Hi, this is Anne. Sana nagustuhan niyo ang second story kong ito. Don't forget to visit my author's account and can i have a favor, please review my 2 books a five star. thank you! follow me and added this to your lib.
Bitbit ang maliit na supot na may mga kahiya-hiyang laman, matagumpay na nahanap ni Evan ang klase kung saan naroon si Ashton.Wala nang ibang bata sa silid-aralan, tanging si Ashton na lang ang nakaupo, walang sigla ang mga mata nito, at nakapatong ang mga kamay sa pisngi. Hindi siya gumagalaw sa kanyang upuan.Nang makita ni Evan ang pasa sa makinis na mukha ng bata, kumirot ang kanyang puso para rito. Napapikit siya ng bahagya bago mabilis na pumasok sa silid at kinuha ang atensiyon ng bata."Ashton, kumusta ka? Anong masakit sa'yo, baby?" tanong niya nang may pag-aalala."Vanvan!" Agad na lumingon si Ashton sa kaniya. Nagniningning ang singkit na mga mata ng bata, ang kislap ng mata ng mga iyon ay tila mga bituin. Dali-daling tumakbo papunta kay Evan gamit ang kanyang maiikling binti."Wala pong masakit sa akin! Bakit ka po nandito?"Umupo si Evan para mapantayan ang bata, saka marahang kinulong sa kaniyang mga bisig. Maingat niyang hinaplos ang namumulang pisngi nito."Sabihi
Noong mga panahong iyon, bagong kasal pa siya sa pamilya Li ayon sa ayos ni Mr. Li. Alam niyang hindi maganda ang kalusugan ng tiyan ni Kenneth, kaya't nagsanay siya ng mabuti upang makapagluto ng mga pagkaing mainit at komportable para sa kanya tuwing umaga.Ngayon, naisip niya, kumakain nga si Kenneth ng mga midnight snack niya, ngunit iyon ay isang simpleng midnight snack lang.Ibig sabihin, ang kanyang kabutihan ay wala ring halaga mula simula hanggang matapos.Isang oras ang lumipas, at dalawang ulam na may magandang kulay, amoy, at lasa ang nahain sa eleganteng marmol na mesa sa kainan, at mayroong isang malaking grupo at isang maliit na grupo ng mga tao na nagtitipon sa paligid ng mesa, masaya."Subukan mo ito, matagal ko nang inensayo ang lugaw na ito, at ito ang pinakamaganda ko."Habang hinihipan ang mainit na hangin mula sa mangkok, kumuha si Evan ng maliit na kutsara at inabot ito sa bibig ni Ashton.Ibinaba ni Ashton ang ulo, ipinakita ang maliit na bahagi ng kanyang
Dahan-dahang itinaas ni Kevin ang manggas ng kanyang polo, at muling naalala ang malungkot na tingin ni Evan bago ito umalis. Unti-unti, isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. "Hindi ko alam kung masarap, pero tiyak na makunat ito," bulong niya sa sarili. Ngunit kahit ganoon, pinili pa rin nitong kainin ng masigasig ang pagkaing inihanda ng babae para sa kanilang mag-ama.Pagkatapos ng hapunan, hindi pa rin maunawaan ni Evan kung bakit hinayaan ni Kevin na ma-bully si Ashton. Habang naghuhugas ng mga plato, halata pa rin ang halong pagkainis at pagkadismaya sa kanyang mukha."Galit ka pa rin?" tanong ni Kevin. Nang masiguro niyang maayos ng nakapag-bihis ang anak sa sariling kwarto, nagtungo si Kevin sa kusina para tulungan si Evan.Matapos ilagay ang mga plato sa disinfection cabinet, tumayo siya ng tuwid satabi ni Evan. Bago pa ito makapagsalita, iniabot na niya ang mga gamit na malalaki sa itaas na kabinet. Walang magawa si Evan kundi ibigay na lang iyon nang may kaunting
"Kung tanungin ka po ni Kuya Kenneth, sabihin mo na lang po na na nagkasakit ako at nagka-lagnat habang naliligo, kaya kailangan mo akong bantayan dito. In that way po, he’ll find no excuse po to question your stay here. Please, Vanvan?""Naku, huwag ka naman magsabi ng ganyan little Ashton! Malulungkot ako kung magkasakit ka dahil sa lamig." Agad na nilapitan ni Evan si Ashton at tinakpan ito ng kumot sa takot na magkatotoo ang sinabi ng bata. Pinisil niya ang ilong nito habang nakangiti. "Salamat sa malasakit mo baby, pero tulad ng sabi ng daddy mo, may mga bagay na kailangan nating harapin dahil hindi ito malulutas ng pagtakas.”Kailangan ni Evan na mapunta sa good side ni Kenneth para maging matiwasay ang pagiging assistant niya rito. Nang sa ganoon ay magkaroon na siya ng pagkakataong magka-access sa mga private files nito at makita ang file ni Dr. Bernard. Sumipsip ng daliri si Ashton, nag-isip sandali, at bahagyang tumango nang may disgusto sa mga mata. "Kung hindi na po ta
Hindi naman nagtagal at sumunod na rin sa kwarto si Kenneth, ilang minuto na rin itong walang imik kahit kanina pa pumasok. Hindi na nais pa ni Evan na gumawa sila ng usapan kaya abala siya sa paghahanda ng pamalit na damit pang-tulog. Huminto lang siya nang makarinig ng mahihinang katok. Tumayo agad si Evan para pagbuksan ang nasa likod ng pinto. Ang kasambahay pala ito na may bitbit na mga nakatiklop na damit. Kalmado naman na sila kaya hinayaan na niya itong ipasok sa loob ng kwarto ang mga dala. Ngunit sana ay hindi na niya lang ito ginawa. Masaya pa kasi nitong inabot sa kaniya ang polo na nasa ibabaw ng mga tiniklop saka nagkwento. "Madam, nahulog po ito mula sa bag n’yo noong isang araw. Nilabhan ko na po para sa inyo.""Anong sinabi mo?" Nagulat ang kawawang kasambahay sa pagtatataas ng boses sa kaniya ng batang amo. Kasabay rin nitong hinampas ng malakas ang mesa sa tanggapan ng kwarto kaya’t nagpadagdag ito ng takot at kaba sa kaniya. Nagulat din si Evan nang makita ang
Ngumiti nang mapait si Evan, handang gumanti ng salita, ngunit biglang sumingit si Andrei Tolentino sa dalawa."Wait, wait! Bakit ba kayo nag-aaway sa harap ko, beautiful ladies? Kung ayaw akong makatrabaho ni Miss Villaflor, siguro may nagawa akong mali noon. Secretary Villaflor, maaari bang iwanan mo muna kami para makapag-usap kami nang sarilinan?""Sige, alang-alang na rin sa pakiusap ni Mr. Greg Smith," malambing na sagot ni Ella.Masayang nilingon ni Ella ang tasa ng tsaa na hawak ni Andrei, saka lumakad palabas na akala mo ay sa catwalk rumarampa. Malakas pang umaalingawngaw ang tunog ng kanyang takong. Nang isasara na niya ang pinto, sinadya niyang gumawa ng ingay at sinenyasan ang mga empleyado sa mga kalapit na opisina na umalis.Plano niyang personal na kumuha ng video bilang patunay ng tagumpay laban kay Evan. Nais niyang i-record ang eksenang magpapabagsak kay Evan at tuluyang magpapahiya rito."Tingnan natin kung hanggang saan ka dadalhin ng swerte mo, Evan." bulong niya
"Yeah, right! Gusto rin naming mapalapit sa magandang binibini. From this day on, we can declare that foster brothers na kami ni Old Craig," biro ng isa pang lalaki, sinamahan pa ng baritonong halakhak."Let this one go, guys," sagot ni Old Craig habang umiiling. "Ako lang ang walang balak na akuin siya. Pwede naman nating hintayin ang tamang panahon." May kasamang pang pag-taas baba ng kilay ng lalaki.Lahat ng naroroon ay mga sanay na sa kumplikadong mundo ng negosyo. Bagama’t si Evan ay opisyal na nasa posisyon na bilang assistant ni Kevin, alam nilang basta't may pera at impluwensya sila, walang babaeng hindi nila kayang makuha.Ramdam ni Evan ang makahulugang tinginan ng mga lalaking ito. Hindi siya ignorante sa mga pahaging ng mga ito sa kaniya. Pero kahit na ganoon, nanatili siyang kalmado, ibinaba sandali ang paningin, ngunit muling ngumiti nang mag-angat siya ng mukha."Sir Craig, bilang pabor sa magandang pakikitungo ko sa inyo, pwede bang magbigay ka ng isa pang punto sa iyo
"Ganoon ba?" Itinaas niya ng kaunti ang kanyang baba, at ang mga mata niya ay tumusok sa puso ni Kenneth na parang mga karayom.“Kung ang lahat ng ginagawa ko ay pagpapahiya sa sarili ko, e ano naman? Sarili ko naman ang pinapahiya ko kaya bakit galit nag alit ka?”Oo, si Evan lang, isang babae na hindi niya minamahal. Bakit siya galit na galit?Basta't asawa siya, hindi kayang tiisin ni Kenneth na ang kanyang babae ay hawak ng ibang lalaki. Hindi niya kayang makita siyang nakangiti at nakatingin sa ibang mga lalaki. Pag-iisipin mong mabuti, possessiveness lang iyon. Wala itong kinalaman sa pagmamahal.Nang malinaw sa kanya iyon, naramdaman ni Kenneth na mas kumalma siya.Subalit, hindi nagtagal ang kanyang katahimikan at madali itong nabasag sa susunod na sinabi ni Evan. "By the way, kung patuloy mong ipapagawa kay Ella na maging boss ko, tiyak na mangyayari ulit ang ganitong eksena."Isang imahe ni Evan na nakikipag-usap sa mga lalaki, ang mga mukha nila malabo, ang mga kamay nito a
Hindi maiwasang maalala ni Evan ang sinabi sa kanya ni Kenneth matapos marinig ang mga salita ni Kevin. "Ang pamilya Huete ay hindi umaasa sa awa, at si Uncle mo ay hindi tao na madaling maawa." Habang nag-aalinlangan si Evan at gustong magsalita, biglang tumunog ang telepono sa kanyang bulsa. Tumatawag ang kanyang ina. Bahagyang ibinaba ni Kevin ang tingin, tila nagpapahiwatig na wala siyang balak makinig at hahayaan niyang sagutin ni Evan ang tawag ng walang alinlangan. Wala namang sikreto si Evan na kailangang itago, kaya agad niyang sinagot ang tawag. "Mama, sobrang nagpapasalamat po ako sa inyo ng tinawagan mo si Uncle para iligtas ako. Ayos na po ako ngayon." "Salamat naman at maayos ka na, salamat talaga," sagot ng ina, bahagyang humahagulgol pa ito sa kabilang linya. "May tumawag sa akin mula sa pamilya Huete at sinabing okay ka na, pero hindi ko maiwasang mag-alala. Akala ko tapos na ang birthday party ng biyenan mo kaya agad kitang tinawagan." Mula pagkabata hanggang
Sa loob ng kotse, kinuha ni Evan ang kahon ng gamot, pagkatapos ay inilagay niya ang malamig na gamot sa isang kutsara, at tinunaw ito bago sinubukang painumin si Ashton.Maaga pang umalis si Jaxon, dahil clock out na daw siya at tapos na ang kanyang trabaho. Si Kevin na lamang tuloy ang may hawak kay Ashton gamit ang kanyang hindi nasugatang kamay. May natikmang kaunting pait mula sa gamot si Ashton, kaya ng subukan muling painumin siya ni Evan, nagkukunwari na itong natutulog habang iniiwas ang bibig sa kutsara. Ang itsura niya ay talaga namang nakakaawa na tila aping api.Saglit napakunot ang noo ni Evan habang tinitingnan si Ashton na tila talagang nasasaktan. Para bang gusto na lang niyang akuin ang sakit na nararamdaman ng bata."Sige na, Ashton, last na subo na lang. Hindi ka na ulit iinom pagkatapos nito, okay?" Mahinahon niyang kinumbinsi ang bata habang hawak ang natitirang kalahati ng gamot.Tahimik na pinanood ni Kevin ang dalawa, para bang naglalarawan ito ng isang mag-in
Pagkasabi ng mga salitang iyon, nanahimik ang lahat, maging ang mga tagapaglingkod ng pamilya ay mas yumuko sa tensiyong namumuo sa mga Huete.Napanganga si Ella sa gulat, ngunit agad na yumuko upang maitago ang kanyang pagkabigla. Sa kabila ng pagtatangkang maging kalmado, hindi maikubli ang kislap ng tuwa sa kanyang mga mata.Hindi siya makapaniwalang totoo ang sinabi ni Evan. Ngunit, anong espesyal na bagay ba ang nasa file na iyon para ipagpalit ang posisyon ni Evan ang pagiging ginang ng pamilya Huete?Maging si Stephanie ay bahagyang natigilan. Ang dati niyang malamig at mapanuyang tingin ay napalitan ng pagkabahala at pagsusuri. Iniisip niyang baka may iba pang dahilan si Evan kaya sinadya nitong ipahayag ang desisyon sa harap ng lahat.Sa kabila ng iba’t ibang tingin na nakatutok sa kanya, nanatiling kalmado si Evan. Ang balingkinitan niyang katawan ay bahagyang nanigas, ngunit ang mukha niya’y walang bakas ng emosyon, tila parang wala lang siyang sinabi.Tumagal ng dalawa o t
"Well, really?" Huminga ng malalim si Ashton. Sa kabila ng kanyang karaniwang talino at pagiging pilyo, sa sandaling ito ay para siyang isang limang taong gulang na bata talaga. Bahagya niyang itinagilid ang kanyang ulo at mahinang nagtanong kay Evan."Pero ayoko po ng injection at gamot na mapait. Ayoko po magpunta sa doctor, Vanvan, huwag na rin po nating sabihin kay Daddy, pwede po ba ‘yon?""Hindi pwede. Importanteng malaman ng Daddy mo na may sakit ka." Napatawa si Evan. Hindi niya akalaing matatakot din ang bata katulad ng ibang mga bata sa kanilang ama."Pero pangako, baby, matamis ang gamot ma iinumin mo. Si Ginoong Jaxon na rin ang kusang susubok ng injection. Hindi ba sabi mo magaling siya at hindi masakit ang turok?""Pinuri ko lang si Uncle Yan para mas maging mabait siya kay Daddy." Halatang nawalan na ng sigla si Little Ashton. Ibinuka niya ang kanyang maliliit na kamay at yumakap kay Evan, inilapat ang kanyang ulo sa balikat nito. Nang lingunin niya ang likuran, nakita
Hanggang sa puntong ito, alam ni Kenneth na gusto niyang kausapin siya ni Evan sa ganitong tono. Na para bang ang lahat ng nangyari sa buhay nila limang taon na ang nakalipas ay isang bangungot lang pala. Masaya silang namumuhay bilang pamilya, at hindi na niya kailangang alalahanin pa kung paano haharapin sina Cheska at Ella.Lumipas ang mga segundo ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Itinaas ni Evan ang kanyang mga mata na namumula at tumingin kay Kenneth, iniisip na marahil ay hindi nito naintindihan ng maayos ang kanyang sinabi kaya inulit niya ito."Kenneth, mag-divorce na tayo.""Kaya mo ba gustong makipag-divorce ay dahil kay Ella, o dahil kay Kevin?" Tanong ni Kenneth na may malamig na tingin. Para bang takot siyang marinig ang anumang sasabihin ni Evan kaya tinitigan niya ito ng may nakakaasar na ngiti sa labi. "Binigyan ka lang ni Uncle ng kaunting pansin nagkakaganyan ka na? Baka nakakalimutan mo na ang iyong pwesto sa pamilya Huete? Sampid ka lang, Evan, binaom mo n
"Mom, may mga personal na bagay lang akong kailangang asikasuhin ng mabilis kaya ngayon lang ako nakarating. I'm so busy, not now, please. Babalik na lang uli ako para batiin ka ng maligayang kaarawan kapag naayos ko na ang lahat. Huwag ka ng magalit. ‘Yang puso mo sige ka, you need to calm down."Alam ni Kenneth ang ugali ng kaniyang ina, madali itong magalit pero kailanman ay hindi siya natitiis.Inalis niya ang kanyang suot na coat, saka lumapit siya sa likod ni Stephanie para ipatong iyon sa mga balikat ng ina. "Narinig ko na binigyan ka ni Lola ng magandang alahas, bukod pa doon, binigyan rin pati kita ng isang jade bracelet na ipinadala ko na sa kwarto mo. Siguradong ang ganda nun kapag sinuot mo, Mom."Kahit naman anong pagtatampo ang gawin ngayon ni Stephanie, siya lang ang tanging anak nito kaya wala siyang ibang nagawa kundi napabuntong-hininga na lang. Nakita ni Kenneth na medyo kalma na ito kaya para hindi madagdagan pa ang galit nito, binago na niya ang usapan.“I'll bri
Pagkalipas ng ilang segundo, nagulantang si Evan, nakatutok ang mga mata niya sa mukha ni Kevin at doon niya nakita ang namumuong butil ng pawis sa noo at gilid ng ulo ng lalaki. Tila tinitiis lang nito ang sakit base sa discomfort na kitang kita sa mukha nito, napaiyak na lang si Evan sa awa."K-Kevin, ang kamay mo...”Wala ng sinayang na oras, kinuha niya ang kamay ng lalaki at dahan-dahang nilabas ang isang panyo mula sa kanyang bulsa upang tulungan ang lalaking mapigilan ang pagdurugo ng sugat na natamo sa saksak.Ang malalim na sugat ni Kevin ay nakakatakot at sigurado ni Evan na masakit. Nakaramdam ng guilt si Evan, dahil sa kaniyang kapabayaan, naging dahilan ito ng isang bangungot ng isang sa loob lamang ng isang araw. Ang kinsasadlakan niyang panganib kanina ay sobrang kritikal, kaya ginamit ng lalaki ang kanyang kanang kamay upang harangan ang nakaambang saksak sa kaniya ng hindi man lang iniisip ang sariling kaligtasan.Kung makaapekto kay Kevin ang pangyayaring ito sa h
Habang patuloy na umiiyak si Maris Villaflor, malinaw na naintindihan ni Kevin ang kabuuang kinukwento ng babae kahit pa nga sisigok-sigok na ito sa kakaiyak. Unti-unting namang lumalim ang lamig sa kanyang mga mata habang nare-realize kung anong panganib na ang kinahaharap ngayon ni Evan ng mag-isa.Nang tuluyang masabi ni Maris ang lokasyon kung saan ang pinagkasunduang pangyayarihan ng transaksiyon, kung saan ito na rin huling kinaroronan ni Evan bago ito nawalan ng komunikasyon sa kanila, mabilis siyang nakabuo ng isang desisyon. Sa mabibilis na hakbang, agad niyang tinungo ang direksiyon ng kanyang sasakyan.Nakasunod naman sa kaniya ang bahagyang nakakunot-noo na si Secretary Jaxon, siya ang ilan sa mga pinagkakatiwalaang tao ni Kevin. Sa tagal ng pinagsamahan nila, nagagawa niyang magsalita sa boss ng hindi na hinihingi ang permiso nito para sa opinyon niya. Kaya ngayon ay lakas loob siyang maingat na nagsalita dito upang paalalahanan si Kevin."Second Master, naabisuhan na an
"Boss Upeng, totoo nga ang dala niyang limandaang libo."Habang pinipilit ni Evan na magpakalma, isa sa mga lalaki ang sumilip sa dalang pera at tumango na may kasiyahan nang makumpirma na hindi pekeng pera ang dala niya."Ayos, Tonyo, ibigay mo na sa kanya ang kapalit na alahas. Tapos na ang transaksyon natin."Tahimik si Tonyo ng ilang sandali, waring nagdadalwang-isip pa itong tapusin ang usapan ng ganoon lang kadali. Habang tumatagal naman ang katahimikan ng tauhan, tila lalo pang bumibigat ang pakiramdam ni Evan. Puno na ng pawis ang kanyang mga palad dahil sa nararamdamang takot at kaba."Dan, mula ng pumayag si Boss Kulas sa transaksyong ito, may kaunting duda na ako. Akala ko ba ay mas mataas pa halaga ang bagay na ito, bakit halagang limandaang libo ibibigay na natin sa kanya? Tama ba itong ginagawa natin? Hindi ba natin mapapakawalan ang gintong nasa kamay na sana natin?""Huwag ka nang magsalita pa ng kung anu-ano, ang transaksiyon na ito ay mabuting pinag-usapan ng mga na