Hindi kalaunan, nagsalita na ang pari. “Helen Lane, tinatanggap mo ba ang lalaking ito bilang pinakamamahal mong asawa?”Abot tainga ang ngiti ni Chaz nang humarap sila ni Helen sa isa’t isa.Pagkatapos, siniguro niya na walang ibang tao na makakarinig sa kanila, bumulong siya, “Huwag kang mag-alala, Helen. Nakausap ko na si Titus Lionheart tungkol sa pabor na hinihingi mo, at pumayag siya.”“Talaga?” Nagulat si Helen ngunit hindi nagtagal ay namroblema siya.Lumamig ang tingin ni Chaz habang nakangiti siya dahil sa naging reaksyon ni Helen. “Pero may isang kondisyon siya.”“Ano ‘yun?” Kinabahan si Helen, kinutuban siya ng hindi maganda.Lumaki ang ngiti mga labi ni Chaz. “Ang kapatid niya na si Wilbur ang makakakuha ng unang gabi mo.”“Ano?!” Nagulat si Helen at hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. “Chaz Graves, isa kang—”“Ano, tumatanggi ka ba?” Umiling si Chaz habang tumatawa. “Huwag kang mag-alala. Magrerecord lang ako ng video at gagamitin ko ito ng tama–-huwag kan
”Helen!” Sigaw ni Gina. “Sige na! Umoo ka na! Katapusan na ng pamilya natin kapag umatras ka!”“Oo nga, Helen!” Sumigaw din si Cindy. “Umoo ka na!”“Sige na!” Inudyukan din ng mga tao si Helen, at tumingin siya sa paligid, ngunit wala doon ang mukhang hinahanap niya.At kapag umoo siya ngayon, wala na itong atrasan.Maging si Chaz ay nakasimangot na din noong sandaling iyon. “Sinasadya mo ba akong ipahiya, Helen? Mabuti pa tanggapin mo ang alok ko, kung ayaw mong mamamatay si Frank! Hindi, hindi lang siya ang mamamatay—ang nanay mo, ang pinsan mo, at ang lahat ng mga taong nagsisilbi sa mga Northstream Lane ay mamamatay! Magdesisyon ka na… Hindi, hindi na magbabago ‘to kahit na tumanggi ka!”Nanginig si Helen sa pagbabanta ni Chaz, at hindi kalaunan ay ipinikit niya ang mga mata niya at pinakalma niya ang mga kamao niya at sumuko.“Sige…” Sabi ni Helen, puno ng paghihinagpis ang kanyang mga mata.Ngunit bago pa siya makapagsalita, biglang bumukas ang mga pinto ng Graves Mansion!
”Frank Lawrence? Ngayon ko lang narinig ang pangalan niya.”“Sino siya? Ang lakas ng loob niya na banggain ang Graves family, na isa sa top four families ng Southstream!”“Nababaliw na ba siya? Gusto na ba niyang mamatay?”“Uy, mukhang magiging maganda ‘to! Nakahanda na ang headline ko para bukas!”“Magiging maganda ang palabas!”Ang payapang kasalan ay unang ginulo ng bulungan ng mga tao, at di nagtagal, nagsimula na ang kaguluhan.Sabay-sabay na pinag-usapan ng mga tao ang tungkol sa pagkatao ni Frank, ang arranged marriage sa pagitan ng mga Lane at mga Graves, at kung ano ang naging dahilan sa panggugulo sa kasalang ito.“Oh, napanaginipan ko na mangyayari ‘to…” Biglang nagsalita ang isang heiress ng may kumikislap na mga mata. “Ikakasal ang prinsesa sa isang prinsipe, ngunit dumating sa kasal nila ang tunay na pag-ibig ng prinsesa upang itakas siya…”“Gumising ka nga. Ito ang reyalidad, hindi ito isang fairy tale—at ipinapahamak ng lalaking ‘yun ang sarili niya.”“Oo nga.
Nang makita niya na tumayo ang mga security guard na nakaupo kasama ng mga bisita, halos maiyak na si Helen sa sobrang kaba. “Bakit ka pumunta dito, Frank? Umalis ka na bago ka pa sugurin ng mga guwardiya ng Graves family!”“Umalis?” Ngumiti si Frank. “Kung ganun, isasama kita.”“Nagbibiro ka pa rin hanggang ngayon?!” Halos maiyak na si Helen sa sobrang inis.“Hindi ako nagbibiro,” sabi ni Frank, tumingin siya sa mga mata ni Helen nang maging seryoso ang kanyang ekspresyon. “Alam ko na pinilit ka ni Chaz na pakasalan siya sa pamamagitan ng pagbabanta sa buhay ko.”Nagkagulo ang mga tao sa mga sinabi ni Frank, habang nasira naman ang pagpapanggap ni Chaz bilang isang mapagmahal at mabuting lalaki.Kung ganun pinilit lang ni Chaz si Helen para pakasalan niya siya kahit na ayaw sa kanya ni Helen?!Walang sinuman ang ayaw ng tsismis, lalo na ang drama at intriga na may kinalaman sa mga mayayaman at makapangyarihang pamilya.Habang nagkakagulo ang mga bisita sa sobrang pananabik at n
’Helen, may mga pagkakataon na hindi ka dapat mag-isip. Isa kang babae at dapat mas magtiwala ka sa instincts mo at lakasan mo ang loob mo! Sundin mo ang puso mo kapag may kinakaharap kang problema, kung hindi ay habangbuhay kang magsisisi gaya ko.’Naging matalim ang nalilitong tingin ni Helen nang maalala niya ang huling habilin ng kanyang lolo.Salamat sa talino at pag-iisip niya kaya lumago ang Lane Holdings.Subalit, ang talino at ang kaiisip din niya ang naging dahilan upang ulit-ulitn ang mga nakita niya, at pagdudahan ang lahat ng mga sinabi ni Frank.Iniisip niya ang tungkol dito noon at pinagsisihan niya ito ngunit sa huli ay nanatili siyang rasyonal at inalis niya ang mga pagsisising iyon.At ganun din ang nangyayari ngayon, dahil patuloy na sinasabi sa kanya ng isip niya na huwag siyang sumama kay Frank, kung hindi ay malaki ang magiging kapalit nito.Gayunpaman, patuloy itong nilalabanan ng kanyang puso, dahil gusto talaga niyang kunin ang kamay ni Frank… hanggang sa
Hindi nawala sa karakter si Helen bilang isang malakas at independent na babae sa tagal ng pagkakakilala at pagsasama nila ni Frank at nanatili itong tahimik kahit magkasama sila. Ang kanyang pagwawala ay nagpalakas ng tibok ng kanyang puso, at niyakap niya ito ng mahigpit sa kanyang mga bisig, ng kumikinang ang kanyang mga mata. “Huwag kang mag-alala. Hindi kita hahayaan na mamatay dito…hinding hindi!” “Sige!” Tumango si Helen habang nasa kanyang mga bisig—nagdesisyon siya na magtiwala kay Frank, at gagawin niya ito hanggang sa huli!“Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo, Helen?!” sigaw ni Chaz, nagbago ang itsura ng kanyang mukha dahil sa galit saka pinakita ang tunay niyang pagkatao.Ang sarili niyang bride-to-be ay iiwan siya sa altar. Hindi lang yun—ang sinabi nito ang nagpahiya sa kanya. Mas mabuti pang itigil na niya ito!Ang pagbuking sa kanya sa harap ng maraming tao at pagsampal sa kanya, pagkatapos ay sumama sa ibang lalaki?!Ang kanyang reputasyon ay nayurakan—ano
”Tama na yan!”Tumayo si Gina at isinigaw kay Helen, “Pwede bang magsitigil na kayo?! Pinsan mo si Cindy! Talaga bang handa kang itulak siya sa bangin?!”“Ako, itutulak siya?!” Miserableng tumawa si Helen. “Anak niyo ako, Nay! Kalimutan mo na ang humingi sa akin ng tulong matapos niyong maghiwalay ni Ama—isinama mo pa ang pabigat na Cindy na yan sa pasanin ko! At alam niyo naman lahat kung gaano karami ang mga masama niyang ginawa—ganun ba ako katanga sa paningin nito?”Pagkatapos, habang pinanliliskan si Gina, pinagpatuloy niya, “Isa pa, malugod kitang tinaggap dahil naghiwalay na kayo ni ama, pero ni isang araw ay naging tahimik ang buhay ko simula nang dumating kayo! Lagi ka na lang nagrereklamo dahil hindi ka makapamuhay ng marangya sa northstream, at sinisisi mo si Lolo dahil sa pagiging istrikto nito sayo—niloko mo pa nga ako na hiwalayan si Frank! Ginawa mo kong kalaban ni Frank at itinulak ang aking Lolo na magpakamatay!”“Marahil masaya na kayo pareho ni Cindy, pero paano
Kahit pati si Burt ay kailangan tumigil at mag-isip dahil ang mga bodyguards na ito ay naglilingkod sa mga Lionhearts.Subalit, tinakip lang ni Frank ang kanyang mga palad sa mga mata ni Helen, at sinabi ang isang malamig na salita. “Kamatayan!”Nagging mabangis ang ekspresyon ng mukha ni Burt nung marinig niya ang utos ni Frank, dahil ibig sabihin lang nito ay wala silang dapat ikabahala ngayon.Elegante niyang winasiwas ang kanyang espada, na naglabas ng sumasayaw na mga anino. Bago pa man makakilos ang mga bodyguards ng mga Lionheart, bumulagta na sila sa lapag, duguan habang tumalsik naman ang kanilang mga binti at nagkalat sa paligid. “Ano?! Si Burt ay isang Birthright rank… Ganun na ba kalayo ang kanyang narating?!”Walang kakulangan ng mga magagaling na martial artists sa mga naiwan na bisita, at ang ilan pa nga sa kanila ay kilala si Burt.Subalit, lahat sila ay nagulantang nang makita nila si Burt na naglabas ng kanyang pure vigor!Kahit ang mga magagaling na martial