Dahil sa GPS tracker na lihim niyang inilagay sa telepono ni Evan, agad na nalaman ni Ella na tumagal ito sa bar at kalaunan ay pumunta sa pinakamalapit na hotel.Siguradong hindi mag-iisa si Evan sa hotel, kaya’t maingat niyang sinadyang magbigay ng sapat na oras para mangyari ang lahat ng kanyang inaasahan, at abutan ang dalawa sa akto ng pulisyang kaniyang tinawagan.Ang pagpasok ng Anti-Pornography Team sa eksena ay magiging malaking dagok sa isang tulad ni Evan na may maselang reputasyon. Kahit pa magpaliwanag ang kasama nitong lalaki, malamang ay makukulong siya ng ilang araw.Sa oras na mabalitaang nahuli siya sa hotel, hindi maitatago ang iskandalo. Kapag nangyari iyon, lalamig na muli ang tungo ni Kenneth kay Evan. Mawawala na rin sa wakas ang anumang namumuong affection nito para sa kapatid.Alas-diyes na ng umaga nang magising si Evan.Napatingin siya sa paligid at sa mga dekorasyong hindi pamilyar. Subconsciously, gusto sana niyang magsalita ngunit natuklasan niyang tuyong
Sa totoo lang, gusto talaga ni Greg na parusahan ang babaeng dahilan kung bakit may nadagdag na kabanata sa kaniyang buhay pag-ibig nang walang pahintulot, ngunit nang makita niya itong tumatawa, tila tinusok ng karayom ang galit niya at tuluyan itong nawala.Noong gabing iyon sa club, naalala niyang nakita na niya ang kakaibang aura na hatid ng babae, tahimik ito pero alam niyang may ibubugang angking talino at kakayahan.Kung hindi lang sinabi ni Kenneth na magpaka-wild siya, siguro mas gugustuhin niya pang magpanggap bilang isang maginoo sa harap ng babae, para lang gumanda ang tingin sa kaniya nito. Kahit pa kasi ang tunay na layunin niya ay makuha ang gusto niya, handa pa rin naman siyang magsimula sa isang disenteng pamamaraan, gaya ng pagyayayang makipag-date sa babae. Aminado siyang sa unang lapat pa lang ng mata niya sa babaeng ipinadala ni Kenneth, nagka-interes na agad siya dito."Pero hindi ako papayag na sirain mo na lang ng ganoon ang pangalan ko basta-basta. Sisiguraduh
Hinawakan ni Greg ang kanyang baba at nag-isip nang matagal. Pakiramdam niya, pamilyar ang pangalang ‘Evan’. Parang narinig niya na ito sa kung saan.Matapos ang ilang sandali, bigla niyang ipinitik ang kaniyang daliri at natauhan, waring may biglang naalala. Agad siyang tumakbo papunta sa pintuan na parang may hinahabol, ngunit nang makarating siya sa corridor, wala na ang babaeng sinubukan niyang sundan.Napaisip si Evan, kung nandito pala si Kenneth, ibig sabihin, malaki ang tsansa na ang kanyang asawa ay nasa Conference Room No. 1 ni Kevin. Marahil ay dahil huli na siya, naging abala na ang mga empleyado sa pagpupulong.Upang maiwasang mapagbintangan na nagnanakaw ng kumpidensyal na impormasyon, sa loob ng office, bumalik na lang siya sa lobby. Umupo siya sa sofa at doon na naghintay kay Kevin.Pitong minuto na lang bago ang oras ng usapan, dalawang bodyguard ang nagbukas ng revolving door para masigurong ligtas na makapasok ang young master nila.Agad tumayo si Evan, ngunit bago
Maingat na itinaas ni Kevin ang teapot at dahan-dahang nagsalin ng tsaa.Sa kalagitnaan nito, narinig niya ang mahinahon na sagot ni Evan. "Uncle, patawad po. Hindi ko po matatanggap ang posisyong iyon. Para sa akin ay wala pa po akong sapat na karanasan at kaalaman para humarap sa katulad ng kakakilala mong beterano na sa larangang mahal na mahal ko."Bahagyang natigilan ang kamay niyang nakabitin sa ere dahil sa narinig. Ibinaba ni Kevin ang kanyang tingin at ngumiti nang bahagya. Agad niyang ibinaba ang teapot na parang walang nangyari.Ang ngiting binibigay niya ay tila maharlika at elegante sa mata ng iba. Tinitigan niya si Evan nang may kahulugan at nagsabi. "Mahirap iyang lagi kang sumusunod kay Kenneth, Evan. Mag-ingat ka."Matapos masabi iyon, ibinaling niya naman ang tingin sa relo sa kanyang pulso at sinabing, "Mag-uumpisa na ang auction sa loob ng kalahating oras. Kenneth, isama mo si Evan."Sa magaan na pakiramdam, agad na sumang-ayon si Kenneth. "Opo, Uncle." Masaya siya
Nakuha ng auctioneer ang sapat na atensyon ng lahat at saka dahan-dahang inilabas ang limang maliit na pulang kahon. Isa-isa niya itong binuksan sa harap ng mga panauhin."The reason why it is called an introduction product is that the jewelry itself is not for sale, and today's finale is copied by other well-known jewelers, and the price is 75,000,000. Non-professionals cannot see the difference between the two," paliwanag niya.Halos kasabay ng pagtatapos ng auctioneer, agad na sumiksik si Ella kay Kenneth.Mula sa anggulong hindi nakikita ng lalaki, nang-aasar na ngumiti si Ella kay Evan. Ngunit nang magsalita siya, malumanay pa rin ang kanyang tinig na parang kalmadong tubig. "Kenneth, gustung-gusto ko 'yan. Magagawa mo bang bilhin iyan para sa akin? Pretty, please?"Samantala, sa pinakamataas na pwesto sa loob ng venue hall, kung saan mas tanaw ang lahat, isang marangal at elegante na lalaki ang tahimik na umiinom ng alak habang nakatingin sa eksenang nagaganap sa baba.Ang kanya
Habang nagsasalita pa si Ella, bigla siyang sumugod muli upang subukang agawin ang nakakainis na kahon ng alahas na hawak-hawak ng kapatid.Madali namang nakailag si Evan at, sa tamang pagkakataon, itinulak niya ang kanyang tuhod patungo sa malambot na bahagi ng tiyan ni Ella. Napasalampak ito sa malamig na tiles ng banyo. "Ella," malamig at may tunog na banta na sabi ni Evan, "Kung hindi ko man kayang talunin o kalabanin si Kenneth, ikaw, madali lang kitang matatapos sa mga palad ko. Pakatandaan mo ‘yan."Namimilipit sa sakit si Ella sa malamig na tiles ng banyo. Hindi niya inaasahang mararanasan ang ganitong klaseng pananakit sa kaniyang buhay, at higit pang hindi niya matanggap ay galing ito kay Evan, na palagi niyang minamaliit.Namula ang kanyang mga mata sa galit. Muling sumugod si Ella kay Evan na parang baliw, at ang dating maamo niyang mukha ay ngayon nalukot na at puno ng galit. "Evan, sinasabi ko sa'yo, ibigay mo sa akin ang kahon na ’yan!"Hindi inaasahan ni Evan na makaka
Kinabahan si Evan bago maingat na tinawag ang lalaking sinusundan, "Uncle."Huminto ang lalaking nakatalikod sa kanya. Ang tono nito ay nanatiling kalmado at walang emosyon, na mahirap basahin ng sino man ang ibig sabihin. Sinagot lang siya nito ng maikling, "Hmm?""Pasensya na pala sa nangyari kahapon," sabay yuko niya, puno ng determinasyon na humingi ng tawad sa lalaki dahil sa naging asta niya sa harap nito.Pinagdikit ni Evan ang namamawis na mga kamay bago mabilis na nilapitan si Kevin, at tumingin ng diretso sa mga mata nitong malalim na kasing lalim ng bangin kung makatitig. "Alam kong ginagawa mo lang iyon para sa ikabubuti ko, pero baka maisip mong binabalewala ko lang ang lahat–"Tumaas ang kilay ni Kevin, at may bahagyang misteryosong tingin sa kanyang mga mata. "Evan, it's your life to begin with. You don't need to apologize for something as simple as deciding for yourself? But... are you regretting it now? Nagbago na ba ang isip mo? Gusto mo na bang kunin ang napakaganda
Hindi inaasahan ni Evan ang mga inasta ni Kenneth, ipagtatanggol siya nito, at sa harapan pa ni Ella.Kung noong nakalipas na limang taon lang sana ito nangyari, baka maglulundag pa siya sa saya mula sa atensiyong nakukuha mula rito. Ngunit ngayon ay marami na ang nangyari, kung ang lahat sa paligid niya ay nagbago, hindi malayong pati si Evan ay nagbago na rin. Tulad ng kulay abo na madalas sumisimbolo ng pagtatapos, patay na rin ang lahat ng damdamin sa kanyang puso.Ang natira na lamang ay kawalang-pakiramdam. Parang namamanhid na siya dulot ng walang katapusang sakit noon na miski hanggang ngayon ay dala-dala niya pa rin.Sa gitna ng nakakabinging katahimikan, bahagyang ngumiti si Kevin habang binabasa ang reaksyon ng lahat.Dahan-dahan niyang binuksan ang kahon, kinuha ang makinang na alahas, at pinindot ang isang lihim na mekanismo sa loob nito.Ang kakaiba niyang kilos ay agad nakakuha ng atensyon ng tatlong tao.Sa maliksi niyang mga daliri, tinanggal niya ang base ng alahas,
Kung tutuusin, sa galing ni Lindsey sa pagpapanggap at panlilinlang, kahit pa hindi totoo, kaya niyang magkunwaring mahal si Ashton sa harap ng tiyuhin nito.Pero sa lahat ng nakita, mukhang alinman sa dalawa ang totoo—kulang ang effort ni Lindsey sa pagpapanggap, o masyadong matalino si Ashton para malinlang. Sa isang sulyap pa lang, parang nababasa na niya ang lahat ng kilos ni Lindsey.Napatingin si Evan sa malungkot na ekspresyon ni Ashton—isang lungkot na hindi niya sinasadya pero hindi niya rin kayang itago. Naramdaman niya ang awa sa bata, pero alam niyang wala siyang karapatang husgahan si Lindsey. Ang tanging magagawa niya lang ay sikaping mapasaya si Ashton sa bawat pagkakataon na kasama niya ito.Walang ibang paraan. Matagal siyang nag-alinlangan habang hawak ang cellphone, pero sa huli ay pinindot niya ang numero ng kanyang tiyuhin.“Evan,” bati ni Kevin nang sagutin ang tawag.“Tito,” mahinahon niyang sagot. “Kasama ko si Ashton. Gusto niyang maglaro sa bahay ninyo. Pwede
Kinagabihan, nakatanggap siya ng mensahe mula kay Ashton—pinapapunta siya sa school para sunduin ito.Na-miss na rin niya ang bata, at kahit sandali siyang nagdalawang-isip, hindi niya rin kayang tanggihan ang hiling nito.Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa isipan niya ang nangyari noong huli siyang pumunta sa school—pati ang hapdi ng paso sa likod ng kanyang kamay, hindi pa rin niya malimutan.Kahit pa pilitin niyang kumbinsihin ang sarili na si Lindsey ay kasintahan ng kanyang tiyuhin at wala na siyang dapat ipaglaban, iba pa rin ‘yung sakit. Hindi porket hindi siya nagsalita ay hindi na siya nasaktan."Evan,, anong iniisip mo at parang ang lungkot mo?" tanong ni Christopher habang lumalapit, hawak ang isang tasa ng kape. Umupo siya sa tabi ni Evan at sinimulang ikwento ang mga plano niya para sa studio.Epektibo ang paraan niya—agad nawala sa isip ni Evan ang iniisip niya at masaya siyang nakisali sa pag-uusap."Sige, ayusin mo 'yang mga ideya, tapos i-email mo agad sa tito mo. Sigu
Para sa Driver ni Kenneth, ang pagging tahimik niya ay natural lamang sa kaniya. Matagal niyang tinitigan ang bihirang ngiti ni Evan—parang uhaw na uhaw siyang titigan ito, at habang lumilipas ang bawat segundo, lalo lamang tumitindi ang pagnanasa niyang angkinin ang babaeng nasa harap niya. Pero kahit ganoon, hindi siya nangahas na pilitin ito muli.“Evan, akin ka.”Mahinahon man ang pagkakabitaw niya ng mga salitang iyon, naroon ang lalim ng pananakot sa likod ng kanyang malamlam at maitim na mga mata. Bawat salita ay tila pahayag ng pag-aangkin.Hindi siya pinahiya ni Evan. Bagkus, bahagya pa niyang itinaas ang kanyang mukha, pinanatili ang mahinang ngiti sa mga labi. Ngunit hindi ito umabot sa kanyang mga mata. Sa ilalim ng ngiting iyon, may halong lamig at hinanakit.Pagkatapos, inalis niya ang tingin mula kay Kenneth, dahan-dahang isinara ang pinto ng sasakyan, saka tahimik na inutusan ang driver. “Tayo na.”Alangan ang driver. Sa pamamagitan ng rearview mirror, sinulyapan niya
Nag-reach out ang housekeeper mula sa lumang bahay ni Evan, at sinabi na nais siyang makita ng matandang babae.Wala nang magawa si Evan kundi hilingin kay Christopher na magsimula ng pansin mula sa mga reporters. Nagbago siya ng itsura at tumakas sa likod ng pinto.Pagdating sa lumang bahay ng Huete, bumukas ang mga ukit na pintuan. Paglabas ni Evan mula sa sasakyan, naglakad siya at aksidenteng nakasalubong si Stephanie na nakasuot ng matingkad na damit.Hindi na pinansin ni Evan ang dating ina-inahan. Nakataas ang kanyang ulo, dumaan siya nang mataas ang tingin."Evan, ako pa naman ang iyong mother-in-law. Hindi mo man lang ba ako babatiin?" Nang makita siya ni Stephanie, muling lumamig ang kanyang mukha. Hinadlangan siya nito at may poot sa mata, "Huwag ka munang maglakad, may sasabihin ako sa'yo."Hindi pinansin ni Evan ang kanyang pang-aasar, tinitigan siya ng malamig at naglakad palayo.Paano naman si Stephanie? Hindi niya palalagpasin ang ganitong pagtingin ni Evan. Tumayo siy
“Miss Evan, paano mo nagawa iyon?"Wala nang kaalaman si Evan na nagawa niya iyon dahil sa kanyang bentahe sa kasarian, at inisip na ang pato na may pinit na rice wine ang totoong may sala. "Siguro, swerte lang ako. Tungkol sa proseso, hindi mo na kailangang sabihin sa tito ko. Pakiusap na lang, ipasubok mo sa kanya. Kung hindi gumana, mag-iisip ako ng ibang paraan."Pinatol ni Jaxon ang tawag at tinitigan ang misteryosong mata ng presidente ng Huete Group sa likod ng desk habang nakanganga ang ulo.Ayaw ng Master na malaman ni Evan na siya'y seryosong nasugatan dahil sa kanya, at hindi rin gusto ni Miss Evan na malaman ng Master na humingi siya ng tulong medikal para sa kanya, at siya'y isang maliit na tao lang. Nasa gitna siya ng lahat at natatakot na baka isang araw, mamatay siya nang hindi buo ang katawan.Nilulon ni Jaxon ang laway sa takot at mabilis na nagsabi: "Master, si Miss Evan ang tumawag. Tinutukoy niya ang mga maliliit na bagay sa studio. By the way, narinig ko lang na
Napatitig siya rito, saka tumango. "Simula Sabado, sumama ka sa akin sa Emerald Welfare Home."Ang hiling na
Makalipas ang tatlong oras, dumating si Evan sa isang lumang bahay at kumatok sa pinto nito. Ang pintura sa kahoy ay luma at natutuklap na.May narinig siyang mga yapak sa loob bago bumukas ang pinto. Ngunit imbes na ang matandang lalaki ang sumalubong sa kanya, ang lalaking matagal nang may ayaw sa kanya ang nasa harapan niya.Nabigla ito nang makita siya."Ano’ng nangyari sa’yo?"Alam ni Evan kung bakit siya nagulat kaya ngumiti lang siya at hindi ito pinansin. Inalis niya ang kanyang sunglasses, saka lumampas sa lalaki papunta sa hardin kung saan ang matandang lalaki ay abala sa pag-aalaga ng mga bulaklak at paglalaro sa kanyang aso."Lolo, magluluto ka ba ulit ng fermented duck ngayon?"Nagulat ang matanda. Hindi niya inaasahan na tutuparin pa rin ni Evan ang kanyang pangako sa kabila ng gulong kinasasangkutan nito."Hindi. Bumili ako ng dalawang igat kanina, nasa kusina. Manood ka na lang habang niluluto ko."Tahimik na napangiti ang matanda. Habang pinagmamasdan ang lalaking nas
Nang makita ng ilang malalaking lokal na brand ang isang makapangyarihang katunggali na biglang lumitaw, hindi na sila mapakali. Nagpadala sila ng mga bayarang tao upang siraan si Yeyan online, ngunit halos walang naging epekto ang kanilang paninira.Sa gitna ng pag-atake ng mga pekeng accounts, maraming netizens ang hindi nagpatinag at agad na nagbigay ng kanilang opinyon."Pakiusap naman, ‘yan ang brand na paborito mismo ng presidente ng Huete Corporation! Kung hindi mo gusto, baka ikaw ang may pangit na panlasa. Isipin mo na lang, kakaunti lang ang katulad ni Kevin—mayaman, gwapo, at maganda ang pangangatawan. Normal lang kung hindi mo kayang sabayan ang taste niya, pero maling mali na siraan mo ito ng walang basehan.""Sa estado at yaman ni Mr. Huete, sa tingin mo ba kailangan pa niyang kumuha ng endorsement gaya ng mga artista at magbenta ng produktong hindi niya ginagamit? Bukod pa roon, parang sadyang ginawa para sa kanya ang hikaw—napakaganda ng disenyo at pulido ang pagkakagaw
Nakatingin si Evan kay Kenneth na nasa ilang metro ang layo mula sa kanya. Matagal na silang magkakilala, pero ngayon lang niya nakita si Kenneth na ganito kapuruhan ang itsura.Kung limang taon na ang nakalipas, marahil ay naawa pa siya rito.Pero ngayon, ang lalaking minsan niyang minahal ay nasa harapan na niya — sobrang lapit na halos mahawakan niya ito — ngunit sa puso niya'y wala nang nararamdamang iba kundi kapaitan.Hindi niya alam kung bakit nagpapaka-drama si Kenneth, pero batay sa pagkakakilala niya rito, hinding-hindi ito basta-basta susuko.Ibinaba niya ang tingin, saka ibinulsa ang susi ng kotse sa bulsa ni Kevin. Mahina niyang sinabi, "Uncle, mauna ka na. Ako na'ng bahala rito."Itinaas ni Kevin ang kanyang makakapal na kilay at tiningnan si Evan — walang sinabi, pero malinaw na nag-aalala.Sa ilalim ng ilaw ng kalye, litaw na litaw ang payat na pigura ni Evan — parang abo pagkatapos ng apoy na nagliyab.Hindi kalayuan, mahigpit na nakasara ang kamao ni Kenneth — nangin