Third Person's Point of View
“Uy, ‘wag ngayon. Magiging ama ka na, pero hindi ka pa rin natatakot na hawakan ako sa pampublikong lugar, ah? Hindi ka ba nag-aalala na pagtawanan ka ng anak mo balang araw?”
Ang malambing na tinig na narinig niya mula sa ilang metro ay labis na pamilyar kay Evan. Natigilan siya sa paglalakad dahil doon. Mag-isa lang siya ngayon na pumunta sa ospital para sa kanyang prenatal check-up. Nang tingnan niya ang sulok ng pasilyo, nanlaki ang kanyang mga mata sa dalawang bulto ng tao na halos magdikit na ang mga katawan.
Isang hakbang na lang ang kailangang gawin ni Evan para tuluyang harapin ang katotohanan kung sino ang nakikita niya, ngunit wala siyang lakas ng loob na gawin iyon.
Tumalikod na lang siya sa mga ito pero agad ding napatigil ng isang mas pamilyar pang boses ang narinig niya, tila anino itong sumusunod sa kanya. Ang tinig ay puno ng lambing at bahagyang pagkawili. “Anak natin, babe. Paano naman ako pagtatawanan ng anak natin? Alam niyang mahal na mahal kita, at tiyak na matutuwa pa siya dahil doon.”
“Kenneth… sana nga anak natin ang sanggol na sasalubungin mo. Kasalanan ko ‘to, kung hindi lang sana mahina ang katawan ko...”
“Magkapatid kayo ni Evan, kaya ang anak na ipapanganak niya ay kalahating bahagi ng dugo mo rin. Isa lamang siyang kasangkapan para magbigay ng egg cell at magpahiram ng sinapupunan. Hindi ko siya kailanman ginalaw. Tayong tatlo ng sanggol ang tunay na pamilya.”
Napakagat si Evan sa kanyang ibabang labi habang nanginginig na napatukod ang kamay sa malamig na dingding.
Kung hindi lang sana siya sinasampal ng katotohanan ng sariling pandinig, hindi siya maniniwalang ang asawang palaging malamig at walang pakialam sa kaniya ay kaya naman palang maging ganito kaalaga at kalambing.
Napakaalaga niya na umabot sa puntong pinagplanuhan na nitong kunin sa kaniya ang sanggol sa kanyang sinapupunan upang maging isang ganap lang silang pamilya.
“Pero mahal ka ni Evan. Lagi akong nakokonsensya para sa kanya.”
Naputol ang usapan ng dalawa nang bahagya na ang mga itong makalapit sa kaniya.
Humarap si Evan sa papalapit, itinaas ang gilid ng kanyang labi, at binigyan ang kaniyang napakabuting kapatid ng isang ngiting puno ng pang-uuyam. Natigilan sa kanyang harapan si Ella. Nangilid ang mga mata ni Ella at agad itong napuno ng luha. Kahit sinong mapapatingin dito ngayon ay maaantig ang damdamin at makakaramdam ng awa.
Kasabay nito, narinig niya ang mabibigat na yapak ng isang lalaki. Ang malamig na tinig nitong umalingawngas sa pasilyo ay tila pumatay sa huling piraso ng pag-asa ni Evan.
“Kung nagmamahalan man kami, anong pakialam mo?”
Bago pa man matapos ang sinabi, isang hakbang na lang ang pagitan at lumitaw ang matangkad at matipunong pigura ni Kenneth sa likod ni Ella, na halos mabuwal na sa pagkakatayo.
Sa isang tingin lang, nakita agad ni Kenneth ang maputlang mukha ni Evan. Bahagyang nakakunot ang noo niya dito.
Kasabay nito ay maingat niyang niyakap si Ella, sinigurong ayos ito bago tumingin kay Evan nang malamig. “Did you heard everything?”
Hindi kumurap si Evan habang nakatitig sa harapan niya, isang tanawing puno ng pagmamahalan. Kasabay nito, mahigpit niyang ikinuyom ang kanyang mga kamao.
Bago pa man siya makapagsalita ng kahit ano, lumapit si Ella sa kaniya habang umiiyak at mariing hinawakan ang kanyang mga kamay. “Evan, kasalanan ko ito, sa akin ka magalit. ‘Wag kang gumawa ng kahit anong makakasakit sa'yo dahil baka kung anong mangyari sa bata.”
Labis ang kirot at galit sa puso ni Evan kaya naman nang hindi na nag-iisip nagawa niya itulak si Ella para lang mawala ang hawak nito sa kaniya.
Hinaplos niya ang kanyang pitong buwang tiyan, habang nakatingin kay Kenneth na malamig at walang pakialam sa kaniya. Dahan-dahan niyang binigkas ang mga sumbat dito na puno ng hinanakit.
“Dahil ba baog si Ella, kaya ka pumayag sa kasal ng alukin ka ni Lola? Para lang magamit mo ako, ang pinakamalapit na kadugo niya, at para magkaanak ka na medyo hawig pa rin sa kaniya, huh? Sumagot ka, Kenneth!”
Nang makita ang dati'y kalmadong si Evan na ngayo’y may mga matang namumula sa galit, lalong nadagdagan ang inis at paghamak ni Kenneth rito. “Alam mo ba kung nasaan tayo ngayon? Gagawa ka talaga ng eksena rito? Wala ka na bang kahihiyan, ha, Evan?”
“Bakit ako mahihiya? Kayong dalawa ang dapat mahiya! Bakit ako mahihiya kung ginagawa ko naman ito para ipaglaban ang sarili ko?” Nanginginig si Evan sa tindi ng galit para sa dalawa. Nang muling lumapit si Ella na may kaawa-awang anyo, pilit na hinihila ang kanyang damit, walang emosyon niyang itinaas ang kamay at isang malakas na sampal ang tumama sa mukha nito.
Walang sino man ang inasahan na ang isang tahimik at reserve na tao na tulad ni Evan ay may lakas ng loob na saktan ang kanyang kapatid, ang kapatid na minsan niyang minahal.
Sinubukan ni Kenneth na pigilan ito, ngunit huli na ang lahat. Ang tanging nagawa na lang niya ay ang panoorin si Ella na hawakan ang namamaga niyang pisngi ng isang kamay, habang ang isa naman ay nakapatong sa kanyang dibdib na humihingal at hindi makahinga. Mahina itong lumuhod at halos ibulong na lang ang mga salitang nais sabihin.
“Evan, huwag mong sisihin si Kenneth, at huwag mo rin sana itong sabihin kay Lola.”
Habang nagsasalita, unti-unting humina ang kanyang boses at bumagsak ang kanyang payat na katawan sa sahig.
Biglang nagbago ang ekspresyon ni Kenneth. Ang init sa kanyang mga mata ay nawala at para siyang binuhusan ng malamig na yelo sa nasaksihan.
Tinulak niya si Evan palayo, dumalo kay Ella, at binuhat ito nang maingat, na parang hawak niya ang kaniyang pinakamahalagang kayamanan. "Doktor! Tumawag ka ng doktor! Alam mo namang may may congenital heart disease si Ella!"
Nakatitig si Evan sa tagpong nasa harapan niya, tulala at tila nawalan ng lakas. Inabot niya ang kanyang tiyan upang protektahan ito, ngunit natamaan siya nang pagkatuliro ni Kenneth habang buhat-buhat si Ella para humanap ng doktor. Malakas siyang nahampas sa dingding ng pagkakabundol sa kaniya nito.
Ramdam niya ang matinding sakit na dumaloy sa buong katawan niya, para itong alon ng sakit na lumalamon sa buo niyang pagkatao. Tumulo na ang malamig na pawis at luha sa sahig habang pinilit siyang humihingi ng tulong, ngunit walang salita ang lumabas sa kanyang bibig.
Hindi kalayuan, isang nurse ang lumabas na may hawak na resulta ng kanyang prenatal examination. Nang makita ang dugo sa pagitan ng mga binti ni Evan, nagulat ito at agad siyang dinaluhan para tuluyang masuri. "Paano mo nagawang magpa-checkup nang mag-isa sa ganitong kalagayan, Misis? Tawagin mo ang iyong asawa o pamilya! You're in for an emergency labor! Kailangan nating may pumirma agad para sa operasyon!"
"Akin na 'yan."
Matapos masigurong naalagaan na ng mga doktor si Ella, binalikan ni Kenneth si Evan sa pinag-iwanan at narinig ang sinabi ng nurse. Kinuha na lang niya nang walang pag-aalinlangan ang form mula sa nurse. Agad niyang nilagdaan ito nang walang pag-iisip, basta na ito pumirma na hindi man lang iniisip ang kaseryosohan ng sitwasyon.
Sa gilid ng kanyang mata, napansin niya ang dugo sa sahig na tila sumisigaw ng pansin. Bigla siyang nakaramdam ng kaba, ngunit nang maalala niya ang nangyari kay Ella, napalitan ito ng matinding galit sa may kasalanan. "Evan, ipagdasal mong walang mangyaring masama kay Ella, dahil kung hindi..."
Matapos ang huling stroke ng kanyang pirma, inihagis niya ang papel pabalik sa nurse at iniwan si Evan nang hindi man lang lumingon. Ang kanyang isip ay si Ella lang ang laman, ang babaeng kaniyang pinakamamahal.
Habang papalayo si Kenneth, habol siya ng tingin ni Evan sa huling pagkakataon, ang mga mata’y puno ng desperasyon at sakit.
Anuman ang nararamdaman niyang pisikal na kirot, wala itong sinabi kumpara sa saksak ng sakit sa kanyang puso dahil sa ginawa ng kaniyang asawa.
Tatlong taon silang magkakilala ni Kenneth, at isang taon namang mag-asawa.
Hindi niya maiwasang tanungin ang sarili, ‘Ano bang mali ang nagawa ko? Bakit ganoon na lamang ang trato niya sa akin, daig ko pa ang isang basahan. Hindi niya ba naisip na dinadala ko ang anak niya?’
Nagsindi ang pulang ilaw ng operating room, hudyat na mayroong ooperahan sa loob ng silid. Hindi magsasampung minuto ang lumipas, lumabas ang doktor na si Dr. Bernard Paranal, basa ng pawis, at sumenyas sa nurse na tanungin sa mga kamag-anak ng pasyente kung sino ang dapat iligtas, ang ina o ang bata. Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya, pero ang mailigtas niya ang parehong buhay ng pasyente niya ngayon ay isang milagro na sa pagka-imposible.
Sa gitna ng operasyon, unti-unting nagkamalay si Evan. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang labi, at mahina niyang tinanong si Dr. Bernard, "Matagal na tayong magkakilala. Hindi mo ba talaga sasabihin sa akin kung ano ang problema?"
Napakagat-labi si Dr. Bernard, halatang nag-aalinlangan kung sasabihin niya ba ang kinakaharap na sitwasyon.
Agad naintindihan ni Evan ang sagot. Tumingin siya sa bubog na kisame ng operating room, ang mga mata’y tila nawalan ng buhay.
Sa sandaling iyon, pumasok sa kanyang isipan ang ideya na tapusin na lang ang lahat kasama ang bata sa kanyang sinapupunan.
Mas gugustuhin niyang hindi na mabuhay kaysa ibigay ang anak niya sa kanyang asawa at kapatid.
Ngunit ang ideyang iyon ay naglaho rin agad dahil nanaig pa rin ang kanyang pagiging ina.
"Dr. Bernard, iligtas mo ang bata."
"Hindi!" Agad na lumapit si Dr. Bernard sa kanyang tabi bago pa bumalik ang nurse. “Nababaliw ka na ba? Dalawampung taong gulang ka pa lang! Marami ka pang pagkakataong magbuntis sa hinaharap! Bilang kaibigan at hindi doktor mo, hindi ako pumapayag diyan sa desisyon mo.”
Ngunit nanatiling matigas si Evan sa kanyang desisyon. Kita sa mga mata niya na buo na talaga ang kaniyang loob.
Sa wakas ay nagawa na muling magsalita ng doktor sa kaniyang tabi. Bahagya pang nanginig ang boses ni Dr. Bernard habang bumubulong,.
“The truth is... ang bata sa sinapupunan mo… hindi siya anak ng asawa mo."
"A-ano ang sinabi mo?"Biglang nanlaki ang mga mata ni Evan habang nakatingin kay Dr. Bernard na balot ng pawis. Paano mangyayaring hindi anak ni Kenneth ang bata?"Patawarin mo ako, Evan," halos hindi makatingin si Dr. Bernard sa kanya dahil sa pag-usig sa kaniya ng konsensya. "Noong nagpunta ka sa akin para sa IVF, nakagawa ng malaking pagkakamali ang assistant doctor ko, ibang sperm test tube ang nagamit sa'yo Nang malaman ko ito, huli na ang lahat.""Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?""I'm sorry. I'm really sorry." Nagsimula nang lumuha si Dr. Bernard, nanginginig at hirap pang magsalita. "Alam mo ang sitwasyon ng pamilya ko, at ang ospital ay pag-aari ng pamilya Huete. Kung nalaman nilang nagkamali ako ng ganito kalaki, siguradong mawawalan ako ng trabaho. Baka pati pamilya ko ay madamay sa galit nila. Natakot lang ako, Evan. Patawad."Napalunok si Evan, tila naubusan ng sasabihin. Napakabigat ng rebelasyong ito, parang pinagbagsakan siya ng langit at lupa. Hindi niya alam kung
Hindi kalayuan sa likuran niya, bumaba si Kenneth mula sa kanyang mamahaling sasakyan. Agad nitong napansin ang malaking ibinagsak ng katawan ni Evan.Siguro nga, napakahaba ng limang taon. Bigla niyang naramdaman na ang pagitan nila ay tila langit at lupa na, isang distansya na mahirap ipaliwanag at piliting paglapitin.Hindi niya namalayan na nakakunot na pala ang kanyang noo. Iniunat niya ang kanyang kamay, nais abutin ang payat na balikat ng babae sa harap niya.Ano man ang nangyari limang taon na ang nakalipas, asawa niya pa rin si Evan Mae, kaya’t hindi niya rin matitiis na balewalain siya nito.Ngunit bago pa siya makalapit, biglang umatras si Evan, maingat na iniwasan ang kanyang hawak.Bahagyang nanginig ang mahahabang pilik-mata niya. Matapang niyang itinaas ang kanyang mga mata at pinilit titigan ang lalaking nasa harapan.Nagtagpo ang kanilang mga mata.Sa lapit nilang iyon, hindi naitago ni Evan ang kirot na pilit niyang itinatago.Nanlamig ang pakiramdam ni Kenneth, para
Nang makita ni Evan na malapit nang matumba ang batang lalaki, nagawa niyang mabilis na tumakbo at sinalo ang maliit na katawan nito sa kanyang mga bisig."Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo?"Sa malapitan, mas lalong naging kapansin-pansin ang maamo at gwapong mukha ng bata. Suot ang isang beige na suit, mukha siyang maliit na prinsipe mula sa isang fairytale.Ang batang lalaki na nasa bisig niya ay hindi man lang natakot o nahiya. Pinagmasdan siya nito gamit ang malaki at maaliwalas na mga mata. Makaraan ang ilang sandali ay ngumiti ito ng labas ang mga ngipin. "Okay lang po si Ashton. Thank you po sa pag-save pero lalaki po ako kaya hindi ako natatakot masaktan."Pagkatapos nitong sabihin ay inilingon niya ang kanyang ulo sa likod ni Evan, masayang kinausap nito ang nasa likod ng babae."Daddy, bleh pero naunahan ka ni magandang ate!"Ngumiti si Evan, ibinaba ang bata, at tumalikod upang tingnan ang tinutukoy nito. Hindi niya inaasahang makasalubong ang isang pares ng malalim na
Sa loob ng silid,"Bakit, narito ka ba para magreklamo para sa anak mo?" agad nitong tanong."At kung oo?" nakataas na kilay na tanong."Nang niloko mo si Lola, inisip mo ba na darating ang araw na magkasama kami ng anak mo araw at gabi?" dagdag nitong tanong kay Kenneth."Evan, huwag mong sabihin na bibigyan kita ng pagkakataong saktan si Cheska. Pareho nating alam na hindi ka ganoong klaseng masamang tao." Malamig na ngumiti si Kenneth at walang bahid ng takot sa banta ni Evan."Gaano mo man ako kamuhian at si Ella, sa akin ka gumanti, kami ang diretsuhin mo hindi sa inosenteng bata." Diretsong sabi ni Kenneth kay Evan.Sigurado siya sa mga sinabi niya, at ang katiyakang iyon ay nagbigay ng matinding sakit sa puso ni Evan. Bigla siyang ngumiti nang mapait. Ano ito? Pinagtaksilan siya, sinaktan siya, at niloko siya, ngunit naniniwala pa rin ito na mabuti siyang tao. O baka naman dahil sobrang malambot ng puso niya noon kaya nagawa nina Ella at Kenneth na sirain ang buong buhay
Napakunot ang cute na mukha ni Ashton at tiningnan si Evan, na walang kaalam-alam sa nangyayari. Palihim siyang kumindat patungo sa direksyon ng hagdan at dahan-dahang itinulak si Evan papasok sa silid.“Alam ko. Nahihirapan ka Vanvan sa pagpili ng damit ng iyong susuotin, hindi ba?"Napakurap si Evan, litong-lito, at sinundan ang tingin ni Ashton papunta sa hagdan. Hindi lumipas ang isang minuto at bigla niya ring naintindihan ang lahat. Parang may bombilyang nagliwanag sa kanyang isipan. Hindi maipagkakailang sadya ngang konektado ang puso ng isang mag-ina.Kahit pa nga hindi karapat-dapat si Ella na tumapak sa lugar na ginagalawan niya ngayon, naroon pa rin at hindi siya patatahimikin ng anak nito. "Hmp!" matinis na boses ng isang batang babae mula sa itaas ang narinig nina Evan at Ashton.Si Cheska, na nagtatago sa hagdan at palihim na nagmamanman, ay napapadyak sa inis nang mapansin niyang natuklasan na siya sa kaniyang pinagtataguan. Agad siyang bumaba ng hagdan nang nagmamada
Hindi na siya nagulat sa pagiging successful ni Kevin. Sa totoo lang, sino mang nakakita kay Kevin ngayon nang personal ay hindi na rin magtataka sa tagumpay na tinatamasa ng lalaki Ang ipinagtataka lang niya ay kung bakit determinado itong iwan ang pamilyang kinalakihan, kung bakit ayaw nito sa pamilyang Huete ikinagulat niya lamang ay kung bakit siya determinado na iwan ang pamilyang Huete. Ngunit dahil dito, ang buong pamilya Huete, mula sa pinakamatanda hanggang sa pinakabata, ay sinikap itong gawing lihim. "Grandma, huwag niyo pong pagalitan si Daddy," mahinang sabi ni Ashton, sabay ngiti nang matamis upang itago ang lungkot sa kanyang mga mata. "Sabi ni Daddy, may mahalagang ginagawa lang daw po si Mommy. Sigurado naman po akong mahal niya kami ni Daddy, at araw-araw siyang nagsisikap para makasama kami agad." Halata sa mata at boses ng bata ang pananabik para sa nanay na kailanman ay hindi niya pa nakakasama.Napabuntong-hininga na lang ang matandang babae, kahit gaano pa si
Nang matapos ang lahat ng paghahanda, nagsimula ng sakupin ng dilim ang langit. Bilang espesyal na taong personal na iniutos ni Kenneth, si Evan ang naatasan niya para asikasuhin ang pinakamahalagang bisita ngayong gabi. Sa entrada ng Angel Club, bumaba ng sasakyan si Evan at naglakad papasok, pilit binabalewala ang kirot sa kanyang bukong-bukong dahil sa suot na mataas na heels. Hindi na kasi siya sanay magsuot ng mga ganitong klase ng footwear.Ang in-apply na light makeup sa kaniya ay bahagyang nagtago ng kanyang panghihina at pagod. Ang kanyang mahaba at maluwag na nakatirintas na buhok, pati ang suot niyang off-shoulder na damit, ay nagbigay-diin sa kanyang kakaibang ganda at pagiging elegante. Ang ngiti sa gilid ng kanyang mga labi ay tamang-tama lamang, malaya at magaan. Sa ilang hakbang pa lamang, naging sentro na siya ng atensyon ng lahat ng naroon. Napahinto siya nang ang atensiyon ng mga tao ay napunta sa kaniyang likuran. Pinagkakaguluhan ng mga ito ang bagong dumating.
"Ganoon ba?"Mababa ang tinig ni Kevin, at ang ngiti sa kanyang labi ay mahirap basahin, hindi mo tiyak kung ito ba ay dahil masaya siya o galit.Ilang saglit lang, bigla na lang umalingawngaw ang tunog ng kamao na sumalpok sa laman, kasabay ng tunog ng nabaling buto.Ang lalaking kanina’y mayabang ay napangiwi sa sakit, at sa isang iglap ay napasigaw bago bumagsak sa sahig."Young master! Sandali…"Nangangatog ang dalawang bodyguard, takot na takot. Nagtinginan sila sa isa’t isa pero ni isa sa kanila ay hindi naglakas-loob na lumapit. Yumuko na lamang sila, tila nagkulang na sa tapang para tumutol.Ang babaeng hawak nila kanina, na para sana sa kasiyahan ng kanilang batang amo, ay nabitawan ng mga ito. Tila naging isa itong bomba na maaaring magdala ng kapahamakan."Umalis na kayo."Sa maikli ngunit malamig na wikang ito ni Kevin ay nagkukumahog nang umalis ang mga bodyguard iniwanan na nila ang kanilang batang among wala nang lakas dahil sa natamong kalupitan mula kay Kevin. Tila mg
Bago pa magawa ni Kenneth ang anumang ikagugulat ng lahat, mabilis na inalalayan ni Evan si Chris, ang kanyang malalabong mata ay puno ng matinding galit habang matalim siyang tumitig kay Kenneth."Kenneth!"Huling beses niyang nakita si Evan na ganito katatag ay sa maliit nilang apartment noon.Noong panahong iyon, ginagawa niya ito upang protektahan si Kenneth, pero ngayon, ibang lalaki na ang kanyang pinagtatanggol.Tinitigan siya ni Kenneth, at ang malamig niyang ngiti ay unti-unting naging malupit.Bago pa man siya magsawa sa larong ito, mayroon nang ibang lalaki si Evan?How could he let this happen?He won't let Evan let go from his grasp. Hinding-hindi mangyayari iyon.Habang iniisip ni Kenneth kung paano niya muling makokontrol si Evan, biglang tumunog ang musika na hudyat ng pagtatapos ng pagtitipon.Dahan-dahang nagsimulang maghiwa-hiwalay ang mga bisita. Ang karamihan ay nanatili sa bulwagan, habang ang ilan ay sumakay ng elevator patungo sa meeting room sa 18th floor.Mul
Sa engrandeng mid-year party ng Huete Group, lumabas si Evan na napakaganda at elegante sa kanyang mamahaling damit. Mapayapang kasama niya si Christopher Greece, nakayuko paminsan-minsan habang may mahinhing ngiti sa labi. Panaka-naka rin itong nakikipag-usap sa bawat direktor.Marahil upang mas maging bagay sila ni Evan, nagpalit si Chris ng kasuotan na kapareho ng kulay ng kanyang suot. Sa kanyang gwapong mukha, nagniningning ang isang maliwanag at maaliwalas na ngiti sa lalaki. Kitang-kita kung gaano niya ine-enjoy ang sandali habang magkahawak-braso silang naglalakad.Samantala, hindi maipaliwanag ni Kenneth ang nararamdaman niya. Marahil ay nagulat siya sa biglang pagsulpot ni Evan. Dahil nang una niyang makita ang kanyang payat at eleganteng pigura, napahinto siya nang hindi namamalayan, hindi man lang narinig ang paulit-ulit na pagtawag sa kanya ng mga nasa paligid."Huwag kang mag-alala, pamangkin kong Kenneth, susuportahan ka namin sa eleksyong ito.""Tama! Si Kenneth ay isa
"Kenneth, ‘wag mong sisihin ang sarili mo." Saglit na tumigil si Ella bago muling nagsalita ng malambing at masakit na mga salita. "Kung ako man ang unang nagmahal sa'yo, kung natakot akong mawala ka, o kahit ginamit ko ang kamatayan para magkaroon pa ng puwang diyan sa puso mo, lahat ng iyon ay kasalanan ko."Nagdilim ang tingin ni Kenneth. Alam naman niya noon pa ang mga pangamba ni Ella, pero hindi niya ito binigyang pansin.Ngunit ngayong narinig niyang ginawa niya ang lahat ng ito dahil ayaw niyang maiwan, hindi niya maitatangging may bahagyang kirot sa puso niya.At sa pagkakataong ito, ang tunay na dahilan kung bakit tinangka ni Ella ang pagpapakamatay, ay walang iba kundi siya mismo. Habang tahimik na nag-iisip si Kenneth, agad na nagpalit ng paksa si Ella. "Ako na ang magpapaliwanag sa mga magulang ko. Sasabihin kong nadulas lang ako habang nagbabalat ng prutas.""Hindi sapat 'yan." Pilit ngumiti si Kenneth, ngunit maya-maya, seryosong nagtanong, "Ella, sabihin mo sa aki
Mabilis na hinawakan ng nurse dalaga at malambing na sinabihan ito. "Gwen, bagong pasyente ito. Dito lang siya na-assign sa kwarto mo, kaya tabi ang kama niyo. Hindi siya ang ate mong si Bernardita Paranal."Pagkarinig sa pangalang iyon, bumilis ang tibok ng puso ni Evan. Sandaling lumiwanag ang kanyang mga mata ngunit unti-unting nagdilim muli.Minsan nang sinabi ng kanyang tiyuhin na ang huling balita tungkol kay Bernard Paranal ay nasa isang mental hospital siya. Pero sa dami ng taong may ganoong pangalan sa mundo, hindi na siya dapat umasa sa ganito kalabong lead."Hindi, ang natutulog sa kama na ito ay si Ate Bernardita!" Matigas ang ulo ng batang si Gwen. Mahigpit niyang hinila ang kumot ni Evan at tumitig sa kanya gamit ang malalaki niyang mata, tila nagtataka. "Ate, bakit hindi mo ako kinakausap?"Napabuntong-hininga ang nurse, tila wala nang balak makipagtalo pa sa isang pasyenteng wala sa sarili. Pinatong niya ang kamay sa balikat ni Gwen at pasimpleng sinabihan ito. "Si
Anuman ang mangyari, kasalanan ni Ella kung bakit siya humantong sa ganitong sitwasyon. Tinanggap lang niya ang bunga ng sarili niyang mga ginawa. Wala itong kinalaman kay Evan.Nanginginig ang kamay ni Kenneth habang pinipirmahan ang dokumento ng patient's waiver para sa kritikal na kondisyon ni Ella. Matapos nitong paalisin ang doktor, agad siyang bumaling kay Evan at matalim siyang tinitigan. Ngunit kahit anong pilit niya, wala siyang makita ni bahagyang pagsisisi o pagkabalisa sa mukha nito.Sa sumunod na segundo, gamit ang matinding lakas, hinatak niya si Evan mula sa sahig at itinapon ito nang malakas sa harap ng pintuan ng operating room. Itinutok niya ang daliri sa kanya at galit na galit na sumigaw."Evan! Ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito! Malapit nang mamatay si Ella, lumuhod ka ngayon din!"Mabilis na bumangon si Evan, mariing itinuwid ang leeg, at matalim siyang tinitigan. Parang matutulis na kutsilyo ang kanyang tingin na tila tumatarak sa laman ni Kenneth."Kenne
"Hoy, parang hindi ka na isang tunay na master ng alahas sa mga sinasabi mo." Hindi alam ni Evan kung matatawa o maiiyak sa sinabi ni Chris. Hindi niya kayang tanggapin ang alok nito. "Baguhan pa lang ako sa industriyang ito. Hindi ko kayang dalhin ang pangalan mo bilang master ko. Hahanap na lang ako ng ibang paraan para makabili ng regalo." "Huwag mo akong utuin." Saglit na nag-isip si Chris. "Wait! As far as I know, may natitira pa akong kwintas na hindi naibenta sa jewelry exhibition dito sa siyudad. I can give it to you as temporary solution." Ang mga alahas na idinisenyo at ginawa mismo ni Chris ay palaging nauubos sa mga foreign design exhibitions, duda tuloy siya sa sinasabing iyon ng guro. Siguradong ang regalong ito ay akma sa estado ng kaniyang Lola, pero napakalaking pabigat naman nito sa bulsa ni Evan dahil hindi basta-basta ang mga dinesenyo ni Chris na pang-international level. Nakita ni Chris ang pag-aalinlangan sa mukha ni Evan kaya't bahagya siyang ngu
Samatanla, makalipas ang kalahating oras matapos umalis si Evan, dumating si Kenneth sa bahay ni Ella na hindi mapakali ang pakiramdam.Bago pa man niya maikatok ang kamay sa pinto, kusa n itong bumukas nang marahan. Kaya naman, lalo pang lumakas ang hindi magandang kutob niya."Ella!"Mabilis siyang pumasok sa sala, sinipat ang paligid, at tumutok ang tingin niya sa dalawang baso ng tsaa sa lamesa, hindi pa nahuhugasan.Mukhang dumalaw nga rito si Evan, at ipinaghanda pa siya ng tsaa ni Ella.Sa gitna ng katahimikan, may narinig siyang mahinang tunog ng tubig.Napalingon siya sa direksyon ng kwarto ni Ella at agad na naglakad papasok.Bukas nang kaunti ang pinto ng banyo. Sa sahig, may mga bahid ng tubig na dumadaloy, halo ng malinaw na likido at isang matingkad na pulang anino.Nang mapansin ito ni Kenneth, parang may biglang malaking kamay na biglang pumigil sa kanyang paghinga.Lumaki ang kanyang mga mata, saka mabilis na binuksan ang pinto at sumugod papunta sa bathtub.Sa loob n
Alas dos y media ng hapon, dumating si Evan sa opisina ng presidente tulad ng napagkasunduan.Hindi nakalubog sa trabaho si Kevin tulad ng dati. Sa halip, nakaupo siya malapit sa mga halamang nasa sulok ng opisina. Ang kanyang itim na manggas ay nakatupi hanggang siko habang tahimik siyang gumagawa ng sariwang tsaa.Isang lang namang gwapong lalaki na nakatuon ang pansin sa ginagawa ang tanawin ni Evan ngayon.Hindi tuloy madaling alisin ang tingin niya sa lalaki. Mayroon itong kakaibang aura ng katahimikan at katiwasayan.Nang ilang beses nang mag-alinlangan si Evan na basagin ang katahimikang iyon, mas pinili niyang manatili sa may pintonhabang tahimik siyang nagmamasid kung kailan mapapansin ni Kevin ang pagdating niya.Hindi na niya matandaan kung gaano katagal mula noong huling beses na nakita niya ito. Ang singkit nitong mga mata ay katulad pa rin ng dati, kahit anong oras ito tumingin sa isang tao, laging may nagbabadyang lamig at matinding emosyon.Isang titig pa lang, sapat n
Gusto kitang patayin. Hulaan mo na lang kung ano ang gusto kong inumin."Habang nakatayo sa sala ay nilibot ni Evan ang paningin sa buong paligid. Mukhang napakahalaga ng tirahang ito kay Ella. Ang mainit na estilo ng probinsya ay nagbigay ng pakiramdam ng tahanan. Bagama’t hindi ito kasing engrande ng mansyon ng pamilya Huete, malinis at maaliwalas naman ito, eksaktong akma sa imahe ni Ella sa iba bilang isang banal na bulaklak.Ngumiti lamang si Ella, kunwaring hindi niya narinig ang sinabi ni Evan.Pumunta siya sa kusina at nagdala ng itim na tsaa. Kasabay nito, kinuha rin niya ang isang kutsilyong kumikislap sa lamig ng bakal at umupo sa sofa upang magbalat ng mansanas. Napatingin siya sa kanyang suot at agad na ibinaba ang kutsilyo, saka napangiti nang may kahihiyan. "Pasensya na, hindi ko alam na ikaw pala ang dumating. Akala ko kasi siya... Magpapalit lang muna ako ng damit. Alam mo na, medyo revealing lang itong suot ko."Sa sinabi niyang iyon, napansin ni Evan ang suot ni E