Binuhat niya si Mika at ipinasok sa kanyang kotse. Nakita niya ang matandang babae na kumakaway pa sa kanya. Matagal na niyang napapansin ang pulubi sa kabayanan ngunit ngayon lang ito lumapit sa kanya. Sana ay may magawa ang pamunuan ng San Marcelino para sa mga palaboy sa lansangan.Nilingon niya ang dalaga na natutulog sa likod ng sasakyan. Mukhang masama ang loob nito sa kanya. Mali yata na lumapit siyang muli. Nahampas niya ang manibela. Dapat ay naghintay muna siya ng tamang pagkakataon. Nagpadala na naman siya sa emosyon.Binuhat niya si Mika. Naalimpungatan ito ng nasa pinto na sila ng condo.“Liam, saan mo ako dadalahin? Ibaba mo ako.” Sinuntok nito ang kanyang likod.“Huwag kang maingay.”Ibinaba niya ito. Napadami ang nainom ng dalaga kaya napasubsob na lamang ito sa kanyang dibdib. Hindi na nito mabalanse ang katawan. Binuksan niya ang pinto ng condo. Pagkasara ng pinto ay sinalo niya ang dalagang muntik ng madapa. Ikinawit nito ang dalawang kamay sa kanyang leeg. Namumung
Niyakap ni Nessa ng mahigpit si Bella. “Mommy, ‘wag ka po umiyak. Okay na po ako.”Kaya pala pamilyar ang bata. Anak ito ni Nessa. Nag-asawa na pala ito o naanakan lang? Teka, tinignan niya ang hawak na records. Apat na taong gulang ang bata. Kaya ba ito biglang nawala ay dahil buntis ito? Nagbilang siya paatras ng buwan at taon. Anak ba niya ang bata? Imposible naman. Tandang tanda niya na isang beses lang may nangyari sa kanila.“Nessa, huwag kang mag-alala dahil maayos na ang lagay ni Bella. Pwede ka bang makausap sa labas?”Sumunod ang dalaga sa kanya sa labas ng hallway ng ospital. “Ako ba ang ama ---?”“Hindi! Hindi ikaw ang ama. Kaya layuan mo kami.”Hinila niya ang kanang kamay nito. “Kung hindi ako ang ama, sino?”“Hindi ko alam, madami akong naging jowa pagkatapos mo. Oo, mga sampu, hindi ko na matandaan. Basta hindi ikaw ang ama. Huwag mo na akong lalapitan. May kanya kanya na tayong buhay. Nakita mo naman may bago akong jowang matanda.”Binawi ng dalaga ang kamay. Saktong
Napatingin siya sa mata ng babaeng pulubi ng madinig ang sinabi nito. Inabutan niya ito ng dagdag na pera pambili ng pagkain. Go signal na, pinaandar niya ang sasakyan. Ipinilig niya ang ulo. Imposibleng alam ng palaboy kung sino ang tatay niya. Limang taon na niya itong hinahanap at ngayon ay ipinapahanap na din niya ang kanyang ina.Nakaabang si Jasmin pagdating niya sa bahay. Inihagis nito ang mga pictures nila ni Mika na kuha kanina sa plaza.Ayaw niyang sirain ang kanyang araw. Masaya siya at nakasama niya si Mika.“Huwag na huwag kang sisigaw. Ayokong madinig ka ni Seb,” banta niya ng mapansin niyang nasa mukha ng babae ang planong awayin siya.“Nahihiya ka pala. Bakit ka nakikipagkita sa ibang babae?” mahina ngunit madiin na sabi nito.“Importante sa akin si Mika. Alam mo naman ‘yan.”“Pinagseselos mo lang ako, hindi ba? Gusto kong malaman mo na selos na selos ako. Akin ka lang Liam. Akin ka, noon at ngayon.”Umiling na lamang siya at umakyat sa loob ng kwarto upang umiwas. Mag
Agad napatayo sila Nessa at Andrei. Napapikit ang dalaga at nasapo nito ang ulo. Kinarga ng matanda si Bella at hinalikan sa pisngi. Muli nitong ibinaba ang bata. “Sumunod ka sa akin,” anang matanda kay Andrei. “Wala po kaming relasyon ni Nessa. Huwag ninyo siyang sasaktan,” pagtatanggol niya sa dalaga. Mukhang matapang ang lalaki. Baka saktan si Nessa dahil sa isiping may relasyon sila. “Bakit ko sasaktan ang anak ko? Gago ka nga palang talaga. Ikaw ang sasaktan ko! Matagal na akong nagpipigil sa’yo. Pinaimbestigahan na kita.” Napawang ang kanyang labi. Ang matandang kaharap niya ay hindi sugar daddy ni Nessa kundi tatay nito talaga. “Kayo po ang tatay ni Nessa?” Paniniguro niya. “Oo, ako nga. Oh ano, may bayag ka na bang akuin ang resposibilidad mo sa mag-ina mo?” “Mag-ina? Ano po ang ibig ninyong sabihin?” Inakbayan siya nito. Bakit ang bigat ng braso ng matanda? “Bakit hindi pa ba sa’yo nasasabi ni Nessa na ikaw ang daddy ni Bella?” Tila siya binagsakan ng bomba. Nagimbal
Hindi makatulog si Nessa. Tumila na ang ulan sa labas. Katabi niya sa kama si Bella. Sana naman ay wala siyang madinig na ingay ng naglalandian mula sa kabilang kwarto. Hindi naman siya nagseselos. Nabubwisit lang siya na hindi tumalab ang sumpa niya kay Andrei na mamalasin ng dalawampung taon. Nagsuot siya ng jacket at lumabas.Aba teka, mukhang nadinig siya ng universe. Natanaw niya si Andrei at Alona na mukhang nagtatalo. Napangiti siya. Hindi pwedeng siya lang ang malungkot at zero love life. Sinampal ni Alona ang binata. Dasurb. Totoo talaga ang karma. At minsan mapapanood pa natin ang higanti ng langit. Gusto niyang tumawa ng malakas ngunit pinigil niya ang sarili. Baka isipin ng makakakita na nababaliw na siya.Nagpunta si Andrei sa malapit na bar at umorder ng alak. Umupo siya sa hindi kalayuan. Mukhang maglalasing ito dahil heartbroken. Malamang ay in love ito talaga kay Alona. Ano kaya ang pinag-awayan ng dalawa?Umorder din siya ng beer. Tumigil na siya ng makadalawang bee
Lima. Apat. Tatlo. Dalawa. Isa. Magkayakap sila ng mahigpit. Kahit ano ang mangyari, ang importante ay magkasama sila. Ang tangi niyang hiling ay magkita sila sa kabilang buhay ni Liam.“Haist! Mabubulilyaso pa ang kita ko sa drama ninyo!” anang lalaki. Hindi sumabog ang bomba dahil pinindot nito ang remote.Tinulungan ng lalaki si Liam na kalagin ang pagkakagapos ng kanyang paa. Kinuha nito ang bomba inihagis sa labas ng building at pinasabog.“Umalis na kayo. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa nag-utos ang nangyari. Bahala na nga.” Napakamot ito sa ulo.“Sino ang nag-utos sa’yo?” tanong ni Liam.“Hindi ko kilala. Alam mo naman siguro ang black market. May middleman na nag-uutos online kung ano ang gagawin. Hindi ko kilala ang middleman lalo ang mastermind. Pero baka may ideya ka, sino ba kaaway mo o ng pamilya mo? Matinding galit lang naman ang magtutulak sa tao para ibayad ang ulo ninyo.”“Pare, maraming salamat. Makakabawi din ako sa’yo.”“Quits na tayo. Hindi mo ba ako nata
Biglang may kamay na animo bakal ang sumalo sa kanya. Nabunggo siya sa dibdib ng isang lalaki. Naamoy niya ang pinaghalong natural na amoy at cologne na gamit nito. Bigla siyang napasiksik sa dibdib nito ng dumaan sa harapan niya ang malaking truck.Nagtama ang paningin ni Mika at ng hindi niya kilalang lalaki na gwapo at nagtataglay ng tsinitong mga mata. Matangkad ito at maputi.“Ooooppps! Gotcha!” Kung hindi dahil dito ay malamang naaksidente na siya. Presence of mind dapat palagi sa kalsada.“Maraming salamat.” Binigyan niya ito ng tipid na ngiti.“Hindi ko tinatanggap ang thank you lang. Samahan mo akong magkape dun sa coffee shop na malapit.”“Hindi ka ba nasaktan?” anito ng maupo na sila sa mesang pandalawahan.Umiling lamang siya.“I’m Zion Arcilla.” Inabot nito ang kamay na kanyang tinanggap.“Mikaella Grace Ramirez ang pangalan ko. Mika na lang.”“Ang ganda ng pangalan mo, bagay sa magandang dilag na kagaya mo.”“Saglit lang ako. May duty pa ako sa ospital.”“Oh, saang ospit
Nagulat siya ng makita labas ng ospital si Zion. Gwapo talaga ito. Pero bakit walang dating sa kanya? Bakit kay Liam nanghihina ang tuhod niya makita pa lamang niya ito?“Oh, bakit andito ka? May dinadalaw ka ba?” bungad niya.“Oo, ikaw.” Nakangiti ito na labas ang mapuputi at pantay pantay na ngipin. Mahihiya ang commercial model ng toothpaste dito.“Ihahatid na kita.”“Mag-sleep over ako sa kaibigan ko.”“Kain muna tayo, my treat. Tapos ihahatid kita sa bahay ng friend mo. Ano ang gusto mong kainin?”“Pizza na lang.”“Okay, my princess.” Binuksan nito ang pinto ng kotse.Naiiling na lamang siya at napangiti. “Huwag mo akong tawaging princess at nakakahiya sa nakakadinig.”Umorder na sila ng pagkain. Tumunog ng cellphone ni Zion. Ngunit hindi nito sinagot. Nag-ring uli.“Baka importante ‘yan. Sagutin mo.”“Mas importante ka.” Pinatay nito ang cellphone.Maubos na nila ang pagkain. “Saan nga pala ang address ng kaibigan mo?”“Malapit lang maglalakad na lang ako. Mauna ka na at baka ma