Share

Kabanata 3 Unexpected First Kiss

Nag-enjoy siya sa road trip at food trip kasama si Liam. For the first time, she never felt this alive and happy. Nakakapanibago. She felt free.

“Kailangan ko ng umuwi.” Napatingin siya sa oras. Alas kwatro na. Hindi siya mapakali. Baka hinahanap na siya sa bahay.

“Sige, pagkatapos natin pumunta sa birthday ng kaibigan ko. Malapit lang dito.”

“Sige, bumili muna tayo ng regalo or cake para hindi nakakahiya.”

“Hindi na kailangan, mag-aambag na lang ako ng alak at pulutan.” Medyo nagulat siya. Nadidinig niya sa mga kaibigan na kapag may alak ay may balak. Baka malasing siya ay kung ano ang gawin nito sa kanya.

Pumasok sila sa isang maliit na iskinita. Dikit dikit ang bahay. Napakapit siya sa braso nito ng may mga asong nagtahulan. Parang factory ng bata ang lugar, madaming mga batang naghahabulan. Ang iba ay malnourished. Parang gusto niyang check-up-in isa isa ang mga bata at bigyan ng vitamins.

Dumating sila sa kumpulan ng mga nag-iinuman. Binati si Liam ng mga ito. Ipinakilala siya nito bilang girlfriend. Asikasong asiko sila ng may birthday.

“Boss, akala ko hindi ka makakarating. Maraming salamat,” anang lalaki na mas matanda sa kanila ng ilang taon. May tatlong anak na ito. Nakita niyang inabot ni Liam ang ilang libong piso upang ipambili ng alak.

Nakaupo at kaharap na sila sa isang malaking mesa. Hindi siya kumportable dahil unang beses na nakipag-inuman siya. Hindi din siya marunong uminom.

“Liam, mauuna na ako. Hindi ako umiinom ng alak.” Nagmasid siya sa paligid. Sana ay wala siyang kakilala.

“Saglit lang tayo.” Napapitlag siya ng hawakan nito ang kanyang kamay.

Nakita niyang inabutan ito ng sigarilyo ng katabi. “Okay lang ba? Isang stick lang.” Nagpaalam ito sa kanya. Tumango na lamang siya. Ayaw niya ng lalaking naninigarilyo.

Ngunit ng makita niya itong naninigarilyo, why did he look so hot? Ibinubuga nito ang usok sa itaas. May taglay itong kakaibang karisma. Sa lahat ng kalalakihan, lutang na lutang ang kagwapuhan nito. Hindi din ito mukhang walang pinag-aralan. Magaling din itong magdala ng damit. Kagaya ngayon na bakat ang broad shoulders and biceps nito sa t-shirt na suot.

May ilang babae sa umpukan na nakatingin lang sa binata at halatang nagpapapansin. Gusto niyang dukutin ang mga mata nito. Hindi niya masisi ang mga babae. Nakakailang shots pa lang ay namumula na ang pisngi ni Liam na mas lalong nagpadagdag sa appeal nito.

“Liam, lasing ka na yata. Mauuna na akong umuwi,” bulong niya dito. Hindi siya madinig nito sa ingay ng videoke. Napilitan siyang idikit ang mukha sa mukha nito. Kaso ay nagkasabay sila ng lingon kaya tumama ang labi niya sa labi nito. Umakyat ang dugo sa ulo niya. First kiss niya! Hindi siya maarte pero bakit naman dito? Gusto niya sa Paris, France ang first kiss niya o kahit saan na romantic. Naghiyawan ang mga nakasaksi.

Inakbayan siya ng binata. “Invited kayong lahat sa kasal namin.”

Ngumiti na lamang siya upang itago ang pagkapahiya. First kiss ang daming audience. Madilim na ng umalis sila sa birthday. Naglalakad sila sa iskinita. Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Ilang saglit lang ay nahawan ang tao sa labas. Sumilong sila ni Liam sa saradong tindahan. Kaso ay nababasa pa din sila ng ulan. Tumayo ito sa kanyang harapan upang hindi siya maanggihan. Dikit na dikit ang kanilang mga katawan. May kung anong emosyong bumabangon sa kanyang katawan na hindi niya alam bigyan ng pangalan.

“Tumabi ka sa akin, nababasa ka diyan,” mahinang sabi niya.

“Malakas ako. Ikaw ang hindi dapat mabasa ng ulan baka magkasakit ka.”

Naamoy niya ang mabangong hininga nito na may halong sigarilyo at alak. Bakit ang sarap amuyin? Addictive.

She needed to distract herself. “Bakit mo nga pala ako hinalikan kanina?”

“Halik? Ikaw ang nagdikit ng lips mo sa lips ko. Hindi halik ‘yun. Gusto mo bang malaman kung ano ang totong halik?” Sunod sunod na iling ang ginawa niya.

Nagulat siya sa lakas ng kulog at kidlat. Napayakap siya sa lalaki. Nakulong siya sa mga bisig nito. Napasandal siya sa malapad nitong dibdib. Bakit nawala ang lahat ng alalahanin at takot niya? She felt safe and secure.

He’s not moving. Iniangat niya ang mukha upang tignan ang binata. Their eyes met.  Unti-unting bumaba ang labi nito sa kanyang ulo. She closed her eyes kagaya ng mga napapanood niya sa drama. Dumapo ang halik sa kanyang noo. Ilong. Magkabilang pisngi. Excitement grew as she waited for his lips to meet hers. Tanging ang ulan ang saksi sa kanilang unang halik na pagsasaluhan.

Tumigil ang binata. “Let’s take it slow.”

Disappointment or relief?

Tumango siya. Itinago niya ang mukha sa dibdib nito. Napapitlag siya ng mag-ring ang cellphone. Ilang miscalls na pala ang daddy niya. Tadtad na din ng messages ang inbox niya.

“Mika, twenty-four years old ka na. Huwag kang matakot. Sagutin mo, sabihin mo pauwi ka na. Gusto mo samahan kita.”

“Hindi mo kilala ang daddy ko. Ayokong magalit siya at sumama ang loob sa akin.”

“Nasaan ang daddy mo ngayon?”

“Naka-duty sa ospital.” Nanatiling nakatingin siya sa cellphone. Wala siyang lakas ng loob na sagutin ito.

“Kung ganoon, madali ‘yan. May mga kaibigan akong akyat-bahay. Tutulungan ka nilang makapasok sa bahay mo sa loob ng kwarto mo. Tapos, tsaka mo sagutin ang call. Sabihin mo na kanina ka pa nasa room mo. Hindi lang napansin ng mga tao sa bahay ninyo na nakauwi ka na.”

Brilliant idea.

Sinagot niya ang video call ng ama. “Hello daddy. Pasensya na po, kanina pa po ako nakauwi sa bahay. Nakatulog po ako sa pagod kaya hindi ko po nasagot ang tawag ninyo. Hindi po napansin ni mommy na dumating na ako.”

“Nag-alala ako anak. Nagkaroon ng emergency sa ospital. Nawala na din sa loob ko na susunduin kita. Pasensya ka na anak.”

“Okay lang daddy. Ingat po sa pag-uwi.”

Ibinaba na niya ang telepono. Super guilty siya. Ngunit bakit hindi maaalis ang ngiti sa kanyang mga labi?

Nadinig din niya ang katok at tawag ng ina sa kwarto niya. “Mommy.” Hindi siya makatingin ng deretso. Mas mahirap magsinungaling ng nakaharap.

“Kanina ka pa pala sa bahay. Nag-alala kami. Muntik na akong tumawag ng pulis.”

“Sorry po at nakatulog na ako.”

“Sige anak, magpahinga ka na. Gusto mo bang kumain muna?”

Iling na lang ang sagot niya bago isara ang pinto. Hindi niya kayang makipag-usap pa ng mahaba at magdagdag pa ng kasinungalingan.

May nadinig siyang kaluskos sa terrace. Bumangon siya upang isara ang sliding glass door. Ang alam niya ay naisara na niya ito kanina. Dito siya dumaan sa tulong ng dalawang kaibigan ni Liam. May anino siyang nakita.

Sisigaw na sana siya upang humingi ng tulong ngunit may kamay na nagtakip ng kanyang bibig. Pilit siyang kumakawala mula sa mahigpit na pagkakahawak ng isang  lalaki. Malakas ito.

“Shhhhh!” Tila pamilyar ang boses at amoy ng ng lalaki.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status