"A-ano ang sinabi mo?"
Biglang nanlaki ang mga mata ni Evan habang nakatingin kay Dr. Bernard na balot ng pawis. Paano mangyayaring hindi anak ni Kenneth ang bata?
"Patawarin mo ako, Evan," halos hindi makatingin si Dr. Bernard sa kanya dahil sa pag-usig sa kaniya ng konsensya. "Noong nagpunta ka sa akin para sa IVF, nakagawa ng malaking pagkakamali ang assistant doctor ko, ibang sperm test tube ang nagamit sa'yo Nang malaman ko ito, huli na ang lahat."
"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?"
"I'm sorry. I'm really sorry." Nagsimula nang lumuha si Dr. Bernard, nanginginig at hirap pang magsalita. "Alam mo ang sitwasyon ng pamilya ko, at ang ospital ay pag-aari ng pamilya Huete. Kung nalaman nilang nagkamali ako ng ganito kalaki, siguradong mawawalan ako ng trabaho. Baka pati pamilya ko ay madamay sa galit nila. Natakot lang ako, Evan. Patawad."
Napalunok si Evan, tila naubusan ng sasabihin. Napakabigat ng rebelasyong ito, parang pinagbagsakan siya ng langit at lupa. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gagawin.
Sa gitna ng kanilang katahimikan, dumating ang nurse na tila umiiwas ng tingin kay Evan. "Ang pamilya ng pasyente ay nasa ibang operating room at po hindi namin makontak."
Hindi napigilang sumiklab ang galit ni Dr. Bernard. "Wala ba siyang konsensya? Kung hindi niya tinulak si Evan dahil sa ibang babae, hindi sana siya mapapaanak ng maaga. Paano niya..."
"Huwag na," mahina ngunit mariing putol ni Evan.
"Iligtas niyo ang bata. Pinipili ko ang bata. Bernard, alang-alang sa pagkakaibigan natin, sundin mo sana ang desisyon ko."
"Evan..."
"Kahit hindi siya anak ni Kenneth ang batang ito, anak ko siya, anak ko, si Evan Mae Villaflor," matapang na wika niya. Sa kabila ng sakit, nagawa niya pa ring mapait na ngumiti, kasunod ang isang uri ng ngiting sumisigaw ng parehong galit at kasiyahan. "Alam mo bang kung nalaman ko ito dati, baka hindi ko matanggap. Pero ngayon, natutuwa akong walang kaugnayan si Kenneth sa anak kong ito."
Ang kanyang buhay na parang isang kasangkapan ng lahat sa paligid ay sapat ng trahedya. Kung hindi lang dahil sa desperasyon niya noon, hindi siya hahantong sa ganito. Kaya naman ngayon, hinding-hindi niya hahayaang gawing prop ang anak niya para sa kaligayahan ng iba.
Malalim ang buntong-hininga ni Dr. Bernard habang hinigpitan ang hawak sa kamay ni Evan. "Sige, pangako, ililigtas ko kayo ng anak mo."
"Naniniwala ako sa'yo. Kapag ligtas na ang bata, agad kong hihiwalayan si Kenneth at palalakihin ko ang anak ko nang maayos."
Tatlong oras ang mabilis na lumipas.
Habang hawak ang bagong silang na sanggol, halo ang emosyon ni Dr. Bernard habang nasa bisig niya ang bata. Agad niyang inilapit ang pink at napakacute na sanggol kay Evan na halos himatayin na sa pagod. "Evan, tingnan mo, ang lusog ng anak mong lalaki!"
Pinilit ni Evan na idilat ang kanyang mga mata kahit pa parang bibigay na siya sa kadiliman sa sakit at pagod. Pero nang marinig ang iyak ng anak, at nang tuluyan niya na itong makita, parang nawala lahat ang bigat na dala-dala ng puso niya.
Hindi pa man nagtatagal na kalapit niya ang kaniyang supling, nagulat ang lahat ng biglang bumukas nang marahas ang pintuan ng operating room. "Pasensya na pero kailan matatapos ang operasyon? Nakakuha kami ng reklamo tungkol sa intended physical harm. Kailangan naming arestuhin ang inirereklamo para sa pansamantalang detensyon."
Nanginginig ang braso ni Dr. Bernard sa pagkakabitbit sa bata habang nakatingin sa labas, gulat at di makapaniwala sa narinig. "Tinawag niya ang pulis para ipaaresto ka?"
Nanigas ang mahina ng ngiti sa mga labi ni Evan.
Napakasama ni Kenneth. Buo na talaga ang plano nitong alisin sa buhay nila si Evan at ipadala sa kulungan para makuha ang anak niya. Nang sa ganoon ay maging masaya na sila kasama si Ella.
Hindi pa siya patay, pero kung malaman ni Kenneth na hindi kanya ang bata, hindi niya alam kung ano ang mga kayang gawin nito sa bata.
Sa tawag ng sitwasyon, nagawang mag-desisyon agad ni Evan para sa ikabubuti ng anak niya. Nakasalalay na ngayon sa doktor ang buhay nilang mag-ina.
"Dr. Bernard, maaari ka bang humanap ng paraan para maibigay ang bata sa tunay na ama niya?"
Ang pag-freeze ng lalaki sa kaniyang sperm ay nangangahulugang gusto rin ng lalaking iyon magka-anak.
Napakagat-labi si Dr. Bernard, litong-lito at natatakot. Tumingin siya sa mahina nang mag-ina sa harap niya, pinigilan ang sariling umiyak, at tumango nang mariin. "Pangako, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko."
Mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ni Evan habang minamasdan si Dr. Bernard na marahang inilapag ang kanyang anak sa kama at tinakpan ito ng puting tela.
"Huwag mo nang pansinin ang mga pulis sa labas, ako na ang bahala sa kanila. Hanapin mo ang lalaking iyon at sabihin mong ipinanganak na ang bata."
Saglit na nag-alinlangan ang nurse na kanina pa nilang kasama. Muli nitong tiningnan si Evan nang may awa bago tumalikod at lumabas, sumunod sa utos ng babae
Hindi rin nagtagal ay lumitaw na si Kenneth sa operating room.
"Pasensya na, pero matindi ang naging paghihirap ng ina habang nanganganak, at natamaan mo ang tiyan niya nang bumagsak siya. Patay na ang bata nang isinilang." Natural ang kilos at boses ni Dr. Bernard habang malamig na tinitingnan ang reaksyon ni Kenneth. "Gusto mo bang tingnan ang bata?"
Bahagyang natigilan ang lalaki. Napatingin siya kay Evan, na tahimik lamang sa operating table, walang emosyon, ni lungkot o galak ay hindi makikita sa mukha nito.
Sa alaala niya, palaging malakas at walang kibo si Evan, ibang-iba kay Ella na laging kaawa-awa.
Ilang taon na ang nakalilipas, nang mag-donate si Evan ng bone marrow para sa lolo ni Kenneth, tahimik din siyang nakahiga sa operating table noon sa pagkaka-alaala niya. Ngunit noon, ang kanyang mga mata ay puno ng liwanag, laging nakatitig sa kanya nang may paghanga at tamis.
Ngayon, wala nang bakas ng ngiti sa kanyang mga mata. Tila nawalan na ng halaga ang presensya ni Kenneth sa buhay ng isang Evan. Tumalikod siya dito, malamig at walang pakialam ang namamayani sa kaniya ngayon, para bang tuluyan ng nawalan ng lugar ang lalaki sa kaniyang puso.
Lumalim ang kunot sa noo ni Kenneth. Hindi niya maipaliwanag ang biglang iritasyon at pagkainis sa kanyang dibdib.
Huminga siya nang malalim at tumango kay Dr. Bernard. "Sige."
Kahit ano pa ang mangyari, anak niya iyon.
Sa di kalayuan, tumindi ang kaba sa dibdib ni Evan habang nakikinig, halos hindi na makahinga.
Hinawakan ni Dr. Bernard ang bata, nakabalot sa puting tela, at marahang iniabot ito kay Kenneth.
Pinakawalan niya ang kanyang hininga. Ang malalim na mga mata ni Kenneth ay nakatuon sa bata, habang unti-unting lumalapit ang kanyang kamay.
Ngunit biglang pumasok ang isang nurse, habol ang hininga nito. "Sir, kritikal ang lagay ni Miss Ella! Ayon sa mga doktor..."
Nanigas ang braso ni Kenneth na nakaabot na sana sa swaddle ng bata. Wala siyang inaksayang segundo, tumalikod siya at mabilis na lumabas.
Malakas na sumara ang pintuan sa likuran niya.
Itinaas ni Evan ang kamay niya para takpan ang kanyang mga mata. Sa katahimikan ng silid, tumawa siya nang mapait. Napuno ng kawalan ang kanyang puso.
Ganito lang pala kadali magwawakas ang pagmamahal niya para kay Kenneth.
Tama nga ang kasabihan na kapag nagmahal ka ng lubos, hindi naiiwasang nawawala rin ang kontrol mo sa sarili mong buhay.
Takot na takot na siya para sa magiging kinabukasan ng anak niya. Wala na siyang natitirang pagmamahal sa lalaki dahil napunta na ito lahat sa sandaling nailuwal niya ang pinakamamahal niyang anak. Sa wakas, natitiyak ni Evan na hindi na niya mahal si Kenneth.
Sa labas ng operating room, pumasok ang mga pulis na matagal nang naghihintay. Agad nilang pinosasan si Evan na malamig at walang emosyon.
ISANG linggo ang lumipas.
Sa detention center, naghihintay si Evan ng resulta ng kanyang paglilitis.
"Intentional injury. Ang biktima ay nalagay sa peligro ng buhay. Hatol: limang taon sa kulungan. To be executed immediately."
MAKALIPAS ang limang taon...
Dahan-dahang bumukas ang mabigat na bakal na pinto ng Women's Correctional.
Lumabas ang isang payat na pigura. Ang suot niyang luma at kupas na maternity dress ay parang hindi nababagay sa modernong mundo sa labas.
Hindi tulad ng karamihan ng mga preso na nagmamadaling makalayo sa pinanggalingan, tumigil siya at tumingin pabalik sa mataas na pader ng bilangguan.
Mula dalawampung taong gulang hanggang dalawampu’t lima, ang pinakamagandang taon ng kanyang buhay ay nailibing sa loob ng lugar na iyon, dahil lamang nagmahal siya ng maling tao.
"Evan."
Biglang narinig niya ang isang pamilyar ngunit tila banyagang boses mula sa malayo.
Nanikip ang kanyang dibdib, at parang nag-alon ang kanyang mga mata sa kaba.
Hindi kalayuan sa likuran niya, bumaba si Kenneth mula sa kanyang mamahaling sasakyan. Agad nitong napansin ang malaking ibinagsak ng katawan ni Evan.Siguro nga, napakahaba ng limang taon. Bigla niyang naramdaman na ang pagitan nila ay tila langit at lupa na, isang distansya na mahirap ipaliwanag at piliting paglapitin.Hindi niya namalayan na nakakunot na pala ang kanyang noo. Iniunat niya ang kanyang kamay, nais abutin ang payat na balikat ng babae sa harap niya.Ano man ang nangyari limang taon na ang nakalipas, asawa niya pa rin si Evan Mae, kaya’t hindi niya rin matitiis na balewalain siya nito.Ngunit bago pa siya makalapit, biglang umatras si Evan, maingat na iniwasan ang kanyang hawak.Bahagyang nanginig ang mahahabang pilik-mata niya. Matapang niyang itinaas ang kanyang mga mata at pinilit titigan ang lalaking nasa harapan.Nagtagpo ang kanilang mga mata.Sa lapit nilang iyon, hindi naitago ni Evan ang kirot na pilit niyang itinatago.Nanlamig ang pakiramdam ni Kenneth, para
Nang makita ni Evan na malapit nang matumba ang batang lalaki, nagawa niyang mabilis na tumakbo at sinalo ang maliit na katawan nito sa kanyang mga bisig."Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo?"Sa malapitan, mas lalong naging kapansin-pansin ang maamo at gwapong mukha ng bata. Suot ang isang beige na suit, mukha siyang maliit na prinsipe mula sa isang fairytale.Ang batang lalaki na nasa bisig niya ay hindi man lang natakot o nahiya. Pinagmasdan siya nito gamit ang malaki at maaliwalas na mga mata. Makaraan ang ilang sandali ay ngumiti ito ng labas ang mga ngipin. "Okay lang po si Ashton. Thank you po sa pag-save pero lalaki po ako kaya hindi ako natatakot masaktan."Pagkatapos nitong sabihin ay inilingon niya ang kanyang ulo sa likod ni Evan, masayang kinausap nito ang nasa likod ng babae."Daddy, bleh pero naunahan ka ni magandang ate!"Ngumiti si Evan, ibinaba ang bata, at tumalikod upang tingnan ang tinutukoy nito. Hindi niya inaasahang makasalubong ang isang pares ng malalim na
Sa loob ng silid,"Bakit, narito ka ba para magreklamo para sa anak mo?" agad nitong tanong."At kung oo?" nakataas na kilay na tanong."Nang niloko mo si Lola, inisip mo ba na darating ang araw na magkasama kami ng anak mo araw at gabi?" dagdag nitong tanong kay Kenneth."Evan, huwag mong sabihin na bibigyan kita ng pagkakataong saktan si Cheska. Pareho nating alam na hindi ka ganoong klaseng masamang tao." Malamig na ngumiti si Kenneth at walang bahid ng takot sa banta ni Evan."Gaano mo man ako kamuhian at si Ella, sa akin ka gumanti, kami ang diretsuhin mo hindi sa inosenteng bata." Diretsong sabi ni Kenneth kay Evan.Sigurado siya sa mga sinabi niya, at ang katiyakang iyon ay nagbigay ng matinding sakit sa puso ni Evan. Bigla siyang ngumiti nang mapait. Ano ito? Pinagtaksilan siya, sinaktan siya, at niloko siya, ngunit naniniwala pa rin ito na mabuti siyang tao. O baka naman dahil sobrang malambot ng puso niya noon kaya nagawa nina Ella at Kenneth na sirain ang buong buhay
Napakunot ang cute na mukha ni Ashton at tiningnan si Evan, na walang kaalam-alam sa nangyayari. Palihim siyang kumindat patungo sa direksyon ng hagdan at dahan-dahang itinulak si Evan papasok sa silid.“Alam ko. Nahihirapan ka Vanvan sa pagpili ng damit ng iyong susuotin, hindi ba?"Napakurap si Evan, litong-lito, at sinundan ang tingin ni Ashton papunta sa hagdan. Hindi lumipas ang isang minuto at bigla niya ring naintindihan ang lahat. Parang may bombilyang nagliwanag sa kanyang isipan. Hindi maipagkakailang sadya ngang konektado ang puso ng isang mag-ina.Kahit pa nga hindi karapat-dapat si Ella na tumapak sa lugar na ginagalawan niya ngayon, naroon pa rin at hindi siya patatahimikin ng anak nito. "Hmp!" matinis na boses ng isang batang babae mula sa itaas ang narinig nina Evan at Ashton.Si Cheska, na nagtatago sa hagdan at palihim na nagmamanman, ay napapadyak sa inis nang mapansin niyang natuklasan na siya sa kaniyang pinagtataguan. Agad siyang bumaba ng hagdan nang nagmamada
Hindi na siya nagulat sa pagiging successful ni Kevin. Sa totoo lang, sino mang nakakita kay Kevin ngayon nang personal ay hindi na rin magtataka sa tagumpay na tinatamasa ng lalaki Ang ipinagtataka lang niya ay kung bakit determinado itong iwan ang pamilyang kinalakihan, kung bakit ayaw nito sa pamilyang Huete ikinagulat niya lamang ay kung bakit siya determinado na iwan ang pamilyang Huete. Ngunit dahil dito, ang buong pamilya Huete, mula sa pinakamatanda hanggang sa pinakabata, ay sinikap itong gawing lihim. "Grandma, huwag niyo pong pagalitan si Daddy," mahinang sabi ni Ashton, sabay ngiti nang matamis upang itago ang lungkot sa kanyang mga mata. "Sabi ni Daddy, may mahalagang ginagawa lang daw po si Mommy. Sigurado naman po akong mahal niya kami ni Daddy, at araw-araw siyang nagsisikap para makasama kami agad." Halata sa mata at boses ng bata ang pananabik para sa nanay na kailanman ay hindi niya pa nakakasama.Napabuntong-hininga na lang ang matandang babae, kahit gaano pa si
Nang matapos ang lahat ng paghahanda, nagsimula ng sakupin ng dilim ang langit. Bilang espesyal na taong personal na iniutos ni Kenneth, si Evan ang naatasan niya para asikasuhin ang pinakamahalagang bisita ngayong gabi. Sa entrada ng Angel Club, bumaba ng sasakyan si Evan at naglakad papasok, pilit binabalewala ang kirot sa kanyang bukong-bukong dahil sa suot na mataas na heels. Hindi na kasi siya sanay magsuot ng mga ganitong klase ng footwear.Ang in-apply na light makeup sa kaniya ay bahagyang nagtago ng kanyang panghihina at pagod. Ang kanyang mahaba at maluwag na nakatirintas na buhok, pati ang suot niyang off-shoulder na damit, ay nagbigay-diin sa kanyang kakaibang ganda at pagiging elegante. Ang ngiti sa gilid ng kanyang mga labi ay tamang-tama lamang, malaya at magaan. Sa ilang hakbang pa lamang, naging sentro na siya ng atensyon ng lahat ng naroon. Napahinto siya nang ang atensiyon ng mga tao ay napunta sa kaniyang likuran. Pinagkakaguluhan ng mga ito ang bagong dumating.
"Ganoon ba?"Mababa ang tinig ni Kevin, at ang ngiti sa kanyang labi ay mahirap basahin, hindi mo tiyak kung ito ba ay dahil masaya siya o galit.Ilang saglit lang, bigla na lang umalingawngaw ang tunog ng kamao na sumalpok sa laman, kasabay ng tunog ng nabaling buto.Ang lalaking kanina’y mayabang ay napangiwi sa sakit, at sa isang iglap ay napasigaw bago bumagsak sa sahig."Young master! Sandali…"Nangangatog ang dalawang bodyguard, takot na takot. Nagtinginan sila sa isa’t isa pero ni isa sa kanila ay hindi naglakas-loob na lumapit. Yumuko na lamang sila, tila nagkulang na sa tapang para tumutol.Ang babaeng hawak nila kanina, na para sana sa kasiyahan ng kanilang batang amo, ay nabitawan ng mga ito. Tila naging isa itong bomba na maaaring magdala ng kapahamakan."Umalis na kayo."Sa maikli ngunit malamig na wikang ito ni Kevin ay nagkukumahog nang umalis ang mga bodyguard iniwanan na nila ang kanilang batang among wala nang lakas dahil sa natamong kalupitan mula kay Kevin. Tila mg
Bagamat hindi nasasagot ng sinabi ni Ella ang mga tanong sa kaniyang isipan, siya pa rin ang babaeng pinakamamahal ni Kenneth sa napakaraming taon kaya’t hindi niya magawang magalit dito ng matagal.Pumikit si Kenneth, tila pinipilit kinukumbinsi ang sarili na paniwalaan ang sinabi ni Ella.Pagkaraan ng ilang sandali, tinapunan niya ito ng malamig na tingin, saka malakas na isinara ang pinto nang hindi man lang lumilingon.Sa loob ng silid, natigilan si Ella sa lakas ng pagkalabog ng pinto. Niyakap niya ang sarili, at ang mga kuko niya’y halos bumaon na sa kanyang palad.Simula nang magkakilala sila ni Kenneth at ma-in love sa isa’t isa sa unang pagkikita, ngayon lang ulit siya tinrato nito nang ganoon. Ang pinaka huli pa ay noong mga unang araw na nakakulong si Evan, limang taon na ang nakalipas.Sa tagal ng kanilang relasyon, hindi naman siya ganoon kahina para hindi tanggapin ang anumang pagbabago sa lalaking minamahal. Pero ang hindi niya matanggap ay ang bawat pagbabagong ginagaw
Hindi maiwasang maalala ni Evan ang sinabi sa kanya ni Kenneth matapos marinig ang mga salita ni Kevin. "Ang pamilya Huete ay hindi umaasa sa awa, at si Uncle mo ay hindi tao na madaling maawa." Habang nag-aalinlangan si Evan at gustong magsalita, biglang tumunog ang telepono sa kanyang bulsa. Tumatawag ang kanyang ina. Bahagyang ibinaba ni Kevin ang tingin, tila nagpapahiwatig na wala siyang balak makinig at hahayaan niyang sagutin ni Evan ang tawag ng walang alinlangan. Wala namang sikreto si Evan na kailangang itago, kaya agad niyang sinagot ang tawag. "Mama, sobrang nagpapasalamat po ako sa inyo ng tinawagan mo si Uncle para iligtas ako. Ayos na po ako ngayon." "Salamat naman at maayos ka na, salamat talaga," sagot ng ina, bahagyang humahagulgol pa ito sa kabilang linya. "May tumawag sa akin mula sa pamilya Huete at sinabing okay ka na, pero hindi ko maiwasang mag-alala. Akala ko tapos na ang birthday party ng biyenan mo kaya agad kitang tinawagan." Mula pagkabata hanggang
Sa loob ng kotse, kinuha ni Evan ang kahon ng gamot, pagkatapos ay inilagay niya ang malamig na gamot sa isang kutsara, at tinunaw ito bago sinubukang painumin si Ashton.Maaga pang umalis si Jaxon, dahil clock out na daw siya at tapos na ang kanyang trabaho. Si Kevin na lamang tuloy ang may hawak kay Ashton gamit ang kanyang hindi nasugatang kamay. May natikmang kaunting pait mula sa gamot si Ashton, kaya ng subukan muling painumin siya ni Evan, nagkukunwari na itong natutulog habang iniiwas ang bibig sa kutsara. Ang itsura niya ay talaga namang nakakaawa na tila aping api.Saglit napakunot ang noo ni Evan habang tinitingnan si Ashton na tila talagang nasasaktan. Para bang gusto na lang niyang akuin ang sakit na nararamdaman ng bata."Sige na, Ashton, last na subo na lang. Hindi ka na ulit iinom pagkatapos nito, okay?" Mahinahon niyang kinumbinsi ang bata habang hawak ang natitirang kalahati ng gamot.Tahimik na pinanood ni Kevin ang dalawa, para bang naglalarawan ito ng isang mag-in
Pagkasabi ng mga salitang iyon, nanahimik ang lahat, maging ang mga tagapaglingkod ng pamilya ay mas yumuko sa tensiyong namumuo sa mga Huete.Napanganga si Ella sa gulat, ngunit agad na yumuko upang maitago ang kanyang pagkabigla. Sa kabila ng pagtatangkang maging kalmado, hindi maikubli ang kislap ng tuwa sa kanyang mga mata.Hindi siya makapaniwalang totoo ang sinabi ni Evan. Ngunit, anong espesyal na bagay ba ang nasa file na iyon para ipagpalit ang posisyon ni Evan ang pagiging ginang ng pamilya Huete?Maging si Stephanie ay bahagyang natigilan. Ang dati niyang malamig at mapanuyang tingin ay napalitan ng pagkabahala at pagsusuri. Iniisip niyang baka may iba pang dahilan si Evan kaya sinadya nitong ipahayag ang desisyon sa harap ng lahat.Sa kabila ng iba’t ibang tingin na nakatutok sa kanya, nanatiling kalmado si Evan. Ang balingkinitan niyang katawan ay bahagyang nanigas, ngunit ang mukha niya’y walang bakas ng emosyon, tila parang wala lang siyang sinabi.Tumagal ng dalawa o t
"Well, really?" Huminga ng malalim si Ashton. Sa kabila ng kanyang karaniwang talino at pagiging pilyo, sa sandaling ito ay para siyang isang limang taong gulang na bata talaga. Bahagya niyang itinagilid ang kanyang ulo at mahinang nagtanong kay Evan."Pero ayoko po ng injection at gamot na mapait. Ayoko po magpunta sa doctor, Vanvan, huwag na rin po nating sabihin kay Daddy, pwede po ba ‘yon?""Hindi pwede. Importanteng malaman ng Daddy mo na may sakit ka." Napatawa si Evan. Hindi niya akalaing matatakot din ang bata katulad ng ibang mga bata sa kanilang ama."Pero pangako, baby, matamis ang gamot ma iinumin mo. Si Ginoong Jaxon na rin ang kusang susubok ng injection. Hindi ba sabi mo magaling siya at hindi masakit ang turok?""Pinuri ko lang si Uncle Yan para mas maging mabait siya kay Daddy." Halatang nawalan na ng sigla si Little Ashton. Ibinuka niya ang kanyang maliliit na kamay at yumakap kay Evan, inilapat ang kanyang ulo sa balikat nito. Nang lingunin niya ang likuran, nakita
Hanggang sa puntong ito, alam ni Kenneth na gusto niyang kausapin siya ni Evan sa ganitong tono. Na para bang ang lahat ng nangyari sa buhay nila limang taon na ang nakalipas ay isang bangungot lang pala. Masaya silang namumuhay bilang pamilya, at hindi na niya kailangang alalahanin pa kung paano haharapin sina Cheska at Ella.Lumipas ang mga segundo ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Itinaas ni Evan ang kanyang mga mata na namumula at tumingin kay Kenneth, iniisip na marahil ay hindi nito naintindihan ng maayos ang kanyang sinabi kaya inulit niya ito."Kenneth, mag-divorce na tayo.""Kaya mo ba gustong makipag-divorce ay dahil kay Ella, o dahil kay Kevin?" Tanong ni Kenneth na may malamig na tingin. Para bang takot siyang marinig ang anumang sasabihin ni Evan kaya tinitigan niya ito ng may nakakaasar na ngiti sa labi. "Binigyan ka lang ni Uncle ng kaunting pansin nagkakaganyan ka na? Baka nakakalimutan mo na ang iyong pwesto sa pamilya Huete? Sampid ka lang, Evan, binaom mo n
"Mom, may mga personal na bagay lang akong kailangang asikasuhin ng mabilis kaya ngayon lang ako nakarating. I'm so busy, not now, please. Babalik na lang uli ako para batiin ka ng maligayang kaarawan kapag naayos ko na ang lahat. Huwag ka ng magalit. ‘Yang puso mo sige ka, you need to calm down."Alam ni Kenneth ang ugali ng kaniyang ina, madali itong magalit pero kailanman ay hindi siya natitiis.Inalis niya ang kanyang suot na coat, saka lumapit siya sa likod ni Stephanie para ipatong iyon sa mga balikat ng ina. "Narinig ko na binigyan ka ni Lola ng magandang alahas, bukod pa doon, binigyan rin pati kita ng isang jade bracelet na ipinadala ko na sa kwarto mo. Siguradong ang ganda nun kapag sinuot mo, Mom."Kahit naman anong pagtatampo ang gawin ngayon ni Stephanie, siya lang ang tanging anak nito kaya wala siyang ibang nagawa kundi napabuntong-hininga na lang. Nakita ni Kenneth na medyo kalma na ito kaya para hindi madagdagan pa ang galit nito, binago na niya ang usapan.“I'll bri
Pagkalipas ng ilang segundo, nagulantang si Evan, nakatutok ang mga mata niya sa mukha ni Kevin at doon niya nakita ang namumuong butil ng pawis sa noo at gilid ng ulo ng lalaki. Tila tinitiis lang nito ang sakit base sa discomfort na kitang kita sa mukha nito, napaiyak na lang si Evan sa awa."K-Kevin, ang kamay mo...”Wala ng sinayang na oras, kinuha niya ang kamay ng lalaki at dahan-dahang nilabas ang isang panyo mula sa kanyang bulsa upang tulungan ang lalaking mapigilan ang pagdurugo ng sugat na natamo sa saksak.Ang malalim na sugat ni Kevin ay nakakatakot at sigurado ni Evan na masakit. Nakaramdam ng guilt si Evan, dahil sa kaniyang kapabayaan, naging dahilan ito ng isang bangungot ng isang sa loob lamang ng isang araw. Ang kinsasadlakan niyang panganib kanina ay sobrang kritikal, kaya ginamit ng lalaki ang kanyang kanang kamay upang harangan ang nakaambang saksak sa kaniya ng hindi man lang iniisip ang sariling kaligtasan.Kung makaapekto kay Kevin ang pangyayaring ito sa h
Habang patuloy na umiiyak si Maris Villaflor, malinaw na naintindihan ni Kevin ang kabuuang kinukwento ng babae kahit pa nga sisigok-sigok na ito sa kakaiyak. Unti-unting namang lumalim ang lamig sa kanyang mga mata habang nare-realize kung anong panganib na ang kinahaharap ngayon ni Evan ng mag-isa.Nang tuluyang masabi ni Maris ang lokasyon kung saan ang pinagkasunduang pangyayarihan ng transaksiyon, kung saan ito na rin huling kinaroronan ni Evan bago ito nawalan ng komunikasyon sa kanila, mabilis siyang nakabuo ng isang desisyon. Sa mabibilis na hakbang, agad niyang tinungo ang direksiyon ng kanyang sasakyan.Nakasunod naman sa kaniya ang bahagyang nakakunot-noo na si Secretary Jaxon, siya ang ilan sa mga pinagkakatiwalaang tao ni Kevin. Sa tagal ng pinagsamahan nila, nagagawa niyang magsalita sa boss ng hindi na hinihingi ang permiso nito para sa opinyon niya. Kaya ngayon ay lakas loob siyang maingat na nagsalita dito upang paalalahanan si Kevin."Second Master, naabisuhan na an
"Boss Upeng, totoo nga ang dala niyang limandaang libo."Habang pinipilit ni Evan na magpakalma, isa sa mga lalaki ang sumilip sa dalang pera at tumango na may kasiyahan nang makumpirma na hindi pekeng pera ang dala niya."Ayos, Tonyo, ibigay mo na sa kanya ang kapalit na alahas. Tapos na ang transaksyon natin."Tahimik si Tonyo ng ilang sandali, waring nagdadalwang-isip pa itong tapusin ang usapan ng ganoon lang kadali. Habang tumatagal naman ang katahimikan ng tauhan, tila lalo pang bumibigat ang pakiramdam ni Evan. Puno na ng pawis ang kanyang mga palad dahil sa nararamdamang takot at kaba."Dan, mula ng pumayag si Boss Kulas sa transaksyong ito, may kaunting duda na ako. Akala ko ba ay mas mataas pa halaga ang bagay na ito, bakit halagang limandaang libo ibibigay na natin sa kanya? Tama ba itong ginagawa natin? Hindi ba natin mapapakawalan ang gintong nasa kamay na sana natin?""Huwag ka nang magsalita pa ng kung anu-ano, ang transaksiyon na ito ay mabuting pinag-usapan ng mga na