Bago pa ito mai-send ni Andrei ay may umagaw ng telepono nito. Akala ng binata ay snatcher kaya tumigil ang pagtibok ng puso nito ng 3 segundo. Si Nessa pala! Ang babaeng makulit na kaibigan ni Liam.“Hoy! Bakit ka palihim na kumukuha ng video? Ha? Bawal ‘yan!”Nag-aagawan sila sa phone. “Akina ang cellpnone ko!”Mabilis ang kamay niya. Agad niyang binura ang video. Pati sa trash ay binura niya bago ibalik ang cellphone sa binata.“Oh, ayan isaksak mo sa baga mo!”“Pakialamera ka! Dati ka bang snatcher? Ambilis ng kamay mo.”“Ikaw ang pakialamero! Bakit mo pinapakialaman ang relasyon nila Liam at Mika?”“Nakita mo naman na nakikipagtagpo sa iba ang kaibigan mo. Kunsintidora ka! Concern ang tawag doon at hindi pakikialam.”“Kanino ka concern? Aber? Kay Mika o sa sarili mo? Huwag ako ah!”Natigilan ang lalaki. Namumula na ang mukha nito sa inis.“Pwede ba, hayaan mo ang ‘yun dalawa. Hindi mo ba nakikita ang labis na pag-ibig sa kanilang mga mata? Maghanap ka na lang ng iba. Andito naman
Ilang araw ng nakatira si Liam sa bahay nila. Napakasaya niya dahil pinatawad na siya ng mga magulang at tinanggap ng mga ito ang lalaking minamahal. Ipagpapatuloy din niya ang kanyang pag-aaral upang maging ganap siyang doktor.Kakatapos lamang nilang mag-almusal. Naghuhugas siya ng pinggan ng yumakap si Liam mula sa kanyang likuran.“Hoy! Baka may makakita sa’yo,” saway niya sa binata. Nag-init ang kanyang pakiramdam lalo na ng dakmain nito ang kanyang diddib.Muntik na niyang mabitawan ang basong hinuhugasan ng maramdaman niyang nakatutok ang pagkakalalaki nito sa kanyang puwetan.“Hirap ng may kasama sa bahay, gusto kitang angkinin sa mga sandaling ito kaso baka patayin ako ng tatay mo kapag nakita tayo.” Nanggigigil na pinalo na lamang nito ang kanyang puwet.“Sa kwarto na lang natin mamaya.”“Mas may thrill kapag sa iba’t ibang lugar sa bahay.”“Ang bastos mo! Ang aga aga kung anu-ano iniisip mo,” natatawang sabi niya.“Bilisan mo dyan, may pupuntahan tayo.”"Tapos na, saan tayo
Gusto din niya ang maliit na tattoo. It’s an art. Dahil maliit lang naman hindi ito masyadong visible. At isa pa, heartbeat so it’s related sa pagiging duktor niya. Tsaka couple tattoo, alangan namang si Liam lang ang meron at siya ay wala. Kapag talaga gusto ng isang taong gawin ang isang bagay ang daming maiisip na dahilan.Nagpunta sila sa kaibigan nitong tattoo artist. Naunang magpa-tattoo si Liam. Simpleng heartbeat tattoo ang napili nilang design at ipapalagay nila ito sa kanilang pulso. Simbolo ito ng buhay. It looks exactly like the monitor with the irregular line bouncing up and down.Tapos na si Liam at siya na ang susunod. Maganda ang pagkakagawa.“Relax ka lang, hindi masakit. Parang kagat lang ng langgam,” sabi ni Liam at kinintalan siya ng mabilis na halik sa labi.Napakagat labi siya at napakapit sa braso ni Liam. Kaya naman niyang tiisin ang hapdi.Sulit naman ang sakit dahil elegante ang simpleng design ng heartbeat. Bagay sa isang duktor at sa isang babaeng lubos na
“Oo, Liam, maganda ‘tong tela ng brand na sinasabi ko sa’yo, hindi makati sa leeg. Malambot pa, hindi ba?”Inayos ng binata ang kwelyo ng ama. “Oo nga po, malambot. Ayoko po kasi ng polo shirt at nangangati ang leeg ko.”Lumapit siya sa dalawang pinakaimportanteng lalaki sa buhay niya. Mukhang magkasundo na ang ama at si Liam.“Oh, Mika. Hindi ba at alam mo ang bilihan ng polo shirt na ito? Samahan mo si Liam para makabili siya.”“Oo nga mahal ko, ang lambot ng tela.” Muli nitong hinipo ang kwelyo ng damit na suot ng ama.“Maganda nga ang brand na ‘yan. Sige, samahan kitang bumili.”Nasa likod niya si Nessa. “Dad, si Nessa po. Kaibigan po namin ni Liam.”Nagmano ito sa matanda. “Naku, ang gwapo po ninyo, alam ko na kung saan nagmana si Mika.”Ngumiti ang matanda. “Salamat iha. Oh sige, matutulog na ako at maaga pa ang duty ko bukas. Liam, ibili mo din ako ng bagong polo shirt, gusto ko parehas tayo ng kulay at design.”“Opo, ibibili ko po kayo. Salamat nga po pala sa mga advice.”“Wal
Natulala ang binata sa ginawa niya. Idinikit niya ang kanyang labi sa labi nito. Iginalaw niya ang ulo, kaliwa at kanan. Hindi niya alam kung tama, ngunit ganito naman ang napapanood niya. Parang naengkanto si Andrei. Hindi ito gumagalaw. Naalala niya na ginagamit din ang dila sa paghalik. Inilabas niya ang dila. Teka, bakit lasang dugo? Inilayo niya ang mukha at nakita niyang pumutok pala ang labi ng binata. Tumama yata ang ngipin niya sa sa labi nito ng hilahin niya kanina. “Bakit?” tanong nito. Itinuro niya ang labi nito. Hinawakan nito ang sariling bibig at napansin ang dugo. “Lumayo ka sa akin! Tama ang kaibigang manghuhula ng mommy ko. Isang babaeng nagsisimula sa letrang N ang pangalan ang magdadala sa akin ng kamalasan.” “Nagkakamali ka, Vanessa ang tunay kong pangalan, kaya letrang V ang simula hindi N.” “Ewan ko sa’yo. Bwisit ka!” Kinuha nito ang bag at lumabas ng motel. Napaupo siya sa gilid ng kama. Nasapo niya ang mukha. Palpak! Tinignan niya sa sarili sa salamin.
Ramdam nila ang tensyong namamagitan sa kanilang dalawa. Bumilis ang tibok ng kanilang mga puso. Dumako ang kamay niya sa hita ng binata. Itinabi at inihinto nito ang sasakyan. At eto nga, mangyayari na ang dapat mangyari. Ikinulong ng dalawang palad ni Andrei ang kanyang hugis pusong mukha. Dumampi ang labi nito sa kanyang pisngi. Napakapit siya sa leeg nito. Hindi pa man sumasayad ang labi nito sa labi niya ay gusto na niyang umungol.Ramdam ng balat niya ang mainit at mabango nitong hininga. Parehas silang pumikit at handa ng lasapin ang matamis na halik.Nang may nadinig silang katok mula sa bintana ng sasakyan. Tinted ito kaya kitang kita nila ang naka-unipormeng dalawang lalaki na sinisilip sila sa loob.“Shit! Pulis yata ‘yan!”Inaninag niya ang uniporme. “Lagot, taga-LTO yata sila.”Napakamot sa ulo ang binata. “Malas ka talaga! Sa tagal ko ng nagmamaneho ngayon lang ako nahuli.”“Aba! At bakit ako ang sinisisi mo? Ikaw itong nag-park sa hindi dapat pagparadahan.”“Napilitan a
Narinig niya ang boses ng ina na may sinasabi sa daddy niya. Bahagyang umatras ang ama papasok sa loob upang sumagot. Hindi magpapaawat si Liam sa ginagawang pagbayo sa kanya. Hinalikan siya ng mariin ng asawa. Napakasarap ng bawat ulos nito na kanyang sinasalubong. Tumirik ang mata nila parehas ng sabay na labasan. Umagos sa hita niya ang pinaghalong katas nilang dalawa. Hinugot ni Liam ang ari mula sa kanyang pagkababae. Nanginginig pa ang kanyang tuhod ng bitawan nito.“Mika, ikaw talagang bata ka. Sabi ko nga ba naliligo ka na naman sa ulan,” anang ama pagkakita sa kanyang basa ng ulan.May nadinig silang talon sa swimming pool sa gilid ng kanilang bahay.“Si Liam ba ‘yun?”“Opo, naliligo po siya sa pool. Pasok na ako daddy. Ang ginaw po,” aniyang yakap ang sarili at upang makaiwas na din sa ama. Nahihiya siya sa ginawa nila sa likod bahay.“Sige anak, aalis na ako. May duty ka ba sa ospital ngayon?”“Opo, daddy mamayang gabi po.”Unang araw niya sa clerkship training. Isang taon
Tinakpan ni Liam ang kanyang bibig. “Mika, ako ‘to.”Nag-iiyak siya at yumakap sa binata. Hinagod nito ang kanyang likod. “Sorry, hindi ko alam na matatakot ka.”Ang totoo ay mas lamang ang takot niya sa sinabi ng lolo nito. Takot na hindi siya mahal ng kasintahan. Takot na baka niloloko lang siya nito. Sasabihin ba niya na nakausap niya ang lolo nito? Baka magkagulo pa. Nalilito siya at hindi alam ang gagawin.Pinahid nito ang kanyang luhang nag-uunahang pumatak. “Tahan na. Huwag kang matakot. Andito na ako.”May kakayahan ang binata na alisin ang lahat ng kanyang pangamba sa dibdib. Inangat niya ang mukha at sinalubong ang mga mata ng nobyo. “Mahal mo ba ako.”“Oo, mahal kita. Bakit bigla kang nagtanong? Hindi pa ba sapat na ibinibigay ko ang katawan ko sa’yo?” sabay tawa nito.Ngunit hindi siya sumakay sa biro nito. “Paano si Ava? Ikakasal ka sa kanya, hindi ba?”“Sino ang nagsabi sa’yo?” Naging mailap ang mata ng binata.“Si Ava mismo, noong huling nagpunta siya sa apartment.” Kai