“Oo, Liam, maganda ‘tong tela ng brand na sinasabi ko sa’yo, hindi makati sa leeg. Malambot pa, hindi ba?”Inayos ng binata ang kwelyo ng ama. “Oo nga po, malambot. Ayoko po kasi ng polo shirt at nangangati ang leeg ko.”Lumapit siya sa dalawang pinakaimportanteng lalaki sa buhay niya. Mukhang magkasundo na ang ama at si Liam.“Oh, Mika. Hindi ba at alam mo ang bilihan ng polo shirt na ito? Samahan mo si Liam para makabili siya.”“Oo nga mahal ko, ang lambot ng tela.” Muli nitong hinipo ang kwelyo ng damit na suot ng ama.“Maganda nga ang brand na ‘yan. Sige, samahan kitang bumili.”Nasa likod niya si Nessa. “Dad, si Nessa po. Kaibigan po namin ni Liam.”Nagmano ito sa matanda. “Naku, ang gwapo po ninyo, alam ko na kung saan nagmana si Mika.”Ngumiti ang matanda. “Salamat iha. Oh sige, matutulog na ako at maaga pa ang duty ko bukas. Liam, ibili mo din ako ng bagong polo shirt, gusto ko parehas tayo ng kulay at design.”“Opo, ibibili ko po kayo. Salamat nga po pala sa mga advice.”“Wal
Natulala ang binata sa ginawa niya. Idinikit niya ang kanyang labi sa labi nito. Iginalaw niya ang ulo, kaliwa at kanan. Hindi niya alam kung tama, ngunit ganito naman ang napapanood niya. Parang naengkanto si Andrei. Hindi ito gumagalaw. Naalala niya na ginagamit din ang dila sa paghalik. Inilabas niya ang dila. Teka, bakit lasang dugo? Inilayo niya ang mukha at nakita niyang pumutok pala ang labi ng binata. Tumama yata ang ngipin niya sa sa labi nito ng hilahin niya kanina. “Bakit?” tanong nito. Itinuro niya ang labi nito. Hinawakan nito ang sariling bibig at napansin ang dugo. “Lumayo ka sa akin! Tama ang kaibigang manghuhula ng mommy ko. Isang babaeng nagsisimula sa letrang N ang pangalan ang magdadala sa akin ng kamalasan.” “Nagkakamali ka, Vanessa ang tunay kong pangalan, kaya letrang V ang simula hindi N.” “Ewan ko sa’yo. Bwisit ka!” Kinuha nito ang bag at lumabas ng motel. Napaupo siya sa gilid ng kama. Nasapo niya ang mukha. Palpak! Tinignan niya sa sarili sa salamin.
Ramdam nila ang tensyong namamagitan sa kanilang dalawa. Bumilis ang tibok ng kanilang mga puso. Dumako ang kamay niya sa hita ng binata. Itinabi at inihinto nito ang sasakyan. At eto nga, mangyayari na ang dapat mangyari. Ikinulong ng dalawang palad ni Andrei ang kanyang hugis pusong mukha. Dumampi ang labi nito sa kanyang pisngi. Napakapit siya sa leeg nito. Hindi pa man sumasayad ang labi nito sa labi niya ay gusto na niyang umungol.Ramdam ng balat niya ang mainit at mabango nitong hininga. Parehas silang pumikit at handa ng lasapin ang matamis na halik.Nang may nadinig silang katok mula sa bintana ng sasakyan. Tinted ito kaya kitang kita nila ang naka-unipormeng dalawang lalaki na sinisilip sila sa loob.“Shit! Pulis yata ‘yan!”Inaninag niya ang uniporme. “Lagot, taga-LTO yata sila.”Napakamot sa ulo ang binata. “Malas ka talaga! Sa tagal ko ng nagmamaneho ngayon lang ako nahuli.”“Aba! At bakit ako ang sinisisi mo? Ikaw itong nag-park sa hindi dapat pagparadahan.”“Napilitan a
Narinig niya ang boses ng ina na may sinasabi sa daddy niya. Bahagyang umatras ang ama papasok sa loob upang sumagot. Hindi magpapaawat si Liam sa ginagawang pagbayo sa kanya. Hinalikan siya ng mariin ng asawa. Napakasarap ng bawat ulos nito na kanyang sinasalubong. Tumirik ang mata nila parehas ng sabay na labasan. Umagos sa hita niya ang pinaghalong katas nilang dalawa. Hinugot ni Liam ang ari mula sa kanyang pagkababae. Nanginginig pa ang kanyang tuhod ng bitawan nito.“Mika, ikaw talagang bata ka. Sabi ko nga ba naliligo ka na naman sa ulan,” anang ama pagkakita sa kanyang basa ng ulan.May nadinig silang talon sa swimming pool sa gilid ng kanilang bahay.“Si Liam ba ‘yun?”“Opo, naliligo po siya sa pool. Pasok na ako daddy. Ang ginaw po,” aniyang yakap ang sarili at upang makaiwas na din sa ama. Nahihiya siya sa ginawa nila sa likod bahay.“Sige anak, aalis na ako. May duty ka ba sa ospital ngayon?”“Opo, daddy mamayang gabi po.”Unang araw niya sa clerkship training. Isang taon
Tinakpan ni Liam ang kanyang bibig. “Mika, ako ‘to.”Nag-iiyak siya at yumakap sa binata. Hinagod nito ang kanyang likod. “Sorry, hindi ko alam na matatakot ka.”Ang totoo ay mas lamang ang takot niya sa sinabi ng lolo nito. Takot na hindi siya mahal ng kasintahan. Takot na baka niloloko lang siya nito. Sasabihin ba niya na nakausap niya ang lolo nito? Baka magkagulo pa. Nalilito siya at hindi alam ang gagawin.Pinahid nito ang kanyang luhang nag-uunahang pumatak. “Tahan na. Huwag kang matakot. Andito na ako.”May kakayahan ang binata na alisin ang lahat ng kanyang pangamba sa dibdib. Inangat niya ang mukha at sinalubong ang mga mata ng nobyo. “Mahal mo ba ako.”“Oo, mahal kita. Bakit bigla kang nagtanong? Hindi pa ba sapat na ibinibigay ko ang katawan ko sa’yo?” sabay tawa nito.Ngunit hindi siya sumakay sa biro nito. “Paano si Ava? Ikakasal ka sa kanya, hindi ba?”“Sino ang nagsabi sa’yo?” Naging mailap ang mata ng binata.“Si Ava mismo, noong huling nagpunta siya sa apartment.” Kai
Tumutunog ang kanyang cellphone. Tumatawag si Andrei. Mamaya-maya na niya sasagutin ang tawag ng kumag. Medyo magpapaimportante siya ng very very light.“Hello, Nessa, bakit ang tagal mong sumagot?”“Bakit? Ano? babantayan ko phone ko at mag-aabang sa tawag mo? Anong kailangan mo?”“Magkita tayo.”“Akala ko ba ayaw mo na akong makita?”“May kailangan ako sa’yo. Magkita tayo ngayon.”“Ayoko, busy ako.”“Limang libo.”“Saan at anong oras?”“Basta pera, ang dali mong kausap.”Nagkita sila sa isang sikat na coffee shop. Excited siya dahil first time niyang makakakain dito.Nadatnan niya ang binata na nakaupo sa dulo.“Umorder ka na ang pagkain mo.” Anito ng hindi lumilingon sa kanya at busy sa cellphone nito.“I-order mo ako, hindi ko alam kung anong mga tawag.”Napatingin sa kanya ang binata. Naka-crop top at mini skirt siya. Litaw ang flat niyang tiyan at makinis na legs.“Ang sakit sa mata niyang suot mo. Feeling mo maganda ka.”“Ikaw, feeling mo pogi ka? Ang lakas mo makasira ng araw.
Duguan na mukha ni Calix ang bumungad sa kanya. Si Nessa ay may hawak na basag na flower vase. Tumakbo ang dalaga pagkakita sa kanya ngunit bago pa ito makalapit ay nawalan na ito ng malay. Bumagsak ito sa kanyang bisig. Humanga siya sa babae. Lasing na pero nakalaban pa. Naiiba talaga ito. Hinubad niya ang jacket na suot at itinakip sa katawan nito.“Putang-ina ‘yang girlfriend mo. Muntik na akong mapatay! Magbabayad kayong dalawa!”“Gago! Ikaw ang ipapakulong ko!” Inundayan niya ito ng dalawang sundok sa sikmura. Matagal na niyang gustong gawin ito sa walanghiyang pinsan. Bata pa lang siya ay lagi na siya nitong inaapi. Tapos na ang pagiging magpinsan nila.Dinala niya si Nessa sa condo niya. Pilit siyang umiiwas na muling tignan ang magandang mukha at katawan nito na nakalatag sa kanyang kama. Inayos niya ang two-piece swimsuit nito na paling at malapit ng lumabas ang hindi dapat makita. Malusog ang dibdib nito. Parang malambot at masarap hawakan. Delikado ang mga ganitong tanawin
Umuwi si Nessa sa bahay ng tiyahin. Gulong gulo ang isip niya. Wala siyang maalala kagabi. Nagising na lamang siya sa condo ni Andrei. May nakita siyang mantsa ng dugo sa bedsheet. Ibig sabihin ay ginalaw siya nito. Pinagkatiwalaan niya ito ngunit pinagsamantalahan siya. Nawala ang virginity niya ng ganoon lang. Tulog siya! Sana man lang ay ginising siya at nagpaalam. Nagagalit siya kay Andrei ngunit higit sa kanyang sarili. At ngayon ay nahaharap siya sa malaking problema. Paano kung mabuntis siya? Hindi pa siya handang maging ina.Makalat ang bahay. Mukhang dumating na ang mayakis niyang tito. Speaking of the devil, lumabas ito sa kwarto. Puno ng malisya ang tingin nito sa kanya. Nakahubad pang itaas ito at nakalabas ang malaking tiyan. Kulay dilaw ang shorts nito. Mukha itong si Winnie the Pooh horror version.“Nessa, kagabi pa kita hinahanap.”Inabala niya ang sarili sa pagliligpit. Ang daming hugasin sa lababo.Lumapit ang kanyang tito. Nalanghap niya ang mabahong amoy nito. Amoy
Niyakap ni Mika si Liam upang pakalmahin ito sa matinding galit at sindak sa natuklasan nito tungkol sa amang matagal ng hinahanap. Dumating ang ambulansya at isinugod sa pinakamalapit na ospital si Karlo at ang ina nito. Nadakip naman ng mga pulis si Atty. Flores. Nag-uwian na ang mga bisita. Nananatiling nasa labas ng resthouse si Liam. Pinuntahan ni Mika ang asawa. Umiinom ito ng alak. Alam niyang nasasaktan ang kanyang asawa ngayon. Tinapik siya sa likod ng asawa. “Magiging okay din ang lahat.” “Akalain mo ‘yun si Atty. Flores pala ang tatay ko na matagal ko ng hinahanap.” Naalala niya ang mga pinagsamahan nila ng abogado. Totoong hindi nga ito nawala sa tabi niya. Palaging ito ang nagpupunta sa school events dahil busy ang kanyang tatay Diego. Masakit lang na itinago nito sa kanya ang lahat at pinagbalakan nitong gawan ng masama ang mga taong mahal niya. At hindi din niya mapapalagpas ang pananamantala nito sa kanyang nanay Lucinda noon. “Liam, gawin mo ang inaakala mong tama.
“Paano kita naging kapatid?” tanong ni Liam kay Karlo. Lumuwag ng bahagya ang pagkakahawak niya sa baril.“Simple lang dahil parehas tayo ng ama.”Tuluyan na niyang ibinaba ang baril. Nanlambot ang kanyang tuhod sa natuklasan. May kapatid siya at kilala nito ang kanilang ama.“Sino ang tatay natin? Matagal ko na siyang hinahanap.”“Huwag mo ng alamin kung sino ang demonyong ama natin! Dahil pinagsisihan ko na nakilala ko siya!” tumatawang sabi nito.“Alam niya ang lahat ng nangyayari sa’yo at naghahanap lamang siya ng tiyempo upang magpakilala sa paborito niyang anak! Pero matutuwa ka kapag nalaman mong mahal na mahal ka ng tatay mo.”Pinitsarahan niya ito. “Sino ang tatay natin? Sabihin mo!” Dinuraan siya sa mukha ni Karlo.“Mahigpit ang bilin niya na siya daw ang magsasabi sa’yo. Kaya huwag kang mag-alala, aking kapatid. Kapag patay ng lahat ang taong malalapit sa’yo ay lilitaw ang tatay mong matagal mo ng hinahanap.”Hindi niya alam kung maniniwala sa lalaki o hindi. Tila baliw na
Sinipa ni Mika si Karlo sa maselang parte ng katawan nito sa harapan. Mainam at nagamit niya ang pinag-aralang self-defense. Namilipit ang lalaki sa sakit. Sinamantala niya ang pagkakataong makatakas. Mabilis siyang tumakbo at pumasok sa loob ng bar. May mga nag-iinuman na sa loob at may maingay na tugtog. Nakita niyang nakasunod si Karlo at hinahabol siya. Hindi niya alintana ang mga nababanggang tao.Nang may humawak sa kamay niya. Si Isaac! Parang siyang nabunutan ng punyal sa dibdib. Nayakap niya ito. Hindi sila magkaintindihan sa loob at malakas ang tugtog.“Girl, ayoko ng sumama sa trip mo, last time nabugbog ako ng sobra ng jowa mo.”“Tulungan mo ako, may humahabol sa akin.” Inilapit niya ang bibig sa tenga nito.“Ha? Hindi kita madinig. Saan tayo pupunta? Mag-uumpisa na ang show.” Hinila niya ito sa labas.“Isaac, pahiram ng phone mo, nanganganganib ang buhay ko. Kailangan kong makausap ang asawa ko.”Kukuhanin na ng kaibigan ang cellphone sa loob ng bag kaso ay kumaripas ito
Ilang minuto ng umaandar ang sasakyan. Huminto ito. Binuksan ni Karlo ang trunk sa likod. Binulungan siya nito. “Mika, magpapalit tayo ng sasakyan at kakain. Kapag ikaw ay nagtangkang tumakas. Babarilin kita. Sumunod ka lang sa gusto ko at hindi ka masasaktan.” Tumango siya habang tumutulo ang luha. Inalis nito ang plaster sa bibig at tinulungan siyang makalabas sa loob ng trunk. Pinunasan nito ang kanyang luha. Lumipat sila sa ibang sasakyan. Pumasok sila sa loob ng convenience store. Umorder ang lalaki ng pagkain. Gusto niyang humingi ng tulong sa babaeng kahera ngunit nakatutok sa tagiliran niya ang baril ni Karlo. Nadako ang tingin nilang dalawa sa telebisyon ng tindahan. Nakita nila ang balita sa TV ng pagkawala niya at ang patong na sampung milyon sa ulo ng kidnapper at ang larawan ni Karlo. Agad na hinablot ng lalaki ang pagkain sa cashier at nagmamadaling hinila siya palabas ng tindahan. Nanlaki ang mata ng kahera ng mamukhaan ang kakaalis lang na customer. Agad itong tumaw
Mabilis na naglahong parang bula ang anino bago pa makita ni Liam. Kumakabog ang dibdib ni Karlo ng makalayo sa kwarto nila Liam at Mika. Hindi niya dapat pairalin ang damdaming umaalipin sa kanya. Si Mika ang una sa listahan ng mga taong aalisin nila sa buhay ni Liam ayon sa kanyang ama. Kapag nawala si Mika sa buhay ng kapatid ay madaming tao ang mawawala kasabay nito, si Aurora, Dr. Ramirez, at Zion. Isusunod nila si Lucinda. Plano ng amang pagdanasin ng pighati si Liam at tsaka ito lalapit at magpapakilalang ama. Tumunog ang kanyang cellphone. Tumatawag ang kanyang ama. “Karlo, nakakita ka na ba ng pagkakataon para patayin ang asawa ni Liam?” “Hindi pa, mahigpit ang security nila. Hindi basta basta ang ipinapagawa mo,” iritableng sabi niya. “Hindi ba at nasa resort kayo ngayon? Bilisan mo ang kilos. Makipaglapit ka. Gamitin mo ang charm mo sa babae. Madaming nagkakagusto sa’yo, hindi ba? Akitin mo ang asawa ng kapatid mo.” “Iba si Mika sa lahat ng mga babaeng nakilala ko. Nakik
Walang ibang magaling sa ama kundi si Liam at siya ay isang hamak na utusan lamang. Sarado ang mata nito sa mga kayang niyang gawin.“Basta, pagbutihan mo ang pinapagawa ko sa’yo. Unti-unti nating buburahin ang mga taong malapit sa kanya at tsaka tayo lalapit upang kilalanin niyang pamilya. Matagal ko ng hinihintay ang pagkakataong magkasama kami ng anak ko at magbuhay hari. Siya lamang ang pag-asa kong yumaman,” sabi ng ama.Nakita ni Karlo ang tila demonyong ngiti nito. Tinalikuran na niya ito. Walang utos ang ama na hindi niya sinunod. Gusto niyang matuwa ito sa kanya ngunit tila hindi nito nakikita ang kanyang mga ginagawa. Sinundan niya sa kulungan si Liam dahil gusto nitong proteksyunan niya sa loob ang kapatid. Nakuha niyang sumangkot sa isang kunwaring aksidente upang makulong ng ilang linggo. Baligtad ang ginawa ng ama, nagbayad pa ito para lamang makapasok siya sa loob ng bilangguan. Napailing na lamang siya at umalis na sa madilim na eskinitang pinagtataguan nito.***Anibe
Nagtama ang paningin ni Liam at Mika. Kung nakakamatay lang ang tingin ay bumulagta na ang asawa. Labis ang kabog ng kanyang dibdib sa selos. Nakita niyang akmang may sasabihin si Liam. Sumenyas siya na huwag itong maingay. Tutulungan niya ito. Nakita niyang hindi ginalaw ni Lovely ang pagkain na may pampatulog ayon kay George.Binuksan niya ang bote ng wine at may inilagay siyang pampatulog sa loob ng bote. Abala ang babae sa asawa at nasa gawing likuran siya nito kaya hindi nito siya napapansin. Parang mas gusto niyang ihambalos na lang dito ang bote kaysa painumin ng pampatulog. Pinigil niya ang sarili.Hinahaplos ni Lovely ang mukha ni Liam. Sumandal pa ito sa dibdib ng asawa. Ang haliparot! Parang gusto niya itong ilampaso sa sahig. Halos madurog ang ngipin niya sa pagpipigil sa sarili.Dinampot ni Lovely ang baso ng alak at nakipag-cheers sa asawa. Ininom nito ng deretso ang alak. Ang tibay ng katawan nito, hindi pa bumabagsak. Sinalinan niya uli ang baso nito ng alak. Maya maya
Wala namang kakaiba sa impormasyong nakuha tungkol kay Karlo. Laki ito sa hirap at nakulong dahil sa isang aksidenteng kinasangkutan. Halos sabay silang napasok ng kulungan, nauna lamang siya ng ilang araw. Sinadya niyang makulong ng panahon na iyon dahil gusto niyang makausap si Marco Saavedra. Nagnakaw sila sa ng bahay ng isang mayamang pulitiko. Sinadya niyang magpahuli sa mga pulis upang makapasok sa kulungan. Naalala niya na iniligtas niya si Karlo sa riot. Kaedad ni Mika ang lalaki, mas matanda siya ng dalawang taon.Malaki ang utang na loob niya kay Karlo dahil sa pagkakaligtas nito sa kanila ni Mika kaya tutulungan niya ito. Gayundin si Benjie na naging kasangga niya sa loob ng kulungan. Lahat ng tao kahit pa nabilanggo at nakagawa ng pagkakamali basta nagsisi at nagbagong buhay ay may karapatang muling bumangon at mamuhay ng marangal.Inalis na niya ang anumang masamang hinala kay Karlo. Baka naman nadala lang siya ng selos.Hanggat maaari ay hindi siya nag-oovertime sa opisi
Sinagot ni Lovely ang tawag at nagmamadaling bumalik sa loob ng opisina. Sumunod din siya. At bakit tinatawagan ni Liam si Lovely? Malilintikan sa kanya ang asawa!Halos sabay silang iniluwa ng pinto papasok sa opisina ni Liam. Si George ang bumungad at tila nakaabang na. “Ms. Lovely, naiwan po ninyo ang microphone at flask drive ng hinihingi ninyong kopya ng videos ng bagong branch. Sige po, salamat.” Magalang nitong itinaboy ang babae na hindi na nakapagsalita.Binunggo niya ito ng bahagya upang makapasok at makalapit sa asawang nakatalikod at kumakain na ng lunch na dala niya kanina. Nakahinga siya ng maluwag. Hindi naman pala nagtataksil ang asawa. Paranoid lang siya.Tinakpan niya ng kamay ang mata ng binata. Nagulat ito ng bumalik siya. “Mabuti at bumalik ka tara at kumain ka na din, sabay na tayo.”Kumuha ito ng isa pang plato at kutsara at tinidor sa maliit na kitchen sa loob ng opisina. Sabay silang kumain. Pinagmasdan niya ang asawa. Mas lalo itong naging gwapo at matipuno s