Si Gemma! Naibagsak nito ang dalang mga libro. Agad niya itong hinila papasok ng kwarto at dinala sa kabilang sulok na medyo malayo kay Liam.“Anong ibig sabihin nito? Siya ang lalaki kanina sa library. Akala ko ba hindi mo siya kilala?”“Shhhh. Hinaan mo ang boses mo. Oo, kilala ko siya.”“Boyfriend mo?”“Hindi.”“Hindi? Nasa loob ng kwarto mo at nadatnan kong kayakap mo. Hoy! Mikaella Grace Ramirez, hindi ako ipinanganak kahapon.”“Manliligaw pa lang, basta mahirap ipaliwanag. Quiet ka muna lalo sa parents ko. Hindi nila dapat malaman na magkasama kami sa kwarto ngayon.”“Teka, kailangang dumaan muna ito sa aking masusing inspeksyon.” Lumapit ito sa lalaking nakatayo sa gilid ng kama. Pinagmasdan nito si Liam mula ulo hanggang paa at bumalik sa kanya.“Hoy, saan mo nabinggwit ‘to? Sobrang gwapo at mabango. Artista ba o model?”“Heh! Tsaka ko na ipapaliwanag sa’yo. Umalis ka na muna.”“Aba, bakit kailangan ko umalis? Mikaella, anong plano ninyong gawin na kailangang kayong dalawa lan
Muli niyang tinignan ang number sa taas ng pinto. Tama naman sa address na ibinigay ni Liam. “Ikaw ba si Mika?” tanong ng babae. Halata sa mukha nito ang pagkadisgusto sa kanya. Nakasimangot ito. “Oo. Dito ba nakatira si Liam?” “Pumasok ka. Nasa labas pa siya. Padating na ‘yun.” “Ah sige, babalik na lang ako at baka nakakaabala ako sa inyo.” “Bilin niya na hintayin mo siya. Magagalit ‘yon kapag umalis ka.” Hinila siya ng babae sa loob. Nilinga niya ang loob ng condo. Minimalist. Halos walang gamit at display sa loob maliban sa maliit na mesa at dalawang upuan, cabinet, at ilang appliances. Black and white ang motif. Malinis at mabango ang loob. “Todo paganda pa ako dahil ipapakilala ka daw niya sa akin. My God! Hindi ka naman pala kagandahan.” Nakapamaywang na sabi ng babae na nasa kanyang likuran. “Sino ka ba?” tanong niya bago tuluyang uminit ang ulo at patulan niya ang kaharap. “Kaibigan niya. Future asawa kung hindi ka umeksena.” Hindi niya alam kung maiinis o matatawa sa
Maluwag ang pants dahil maliit ang beywang nito. Ipinasok niya ang kamay sa loob ng pantalon. Nanlaki ang bilugan niyang mata. Unang beses niyang nakahawak ng ari ng lalaki. Nakakita na siya sa mga pasyente pero iba pala kapag ganitong sitwasyon. Malaki at matigas ito na tila kumakawala sa kanyang kamay. “Shit!” Hinuli ni Liam ang kanyang kamay upang patigilin siya.“Teka lang,” sabi nito na hinihingal pa. Gumuhit ang pagkalito sa maganda niyang mukha.“May pupuntahan pa tayo,” dugtong nito. Muli nitong sinakop ang kanyang mga labi. Parehas silang ayaw pang tumigil. Naunang bumitaw ang lalaki.“Saan tayo pupunta?” Tanong niya ng maghiwalay ang kanilang mga labi.“Surprise. Magbihis ka na.” Tumalikod na ito sa kanya pagkaabot ng kanyang damit.Akala ba niya ay magse-sex sila? Bakit aalis daw sila. She’s confused.Nasa parking ang dating black na van na pinansundo sa kanya dati sa school. It was converted into a camping van.“Ginawa mong camping van?”“Yes, para pwede tayong matulog ka
Nagsusumamo ang mga mata niya kay Andrei. Kinuha nito ang kanyang kanang kamay at hinila na siya. “Tara na! Umuwi na tayo.”Mabilis namang nahawakan ni Liam ang kanyang kaliwang kamay. Daig pa niya ang bida sa Kdrama na pinapanood niya. Pinag-aagawan siya ng male lead and second lead. But she’s terrified. Horror yata ang eksenang napasukan niya.Muling nagsukatan ng tingin ang dalawa. “Liam, kailangan ko ng umuwi,” aniya bago pa magsuntukan ang dalawa.Ngunit hindi nito binitawan ang kanyang kamay. “Ako na ang maghahatid sa’yo.”“Akala mo ay papayagan ka ng mga Ramirez na makatuntong sa bahay nila!” sabi ni Andrei.“Liam, please lang. Tama na. Kailangan ko ng umuwi.”“Birthday ko ngayon, Mika. Ikaw ang gusto kong kasama.” Nakatitig sa kanya ang binata. May nakita siyang emosyon sa mga mata nito.Nagdalawang isip siya ng malamang kaarawan ng binata. Kaya pala gusto nitong magsimba sila. Bakas sa mukha nito ang lungkot. Ngunit mas lamang ang takot sa dibdib niya. Hindi niya kayang harap
Muli siyang pumikit, baka namamalikmata lamang siya. Ngunit pagdilat niya ay andun pa din si Liam. May isinesenyas ito sa kanya. Magkita daw sila sa labas. Napilitan siyang lumabas dahil baka lumapit pa ito sa kanila. Bigla na lang itong naglaho. May kamay na biglang humila sa kanya patungo sa isang abandonadong building sa likod ng restaurant.“I’m so sorry kagabi, wala akong maalala sa sobrang kalasingan. Nakita ko lang ang cake sa sahig na may pangalan mo kaya nalaman ko na nagpunta ka at sinabi din ni Nessa.”“May nangyari ba sa inyo ni Nessa?”“Kahit lasing ako, hindi ko siya tatalunin. Kapatid ang turing ko sa kanya. Sabay kaming lumaki sa ampunan. Mukha lang pokpok ‘yun pero matinong babae si Nessa.”Lumapit ang binata sa kanya. “Kaya huwag ka ng magselos. Ikaw lang ang gusto ko. Ako nga ang dapat magtampo sa’yo. Iniwan mo ako sa mismong birthday ko.”Bigla siyang nakunsensya. Ikinulong niya ang mukha nito sa kanyang palad. Dinampian niya ng halik ang labi nito. “Happy Birthday
Sa halip na sagutin ay hinalikan niya si Liam sa labi at hinawakan ang matigas nitong pagkalalaki. Ipinasok niya ang kamay sa loob ng pantalon nito. Mainit at matigas na kanyang nahawakan. Pumatong ito sa kanya.“Lumalaban ka na ah. Tignan natin kung hanggang saan ka tatagal.”Inalis ng binata ang butones ang kanyang uniporme gamit ang bibig nito. Tuluyan na siya nitong hinubaran. Nahantad ang kanyang may katamtamang laking dibdib. Pinagsalikop niya ang kamay upang takpan ang bahaging iyon ng kanyang katawan.“Ang ganda ng katawan mo. Nakakabaliw.”Inalis nito ang kamay niyang nakatakip. Sinakop ng bibig nito ang dalawang korona sa kanyang diddib. Salitan nitong sinipsip ang mga ito.“Ohhhhh. Ang sarap ng ginagawa mo.” Para na naman siya maiihi dala ng matinding sensasyon.Tuluyan ng inalis nito ang kanyang underwear. Bumaba ang mga labi nito sa kanyang puson. At pababa ng pababa. Gusto niya itong pigilan ng nasa pagitan na ng kanyang mga hita ang mukha nito. Ang kanilang daliring nag
Kasama niyang umuwi si Liam sa bahay. Nagbubuga ng apoy ang mga mata ng kanyang ama. Habang ang kanyang ina ay tahimik na lumuluha. It broke her heart into pieces. Ngunit nadapa na siya. Kailangan niyang bumangon at panindigan ang pagkakamali. “Daddy, mommy, I’m sorry. Patawarin ninyo po ako.” “Patawarin? Alam mo ba ang ginawa mo? Malaking kahihiyan ito sa pamilya natin,” sagot ng kanyang ama. “Ikaw lalaki, anong trabaho mo?” tiimbagang na tanong nito. “Wala po.” “Anong natapos mo?” “High School po.” “Sinong mga magulang mo?” “Matagal na po silang patay.” Lalong nagtagis ang bagang ng ama. “Ano ang ipapakain mo kay Mika? Ang lakas ng loob mong manligaw sa anak ko. Wala ka namang maipagmamalaki.” Pinigilan ng ina niya ang kamay ng ama na gustong saktan si Liam. “Kaya ko pong buhayin si Mika at ang magiging anak namin.” “Sumasagot ka pa! Saan ka kukuha ng pera? Magnanakaw ka o magiging pabigat ka sa anak ko? “Ang gusto mo lang makabingwit ng mayaman at may pinag-aralang asaw
“Tumuloy muna tayo kina Nessa. May apartment ang Tita niya. Pasensya ka na Mika. Aayusin ko agad ang problema.” Hinawakan nito ang kanyang kamay. Ramdam niya ang sinseridad nito. Ngumiti siya kay Liam. “Okay lang, alam kong hindi mo gusto ang nangyari. Magiging okay din ang lahat.” Pilit niyang pinasigla ang tinig at humalik sa pisngi nito. Sa kanto pa lamang ay sinalubong na sila ni Nessa. “Naiinis ako sa’yo! Inagawan mo ako ng mapapangasawa.” Pinagtitinginan sila ng mga kapitbahay na halos lahat yata ay nasa labas at nag-uusyuso sa pagdating nila ni Liam. “Tara nga dito, nakipagtanan ka kay Liam?” Hinila siya ni Nessa ng may matandang lalaking kumausap sa binata. “Oo. Kaya magkasama na kami ngayon.” “Ano masarap ba?” “Ang alin?” patay malisya niyang sagot. “Ay ang slow mo sa part na ‘yan!” “Huwag mo ng alamin at maiinggit ka lang.” “Ayun, mukhang nakatikim ka na. Hindi bale, switch jowa tayo, akin na si Andrei. Pasalamat ka at may kapalit agad, kung wala, ipapakulam kita!”
Niyakap ni Mika si Liam upang pakalmahin ito sa matinding galit at sindak sa natuklasan nito tungkol sa amang matagal ng hinahanap. Dumating ang ambulansya at isinugod sa pinakamalapit na ospital si Karlo at ang ina nito. Nadakip naman ng mga pulis si Atty. Flores. Nag-uwian na ang mga bisita. Nananatiling nasa labas ng resthouse si Liam. Pinuntahan ni Mika ang asawa. Umiinom ito ng alak. Alam niyang nasasaktan ang kanyang asawa ngayon. Tinapik siya sa likod ng asawa. “Magiging okay din ang lahat.” “Akalain mo ‘yun si Atty. Flores pala ang tatay ko na matagal ko ng hinahanap.” Naalala niya ang mga pinagsamahan nila ng abogado. Totoong hindi nga ito nawala sa tabi niya. Palaging ito ang nagpupunta sa school events dahil busy ang kanyang tatay Diego. Masakit lang na itinago nito sa kanya ang lahat at pinagbalakan nitong gawan ng masama ang mga taong mahal niya. At hindi din niya mapapalagpas ang pananamantala nito sa kanyang nanay Lucinda noon. “Liam, gawin mo ang inaakala mong tama.
“Paano kita naging kapatid?” tanong ni Liam kay Karlo. Lumuwag ng bahagya ang pagkakahawak niya sa baril.“Simple lang dahil parehas tayo ng ama.”Tuluyan na niyang ibinaba ang baril. Nanlambot ang kanyang tuhod sa natuklasan. May kapatid siya at kilala nito ang kanilang ama.“Sino ang tatay natin? Matagal ko na siyang hinahanap.”“Huwag mo ng alamin kung sino ang demonyong ama natin! Dahil pinagsisihan ko na nakilala ko siya!” tumatawang sabi nito.“Alam niya ang lahat ng nangyayari sa’yo at naghahanap lamang siya ng tiyempo upang magpakilala sa paborito niyang anak! Pero matutuwa ka kapag nalaman mong mahal na mahal ka ng tatay mo.”Pinitsarahan niya ito. “Sino ang tatay natin? Sabihin mo!” Dinuraan siya sa mukha ni Karlo.“Mahigpit ang bilin niya na siya daw ang magsasabi sa’yo. Kaya huwag kang mag-alala, aking kapatid. Kapag patay ng lahat ang taong malalapit sa’yo ay lilitaw ang tatay mong matagal mo ng hinahanap.”Hindi niya alam kung maniniwala sa lalaki o hindi. Tila baliw na
Sinipa ni Mika si Karlo sa maselang parte ng katawan nito sa harapan. Mainam at nagamit niya ang pinag-aralang self-defense. Namilipit ang lalaki sa sakit. Sinamantala niya ang pagkakataong makatakas. Mabilis siyang tumakbo at pumasok sa loob ng bar. May mga nag-iinuman na sa loob at may maingay na tugtog. Nakita niyang nakasunod si Karlo at hinahabol siya. Hindi niya alintana ang mga nababanggang tao.Nang may humawak sa kamay niya. Si Isaac! Parang siyang nabunutan ng punyal sa dibdib. Nayakap niya ito. Hindi sila magkaintindihan sa loob at malakas ang tugtog.“Girl, ayoko ng sumama sa trip mo, last time nabugbog ako ng sobra ng jowa mo.”“Tulungan mo ako, may humahabol sa akin.” Inilapit niya ang bibig sa tenga nito.“Ha? Hindi kita madinig. Saan tayo pupunta? Mag-uumpisa na ang show.” Hinila niya ito sa labas.“Isaac, pahiram ng phone mo, nanganganganib ang buhay ko. Kailangan kong makausap ang asawa ko.”Kukuhanin na ng kaibigan ang cellphone sa loob ng bag kaso ay kumaripas ito
Ilang minuto ng umaandar ang sasakyan. Huminto ito. Binuksan ni Karlo ang trunk sa likod. Binulungan siya nito. “Mika, magpapalit tayo ng sasakyan at kakain. Kapag ikaw ay nagtangkang tumakas. Babarilin kita. Sumunod ka lang sa gusto ko at hindi ka masasaktan.” Tumango siya habang tumutulo ang luha. Inalis nito ang plaster sa bibig at tinulungan siyang makalabas sa loob ng trunk. Pinunasan nito ang kanyang luha. Lumipat sila sa ibang sasakyan. Pumasok sila sa loob ng convenience store. Umorder ang lalaki ng pagkain. Gusto niyang humingi ng tulong sa babaeng kahera ngunit nakatutok sa tagiliran niya ang baril ni Karlo. Nadako ang tingin nilang dalawa sa telebisyon ng tindahan. Nakita nila ang balita sa TV ng pagkawala niya at ang patong na sampung milyon sa ulo ng kidnapper at ang larawan ni Karlo. Agad na hinablot ng lalaki ang pagkain sa cashier at nagmamadaling hinila siya palabas ng tindahan. Nanlaki ang mata ng kahera ng mamukhaan ang kakaalis lang na customer. Agad itong tumaw
Mabilis na naglahong parang bula ang anino bago pa makita ni Liam. Kumakabog ang dibdib ni Karlo ng makalayo sa kwarto nila Liam at Mika. Hindi niya dapat pairalin ang damdaming umaalipin sa kanya. Si Mika ang una sa listahan ng mga taong aalisin nila sa buhay ni Liam ayon sa kanyang ama. Kapag nawala si Mika sa buhay ng kapatid ay madaming tao ang mawawala kasabay nito, si Aurora, Dr. Ramirez, at Zion. Isusunod nila si Lucinda. Plano ng amang pagdanasin ng pighati si Liam at tsaka ito lalapit at magpapakilalang ama. Tumunog ang kanyang cellphone. Tumatawag ang kanyang ama. “Karlo, nakakita ka na ba ng pagkakataon para patayin ang asawa ni Liam?” “Hindi pa, mahigpit ang security nila. Hindi basta basta ang ipinapagawa mo,” iritableng sabi niya. “Hindi ba at nasa resort kayo ngayon? Bilisan mo ang kilos. Makipaglapit ka. Gamitin mo ang charm mo sa babae. Madaming nagkakagusto sa’yo, hindi ba? Akitin mo ang asawa ng kapatid mo.” “Iba si Mika sa lahat ng mga babaeng nakilala ko. Nakik
Walang ibang magaling sa ama kundi si Liam at siya ay isang hamak na utusan lamang. Sarado ang mata nito sa mga kayang niyang gawin.“Basta, pagbutihan mo ang pinapagawa ko sa’yo. Unti-unti nating buburahin ang mga taong malapit sa kanya at tsaka tayo lalapit upang kilalanin niyang pamilya. Matagal ko ng hinihintay ang pagkakataong magkasama kami ng anak ko at magbuhay hari. Siya lamang ang pag-asa kong yumaman,” sabi ng ama.Nakita ni Karlo ang tila demonyong ngiti nito. Tinalikuran na niya ito. Walang utos ang ama na hindi niya sinunod. Gusto niyang matuwa ito sa kanya ngunit tila hindi nito nakikita ang kanyang mga ginagawa. Sinundan niya sa kulungan si Liam dahil gusto nitong proteksyunan niya sa loob ang kapatid. Nakuha niyang sumangkot sa isang kunwaring aksidente upang makulong ng ilang linggo. Baligtad ang ginawa ng ama, nagbayad pa ito para lamang makapasok siya sa loob ng bilangguan. Napailing na lamang siya at umalis na sa madilim na eskinitang pinagtataguan nito.***Anibe
Nagtama ang paningin ni Liam at Mika. Kung nakakamatay lang ang tingin ay bumulagta na ang asawa. Labis ang kabog ng kanyang dibdib sa selos. Nakita niyang akmang may sasabihin si Liam. Sumenyas siya na huwag itong maingay. Tutulungan niya ito. Nakita niyang hindi ginalaw ni Lovely ang pagkain na may pampatulog ayon kay George.Binuksan niya ang bote ng wine at may inilagay siyang pampatulog sa loob ng bote. Abala ang babae sa asawa at nasa gawing likuran siya nito kaya hindi nito siya napapansin. Parang mas gusto niyang ihambalos na lang dito ang bote kaysa painumin ng pampatulog. Pinigil niya ang sarili.Hinahaplos ni Lovely ang mukha ni Liam. Sumandal pa ito sa dibdib ng asawa. Ang haliparot! Parang gusto niya itong ilampaso sa sahig. Halos madurog ang ngipin niya sa pagpipigil sa sarili.Dinampot ni Lovely ang baso ng alak at nakipag-cheers sa asawa. Ininom nito ng deretso ang alak. Ang tibay ng katawan nito, hindi pa bumabagsak. Sinalinan niya uli ang baso nito ng alak. Maya maya
Wala namang kakaiba sa impormasyong nakuha tungkol kay Karlo. Laki ito sa hirap at nakulong dahil sa isang aksidenteng kinasangkutan. Halos sabay silang napasok ng kulungan, nauna lamang siya ng ilang araw. Sinadya niyang makulong ng panahon na iyon dahil gusto niyang makausap si Marco Saavedra. Nagnakaw sila sa ng bahay ng isang mayamang pulitiko. Sinadya niyang magpahuli sa mga pulis upang makapasok sa kulungan. Naalala niya na iniligtas niya si Karlo sa riot. Kaedad ni Mika ang lalaki, mas matanda siya ng dalawang taon.Malaki ang utang na loob niya kay Karlo dahil sa pagkakaligtas nito sa kanila ni Mika kaya tutulungan niya ito. Gayundin si Benjie na naging kasangga niya sa loob ng kulungan. Lahat ng tao kahit pa nabilanggo at nakagawa ng pagkakamali basta nagsisi at nagbagong buhay ay may karapatang muling bumangon at mamuhay ng marangal.Inalis na niya ang anumang masamang hinala kay Karlo. Baka naman nadala lang siya ng selos.Hanggat maaari ay hindi siya nag-oovertime sa opisi
Sinagot ni Lovely ang tawag at nagmamadaling bumalik sa loob ng opisina. Sumunod din siya. At bakit tinatawagan ni Liam si Lovely? Malilintikan sa kanya ang asawa!Halos sabay silang iniluwa ng pinto papasok sa opisina ni Liam. Si George ang bumungad at tila nakaabang na. “Ms. Lovely, naiwan po ninyo ang microphone at flask drive ng hinihingi ninyong kopya ng videos ng bagong branch. Sige po, salamat.” Magalang nitong itinaboy ang babae na hindi na nakapagsalita.Binunggo niya ito ng bahagya upang makapasok at makalapit sa asawang nakatalikod at kumakain na ng lunch na dala niya kanina. Nakahinga siya ng maluwag. Hindi naman pala nagtataksil ang asawa. Paranoid lang siya.Tinakpan niya ng kamay ang mata ng binata. Nagulat ito ng bumalik siya. “Mabuti at bumalik ka tara at kumain ka na din, sabay na tayo.”Kumuha ito ng isa pang plato at kutsara at tinidor sa maliit na kitchen sa loob ng opisina. Sabay silang kumain. Pinagmasdan niya ang asawa. Mas lalo itong naging gwapo at matipuno s