Maingat na itinaas ni Kevin ang teapot at dahan-dahang nagsalin ng tsaa.Sa kalagitnaan nito, narinig niya ang mahinahon na sagot ni Evan. "Uncle, patawad po. Hindi ko po matatanggap ang posisyong iyon. Para sa akin ay wala pa po akong sapat na karanasan at kaalaman para humarap sa katulad ng kakakilala mong beterano na sa larangang mahal na mahal ko."Bahagyang natigilan ang kamay niyang nakabitin sa ere dahil sa narinig. Ibinaba ni Kevin ang kanyang tingin at ngumiti nang bahagya. Agad niyang ibinaba ang teapot na parang walang nangyari.Ang ngiting binibigay niya ay tila maharlika at elegante sa mata ng iba. Tinitigan niya si Evan nang may kahulugan at nagsabi. "Mahirap iyang lagi kang sumusunod kay Kenneth, Evan. Mag-ingat ka."Matapos masabi iyon, ibinaling niya naman ang tingin sa relo sa kanyang pulso at sinabing, "Mag-uumpisa na ang auction sa loob ng kalahating oras. Kenneth, isama mo si Evan."Sa magaan na pakiramdam, agad na sumang-ayon si Kenneth. "Opo, Uncle." Masaya siya
Nakuha ng auctioneer ang sapat na atensyon ng lahat at saka dahan-dahang inilabas ang limang maliit na pulang kahon. Isa-isa niya itong binuksan sa harap ng mga panauhin."The reason why it is called an introduction product is that the jewelry itself is not for sale, and today's finale is copied by other well-known jewelers, and the price is 75,000,000. Non-professionals cannot see the difference between the two," paliwanag niya.Halos kasabay ng pagtatapos ng auctioneer, agad na sumiksik si Ella kay Kenneth.Mula sa anggulong hindi nakikita ng lalaki, nang-aasar na ngumiti si Ella kay Evan. Ngunit nang magsalita siya, malumanay pa rin ang kanyang tinig na parang kalmadong tubig. "Kenneth, gustung-gusto ko 'yan. Magagawa mo bang bilhin iyan para sa akin? Pretty, please?"Samantala, sa pinakamataas na pwesto sa loob ng venue hall, kung saan mas tanaw ang lahat, isang marangal at elegante na lalaki ang tahimik na umiinom ng alak habang nakatingin sa eksenang nagaganap sa baba.Ang kanya
Habang nagsasalita pa si Ella, bigla siyang sumugod muli upang subukang agawin ang nakakainis na kahon ng alahas na hawak-hawak ng kapatid.Madali namang nakailag si Evan at, sa tamang pagkakataon, itinulak niya ang kanyang tuhod patungo sa malambot na bahagi ng tiyan ni Ella. Napasalampak ito sa malamig na tiles ng banyo. "Ella," malamig at may tunog na banta na sabi ni Evan, "Kung hindi ko man kayang talunin o kalabanin si Kenneth, ikaw, madali lang kitang matatapos sa mga palad ko. Pakatandaan mo ‘yan."Namimilipit sa sakit si Ella sa malamig na tiles ng banyo. Hindi niya inaasahang mararanasan ang ganitong klaseng pananakit sa kaniyang buhay, at higit pang hindi niya matanggap ay galing ito kay Evan, na palagi niyang minamaliit.Namula ang kanyang mga mata sa galit. Muling sumugod si Ella kay Evan na parang baliw, at ang dating maamo niyang mukha ay ngayon nalukot na at puno ng galit. "Evan, sinasabi ko sa'yo, ibigay mo sa akin ang kahon na ’yan!"Hindi inaasahan ni Evan na makaka
Kinabahan si Evan bago maingat na tinawag ang lalaking sinusundan, "Uncle."Huminto ang lalaking nakatalikod sa kanya. Ang tono nito ay nanatiling kalmado at walang emosyon, na mahirap basahin ng sino man ang ibig sabihin. Sinagot lang siya nito ng maikling, "Hmm?""Pasensya na pala sa nangyari kahapon," sabay yuko niya, puno ng determinasyon na humingi ng tawad sa lalaki dahil sa naging asta niya sa harap nito.Pinagdikit ni Evan ang namamawis na mga kamay bago mabilis na nilapitan si Kevin, at tumingin ng diretso sa mga mata nitong malalim na kasing lalim ng bangin kung makatitig. "Alam kong ginagawa mo lang iyon para sa ikabubuti ko, pero baka maisip mong binabalewala ko lang ang lahat–"Tumaas ang kilay ni Kevin, at may bahagyang misteryosong tingin sa kanyang mga mata. "Evan, it's your life to begin with. You don't need to apologize for something as simple as deciding for yourself? But... are you regretting it now? Nagbago na ba ang isip mo? Gusto mo na bang kunin ang napakaganda
Hindi inaasahan ni Evan ang mga inasta ni Kenneth, ipagtatanggol siya nito, at sa harapan pa ni Ella.Kung noong nakalipas na limang taon lang sana ito nangyari, baka maglulundag pa siya sa saya mula sa atensiyong nakukuha mula rito. Ngunit ngayon ay marami na ang nangyari, kung ang lahat sa paligid niya ay nagbago, hindi malayong pati si Evan ay nagbago na rin. Tulad ng kulay abo na madalas sumisimbolo ng pagtatapos, patay na rin ang lahat ng damdamin sa kanyang puso.Ang natira na lamang ay kawalang-pakiramdam. Parang namamanhid na siya dulot ng walang katapusang sakit noon na miski hanggang ngayon ay dala-dala niya pa rin.Sa gitna ng nakakabinging katahimikan, bahagyang ngumiti si Kevin habang binabasa ang reaksyon ng lahat.Dahan-dahan niyang binuksan ang kahon, kinuha ang makinang na alahas, at pinindot ang isang lihim na mekanismo sa loob nito.Ang kakaiba niyang kilos ay agad nakakuha ng atensyon ng tatlong tao.Sa maliksi niyang mga daliri, tinanggal niya ang base ng alahas,
"Pasensiya na po, Madam, kung meron lang akong ibang magagawa, hinding-hindi ako lalapit dito para humingi ng tulong."Sa tapat ng marmol na mesa, nakaupo si Anthony Villaflor, ang ama ni Evan. Hawak niya ang kanyang mga kamay, na para bang nagmamakaawa pero puno naman ito ng kasinungalingan."Simula nang mag-donate ng bone marrow si Evan para sa asawa niyo, hindi na naging maayos ang kanyang kalusugan. Gusto ng asawa ko na bigyan siya ng mga suplemento, pero ang mahal naman ng mga iyon, hindi kami makabili..."Bahagyang humigpit ang hawak ni Evan sa dalang plato. Namula ang kanyang mukha dahil sa matinding kahihiyan.Ayos lang sana kung basta na lang pupunta ang kanyang ama sa pamilya Huete para humingi ng pera. Pero ang patuloy na paggamit ng pangalan niya?Kahit pa hindi sabihin sa kaniya ng matanda ang tungkol dito, paano niya matatanggap ang patuloy na pag-abuso ng kanyang pamilya sa pamilya Huete dahil lang sa pabor na ginawa niya para sa mga ito ng kusang loob?"Hayaan mong magh
Bitbit ang maliit na supot na may mga kahiya-hiyang laman, matagumpay na nahanap ni Evan ang klase kung saan naroon si Ashton.Wala nang ibang bata sa silid-aralan, tanging si Ashton na lang ang nakaupo, walang sigla ang mga mata nito, at nakapatong ang mga kamay sa pisngi. Hindi siya gumagalaw sa kanyang upuan.Nang makita ni Evan ang pasa sa makinis na mukha ng bata, kumirot ang kanyang puso para rito. Napapikit siya ng bahagya bago mabilis na pumasok sa silid at kinuha ang atensiyon ng bata."Ashton, kumusta ka? Anong masakit sa'yo, baby?" tanong niya nang may pag-aalala."Vanvan!" Agad na lumingon si Ashton sa kaniya. Nagniningning ang singkit na mga mata ng bata, ang kislap ng mata ng mga iyon ay tila mga bituin. Dali-daling tumakbo papunta kay Evan gamit ang kanyang maiikling binti."Wala pong masakit sa akin! Bakit ka po nandito?"Umupo si Evan para mapantayan ang bata, saka marahang kinulong sa kaniyang mga bisig. Maingat niyang hinaplos ang namumulang pisngi nito."Sabihi
Noong mga panahong iyon, bagong kasal pa siya sa pamilya Li ayon sa ayos ni Mr. Li. Alam niyang hindi maganda ang kalusugan ng tiyan ni Kenneth, kaya't nagsanay siya ng mabuti upang makapagluto ng mga pagkaing mainit at komportable para sa kanya tuwing umaga.Ngayon, naisip niya, kumakain nga si Kenneth ng mga midnight snack niya, ngunit iyon ay isang simpleng midnight snack lang.Ibig sabihin, ang kanyang kabutihan ay wala ring halaga mula simula hanggang matapos.Isang oras ang lumipas, at dalawang ulam na may magandang kulay, amoy, at lasa ang nahain sa eleganteng marmol na mesa sa kainan, at mayroong isang malaking grupo at isang maliit na grupo ng mga tao na nagtitipon sa paligid ng mesa, masaya."Subukan mo ito, matagal ko nang inensayo ang lugaw na ito, at ito ang pinakamaganda ko."Habang hinihipan ang mainit na hangin mula sa mangkok, kumuha si Evan ng maliit na kutsara at inabot ito sa bibig ni Ashton.Ibinaba ni Ashton ang ulo, ipinakita ang maliit na bahagi ng kanyang
Hindi maiwasang maalala ni Evan ang sinabi sa kanya ni Kenneth matapos marinig ang mga salita ni Kevin. "Ang pamilya Huete ay hindi umaasa sa awa, at si Uncle mo ay hindi tao na madaling maawa." Habang nag-aalinlangan si Evan at gustong magsalita, biglang tumunog ang telepono sa kanyang bulsa. Tumatawag ang kanyang ina. Bahagyang ibinaba ni Kevin ang tingin, tila nagpapahiwatig na wala siyang balak makinig at hahayaan niyang sagutin ni Evan ang tawag ng walang alinlangan. Wala namang sikreto si Evan na kailangang itago, kaya agad niyang sinagot ang tawag. "Mama, sobrang nagpapasalamat po ako sa inyo ng tinawagan mo si Uncle para iligtas ako. Ayos na po ako ngayon." "Salamat naman at maayos ka na, salamat talaga," sagot ng ina, bahagyang humahagulgol pa ito sa kabilang linya. "May tumawag sa akin mula sa pamilya Huete at sinabing okay ka na, pero hindi ko maiwasang mag-alala. Akala ko tapos na ang birthday party ng biyenan mo kaya agad kitang tinawagan." Mula pagkabata hanggang
Sa loob ng kotse, kinuha ni Evan ang kahon ng gamot, pagkatapos ay inilagay niya ang malamig na gamot sa isang kutsara, at tinunaw ito bago sinubukang painumin si Ashton.Maaga pang umalis si Jaxon, dahil clock out na daw siya at tapos na ang kanyang trabaho. Si Kevin na lamang tuloy ang may hawak kay Ashton gamit ang kanyang hindi nasugatang kamay. May natikmang kaunting pait mula sa gamot si Ashton, kaya ng subukan muling painumin siya ni Evan, nagkukunwari na itong natutulog habang iniiwas ang bibig sa kutsara. Ang itsura niya ay talaga namang nakakaawa na tila aping api.Saglit napakunot ang noo ni Evan habang tinitingnan si Ashton na tila talagang nasasaktan. Para bang gusto na lang niyang akuin ang sakit na nararamdaman ng bata."Sige na, Ashton, last na subo na lang. Hindi ka na ulit iinom pagkatapos nito, okay?" Mahinahon niyang kinumbinsi ang bata habang hawak ang natitirang kalahati ng gamot.Tahimik na pinanood ni Kevin ang dalawa, para bang naglalarawan ito ng isang mag-in
Pagkasabi ng mga salitang iyon, nanahimik ang lahat, maging ang mga tagapaglingkod ng pamilya ay mas yumuko sa tensiyong namumuo sa mga Huete.Napanganga si Ella sa gulat, ngunit agad na yumuko upang maitago ang kanyang pagkabigla. Sa kabila ng pagtatangkang maging kalmado, hindi maikubli ang kislap ng tuwa sa kanyang mga mata.Hindi siya makapaniwalang totoo ang sinabi ni Evan. Ngunit, anong espesyal na bagay ba ang nasa file na iyon para ipagpalit ang posisyon ni Evan ang pagiging ginang ng pamilya Huete?Maging si Stephanie ay bahagyang natigilan. Ang dati niyang malamig at mapanuyang tingin ay napalitan ng pagkabahala at pagsusuri. Iniisip niyang baka may iba pang dahilan si Evan kaya sinadya nitong ipahayag ang desisyon sa harap ng lahat.Sa kabila ng iba’t ibang tingin na nakatutok sa kanya, nanatiling kalmado si Evan. Ang balingkinitan niyang katawan ay bahagyang nanigas, ngunit ang mukha niya’y walang bakas ng emosyon, tila parang wala lang siyang sinabi.Tumagal ng dalawa o t
"Well, really?" Huminga ng malalim si Ashton. Sa kabila ng kanyang karaniwang talino at pagiging pilyo, sa sandaling ito ay para siyang isang limang taong gulang na bata talaga. Bahagya niyang itinagilid ang kanyang ulo at mahinang nagtanong kay Evan."Pero ayoko po ng injection at gamot na mapait. Ayoko po magpunta sa doctor, Vanvan, huwag na rin po nating sabihin kay Daddy, pwede po ba ‘yon?""Hindi pwede. Importanteng malaman ng Daddy mo na may sakit ka." Napatawa si Evan. Hindi niya akalaing matatakot din ang bata katulad ng ibang mga bata sa kanilang ama."Pero pangako, baby, matamis ang gamot ma iinumin mo. Si Ginoong Jaxon na rin ang kusang susubok ng injection. Hindi ba sabi mo magaling siya at hindi masakit ang turok?""Pinuri ko lang si Uncle Yan para mas maging mabait siya kay Daddy." Halatang nawalan na ng sigla si Little Ashton. Ibinuka niya ang kanyang maliliit na kamay at yumakap kay Evan, inilapat ang kanyang ulo sa balikat nito. Nang lingunin niya ang likuran, nakita
Hanggang sa puntong ito, alam ni Kenneth na gusto niyang kausapin siya ni Evan sa ganitong tono. Na para bang ang lahat ng nangyari sa buhay nila limang taon na ang nakalipas ay isang bangungot lang pala. Masaya silang namumuhay bilang pamilya, at hindi na niya kailangang alalahanin pa kung paano haharapin sina Cheska at Ella.Lumipas ang mga segundo ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Itinaas ni Evan ang kanyang mga mata na namumula at tumingin kay Kenneth, iniisip na marahil ay hindi nito naintindihan ng maayos ang kanyang sinabi kaya inulit niya ito."Kenneth, mag-divorce na tayo.""Kaya mo ba gustong makipag-divorce ay dahil kay Ella, o dahil kay Kevin?" Tanong ni Kenneth na may malamig na tingin. Para bang takot siyang marinig ang anumang sasabihin ni Evan kaya tinitigan niya ito ng may nakakaasar na ngiti sa labi. "Binigyan ka lang ni Uncle ng kaunting pansin nagkakaganyan ka na? Baka nakakalimutan mo na ang iyong pwesto sa pamilya Huete? Sampid ka lang, Evan, binaom mo n
"Mom, may mga personal na bagay lang akong kailangang asikasuhin ng mabilis kaya ngayon lang ako nakarating. I'm so busy, not now, please. Babalik na lang uli ako para batiin ka ng maligayang kaarawan kapag naayos ko na ang lahat. Huwag ka ng magalit. ‘Yang puso mo sige ka, you need to calm down."Alam ni Kenneth ang ugali ng kaniyang ina, madali itong magalit pero kailanman ay hindi siya natitiis.Inalis niya ang kanyang suot na coat, saka lumapit siya sa likod ni Stephanie para ipatong iyon sa mga balikat ng ina. "Narinig ko na binigyan ka ni Lola ng magandang alahas, bukod pa doon, binigyan rin pati kita ng isang jade bracelet na ipinadala ko na sa kwarto mo. Siguradong ang ganda nun kapag sinuot mo, Mom."Kahit naman anong pagtatampo ang gawin ngayon ni Stephanie, siya lang ang tanging anak nito kaya wala siyang ibang nagawa kundi napabuntong-hininga na lang. Nakita ni Kenneth na medyo kalma na ito kaya para hindi madagdagan pa ang galit nito, binago na niya ang usapan.“I'll bri
Pagkalipas ng ilang segundo, nagulantang si Evan, nakatutok ang mga mata niya sa mukha ni Kevin at doon niya nakita ang namumuong butil ng pawis sa noo at gilid ng ulo ng lalaki. Tila tinitiis lang nito ang sakit base sa discomfort na kitang kita sa mukha nito, napaiyak na lang si Evan sa awa."K-Kevin, ang kamay mo...”Wala ng sinayang na oras, kinuha niya ang kamay ng lalaki at dahan-dahang nilabas ang isang panyo mula sa kanyang bulsa upang tulungan ang lalaking mapigilan ang pagdurugo ng sugat na natamo sa saksak.Ang malalim na sugat ni Kevin ay nakakatakot at sigurado ni Evan na masakit. Nakaramdam ng guilt si Evan, dahil sa kaniyang kapabayaan, naging dahilan ito ng isang bangungot ng isang sa loob lamang ng isang araw. Ang kinsasadlakan niyang panganib kanina ay sobrang kritikal, kaya ginamit ng lalaki ang kanyang kanang kamay upang harangan ang nakaambang saksak sa kaniya ng hindi man lang iniisip ang sariling kaligtasan.Kung makaapekto kay Kevin ang pangyayaring ito sa h
Habang patuloy na umiiyak si Maris Villaflor, malinaw na naintindihan ni Kevin ang kabuuang kinukwento ng babae kahit pa nga sisigok-sigok na ito sa kakaiyak. Unti-unting namang lumalim ang lamig sa kanyang mga mata habang nare-realize kung anong panganib na ang kinahaharap ngayon ni Evan ng mag-isa.Nang tuluyang masabi ni Maris ang lokasyon kung saan ang pinagkasunduang pangyayarihan ng transaksiyon, kung saan ito na rin huling kinaroronan ni Evan bago ito nawalan ng komunikasyon sa kanila, mabilis siyang nakabuo ng isang desisyon. Sa mabibilis na hakbang, agad niyang tinungo ang direksiyon ng kanyang sasakyan.Nakasunod naman sa kaniya ang bahagyang nakakunot-noo na si Secretary Jaxon, siya ang ilan sa mga pinagkakatiwalaang tao ni Kevin. Sa tagal ng pinagsamahan nila, nagagawa niyang magsalita sa boss ng hindi na hinihingi ang permiso nito para sa opinyon niya. Kaya ngayon ay lakas loob siyang maingat na nagsalita dito upang paalalahanan si Kevin."Second Master, naabisuhan na an
"Boss Upeng, totoo nga ang dala niyang limandaang libo."Habang pinipilit ni Evan na magpakalma, isa sa mga lalaki ang sumilip sa dalang pera at tumango na may kasiyahan nang makumpirma na hindi pekeng pera ang dala niya."Ayos, Tonyo, ibigay mo na sa kanya ang kapalit na alahas. Tapos na ang transaksyon natin."Tahimik si Tonyo ng ilang sandali, waring nagdadalwang-isip pa itong tapusin ang usapan ng ganoon lang kadali. Habang tumatagal naman ang katahimikan ng tauhan, tila lalo pang bumibigat ang pakiramdam ni Evan. Puno na ng pawis ang kanyang mga palad dahil sa nararamdamang takot at kaba."Dan, mula ng pumayag si Boss Kulas sa transaksyong ito, may kaunting duda na ako. Akala ko ba ay mas mataas pa halaga ang bagay na ito, bakit halagang limandaang libo ibibigay na natin sa kanya? Tama ba itong ginagawa natin? Hindi ba natin mapapakawalan ang gintong nasa kamay na sana natin?""Huwag ka nang magsalita pa ng kung anu-ano, ang transaksiyon na ito ay mabuting pinag-usapan ng mga na