaceutical research.” Hindi siya pinatapos ni Vicky. “Ano? Magkano naman ang hinihingi ni Bravo? Kukunin ko ang lahat.” sabi nito, sabay kindat. “May makukuha kang dalawampung porsyento na kita mula dito.”“Hindi,” umiling si Frank. “Balak kong ibenta ang pabrika kay Helen at sa Lane Holdings.”“Ano?!” Napatayo si Vicky bago bumuntong hininga sa pagkadismaya. “Ganun pala—Kuha ko na. May gagawin pa ako, kaya mauuna na ako.”Nahuli siya ni Frank sa braso bago pa man
Tumango si Helen. “Sang-ayon ako. Mas pipiliin ko na hindi magipit si Frank.”At doon, ang dalawang girlboss ng Riverton ay pinaghatiaan ang pabrika na nakuha ni Frank mula sa mga Salazar. Ang iba pang detalye ay nakasalalay na sa dalawang ito—wala naman na itong kinalaman kay Frank. -Pagsapit ng tanghali, nakaupo si Randall Young sa kanyang jewelry store sa may Square Street ng Riverton, habang hawak ang kanyang magnifying glass habang sinusuri niya ang isang matingkad na ruby. Makalipas ang mahabang sandali, bumuntong hininga ito ng mahaba at itinabi ang magnifying glass. Pagkatapos, tiningna niya ang babae na nasa harapan niya, sabay nilinis ang kanyang lalamunan. “Ang kintab at itsura nito ay mairarango na pinaka maganda sa lahat—isa itong ruby na nababagay para sa isang maharlika ng Talnam. Kaya naman, pwede mo bang sabihin kung saan mo ito nakuha. Natural lang na si Cindy ang nakatayo sa harapan ni Randall. Dinala niya kay Randall ang ruby na pinadala ni Fenton,
Pagkatapos lumapit sa tabi ni Winter, ngumiti si Frank at nagtanong, “Hindi ka naniniwala sa'kin, Winter?”Nabigla si Winter, ngunit umiling siya kaagad. “Syempre naniniwala ako sa'yo. Bakit di ako maniniwala sa'yo?”Nanatiling nakangiti si Frank sa kanya at nagpatuloy, “Sinasabi kong ako ang nag-imbita sa mga mahahalagang taong iyon at nagsisinungaling ang batang yan. Naniniwala ka ba sa'kin?”Bago nakapagsalita si Winter, suminghal si Winter. “Gumastos siguro nang malaki ang mga Turnbull sa'yo para maging propesor ka dito, lalo na't ang bata mo pa. Kaya payo ko lang sa'yo: tigilan mong ilagay ang sarili mo sa problema, dahil alam naming lahat kung paano mo nakuha ang trabaho mo. Kung sasabihin namin ito nang malakas, mapapahiya ka. Ibig kong sabihin, halatang wala kang problema tungkomdun, pero paano naman si Winter? Gaano kasama ito para sa isang magiging doktor na masira ang hinaharap niya dahil sa kiya niyang nabubuhay sa yaman ng babae?”Nagalit kaagad si Winter at tumayo, sa
“Tama!” Napagkamalan ni Bill na pagkakonsensya ang pagtataka ni Frank at nakumbinsi siyang nahuli niya si Frank. Tinaas niya ang mukha niya habang magyabang siya, “Ang tatay ko ang chief ng Uplake Hospital sa Zamri, at isa itong subsidiary na pag-aari ni Gene Pearce, ang pinakamayamang tao sa east coast.”“Ano?!”Lumingon ang mga tao kay Bill sa gulat nang nabanggit niya si Gene. Nakakatakot! Tauhan pala ng pinakamayamang tao sa east coast ang tatay niya!Malinaw na ngayong mayroon siyang impluwensiyang imbitahan ang mga importanteng taong iyon…Gayunpaman, alam din mismo ni Bill na may daan-daang ospital na pagmamay-ari si Gene, at pagmamay-ari lang ng tatay niya ang isang may katamtamang laki.Nakakamangha man itong pakinggan, ngunit parang aso lang ni Gene ang tatay niya, na pwedeng sipain sa daan sa isang salita lang mula sa lalaki. At para naman sa mga tanyag na tao ng Riverton na nakaupo sa entablado sa sandaling iyon, nasanay silang lahat sa pagiging asong tumatahol par
Natulala si Bill, ngunit mabilis niyang hinalughog ang utak niya habang nanood ang lahat at nagpasyang magpatuloy na magpanggap pagkatapos ng kalahating segundo. Kung hindi, hindi lang niya ipapahiya ang sarili niya sa harapan ni Winter, magiging biro rin siya ng bawat isang estudyante at kukutyain sa buong Riverton. Sa puntong iyon, wala na siyang pag-asang makakuha ng trabaho sa larangan ng medisina sa Draconia, kahit sa dami ng henerasyon ng mga doktor sa pamilya niya. Baka nga magdala ito ng matinding pinsala sa negosyo ng tatay niya, dahil walang mag-aabalang bumisita sa ospital niya. Kung kaya't mabilis na naging galit ang gulat niya at kaagad siyang sumigaw kay Frank, sa intensyong palayasin siya. “Sino ka? Sinong nagpapasok sa'yo sa hall na'to?! Bawal pumasok ang mga kung sino rito!”Kaagad na kumampi si Winter kay Frank, “Kapatid ko siya, Bill. Hindi siya kung sino lang.”Tumango ang ibang mga estudyante. “Oo, Bill. Hindi mo siya kilala dahil palagi kang nasa ibang
“Ano?!”Napanganga ang mga estudyante nang narinig nilang may ibang VIP, at lumingon sila ulit kay Bill. Naramdaman ng lalaki ang konsensya niya, ngunit pinilit niya ang sarili niyang ngumiti at pumalakpak nang para bang alam niya ito. Habang napasigaw at napalingon na naman nang may paghanga ang ibang mga estudyante, hindi pa tapos ang lahat. “Ngayon, imbitahan natin si Robert Quill, ang police commissioner ng Riverton!”“Noel York, ang top actress ng Draconia!”“Kim White, ang head ng White Enterprises!”“Mr. Turnbull ng Grande Pharma…”Habang nagpatuloy si Mr. Zim na banggitin ang mga mahahalagang taong dumating doon, para bang nandito ang lahat ng importanteng tao ng Riverton. Lahat sila ay mga taong kumakatawan sa iba’t-ibang industriya sa Riverton, mga matataas na opisyal ng gobyerno, o mga susing miyembro ng mahalagang pamilya. And bawat isa sa kanila ay kayang payanigin ang Riverton kapag pinandyak nila ang mga paa nila!Sa maikling salita, ang convocation ceremony
Isa itong convocation ng medical school, kaya maiintindihan nilang iimbitahan ang isang awtoridad na kagaya ni Dan Zimmer bilang panauhin. Pero ang Senador ng Riverton? Talagang pambihira ang convocation ceremony na ito!Habang nakatitig sa gulat ang mga estudyante nang lumabas ang isang nakangiting Gerald Simmons na kumaway sa kanila, pumalakpak sila nang malakas nang natauhan sila. “Inimbitahan rin siya ni Bill?” may bumulong sa sandaling iyon. Napasigaw ang lahat at lumingon sa nakatulalang si Bill. “Ano? Oh, oo…” Wala namang nakakagulat, hehe…”Mabilis na tinaas ni Bill ang mga kamay niya para senyasan silang kumalma at parang inamin niya rin ito. "Whoa…"Napanganga ang maraming estudyante—hindi na nga kapanipaniwalang naimbitahan ni Bill si Dan, pero maski ang senador?! Talagang pambihira na iyon!Ano ba talagang koneksyon ang mayroon siya?Habang nagsuspetsa ang mga estudyante, kuminang ang mga mata ng mga babae habang tumingin sila kay Bill. Nagulat silang naitago n
Sa entablado, nakangiti si Mr. Zims, ang tito ni Jean at isa sa mga head ng department sa Riverton University, habang nag-anunsyo siya, “Medyo iba ang convocation sa taong ito. Inimbitahan ng isang VIP ang maraming mahahalagang panauhin para maggawad ng mga sertipiko. Ngayon, pakalkapan natin si Dan Zimmer, ang chief ng Flora Hall!”Lumabas mula sa back door ang nakangiting si Dan sa imbitasyon ni Mr. Zim at kumaway sa mga estudyante bilang pagbati. “Eh?” Nanigas ang ngiti ni Bill sa ngiti ni Dan. Sa isip niya, palaging seryoso at strikto si Dan. Kaya bakit siya biglang nakangiti ngayon?!Gayunpaman, hindi alam iyon ng ibang mga estudyante at pinalakpakan nila nang napakalakas si Dan hanggang sa namula ang mga kamay nila. Lalo na't sa Riverton, ang lalaking iyon ay isang awtoridad sa medisina! Isang malaking karangalan na siya ang maggawad sa kanila ng mga sertipiko nila, at baka hindi maniwala ang iba sa kanila kapag sinabi nila ang balita!Higit pa roon, dumating siguro si
Kahit na mapagpakumbabang pumasok si Bill sa Riverton University para sa mataas na reputasyon nito, nakarinig si Winter ng mga tsismis na tinuturuan rin siya ni Dan. Bilang estudyante ng may-ari ng Flora Hall ay talagang nakakamangha, at base sa sinabi ni Bill, hindi lang ito basta tsismis at si Dan nga ang guro ni Bill. Sa maikling salita, maliwanag ang kinabukasan niya. Kahit na ganun, malaking sakit sa ulo si Bill para kay Winter, dahil patuloy niya siyang kinukulit sa sandaling nagbalik siya. Hindi niya siya kinaaayawan dahil palagi siyang mabait at magalang, at inudyukan pa nga siya ni Jean na maging kasintahan niya. Kahit na malinaw na naniwala si Jean na mas bagay si Bill kay Winter, hindi napigilan ni Winter na ikumpara siya kay sa bawat isang paraan. At malinaw na wala siyang binatbat, kung kaya't hindi mapilit ni Winter ang sarili niyang tanggapin ang panliligaw ni Bill. Gayunpaman, kahit na patuloy niyang ginamit ang palusot na kamakailan lang sila nagkita, ala
Maraming nagmamaneho ang napanganga sa inggit. Samantala, inapakan ni Frank ang gas pedal, at dumagundong ang Maybach niya habang naglaho ito sa paningin ng lahat. -Kinabukasan sa Riverton University, nakaupo si Winter sa baba ng stage, na kaagad namang nadismaya nang hindi niya narinig ang pangalan ni Frank na nakalista sa mga propesor na naroon. Mukhang umasa siya masyado, pero may katwiran ito—sino ba siya kumpara sa mga taong nakasalamuha ni Frank ngayon?Hindi siya kasing halaga nila, at magiging bastos siya kapag pinilit niya siya sa ganito kaliit na bagay kagaya ng convocation niya. Hinawakan niya nang mahigpit ang toga niya at humapdi and mga mata niya habang inisip niya sa sarili niyang dapat siyang humingi ng tawad kay Frank mamaya. “Ayos lang yan, Winter.” Tinapik ni Jean Zims, ang pinakamatalik na kaibigan niya, ang kamay niya para pagaanin ang loob niya. “Ayos lang kung hindi siya pumunta. Marami kang oras… Ngayon, kumalma ka—kailanngan mong magbigay ng speech
“Frank, dalhin mo ko sa opisina ko.”Yakap ni Helen ang mga binti niya, nang may ekspresyon na puno ng lungkot at dismaya. Sabi ni Frank, “Helen, ang totoo—”“Wag mong sabihin, Frank. Naiintindihan ko,” bulong ni Helen, na lumingon sa labas ng bintana para hindi niya siya makitang umiyak. “Wala akong pinagsisisihan.”Pagkatapos manahimik sandali, pinaandar ni Frank ang kotse habang umambon sa labas. Tahimik siyang nagmaneho nang hindi makapali habang dinala niya si Helen sa opisina ng Lanecorp. Bumaba sila, at huminto si Helen sa labas ng pintuan. “Binibigyan kita ng dalawang araw na leave, Mr. Lawrence. Nakakapagod ang nagdaang mga araw… Dapat maghinga ka nang maayos.”Narinig ni Frank ang hikbi sa boses niya at nakita niyang pinilit niya ang sarili niyang ngumiti sa kabila ng pagpipigil ng luha. “Sige.” Tumango siya at nagsimulang umalis dahil alam niyang kailangan niyang mapag-isa.“Oh, at wag mong isipin ang sinabi ng nanay ko,” dagdag ni Helen. “Kahit na baboy ka pa,