Napakunot ang cute na mukha ni Ashton at tiningnan si Evan, na walang kaalam-alam sa nangyayari. Palihim siyang kumindat patungo sa direksyon ng hagdan at dahan-dahang itinulak si Evan papasok sa silid.
“Alam ko. Nahihirapan ka Vanvan sa pagpili ng damit ng iyong susuotin, hindi ba?"
Napakurap si Evan, litong-lito, at sinundan ang tingin ni Ashton papunta sa hagdan. Hindi lumipas ang isang minuto at bigla niya ring naintindihan ang lahat. Parang may bombilyang nagliwanag sa kanyang isipan.
Hindi maipagkakailang sadya ngang konektado ang puso ng isang mag-ina.
Kahit pa nga hindi karapat-dapat si Ella na tumapak sa lugar na ginagalawan niya ngayon, naroon pa rin at hindi siya patatahimikin ng anak nito.
"Hmp!" matinis na boses ng isang batang babae mula sa itaas ang narinig nina Evan at Ashton.
Si Cheska, na nagtatago sa hagdan at palihim na nagmamanman, ay napapadyak sa inis nang mapansin niyang natuklasan na siya sa kaniyang pinagtataguan. Agad siyang bumaba ng hagdan nang nagmamadali. Dire-diretso ito patungo sa kung saan at hindi pinansin ang dalawang nakamasid sa kaniya.
“Hay nako, siguradong pupunta na naman siya kay Kuya Kenneth para magsumbong!" Nakasimangot si Ashton bago huminga nang malalim. Naglakad na lang siya kasabay ni Evan at panabay silang pumasok sa silid. Inilibot nila ang tingin sila sa loob ng walk-in closet.
"Ang ganda ng panlasa ng daddy ko, ‘no? Kahit alin sa mga ito ang isuot mo, siguradong maganda pa rin ang kalalabasan ng itsura mo, Vanvan.”
"Si Uncle ba kamo? Siya ang pumili ng mga ito?" tanong ni Evan, nagulat siya sa kaniyang nalaman. Hindi niya maimagine na may kinalaman ang malamig at seryosong lalaki sa makululaynat magagandang damit na nasa harapan niya ngayon.
Kumindat lang habang nagpipigil ng ngiti si Ashton sa kaniya. "Oo, Vanvan. Nagulat ka ‘no? Sabi kasi ni Grandma, masyado na raw siyang matanda para maintindihan pa ang latest fashion ngayong nauuso. Sabi naman ni Kuya Kenneth, wala siyang oras para mag-isip at pumili para sa'yo. Kaya in the end, si Daddy ang pumili ng mga ito, sana magustuhan mo, Vanvan!” masayang pagkukwento ng bata
Ah, ganoon pala. Iyon na lang ang naisip ni Evan. Mahina siyang nagpasalamat sa lalaki dahil pinaglaanan pa siya ng oras nito, kahit mukhang madami siyang ginagawa sa buhay.
Kinuha na lang ni Evan ang pinakamalapit na bestidang kulay light purple. Pero hindi pa nga niya naaappreciate masiyado ang disenyo nito nang masilayan niya ang sobrang mahal na presyo sa tag. Kulang na lang ay mabitawan niya ang hawak sa panlalaki ng mata dahil sa nakitang presyo! Pang-isang buwang gastusin na ng ordinaryong pamilya ang halaga ng isang damit pa lang na ito. Hindi na niya magawang isipin kung paano pa kaya kung pagsasamahin ang presyo ng lahat ng ito.
Bagama't halos dalawang taon siyang naging asawa at nakasama ni li Shao, malinaw pa rin sa alaala na siya ay namuhay ng payak. Palagi niyang pinapanatili simple kahit noon pa man ang lahat sa kaniya, mula sa pagkain, pananamit, at iba pa. Ito ay para hindi isipin ni Kenneth na isa siyang babaeng mapagpanggap at mapagsamantala.
Pero sa huli, ganun pa rin. Sinapit niya pa rin ang sinapit niya sa mga kamay nito.
Habang nakatayo si Evan na may mapait na ekspresyon, matamang nakatingin sa kaniya ang batang si Ashton. Pinilit hinuhulaan ng bata kung ano ang iniisip niya pero nararamdaman nito ang bigat nito. Napabuntong-hininga na lang si Ashton, hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot para kay Evan dahil parang masakit talaga ang naging nakaraan nito.
"Vanvan, mauuna na muna akong bumaba. Magbihis ka na diyan, bilisan mo na rin, at huwag mong hayaan si lola na maghintay nang matagal."
"Sige," sagot ni Evan at tumango.
Mahigit sampung minuto ang lumipas bago bumaba si Evan sa unang palapag at dumiretso sa kusina kung saan nasa harap na ng hapag ang lahat.
Maganda na talaga si Evan mula pa pagkabata. Kaya naman ang suot niyang bestidang kulay pastel ay nagpalabas lalo ng parang porselanang kaputian ng kanyang balat. Napakaganda ng naging hubog ng bestida sa kanyang payat at balingkinitang katawan. Kahit sino ang makakita sa kaniya ay mapapansin ang taglay niyang kaakit-akit na kagandahan ngunit tila marupok siya at madaling mabasag.
Nang makarating siya sa hapag-kainan, unang nakapansin sa kaniya ay si Kenneth, bahagyang tiningnan siya nito ng may mga matang tila namangha, ngunit agad niya itong itinago sa anyo ng pagiging walang pakialam.
Sunod siyang napansin ni Ashton na nakaupo sa tabi ng matandang ginang. Agad itong pumalakpak pagkakita sa kaniya at pinaulanan siya ng taos-pusong pamumuri. “Vanvan, napakaganda mo!”
Nakuha nito ang atensiyon ni Cheska na nakaupo sa kandungan ng kanyang ama. Nanlalaki ang mga mata at hindi maitago ang gulat sa kanyang maliit na mukha ng makita ang ayos ni Evan. Ibang-iba ito sa hindi maalis sa isipan niyang kahabag-habag na anyo nito noon, magulo at mukhang talagang kaawa-awa.
Ngunit ang mga mata ng matanda ay biglang namula at nangilid ang luha sa pagaalala. Agad itong nag-utos sa mga nakaabang na kasambahay. “Pakisabi sa kusina na ihanda ang sabaw na pampalakas. Kailangang ayusin ang diyeta ng pagkain ni Evan mula ngayon. Tingnan niyo naman ang payat na niya! Sabihin niyo sa chef na kailangan niyang isaalang-alang ang kalusugan ng apo ko.” mahabang litanya ng matanda sa mga tagasunod.
“Lola, huwag po kayong mag-alala. Kahit payat poako, wala po akong sakit o kahit ano pang problema sa akin. Kumalma po kayo." nakangiting pagpapahinahon ni Evan sa matanda. Nag-iinit ang puso niya sa konsern nito sa kaniyang kalusugan.
Ngunit hindi pa rin natitinag ang matanda sa pag-uutos kung paano siya aalagaan ng mga katulong. Habang nagsasalita naman ito ay sinamantala iyon ni Evan upang kunin ang pagkakataon na ilibot ang tingin sa kaniyang paligid. Tinitingnan niya kung saan siya pwedeng umupo. Napansin niyang dalawa lamang ang bakanteng upuan sa harap ng mesa, at kataka-takang wala roon si Kevin.
Inisip na lamang niyang maaaring hindi ito sanay na sumali sa hapunan ng pamilya. Sa loob-loob niya, swerte siya dahil niya mapapakiharapan itom Medyo hindi pa rin kasi siya kumportable kapag nasa malapit ito. Mabilis siyang naupo na may munting ngiti sa labi sa kaliwang bahagi ng matandang ginang, katapat niya ngayon sii Kenneth.
Ngunit nanigas siya sa kaniyang kinauupuan nang makita niya ang papalapit na si Kevin. Nahuli lamang pala ito ng kaunti. Napansin ata nito ang naging kilos niya kanina dahil tumaas ang kilay nito at umupo sa upuang orihinal na nakalaan para kay Evan.
Naalala niya ang ginawa nitong pagpili ng kaniyang maaaring isuot na damit kaya’t lumingon siya rito para makapag pasalamat ngunit nang makita niya ang ekspresyon nito, bigla siyang kinabahan at mabilis na ibinaling ang kanyang tingin sa ibang direksyon. Kinakabahan siya ng kaunti kaya ibinaling na lang niya ang kaniyang atensyon sa pakikinig na lamang sa sinasabi ng kanyang lola.
Nang matapos ang matanda sa pagmamando sa mga katulong, siya naman ang binigyang atensiyon nito. "Alagaan mo ang sarili mo Evan. Mahirap na ang magkasakit ngayon, lalo na kung ganiyan ka kapayat. Kailangan mo pa ring bigyan si Cheska ng ilang mga kapatid. Doon lang ako tuluyang magiging masaya," sabi ng matandang ginang.
Bahagyang nanginig ang labi ni Evan. Alam niya na mahal na mahal siya ng kanyang lola, ngunit ang sinabi nito ay nagdulot lang sa kaniya ng munting takot at kaba kaya hindi niya magawang magbigay ng magandang sagot.
Kung hindi lamang dahil nakaupo si Kenneth sa harap niya, na tila may masamang binabalak sa oras na may sinabi siyang hindi nito gusto, at kung wala siya sa ilalim ng kontrol nito, gusto na niyang sabihin ang totoo sa kanyang lola. Sasabihin na niya sana ang lahat kahit ano pa ang mangyari.
"Sige po, susubukan ko." Tumawa si Kenneth upang maibsan ang tensyon, sabay bigay ng matalim na tingin kay Evan bilang babala na huwag magsalita nang kung anu-ano.
Ngunit hindi ito nagustuhan ng batang si Cheska. Kitang kita ang pagsimangot nito at umalis sa kinauupuan. Pumunta ito sa kanyang ama na parang naglalambing. "Ayoko ng mga kapatid, gusto ko ako lang ang prinsesa ni Daddy." nagtatampong pagsusumamo nito sa mukha ng ama.
"Cheska, mag-behave ka. Kahit magkaroon pa kami ng ibang anak ng mommy mo, ikaw pa rin ang magiging pinakamamahal na prinsesa ni Daddy." pangungumbinsi naman ni Kenneth sa anak.
Tahimik na tumingin si Evan kay Kenneth habang nagpapanggap ito bilang mabuting asawa at ama. Sa loob-loob niya, nandidiri siya at nasusuklam sa lahat ng salitang lumalabas sa bibig nito. Sa huli, bahagya na lang siyang tumagilid upang hindi na makita ang eksena.
Napansin ng matandang ginang ang sitwasyon. Nagaalala siya sa tila hindi pagkakasundo nina Yaer at Evan. Hindi siya mapakali sa kaalamang hindi pa close ang dalawa. Ngunit sa kabila nito, alam niyang si Yaer ay laman at dugo pa rin ni Evan. Kaya sa takdang panahon ay magkakaayos din sila.
Napaisip ang matandang ginang at naalala ang bilin ni Kenneth. Agad niyang binago ang usapan.
"Evan, karamihan ng gawain sa kumpanya ay ipinapasa na kay Kevin. Sa palagay ko, magandang ideya na magbakasyon kayo ni Kenneth. Sabihin mo kung saan mo gustong pumunta, ako na ang magpapabook ng tiket." masayang paanyaya ng matanda. Halata rito ang kapanabikan para sa mga plano.
Nang marinig ni Evan na sasama siya kay Kenneth, mabilis siyang tumanggi. Kailanman ay hindi siya sasama sa isang lugar na si Kenneth lang ang kasama. Mamatay muna siya.
"Lola, gusto kong magtrabaho sa kumpanya. Hindi ko po palalampasin na matuto ng iba pang kaalaman, masiyado na pong nasayang ang oras ko sa mga taong nakalipas." mahigpit niyang tanggi sa iminumungkahi ng ginang. Naalala niya pa ang nangyari kanina, hindi pa siya nakakabawi mula sa pangyayaring iyon. Kung hindi dahil sa utos ni Kevin na hanapin si Kenneth, hindi niya alam kung ano na ang mangyayari sa kanya.
"Hm. Tama nga naman! Kapag laging nasa bahay, baka magkasakit ka. Kenneth, humanap ka ng posisyon para sa kanya—yung hindi masyadong nakakapagod pero maganda ang sahod. Siguro’y pwede siyang maging sekretarya, hindi ba Kevin?" sabi ng matandang ginang at tumingin kay Kevin.
Hindi sumagot ang kausap kaya ang maaliwalas na ekspresyon nito ay biglang naging seryoso. Parang may biglang naalala ang matanda kaya ganoon na lang ang pag-iiba nito ng emosyon.
"Kevin, kailan mo ba dadalhin ang nanay ni Ashton dito?" nagtitimping tanong ng matanda may Kevin.
Nagulat si Evan sa narinig.
Simula nang makilala niya ang matandang ginang, hindi pa niya ito nakitang naging ganito kaseryoso.
Hindi ba kasal si Kevin?
Tahimik na hinigop ni Kevin ang tsaa. Walang epekto sa kanya ang tanong ng matandang ginang.
"May plano ako. Huwag na kayong mag-alala.”
Lalong dumilim ang mukha ng matanda. "Kahit hindi mo ako gusto, ako ang iyong ina. May karapatan akong makilala ang nanay ng aking apo at ang magiging manugang ko! Napakahirap ba nito?"
Natahimik ang buong silid pagkasabi nito, binalot ng katahimikan ang buong hapag-kainan, at ang kalmadong ingay ng kutsara na lamang ang narinig. Nang makita ni Evan na galit na ang matandang ginang, ibinaba niya ang kanyang chopsticks. Alam niyang hindi siya dapat makialam sa ganitong usapan, ngunit hindi niya mapigilang mag-alala para kay Kevin.
Ang alam lang niya tungkol kay Kevin ay galing sa mga kwento. Sa ilang beses na nakita niya ito, hindi niya ito lubusang nakilala.
Kung hindi pa namatay si Mr. Huete anim na taon na ang nakararaan at nagpunta ang ama ni Kenneth sa ibang bansa para magpagaling, hindi niya marahil makikita si Kevin sa pamilya.
Alam lang niya na iniwan ni Kevin ang pamilya noong dalawampung taong gulang pa lang siya. Sa tatlong taon, gumawa siya ng pangalan sa mundo ng negosyo. At sa loob ng limang taon, naging tanyag siya.
Ngayon, labindalawang taon ang lumipas, at ang yaman niya ay kapantay na ng yaman ng pamilya Huete sa loob ng isang siglo.
Hindi na siya nagulat sa pagiging successful ni Kevin. Sa totoo lang, sino mang nakakita kay Kevin ngayon nang personal ay hindi na rin magtataka sa tagumpay na tinatamasa ng lalaki Ang ipinagtataka lang niya ay kung bakit determinado itong iwan ang pamilyang kinalakihan, kung bakit ayaw nito sa pamilyang Huete ikinagulat niya lamang ay kung bakit siya determinado na iwan ang pamilyang Huete. Ngunit dahil dito, ang buong pamilya Huete, mula sa pinakamatanda hanggang sa pinakabata, ay sinikap itong gawing lihim. "Grandma, huwag niyo pong pagalitan si Daddy," mahinang sabi ni Ashton, sabay ngiti nang matamis upang itago ang lungkot sa kanyang mga mata. "Sabi ni Daddy, may mahalagang ginagawa lang daw po si Mommy. Sigurado naman po akong mahal niya kami ni Daddy, at araw-araw siyang nagsisikap para makasama kami agad." Halata sa mata at boses ng bata ang pananabik para sa nanay na kailanman ay hindi niya pa nakakasama.Napabuntong-hininga na lang ang matandang babae, kahit gaano pa si
Nang matapos ang lahat ng paghahanda, nagsimula ng sakupin ng dilim ang langit. Bilang espesyal na taong personal na iniutos ni Kenneth, si Evan ang naatasan niya para asikasuhin ang pinakamahalagang bisita ngayong gabi. Sa entrada ng Angel Club, bumaba ng sasakyan si Evan at naglakad papasok, pilit binabalewala ang kirot sa kanyang bukong-bukong dahil sa suot na mataas na heels. Hindi na kasi siya sanay magsuot ng mga ganitong klase ng footwear.Ang in-apply na light makeup sa kaniya ay bahagyang nagtago ng kanyang panghihina at pagod. Ang kanyang mahaba at maluwag na nakatirintas na buhok, pati ang suot niyang off-shoulder na damit, ay nagbigay-diin sa kanyang kakaibang ganda at pagiging elegante. Ang ngiti sa gilid ng kanyang mga labi ay tamang-tama lamang, malaya at magaan. Sa ilang hakbang pa lamang, naging sentro na siya ng atensyon ng lahat ng naroon. Napahinto siya nang ang atensiyon ng mga tao ay napunta sa kaniyang likuran. Pinagkakaguluhan ng mga ito ang bagong dumating.
"Ganoon ba?"Mababa ang tinig ni Kevin, at ang ngiti sa kanyang labi ay mahirap basahin, hindi mo tiyak kung ito ba ay dahil masaya siya o galit.Ilang saglit lang, bigla na lang umalingawngaw ang tunog ng kamao na sumalpok sa laman, kasabay ng tunog ng nabaling buto.Ang lalaking kanina’y mayabang ay napangiwi sa sakit, at sa isang iglap ay napasigaw bago bumagsak sa sahig."Young master! Sandali…"Nangangatog ang dalawang bodyguard, takot na takot. Nagtinginan sila sa isa’t isa pero ni isa sa kanila ay hindi naglakas-loob na lumapit. Yumuko na lamang sila, tila nagkulang na sa tapang para tumutol.Ang babaeng hawak nila kanina, na para sana sa kasiyahan ng kanilang batang amo, ay nabitawan ng mga ito. Tila naging isa itong bomba na maaaring magdala ng kapahamakan."Umalis na kayo."Sa maikli ngunit malamig na wikang ito ni Kevin ay nagkukumahog nang umalis ang mga bodyguard iniwanan na nila ang kanilang batang among wala nang lakas dahil sa natamong kalupitan mula kay Kevin. Tila mg
Bagamat hindi nasasagot ng sinabi ni Ella ang mga tanong sa kaniyang isipan, siya pa rin ang babaeng pinakamamahal ni Kenneth sa napakaraming taon kaya’t hindi niya magawang magalit dito ng matagal.Pumikit si Kenneth, tila pinipilit kinukumbinsi ang sarili na paniwalaan ang sinabi ni Ella.Pagkaraan ng ilang sandali, tinapunan niya ito ng malamig na tingin, saka malakas na isinara ang pinto nang hindi man lang lumilingon.Sa loob ng silid, natigilan si Ella sa lakas ng pagkalabog ng pinto. Niyakap niya ang sarili, at ang mga kuko niya’y halos bumaon na sa kanyang palad.Simula nang magkakilala sila ni Kenneth at ma-in love sa isa’t isa sa unang pagkikita, ngayon lang ulit siya tinrato nito nang ganoon. Ang pinaka huli pa ay noong mga unang araw na nakakulong si Evan, limang taon na ang nakalipas.Sa tagal ng kanilang relasyon, hindi naman siya ganoon kahina para hindi tanggapin ang anumang pagbabago sa lalaking minamahal. Pero ang hindi niya matanggap ay ang bawat pagbabagong ginagaw
Habang nagmamadaling papasukin si Evan sa bahay, iwas ang tingin ng kanyang ina at panay ang panenermon nito. "Ikaw talaga, bakit hindi ka man lang tumawag bago bumalik? At saka, si Ella Mae, hindi siya umuwi kagabi. May kinalaman ka ba rito, Evan? Kakatapos lang ng heart transplant niya. Huwag na huwag mo siyang sasaktan ulit, narinig mo ba ako?"Napabuntong-hininga na lang siya. Pagkatapos pala ng limang taon, si Ella pa rin ang tanging karapat-dapat mahalin at alagaan sa pamilyang ito.Tumigil si Evan, nakatalikod sa ina, habang ang puso niya'y parang hinihiwa.Mula pagkabata, sanay na siyang ganito ang trato sa kanya ng kaniyang pamilya, pero hindi pa rin niya kayang hindi masaktan. Hindi pa pala siya manhid. Ang bawat sugat na akala niya ay naghilom na, muli na naman ngayong nabubuksan at kumikirot."Huwag ka pong mag-alala. Mahal na mahal mo ang kapatid kong iyon, hindi po ba? Kaya, paano ko siya magagawang saktan?" pigil-luha niyang sabi. Pinilit niyang itaas ang tingin sa mara
Matapos madikdik ni Evan ang kumpiyansa ni Ella, iniwan niya na ito sa sala na waring halos hindi na makakilos, mahinahong ngumiti si Evan at buong lakas na isinara ang pinto sa harapan niya.Nang maisara ang pinto, natakpan nito ang galit at pagkamuhi sa mga mata ni Ella, na parang nawawala na sa katinuan dahil sa mga banta ni Evan.Tanghali na nang makabalik si Evan sa lumang bahay, at agad niyang naramdaman na may kakaiba sa paligid.Nilapitan siya ng kasambahay, kinuha ang bag mula sa kamay niya, at nagsalita nang may halong kaba, "Madam, hinihintay po kayo ng young master sa kwarto."Natigilan si Evan saglit, bago marahang tumango at umakyat sa itaas tulad ng sinabi ng tagapag-silbi.Sa kwarto, nakita niya ang pigura ng likuran ng asawa niya na nakaupo sa mesa. Bakas sa mukha nito ang lungkot at inis. Ang kurbata nito’y basta na lang nakapatong sa gilid ng mesa, at ang mga dokumentong dati’y maayos na nakasalansan ay nagkalat sa sahig, halatang ibinato sa galit.Pagbukas ni Evan
Habang nagsasalita, binitiwan ni Cheska ang kamay ng yaya at inosenteng tumakbo papasok sa kwarto."Hmp! Si Daddy, ako lang ang mahal niya, kaya ayaw niyang may Mommy na agaw ng atensyon," inosenteng bulong ni Cheska sa sarili.Lihim na natuwa si Evan, parang nakaligtas sa bingit ng kamatayan. Agad niyang sinagot si Kenneth. "Oo, Francheska. Pupunta na siya at sasabayan kang kumain. Hindi ba, Kenneth?" Pero hindi ito pinansin ng lalaki."Cheska, bakit ka nandito?" Tumayo si Kenneth mula sa kama, at ang maitim niyang mukha ay tila sasabog na sa galit. Sinita niya ang yaya sa likod ni Cheska. "Wala kang kwenta! Pinagkatiwalaan kitang bantayan ang bata, iyon lang ang trabaho mo, hindi mo pa magawa? Ngayon, mag-empake ka at lumayas ka na. You're fired!!"Habang umiiyak si Cheska at ang yaya, napansin ni Kenneth na nakatakas si Evan. Sa kalagitnaan ng gulo, nakalabas ito sa pinto sa gilid ng dressing room.Paglabas ng lumang bahay, naghanap si Evan ng banyo upang magpalit ng damit na kinuh
Sa ilalim ng impluwensiya ng alak, ang dating mahiyain at konserbatibong si Evan ay tila naging ibang tao.Ang kakaibang anyo niya, na malayo sa matigas at matapang niyang personalidad, ay bihirang makita. Para kay Kevin, ang ganitong estado ni Evan ay hindi lang bago sa kanyang paningin kundi nakakaaliw din.Habang hawak niya ang kanyang damit sa isang kamay, iniakbay naman niya ang isang braso sa makitid na baywang ni Evan upang hindi ito madulas habang nakayapak sa banyo. Sa tinig na kahit siya mismo'y nagulat sa pasensiya, niya sa pag-aalaga ng lasing na babae ay kaniya itong kinausap. "May tubig sa tabi na nakapatong sa bedside table, hindi mo ba napansin? Dadalhin kita roon, gusto mo ba?""Ah sige," nakangiting tugon ni Evan habang tumingala. Ngunit sa kalasingan, wala sa tamang pag-iisip na inabot niya ang shower head na abot-kamay lamang niya "Pero hindi ba ay nilalabasan din ito ng tubig? Gusto ko na talagang uminom, ngayon din!""Sandali lang—"Bago pa matapos ni Kevin ang s
Noong mga panahong iyon, bagong kasal pa siya sa pamilya Li ayon sa ayos ni Mr. Li. Alam niyang hindi maganda ang kalusugan ng tiyan ni Kenneth, kaya't nagsanay siya ng mabuti upang makapagluto ng mga pagkaing mainit at komportable para sa kanya tuwing umaga.Ngayon, naisip niya, kumakain nga si Kenneth ng mga midnight snack niya, ngunit iyon ay isang simpleng midnight snack lang.Ibig sabihin, ang kanyang kabutihan ay wala ring halaga mula simula hanggang matapos.Isang oras ang lumipas, at dalawang ulam na may magandang kulay, amoy, at lasa ang nahain sa eleganteng marmol na mesa sa kainan, at mayroong isang malaking grupo at isang maliit na grupo ng mga tao na nagtitipon sa paligid ng mesa, masaya."Subukan mo ito, matagal ko nang inensayo ang lugaw na ito, at ito ang pinakamaganda ko."Habang hinihipan ang mainit na hangin mula sa mangkok, kumuha si Evan ng maliit na kutsara at inabot ito sa bibig ni Ashton.Ibinaba ni Ashton ang ulo, ipinakita ang maliit na bahagi ng kanyang
Bitbit ang maliit na supot na may mga kahiya-hiyang laman, matagumpay na nahanap ni Evan ang klase kung saan naroon si Ashton.Wala nang ibang bata sa silid-aralan, tanging si Ashton na lang ang nakaupo, walang sigla ang mga mata nito, at nakapatong ang mga kamay sa pisngi. Hindi siya gumagalaw sa kanyang upuan.Nang makita ni Evan ang pasa sa makinis na mukha ng bata, kumirot ang kanyang puso para rito. Napapikit siya ng bahagya bago mabilis na pumasok sa silid at kinuha ang atensiyon ng bata."Ashton, kumusta ka? Anong masakit sa'yo, baby?" tanong niya nang may pag-aalala."Vanvan!" Agad na lumingon si Ashton sa kaniya. Nagniningning ang singkit na mga mata ng bata, ang kislap ng mata ng mga iyon ay tila mga bituin. Dali-daling tumakbo papunta kay Evan gamit ang kanyang maiikling binti."Wala pong masakit sa akin! Bakit ka po nandito?"Umupo si Evan para mapantayan ang bata, saka marahang kinulong sa kaniyang mga bisig. Maingat niyang hinaplos ang namumulang pisngi nito."Sabihi
"Pasensiya na po, Madam, kung meron lang akong ibang magagawa, hinding-hindi ako lalapit dito para humingi ng tulong."Sa tapat ng marmol na mesa, nakaupo si Anthony Villaflor, ang ama ni Evan. Hawak niya ang kanyang mga kamay, na para bang nagmamakaawa pero puno naman ito ng kasinungalingan."Simula nang mag-donate ng bone marrow si Evan para sa asawa niyo, hindi na naging maayos ang kanyang kalusugan. Gusto ng asawa ko na bigyan siya ng mga suplemento, pero ang mahal naman ng mga iyon, hindi kami makabili..."Bahagyang humigpit ang hawak ni Evan sa dalang plato. Namula ang kanyang mukha dahil sa matinding kahihiyan.Ayos lang sana kung basta na lang pupunta ang kanyang ama sa pamilya Huete para humingi ng pera. Pero ang patuloy na paggamit ng pangalan niya?Kahit pa hindi sabihin sa kaniya ng matanda ang tungkol dito, paano niya matatanggap ang patuloy na pag-abuso ng kanyang pamilya sa pamilya Huete dahil lang sa pabor na ginawa niya para sa mga ito ng kusang loob?"Hayaan mong mag
Hindi inaasahan ni Evan ang mga inasta ni Kenneth, ipagtatanggol siya nito, at sa harapan pa ni Ella.Kung noong nakalipas na limang taon lang sana ito nangyari, baka maglulundag pa siya sa saya mula sa atensiyong nakukuha mula rito. Ngunit ngayon ay marami na ang nangyari, kung ang lahat sa paligid niya ay nagbago, hindi malayong pati si Evan ay nagbago na rin. Tulad ng kulay abo na madalas sumisimbolo ng pagtatapos, patay na rin ang lahat ng damdamin sa kanyang puso.Ang natira na lamang ay kawalang-pakiramdam. Parang namamanhid na siya dulot ng walang katapusang sakit noon na miski hanggang ngayon ay dala-dala niya pa rin.Sa gitna ng nakakabinging katahimikan, bahagyang ngumiti si Kevin habang binabasa ang reaksyon ng lahat.Dahan-dahan niyang binuksan ang kahon, kinuha ang makinang na alahas, at pinindot ang isang lihim na mekanismo sa loob nito.Ang kakaiba niyang kilos ay agad nakakuha ng atensyon ng tatlong tao.Sa maliksi niyang mga daliri, tinanggal niya ang base ng alahas,
Kinabahan si Evan bago maingat na tinawag ang lalaking sinusundan, "Uncle."Huminto ang lalaking nakatalikod sa kanya. Ang tono nito ay nanatiling kalmado at walang emosyon, na mahirap basahin ng sino man ang ibig sabihin. Sinagot lang siya nito ng maikling, "Hmm?""Pasensya na pala sa nangyari kahapon," sabay yuko niya, puno ng determinasyon na humingi ng tawad sa lalaki dahil sa naging asta niya sa harap nito.Pinagdikit ni Evan ang namamawis na mga kamay bago mabilis na nilapitan si Kevin, at tumingin ng diretso sa mga mata nitong malalim na kasing lalim ng bangin kung makatitig. "Alam kong ginagawa mo lang iyon para sa ikabubuti ko, pero baka maisip mong binabalewala ko lang ang lahat–"Tumaas ang kilay ni Kevin, at may bahagyang misteryosong tingin sa kanyang mga mata. "Evan, it's your life to begin with. You don't need to apologize for something as simple as deciding for yourself? But... are you regretting it now? Nagbago na ba ang isip mo? Gusto mo na bang kunin ang napakaganda
Habang nagsasalita pa si Ella, bigla siyang sumugod muli upang subukang agawin ang nakakainis na kahon ng alahas na hawak-hawak ng kapatid.Madali namang nakailag si Evan at, sa tamang pagkakataon, itinulak niya ang kanyang tuhod patungo sa malambot na bahagi ng tiyan ni Ella. Napasalampak ito sa malamig na tiles ng banyo. "Ella," malamig at may tunog na banta na sabi ni Evan, "Kung hindi ko man kayang talunin o kalabanin si Kenneth, ikaw, madali lang kitang matatapos sa mga palad ko. Pakatandaan mo ‘yan."Namimilipit sa sakit si Ella sa malamig na tiles ng banyo. Hindi niya inaasahang mararanasan ang ganitong klaseng pananakit sa kaniyang buhay, at higit pang hindi niya matanggap ay galing ito kay Evan, na palagi niyang minamaliit.Namula ang kanyang mga mata sa galit. Muling sumugod si Ella kay Evan na parang baliw, at ang dating maamo niyang mukha ay ngayon nalukot na at puno ng galit. "Evan, sinasabi ko sa'yo, ibigay mo sa akin ang kahon na ’yan!"Hindi inaasahan ni Evan na makaka
Nakuha ng auctioneer ang sapat na atensyon ng lahat at saka dahan-dahang inilabas ang limang maliit na pulang kahon. Isa-isa niya itong binuksan sa harap ng mga panauhin."The reason why it is called an introduction product is that the jewelry itself is not for sale, and today's finale is copied by other well-known jewelers, and the price is 75,000,000. Non-professionals cannot see the difference between the two," paliwanag niya.Halos kasabay ng pagtatapos ng auctioneer, agad na sumiksik si Ella kay Kenneth.Mula sa anggulong hindi nakikita ng lalaki, nang-aasar na ngumiti si Ella kay Evan. Ngunit nang magsalita siya, malumanay pa rin ang kanyang tinig na parang kalmadong tubig. "Kenneth, gustung-gusto ko 'yan. Magagawa mo bang bilhin iyan para sa akin? Pretty, please?"Samantala, sa pinakamataas na pwesto sa loob ng venue hall, kung saan mas tanaw ang lahat, isang marangal at elegante na lalaki ang tahimik na umiinom ng alak habang nakatingin sa eksenang nagaganap sa baba.Ang kanya
Maingat na itinaas ni Kevin ang teapot at dahan-dahang nagsalin ng tsaa.Sa kalagitnaan nito, narinig niya ang mahinahon na sagot ni Evan. "Uncle, patawad po. Hindi ko po matatanggap ang posisyong iyon. Para sa akin ay wala pa po akong sapat na karanasan at kaalaman para humarap sa katulad ng kakakilala mong beterano na sa larangang mahal na mahal ko."Bahagyang natigilan ang kamay niyang nakabitin sa ere dahil sa narinig. Ibinaba ni Kevin ang kanyang tingin at ngumiti nang bahagya. Agad niyang ibinaba ang teapot na parang walang nangyari.Ang ngiting binibigay niya ay tila maharlika at elegante sa mata ng iba. Tinitigan niya si Evan nang may kahulugan at nagsabi. "Mahirap iyang lagi kang sumusunod kay Kenneth, Evan. Mag-ingat ka."Matapos masabi iyon, ibinaling niya naman ang tingin sa relo sa kanyang pulso at sinabing, "Mag-uumpisa na ang auction sa loob ng kalahating oras. Kenneth, isama mo si Evan."Sa magaan na pakiramdam, agad na sumang-ayon si Kenneth. "Opo, Uncle." Masaya siya
Hinawakan ni Greg ang kanyang baba at nag-isip nang matagal. Pakiramdam niya, pamilyar ang pangalang ‘Evan’. Parang narinig niya na ito sa kung saan.Matapos ang ilang sandali, bigla niyang ipinitik ang kaniyang daliri at natauhan, waring may biglang naalala. Agad siyang tumakbo papunta sa pintuan na parang may hinahabol, ngunit nang makarating siya sa corridor, wala na ang babaeng sinubukan niyang sundan.Napaisip si Evan, kung nandito pala si Kenneth, ibig sabihin, malaki ang tsansa na ang kanyang asawa ay nasa Conference Room No. 1 ni Kevin. Marahil ay dahil huli na siya, naging abala na ang mga empleyado sa pagpupulong.Upang maiwasang mapagbintangan na nagnanakaw ng kumpidensyal na impormasyon, sa loob ng office, bumalik na lang siya sa lobby. Umupo siya sa sofa at doon na naghintay kay Kevin.Pitong minuto na lang bago ang oras ng usapan, dalawang bodyguard ang nagbukas ng revolving door para masigurong ligtas na makapasok ang young master nila.Agad tumayo si Evan, ngunit bago