Muli siyang pumikit, baka namamalikmata lamang siya. Ngunit pagdilat niya ay andun pa din si Liam. May isinesenyas ito sa kanya. Magkita daw sila sa labas. Napilitan siyang lumabas dahil baka lumapit pa ito sa kanila. Bigla na lang itong naglaho. May kamay na biglang humila sa kanya patungo sa isang abandonadong building sa likod ng restaurant.“I’m so sorry kagabi, wala akong maalala sa sobrang kalasingan. Nakita ko lang ang cake sa sahig na may pangalan mo kaya nalaman ko na nagpunta ka at sinabi din ni Nessa.”“May nangyari ba sa inyo ni Nessa?”“Kahit lasing ako, hindi ko siya tatalunin. Kapatid ang turing ko sa kanya. Sabay kaming lumaki sa ampunan. Mukha lang pokpok ‘yun pero matinong babae si Nessa.”Lumapit ang binata sa kanya. “Kaya huwag ka ng magselos. Ikaw lang ang gusto ko. Ako nga ang dapat magtampo sa’yo. Iniwan mo ako sa mismong birthday ko.”Bigla siyang nakunsensya. Ikinulong niya ang mukha nito sa kanyang palad. Dinampian niya ng halik ang labi nito. “Happy Birthday
Sa halip na sagutin ay hinalikan niya si Liam sa labi at hinawakan ang matigas nitong pagkalalaki. Ipinasok niya ang kamay sa loob ng pantalon nito. Mainit at matigas na kanyang nahawakan. Pumatong ito sa kanya.“Lumalaban ka na ah. Tignan natin kung hanggang saan ka tatagal.”Inalis ng binata ang butones ang kanyang uniporme gamit ang bibig nito. Tuluyan na siya nitong hinubaran. Nahantad ang kanyang may katamtamang laking dibdib. Pinagsalikop niya ang kamay upang takpan ang bahaging iyon ng kanyang katawan.“Ang ganda ng katawan mo. Nakakabaliw.”Inalis nito ang kamay niyang nakatakip. Sinakop ng bibig nito ang dalawang korona sa kanyang diddib. Salitan nitong sinipsip ang mga ito.“Ohhhhh. Ang sarap ng ginagawa mo.” Para na naman siya maiihi dala ng matinding sensasyon.Tuluyan ng inalis nito ang kanyang underwear. Bumaba ang mga labi nito sa kanyang puson. At pababa ng pababa. Gusto niya itong pigilan ng nasa pagitan na ng kanyang mga hita ang mukha nito. Ang kanilang daliring nag
Kasama niyang umuwi si Liam sa bahay. Nagbubuga ng apoy ang mga mata ng kanyang ama. Habang ang kanyang ina ay tahimik na lumuluha. It broke her heart into pieces. Ngunit nadapa na siya. Kailangan niyang bumangon at panindigan ang pagkakamali. “Daddy, mommy, I’m sorry. Patawarin ninyo po ako.” “Patawarin? Alam mo ba ang ginawa mo? Malaking kahihiyan ito sa pamilya natin,” sagot ng kanyang ama. “Ikaw lalaki, anong trabaho mo?” tiimbagang na tanong nito. “Wala po.” “Anong natapos mo?” “High School po.” “Sinong mga magulang mo?” “Matagal na po silang patay.” Lalong nagtagis ang bagang ng ama. “Ano ang ipapakain mo kay Mika? Ang lakas ng loob mong manligaw sa anak ko. Wala ka namang maipagmamalaki.” Pinigilan ng ina niya ang kamay ng ama na gustong saktan si Liam. “Kaya ko pong buhayin si Mika at ang magiging anak namin.” “Sumasagot ka pa! Saan ka kukuha ng pera? Magnanakaw ka o magiging pabigat ka sa anak ko? “Ang gusto mo lang makabingwit ng mayaman at may pinag-aralang asaw
“Tumuloy muna tayo kina Nessa. May apartment ang Tita niya. Pasensya ka na Mika. Aayusin ko agad ang problema.” Hinawakan nito ang kanyang kamay. Ramdam niya ang sinseridad nito. Ngumiti siya kay Liam. “Okay lang, alam kong hindi mo gusto ang nangyari. Magiging okay din ang lahat.” Pilit niyang pinasigla ang tinig at humalik sa pisngi nito. Sa kanto pa lamang ay sinalubong na sila ni Nessa. “Naiinis ako sa’yo! Inagawan mo ako ng mapapangasawa.” Pinagtitinginan sila ng mga kapitbahay na halos lahat yata ay nasa labas at nag-uusyuso sa pagdating nila ni Liam. “Tara nga dito, nakipagtanan ka kay Liam?” Hinila siya ni Nessa ng may matandang lalaking kumausap sa binata. “Oo. Kaya magkasama na kami ngayon.” “Ano masarap ba?” “Ang alin?” patay malisya niyang sagot. “Ay ang slow mo sa part na ‘yan!” “Huwag mo ng alamin at maiinggit ka lang.” “Ayun, mukhang nakatikim ka na. Hindi bale, switch jowa tayo, akin na si Andrei. Pasalamat ka at may kapalit agad, kung wala, ipapakulam kita!”
Pinigil niya ang luhang nagbabadyang pumatak. Sinusubok lamang ng pagkakataon ang pagmamahalan nila ni Liam. Hindi siya basta susuko.Malaki ang mga hakbang niya upang makalayo sa paaralan na kanyang naging pangalawang tahanan.Paglabas niya sa gate ay napansin niya ang grupo ng mga kalalakihan na nagsusuntukan. At pamilyar ang lalaking pinagtutulungan ng limang tao. Si Liam! Napasugod siya sa mga ito. Dinampot niya ang malaking kahoy na nasa kalsada. Pinukpok niya ng kahoy sa likod ang lalaking nakahawak sa dalawang kamay ni Liam.“Tumigil na kayo! Tatawag ako ng pulis!” sigaw niya.Nagpalitan pa ng ilang suntok ang mga ito bago iniwan ang binata. Putok ang kilay nito. Tinulungan niya itong tumayo.“Sino ang mga ‘yon?” sita niya.“Hindi ko kilala, hinihintay lang kita pagkatapos ay naglapitan sila at sinuntok na ako.”“Imposibleng wala kang atraso sa kanila. Liam, tumigil ka na sa pagiging basagulero mo.”“Hindi ko nga sila kilala, baka ipinabugbog ako ng daddy mo o ‘nung Andrei.”“A
Hindi siya nakatulog magdamag. Hindi umuwi si Liam at hindi din ito sumasagot sa mga tawag at message niya. Nag-aalala siya ng sobra at baka kung ano na ang nangyari sa asawa. O baka kasama nito si Ava. Nilalamon ng selos ang puso niya. Takot at selos, nakakamatay na kombinasyon. Isama mo pa ang galit.Uminom siya ng kape. Wala siyang ganang kumain. Biglang tayo niya ng may kumatok. Baka si Liam na ito. Muntik niyang maibuga ang kapeng iniinom pagkakita kina Andrei at Gemma sa tabi ni Nessa. Magulo ang kanyang buhok at lumang t-shirt ni Liam ang suot niya. Bakas sa mukha ng mga ito ang awa sa itsura niya.Bumili ng almusal nila si Nessa. Nakaharap na sila sa mesa at kumakain.“Kumusta ka na friend? Okay ka lang ba?” tanong ni Gemma na hinawakan ang kanyang balikat.Ngumiti siya upang makumbinsi ang kaibigan na okay lang siya. “Oo, okay na okay ako. Mababait ang mga tao dito.”“Ikaw, bebe Andrei, kumusta ka?” Kumapit si Nessa sa braso ng binata.Hindi nito pinansin ang paglalambing ng
Pumasok ang mga pulis sa loob ng bahay. Ngunit wala doon ang dalawa. “Tara, habulin natin. Hindi pa nakakalayo ang mga ‘yon,” sabi ng pinuno.Hindi sila makikita ng pulis dahil pumasok sila sa pintuan sa pababa. Nasa basement sila ng maliit na apartment. Mas maganda ang ilalim kaysa sa itaas ng bahay.“Tuloy ka sa aking pahingahan.”Umikot siya sa maliit na kwarto sa ilalim. Kumpleto ang appliances sa loob. At may working table din na may laptop sa ibabaw.“Taguan mo ba ito?”“Parang ganoon na nga.” Yumakap ito mula sa kanyang likuran. Dumapo ang labi nito sa kanyang balikat na nakalabas sa suot na maluwag na t-shirt. Bahagya nitong kinagat ang kanyang leeg.“Sino ka Liam?” Humarap at niyakap niya ang binata na walang damit pang itaas. Tumingala siya dito.“Anong klaseng tanong ‘yan?”“Sagutin mo ang tanong ko.” Tumitig siya sa mata ang binata.“Okay, ako ay isang lalaking patay na patay sa’yo. Ikaw ang gamot ko sa kalungkutan. Ikaw ang dahilan kung bakit gusto ko ng mabuhay.”Inirapa
Magkaharap ang dalawang lalaki. Parehas nilang hinubad ang maskara. Kilala nila ang isa't isa. Nanggigigil na lumapit ang matanda kay Liam. Naglabasan ang mg litid nito sa leeg. “Wala akong alam sa pagkamatay ni Diego. Hindi ka ba titigil?” “Kung hindi ikaw, sino? Ha?!” “Umamin na ang may sala, hindi ba? Nasa kulungan na ang pumatay sa tatay mo. Tapos na ang kaso. Inggit ang nagtulak kay Marco para pasabugin ang sasakyan ng tatay mo.” “Alam nating parehas na hindi sa aksidente namatay ang daddy ko. Dinala siya sa ospital. Namatay siya sa gamot na isinaksak sa ugat niya. Nandoon ka ng araw na ‘yon! “Natural, naka-duty ako ng oras at araw na ‘yon kaya ako nandoon.” “Nasa tabi ka niya ng malagutan siya ng hininga.” “Naghihingalo na siya ng tawagin ako ng nurse! Tapos na ang kaso, umamin na si Marco na siya ang pumatay sa tatay mo.” “Kaya nga ako gumawa ng krimen para makulong at mapakanta si Marco pero nagbigti ang hayup ng mabalitaan na nasa loob ako. Nagpakamatay o pinatay. Mas