Dear readers, taos puso po ang aking pasasalamat sa inyong walang sawang pagsubaybay sa kwento ng pag-ibig nila Liam at Mika. May bago po akong book, ang pamagat ay Love for Rent. Baka po magustuhan din ninyo. Again, maraming salamat po sa pagbabasa, comments, at gems! I appreciate them a lot!
Ilang minuto ng umaandar ang sasakyan. Huminto ito. Binuksan ni Karlo ang trunk sa likod. Binulungan siya nito. “Mika, magpapalit tayo ng sasakyan at kakain. Kapag ikaw ay nagtangkang tumakas. Babarilin kita. Sumunod ka lang sa gusto ko at hindi ka masasaktan.” Tumango siya habang tumutulo ang luha. Inalis nito ang plaster sa bibig at tinulungan siyang makalabas sa loob ng trunk. Pinunasan nito ang kanyang luha. Lumipat sila sa ibang sasakyan. Pumasok sila sa loob ng convenience store. Umorder ang lalaki ng pagkain. Gusto niyang humingi ng tulong sa babaeng kahera ngunit nakatutok sa tagiliran niya ang baril ni Karlo. Nadako ang tingin nilang dalawa sa telebisyon ng tindahan. Nakita nila ang balita sa TV ng pagkawala niya at ang patong na sampung milyon sa ulo ng kidnapper at ang larawan ni Karlo. Agad na hinablot ng lalaki ang pagkain sa cashier at nagmamadaling hinila siya palabas ng tindahan. Nanlaki ang mata ng kahera ng mamukhaan ang kakaalis lang na customer. Agad itong tumaw
Sinipa ni Mika si Karlo sa maselang parte ng katawan nito sa harapan. Mainam at nagamit niya ang pinag-aralang self-defense. Namilipit ang lalaki sa sakit. Sinamantala niya ang pagkakataong makatakas. Mabilis siyang tumakbo at pumasok sa loob ng bar. May mga nag-iinuman na sa loob at may maingay na tugtog. Nakita niyang nakasunod si Karlo at hinahabol siya. Hindi niya alintana ang mga nababanggang tao.Nang may humawak sa kamay niya. Si Isaac! Parang siyang nabunutan ng punyal sa dibdib. Nayakap niya ito. Hindi sila magkaintindihan sa loob at malakas ang tugtog.“Girl, ayoko ng sumama sa trip mo, last time nabugbog ako ng sobra ng jowa mo.”“Tulungan mo ako, may humahabol sa akin.” Inilapit niya ang bibig sa tenga nito.“Ha? Hindi kita madinig. Saan tayo pupunta? Mag-uumpisa na ang show.” Hinila niya ito sa labas.“Isaac, pahiram ng phone mo, nanganganganib ang buhay ko. Kailangan kong makausap ang asawa ko.”Kukuhanin na ng kaibigan ang cellphone sa loob ng bag kaso ay kumaripas ito
“Paano kita naging kapatid?” tanong ni Liam kay Karlo. Lumuwag ng bahagya ang pagkakahawak niya sa baril.“Simple lang dahil parehas tayo ng ama.”Tuluyan na niyang ibinaba ang baril. Nanlambot ang kanyang tuhod sa natuklasan. May kapatid siya at kilala nito ang kanilang ama.“Sino ang tatay natin? Matagal ko na siyang hinahanap.”“Huwag mo ng alamin kung sino ang demonyong ama natin! Dahil pinagsisihan ko na nakilala ko siya!” tumatawang sabi nito.“Alam niya ang lahat ng nangyayari sa’yo at naghahanap lamang siya ng tiyempo upang magpakilala sa paborito niyang anak! Pero matutuwa ka kapag nalaman mong mahal na mahal ka ng tatay mo.”Pinitsarahan niya ito. “Sino ang tatay natin? Sabihin mo!” Dinuraan siya sa mukha ni Karlo.“Mahigpit ang bilin niya na siya daw ang magsasabi sa’yo. Kaya huwag kang mag-alala, aking kapatid. Kapag patay ng lahat ang taong malalapit sa’yo ay lilitaw ang tatay mong matagal mo ng hinahanap.”Hindi niya alam kung maniniwala sa lalaki o hindi. Tila baliw na
Niyakap ni Mika si Liam upang pakalmahin ito sa matinding galit at sindak sa natuklasan nito tungkol sa amang matagal ng hinahanap. Dumating ang ambulansya at isinugod sa pinakamalapit na ospital si Karlo at ang ina nito. Nadakip naman ng mga pulis si Atty. Flores. Nag-uwian na ang mga bisita. Nananatiling nasa labas ng resthouse si Liam. Pinuntahan ni Mika ang asawa. Umiinom ito ng alak. Alam niyang nasasaktan ang kanyang asawa ngayon. Tinapik siya sa likod ng asawa. “Magiging okay din ang lahat.” “Akalain mo ‘yun si Atty. Flores pala ang tatay ko na matagal ko ng hinahanap.” Naalala niya ang mga pinagsamahan nila ng abogado. Totoong hindi nga ito nawala sa tabi niya. Palaging ito ang nagpupunta sa school events dahil busy ang kanyang tatay Diego. Masakit lang na itinago nito sa kanya ang lahat at pinagbalakan nitong gawan ng masama ang mga taong mahal niya. At hindi din niya mapapalagpas ang pananamantala nito sa kanyang nanay Lucinda noon. “Liam, gawin mo ang inaakala mong tama.
Si Mikaella Grace Ramirez ay malapit ng maging isang ganap na doctor kagaya ng kanyang ama at ina. Dalawang taon na lamang ay magtatapos na siya sa kursong medisina. Sumama siya upang maging volunteer sa isang medical mission sa loob ng bilangguan upang magsilbi sa bayan. Madaming preso ang nangangailangan ng tulong medikal. Inaayos ng grupo nila ang mga gamit. Hinahanap niya ang warden ng city jail upang humingi ng ilang impormasyon. Naglakad siya sa lugar kung saan ang mga preso ay nasisipag-ehersisyo. Na isang malaking pagkakamali dahil may mga kalalakihan ang sumipol ng makita siya. Maya maya ay biglang nagkagulo. Napako ang tingin niya sa grupo ng mga lalaking nagsusuntukan. Akala niya ay sa pelikula lamang ang mga ganitong pangyayari. Nahintakutan siya ng aktwal na makita ang rambol. Nanlaki ang mga mata niya ng may patalim na hawak ang ibang mga bilanggo. Napako ang tingin niya sa isang lalaking iniharang ang sarili upang iligtas ang isa pang preso. Nasaksak ito at bumulagta.N
She will definitely say no. This was insane! Nakita niyang umagos ang dugo mula sa sugat nito. Hinawakan niya ang kamay ng lalaki upang tulungan itong tumayo. Kaso isinuot nito sa ring finger niya ang singsing na kasyang kasya sa kanya. Kumikinang ito sa tama ng liwanag mula sa bintana.Nagpalakpakan ang mga preso, pulis, at ilang volunteer na kasama niya. Inangkupo baka makarating sa mga magulang niya ito. Malalagot siyang tiyak. Napakaistrikto ng kanyang ama.Tinulungan niyang humiga ito sa kama. Muli niyang tinahi ang sugat nito. Ngiting-ngiti ang mokong. Bigla siyang na-engage sa hindi niya kilala.Medyo maluwag ang pants nito at wala itong suot na sinturon. Dahil sa tawag ng tungkulin at itinaas niya ang pants nito. Napadako ang mata niya sa hinaharap nito. Malaki ang nakaumbok. Daks ang lalaki. Naiinis na talaga siya sarili.Laking pasasalamat niya ng tinawag na sila ng warden upang simulan ang medical mission.Hinabol siya si Liam. “Hahanapin kita. Hintayin mo ako.”Napatango n
Nag-enjoy siya sa road trip at food trip kasama si Liam. For the first time, she never felt this alive and happy. Nakakapanibago. She felt free.“Kailangan ko ng umuwi.” Napatingin siya sa oras. Alas kwatro na. Hindi siya mapakali. Baka hinahanap na siya sa bahay.“Sige, pagkatapos natin pumunta sa birthday ng kaibigan ko. Malapit lang dito.”“Sige, bumili muna tayo ng regalo or cake para hindi nakakahiya.”“Hindi na kailangan, mag-aambag na lang ako ng alak at pulutan.” Medyo nagulat siya. Nadidinig niya sa mga kaibigan na kapag may alak ay may balak. Baka malasing siya ay kung ano ang gawin nito sa kanya.Pumasok sila sa isang maliit na iskinita. Dikit dikit ang bahay. Napakapit siya sa braso nito ng may mga asong nagtahulan. Parang factory ng bata ang lugar, madaming mga batang naghahabulan. Ang iba ay malnourished. Parang gusto niyang check-up-in isa isa ang mga bata at bigyan ng vitamins.Dumating sila sa kumpulan ng mga nag-iinuman. Binati si Liam ng mga ito. Ipinakilala siya ni
“Liam?”“Ako nga.” Niluwagan nito ang hawak sa kanyang bibig.“Bakit ka nandito?” Pabulong na tanong niya.“Na-miss kita agad.” Inaninag niya ang gwapong mukha nito. He has a perfectly chiseled face. His sharp jawline and defined cheekbones give him a strikingly handsome appearance.“You’re crazy. Umuwi ka na. Baka makita ka ng magulang ko,” taboy niya dito.“Saglit lang ako. Fifiteen minutes.” Wala siyang nagawa. Binuksan niya ang ilaw. Baka kung ano ang maisipan nitong gawin sa dilim. Nagmamasid ito sa kanyang kwarto. Pinagmasdan nito ang mga larawan na nakasabit sa wall. Maging ang kanyang mga medals and awards as an outstanding student ay nakadisplay din. Higit na nakaagaw ng atensyon nito ang mga painting sa wall na may pirma niya.“Wow, gawa mo?”“Oo. Libangan ko ang magpinta.”“Ang ganda. Mas magaling ka pa kay Beethoven.”“Heh! Composer ‘yun hindi painter!”Tumawa ito. “Alam ko, tinitignan ko lang kung alam mo. Maswerte ang mga magiging anak natin. Matalino at artistic ang nan