“Ano? Hindi ka ba titigil, Mr. Lawrence?”Kuminang nang mabangis ang mga mata ni Titus—talagang sumosobra na si Frank!“Binabalaan kita—kapag may nangyari sa'kin rito sa Riverton…” Tumawa siya nang malamig at tumingin sa paligid niya. “Wala rito ang makakaligtas!”Napangiwi ang mga makapangyarihang tao ng Riverton, ngunit dahan-dahang nagpatuloy si Frank papalapit sa kanya at tinitigan siya sa mata habang nagsabing, “Wala akong intensyong labanan ka—gudgo ko lang linawin ang isang bagay sa'yo.”“At ano naman yun?” Singhal no Titus. Naramdaman pa rin ng matalas na pakiramdam niya ang higit isang dosenang baril na nakatutok sa mukha niya. “Tungkol ito kay Vicky Turnbull,” sabi ni Frank.Muntik nang magwala si Titus sa sandaling iyon, sabay suminghal, “Ano, ipapahiya mo ba ako sa harapan ng lahat?”“Wala akong interes o atensyon para gawin yun.” Umiling si Frank. “Nangangako ako sa dangal ko na wala kaming ginagawang eskandaloso ni Vicky.”“Yun lang yun? Sa tingin mo maniniwala a
Lumapit si Hans kay Frank sabay sumenyas nang may naghahanap na mga mata. “Paano naman ang dalawang to, Mr. Lawrence?”Namumuhing ngumiti si Frank. “Mananatili silang peste kapag nanatili silang buhay, at walang dahilan para mabuhay pa ang Graves family….”Pagkatapos ay mapagmataas niyang tinignan si Neil na para bang isa siyang aso habang paulit-ulit na yumuko si Neil sa paanan niya. “Nakakadiri at taksil na basura. Ilista mo ang lahat ng krimen niya at ipadala mo ito sa mga Turnbull, pagkatapos ay patayin niyo siya.”“Sige, sir,” sagot ni Hans nang may saludo. Pagkatapos nito, lumapit ang dalawang sundalo at hinila si Neil papalayo kahit na nagmakaawa siya, “Pakiusap, Mr. Lawrence! Maawa ka! Naloko ako… Niloko ako ni Chaz! Pakiusap, hayaan mo kong mabuhay…”Sa kabilang banda, nakahiga si Chaz sa lapag. Tumatawa siya nang sobrang lakas kahit habang lumuluha na para bang nasiraan na siya ng bait. “Nagulat ako, Frank! Nagkamali ako… Hindi ko alam na marami kang kaibigan!”Haban
Nagpumilit si Gina, “Dalian mo na, Cindy! Hindi tayo pwedeng manatili sa Riverton… Hindi, hindi tayo pwedeng manatili sa bansang ito! Kailangan nating tumakas sa ibang bansa, at may dalawampung minuto lang tayo bago marating sa airport!”“Papunta na!” Sigaw ni Cindy habang dala ang isang tambak ng branded cosmetic products ni Helen palabas ng kwarto ni Helen at isinaksak ang lahat ng ito sa maleta. Nang nakita iyon ni Gina, kaagad niya siyang pinagalitan, “Oh, wag na yan, Cindy! Magkano ba ang cosmetic products na yan? Tara na!”“Nabili mo na ba ang plane tickets natin, Tita Gina?”“Oo—may ilang milyon pa akong ipon at sa mga kayamanang ito, magiging sapat pa ang pera natin para mabuhay sa ibang bansa.”Sa kabila ng sinabi niya, bakas sa mukha ni Gina ang kaba. Hindi sila nanatili sa Graves Mansion kanina at sa halip ay tumakas kasama ng mga bisita. Lalo na't base sa reaksyon ni Helen, alam ni Gina na hindi niya papakasalan si Chaz ngayon. At ngayong hindi natuloy ang kasal
Sumigaw si Jade, “Wag mong isiping pababayaan ka ng mga Lane ng Northstream bago ka umako ng responsibilidad para sa gulong ito! Ibibigay ka namin sa mga Graves at Lionheart para hindi nila isiping magkakampi tayo… Hindi, mula sa araw na'to, wala nang kinalaman ang Northstream Lanes sa Southstream Lanes!”“Ano?!” Sa gulat, muntik bumagsak si Gina! Maging ang mukha ni Cindy ay bumagsak, pero nagmadali siyang lumapit kay Jade nang may mapagpaumanhing ngiti. “Pakiusap, Tita Jade. Pamilya tayo, di ba? Hindi mo naman kailangang gawin to, di ba?”“Hah!” Ngumiti si Jade kay Cindy sa sandaling iyon. “Sinabi mo bang pamilya tayo, Cindy? Wala ka ba talagang kahihiyan? Pamilya ka lang ni Gina. Paanong naging pamilya kita? At saka, ayaw kong maugnay sa isang taong magnanakaw ng alahas ng bride sa araw ng kasal niya!”Walang katulad na balita ang isang masamang balita—bumagsak ang ekspresyon ni Cindy sa sumbat ni Jade. Hindi niya inakalang kumalat na pala ang balita ng pagnanakaw niya sa b
Bayolenteng inagaw ng mga bodyguard ang mga maleta nina Gina at Cindy bago sila tinulak sa lapag at tinali. “Dalhin niyo sila!” Sigaw ni Jade, at dinala sila ng mga bodyguard. Pagkatapos, nanatili ang mga mata ni Jade sa mga maletang punong-puno ng alahas bago nag-utos na dalhin ang lahat ng ito papunta sa kanya. Natural na aangkinin niya ang lahat ng ito—ang galing talaga nina Gina at Cindy, ibinalot na nila ang lahat para sa kanya! -Makalipas ang isang oras, ligtas na nakauwi sa Lane Manor ang hindi mapakaling si Helen na inihatid ni Burt. Inisip niya ay nasa bahay si Gina dahil nakita niya ang kotseng binili niya para sa kanya sa labas, ngunit pagpasok niya sa pintuan ay natagpuan niyang magulo ang bahay. Hindi lang sina Gina at Cindy—wala ring mga katulong ang naroon. Nakaramdam ng masamang kutob si Helen—sa kabila ng sama ng loob niya kay Gina, nanay niya pa rin si Gina at kaagad na nag-alala si Helen para sa kaligtasan niya. “Ano to?” Bulong ni Burt habang dinam
Hindi nagtagal ay dumating ang Maybach ni Frank sa Lane Manor.Naging emosyonal si Frank habang pinagmasdan niya ang mansyon—ang huling beses na pumasok siya rito ay noong lamay ni Henry Lane.Nagdesisyon siya na patirahin na rin si Helen sa Skywater Bay kasama niya.Ibibigay niya kina Cindy at Gina ang mansyon kung alam nila kung saan sila lulugar at titigil na sila sa panggugulo sa kanya.Gayunpaman, tumunog ang phone niya noong pipindutin na niya ang doorbell.Isa itong number na hindi niya kilala, ngunit sinagot ito ni Frank ng walang pag-aalinlangan.“Nagulat akong buhay ka pa, Frank,” sabi ng isang sinauna ngunit makapangyarihang boses mula sa kabilang linya. Humigpit ang hawak ni Frank sa phone niya—nagdala ng lahat ng klase ng alaala ng nakaraan ang boses na iyon. Huminto siya sandali para pakalmahin ang sarili niya hanggang sa maaari, pagkatapos ay walang emosyon sumagot, “Mukha ngang nagulat ka.”“Hoho… May sama ka ng loob sa'kin ngayon, bata?”Para bang tumusok
Marespetong sumagot ang valet na nagngangalang Fenton, “Animnapu’t tatlong taon na, sir.”“At ang anak mo… Narinig ko maayos ang buhay niya sa Morhen?” Tanong ni Godwin. “Parang ganun na nga.” Tumango si Fenton habang tumawa. “Nabalitaan kong siya ang lider ng Martial Union o kung ano. Hindi talaga natin maiintindihan kung anong ginagawa ng mga kabataan ngayon.”Lumingon si Godwin sa valet at kaibigan niya nang nakangiti. “Buhay pa si Frank. May bisa pa rin ba ang pagkakasundo nila?”“Syempre, my lord. Magpapadala ako kaagad ng balita sa anak ko at papapuntahin ko siya ng Riverton para protektahan si Master agad-agad.”“Magaling.” Tumango si Godwin, ngunit hindi nagtagal ay umiling siya at bumuntong-hininga. “May panganib sa bawat isang sulok ng Draconia. Ang magagawa lang natin ay hintaying matauhan ang batang yun!”“Matalino siya sa edad niya. Tiyak na maiintindihan niya rin ang problema mo, sir.”Nagsasalita pa ang dalawang lalaki nang biglang pumasok ang isang nakaunipormen
Bumalik si Burt sa Lane Manor makalipas ang kalahating oras at sinabi kay Frank ang impormasyong mayroon siya. “Nahanap ko na sila. Sina Gina at Cindy Zonda ay parehong kinuha ng Southstream Lanes.”“Ang Southstream Lanes?” Nagtaka si Helen—hindi ba pamilya silang lahat? Bakit nila kukunin sina Gina at Cindy?Nang makitang hindi niya naintindihan kung anong nangyayari, nanatiling walang emosyon si Frank habang sinabi niyang, “Gusto nilang patunayang wala silang kinalaman sa'tin.”Habang sumama ang mukha ni Helen sa napagtanto niya, nagpatuloy si Frank. “Tara na. Kahit na hindi karapatdapat na ina si Gina, kamag-anak pa rin siya—sa ganun, hindi rin ako pwedeng magbulag-bulagan rito.”“Salamat, Frank.” Natural na natutukoy ni Helen na sasamahan niya siya para bawiin si Gina mula sa Southstream Lanes at sobra siyang nagpapasalamat. Walang katapusan ang pagsisisi niya—bakit hindi niya napansin na napakaperpekto pala ni Frank?-Pagkatapos magpaalam kay Burt, dinala ni Frank si He