Si Mikaella Grace Ramirez ay malapit ng maging isang ganap na doctor kagaya ng kanyang ama at ina. Dalawang taon na lamang ay magtatapos na siya sa kursong medisina. Sumama siya upang maging volunteer sa isang medical mission sa loob ng bilangguan upang magsilbi sa bayan. Madaming preso ang nangangailangan ng tulong medikal. Inaayos ng grupo nila ang mga gamit. Hinahanap niya ang warden ng city jail upang humingi ng ilang impormasyon. Naglakad siya sa lugar kung saan ang mga preso ay nasisipag-ehersisyo. Na isang malaking pagkakamali dahil may mga kalalakihan ang sumipol ng makita siya. Maya maya ay biglang nagkagulo. Napako ang tingin niya sa grupo ng mga lalaking nagsusuntukan. Akala niya ay sa pelikula lamang ang mga ganitong pangyayari. Nahintakutan siya ng aktwal na makita ang rambol. Nanlaki ang mga mata niya ng may patalim na hawak ang ibang mga bilanggo. Napako ang tingin niya sa isang lalaking iniharang ang sarili upang iligtas ang isa pang preso. Nasaksak ito at bumulagta.
Naglapitan ang mga pulis. Kasama siya sa unang rumesponde sa mga nasaktan. Kinuha niya ang panyo at agad na itinapal sa sugat ng lalaki ng makita niyang madami ng dugo ang nawala dito. Napasulyap siya sa mukha nito na walang kahit anong emosyon. Bakit ang gwapo ng lalaki? Mukha itong artista kahit ang kutis nito ay makinis. Napasulyap din sa maamo niyang mukha ang preso. Nagkatitigan silang dalawa. Tila may magnet ang expressive eyes nito. Matagal na niyang hinihintay ang ganitong pagkakataon. Kagaya sa pelikula na tila titigil ang ikot ng mundo dahil nakita na niya ang kanyang mamahalin at magmamahal sa kanya. Ngunit bakit naman sa loob ng bilangguan ang setting? Bente kwatrong taon siyang naghintay ng tamang tao. Ipinilig niya ang ulo. Nababaliw na yata siya kakapuyat sa thesis na ginagawa. Kung anu-ano na ang pumapasok sa kanyang utak.
Siya ang umasikaso sa lalaking nasaksak. Medyo malalim ang tama nito. Kumuha siya ng gunting at ginupit ang damit ng lalaki upang linisin ang sugat nito. At tumambad sa kaniya ang six-packed abs nito. Matipuno ang pangangatawan ng lalaki. Parang masarap ding magpakulong sa maumbok na biceps nito. Kinurot niya ang sarili. Hinahangin na talaga ang utak niya dahil hindi pa siya nag-aalmusal.
“Hold on. Masakit ba?” tanong niya habang hawak ang bulak at gamot.
“Doc, buhay pa ba ako?”
Kumunot ang noo niya. “Oo naman, hindi ito masyadong masakit. Huminga ka ng malalim.”
“Mukha ka kasing anghel. Akala ko, nasa langit na ako.” Nasamid siya sa korning banat nito.
“Mukhang malalim ang sugat mo at nag-hahallucinate ka na.” Ngumiti siya upang pagaanin ang loob ng pasyente.
“Seryoso, ngayon lang ako nakakita ng babaeng kasing ganda mo. Ako si Liam. Anong pangalan mo?”
“Kailangang tahiin ang sugat mo,” iwas niya. Wala siyang planong makipagkilala dito.
“Mikaella Grace Ramirez,” binasa ng lalaki ang pangalan na nakasulat sa kanyang nameplate.
“May syota ka na?” tanong nito sabay hagod ng tingin sa kanyang buong katawan. Hindi nito itinago ang pagnanasa.
Nailang siya at dumistansya ng kaunti. Hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend. She’s waiting for the right man. First and last. Ganoon ang hanap niya.
“Oo, engage na ako sa boyfriend ko,” pagsisinungaling niya upang tumigil na ito.
“Boyfriend pa lang naman. Pwede pang paghiwalayin. Gusto kita.” Hindi niya alam kung kikiligin o kikilabutan sa mga sinasabi ng pasyente niya.
Hindi na siya kumibo at nagpokus sa tinatahing sugat nito. Humanga siya sa taas ng pain tolerance ng binata. Walang itong d***g habang ginagamot. Matapos tahiin ang sugat ay tinignan niya ang ulo at ibang bahagi ng katawan nito kung may iba pang injury.
“Hmmm. Ang bango mo doc. Mag-iiba na ako ng addiction. Adik sa’yo, Doc Ramirez.”
Umiinit na ang ulo niya sa lalaki. Diniin niya ang pagpahid ng bulak sa sugat nito sa labi. Natawa ang binata. “Nauubos din pala ang pasensya mo.”
“Oo, minsan talaga nakakaubos ng pasensya ang mga pasyente.”
“Kapag mag-asawa na tayo, tumigil ka na sa panggagamot. Ako na lang ang asikasuhin mo at ang isang dosenang anak natin.”
Sumimangot siya. Inabutan niya ito ng gamot. “Inumin mo ito para hindi kumirot ang sugat mo.” Sa halip na abutin ang gamot ay hinawakan nito ang kanyang kamay. Tila siya nakuryente. Agad niyang binawi ang kamay.
“Ilang taon na kayo ng jowa mo? May nangyari na ba sa inyo?”
Pinamulahan siya ng mukha. Bastos talaga ang bibig ng lalaki. A big turn off. A big red flag was waving. Ang sarap nitong sampalin. Nahuli niya ang pilyong ngiti sa mga labi nito. Bakit sobrang gwapo nito? Makalaglag panty. He has a perfect set of white teeth. Matangos ang ilong. Makapal ang kilay na parang iginuhit. At ang labi nito, kissable at mamula-mula. Bumaba ang kanyang mata. Ang lapad ng dibdib nito at ang liit ng waist. At kulay pink ang nipples nito! Lihim niyang kinurot ang sarili. Naiimpluwensyahan na siya ng mga kaibigang pala-kwento ng sex life nila.
“Pasado ba ako sa panlasa mo? Try me. Magaling ako sa lahat ng bagay.”
Inirapan niya ito upang itago ang pagkapahiya.
“Sa akin ka na lang. Iwan mo ‘yang syota mo. Sisiguraduhin kong mapapasaya kita.” patuloy nito.
Pinalaki siya ng mga magulang sa tamang asal kaya pinilit niyang kumalma. Pero hindi niya maalis na ma-excite sa sayang binanggit nito. Bigla niya lalong naramdaman ang boredom sa routine ng buhay niya. Ang lalaking ito na ba ang magbibigay ng excitement sa kanya?
“Mayroon talagang taong pinagtatagpo pero hindi itinadhana. Kagaya nating dalawa. Nandito ka sa loob at ako naman ay ngayong araw lang nandito. Ito ang una at huli nating pagkikita.”
“Nakukuha ko ang lahat ng gusto ko. Kaya kong umalis dito at hanapin ka.”
Na-excite ba siya o natakot sa sinabi ng lalaki?
“So ano, tayo na? Syota na kita. Anong tawagan natin? Honey? Sweetheart?”
“Lumabas ka muna dito. Tsaka tayo mag-usap uli.”
Imposible namang makalaya ito at hanapin siya. Sasakyan na lamang niya ang trip nito. Ipinagpatuloy niya ang paglilinis at pagpahid ng gamot sa ilang galos nito sa katawan. Napatingin siya sa ilang peklat nito sa balikat at likod. Tama ito ng mga bala. Nakaramdam siya ng awa.
“Okay. Kailan tayo magpapakasal?” Napalunok siya.
“Kasal agad? Hindi pa natin lubos na kilala ang isa’t-isa.”
“Parehas lang ‘yon. Basta walang mang-iiwan sa relasyon natin.”
Relasyon? She cringed. May tama din yata sa utak ang lalaki. O baka gumagamit ito ng ipinagbabawal na gamot.
“Gusto ko ng madaming anak.”
“Mahirap ang buhay ngayon.”
“Kaya kitang buhayin at kahit ilan pa ang maging anak natin.”
Umiling at nangiti na lamang siya.
“Will you marry me?” Pinilit nitong bumaba sa kama at lumuhod. Hinubad nito ang singsing sa pinakamaliit nitong daliri at isinuot sa kanya. She’s shocked.
She’s speechless. Hindi siya makagalaw. Nadinig niya ang malakas na hiyawan sa loob ng clinic. Hindi nga lang pala silang dalawa ang tao sa loob.
Napatitig siya sa singsing. Yari sa ginto at may maliliit na bato. Hindi naman siya judgmental pero ayaw niya tumanggap ng galing sa masama. Tatanggapin ba niya ang wedding proposal?
She will definitely say no. This was insane! Nakita niyang umagos ang dugo mula sa sugat nito. Hinawakan niya ang kamay ng lalaki upang tulungan itong tumayo. Kaso isinuot nito sa ring finger niya ang singsing na kasyang kasya sa kanya. Kumikinang ito sa tama ng liwanag mula sa bintana.Nagpalakpakan ang mga preso, pulis, at ilang volunteer na kasama niya. Inangkupo baka makarating sa mga magulang niya ito. Malalagot siyang tiyak. Napakaistrikto ng kanyang ama.Tinulungan niyang humiga ito sa kama. Muli niyang tinahi ang sugat nito. Ngiting-ngiti ang mokong. Bigla siyang na-engage sa hindi niya kilala.Medyo maluwag ang pants nito at wala itong suot na sinturon. Dahil sa tawag ng tungkulin at itinaas niya ang pants nito. Napadako ang mata niya sa hinaharap nito. Malaki ang nakaumbok. Daks ang lalaki. Naiinis na talaga siya sarili.Laking pasasalamat niya ng tinawag na sila ng warden upang simulan ang medical mission.Hinabol siya si Liam. “Hahanapin kita. Hintayin mo ako.”Napatango n
Nag-enjoy siya sa road trip at food trip kasama si Liam. For the first time, she never felt this alive and happy. Nakakapanibago. She felt free.“Kailangan ko ng umuwi.” Napatingin siya sa oras. Alas kwatro na. Hindi siya mapakali. Baka hinahanap na siya sa bahay.“Sige, pagkatapos natin pumunta sa birthday ng kaibigan ko. Malapit lang dito.”“Sige, bumili muna tayo ng regalo or cake para hindi nakakahiya.”“Hindi na kailangan, mag-aambag na lang ako ng alak at pulutan.” Medyo nagulat siya. Nadidinig niya sa mga kaibigan na kapag may alak ay may balak. Baka malasing siya ay kung ano ang gawin nito sa kanya.Pumasok sila sa isang maliit na iskinita. Dikit dikit ang bahay. Napakapit siya sa braso nito ng may mga asong nagtahulan. Parang factory ng bata ang lugar, madaming mga batang naghahabulan. Ang iba ay malnourished. Parang gusto niyang check-up-in isa isa ang mga bata at bigyan ng vitamins.Dumating sila sa kumpulan ng mga nag-iinuman. Binati si Liam ng mga ito. Ipinakilala siya ni
“Liam?”“Ako nga.” Niluwagan nito ang hawak sa kanyang bibig.“Bakit ka nandito?” Pabulong na tanong niya.“Na-miss kita agad.” Inaninag niya ang gwapong mukha nito. He has a perfectly chiseled face. His sharp jawline and defined cheekbones give him a strikingly handsome appearance.“You’re crazy. Umuwi ka na. Baka makita ka ng magulang ko,” taboy niya dito.“Saglit lang ako. Fifiteen minutes.” Wala siyang nagawa. Binuksan niya ang ilaw. Baka kung ano ang maisipan nitong gawin sa dilim. Nagmamasid ito sa kanyang kwarto. Pinagmasdan nito ang mga larawan na nakasabit sa wall. Maging ang kanyang mga medals and awards as an outstanding student ay nakadisplay din. Higit na nakaagaw ng atensyon nito ang mga painting sa wall na may pirma niya.“Wow, gawa mo?”“Oo. Libangan ko ang magpinta.”“Ang ganda. Mas magaling ka pa kay Beethoven.”“Heh! Composer ‘yun hindi painter!”Tumawa ito. “Alam ko, tinitignan ko lang kung alam mo. Maswerte ang mga magiging anak natin. Matalino at artistic ang nan
Nakahanda na siyang magpaliwanag at humingi ng tawad sa mga magulang. Tatanggapin niya kung ano mang parusa ang ibibigay ng mga ito sa malaking kasalanang nagawa niya na habangbuhay niyang pagsisihan na nagpadala siya sa tawag ng laman.Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang ama. Napapikit siya.“Anak, masama ba ang pakiramdam mo?”Binuksan niya ang kanyang mga mata. Lumingon siya sa kanyang tabi. Tila kidlat sa bilis na nawala si Liam. Isa nga itong magaling na kriminal. Nakatakas agad. Nakahinga siya ng maluwag.“Opo, medyo pagod lang po.” Umiwas siya ng tingin sa ama.“Ganoon ba, sige hindi na kita abalahain. May uwi akong paborito mong kakanin. Gusto mo bang dalahin ko dito?”“Wow, bukas na lang po daddy. Inaantok na po ako. Salamat po.”“O sige anak. Matulog ka na. Goodnight.”Lumabas na ang kanyang ama. Pakiramdam niya ay napakasama niyang anak. Walang idudulot na mabuti ang pakikipagkita niya kay Liam.Dalawang linggo na ang lumipas ay hindi pa din itong muling nagpap
Bumaba ang labi ng binata sa kanyang leeg. Binuksan nito ang tatlong butones ng kanyang uniporme. Marahan nitong kinagat ang kanyang balikat. Natitiyak niyang mag-iiwan ng marka ang mga ito. Ngunit darang na darang na siya. Natutupok na ang kanyang katawan kasama ang kanyang katinuan. May hatid na matinding sensasyon ang mga labi at dila ng binata na humahagod sa kanyang leeg. Muli nitong inangkin ang kanyang mga labi.“Shit! Napakasarap mo,” bulong nito sa kanyang tenga.Dinama niya ang dibdib ng binata. She wanted to touch him to return the pleasure. They were kissing passionately. Nakakabaliw ang sensasyon na nararamdaman niya.Ibinaba siya ng binata mula sa pagkarga nito. “Okay, sabi ko halik lang.” Huminga ito ng malalim upang sugpuin ang pagnanasa sa katawan.Gusto niyang tumutol ng pakawalan nito ang labi niya. She’s longing for more. Kinabig niya ang binata upang halikang muli. Hindi naman siya nagbigo. Muli siyang hinalikan nito na puno ng pagnanasa.“Kailangan na nating humi
Kumakawala siya ngunit wala ng pakialam sa paligid si Liam. Pilit siyang nitong niyayakap. Hangos na lumapit si Gemma sa kanila. “Hoy! anong ginagawa mo sa kaibigan ko! Bitawan mo siya! Manyak!” Sa lakas ng boses ng kaibigan ay nakaagaw sila ng atensyon. Dumating si Andrei at inundayan ito ng suntok si Liam. Ngunit nakaiwas ito. Gumanti ang binata, sapol sa mukha si Andrei. Pumutok ang labi nito. Napansin na sila ng ibang mag-aaral sa loob ng library. Ayaw makialam ng ibang istudyante. “Tama na!” Nagpambuno ang dalawang lalaki. Napansin niya ang mga mag-aaral na kumukuha ng video sa eksena. Iniharang niya ang katawan kay Andrei na sinisipa ni Liam. Naawa siya sa kaibigan. May tumawag na ng security guard. Mabilis na tumakbo at tumakas ang lalaki. At sa kauna-unahang pagkakataon ay natagpuan niya ang sarili sa guidance office. Ipinatawag na din ang kanyang mga magulang. Isang malaking kahihiyan. Kalat na din ang video ng dalawang lalaking nagsusuntukan dahil sa kanya. Kailangan niyan
Si Gemma! Naibagsak nito ang dalang mga libro. Agad niya itong hinila papasok ng kwarto at dinala sa kabilang sulok na medyo malayo kay Liam.“Anong ibig sabihin nito? Siya ang lalaki kanina sa library. Akala ko ba hindi mo siya kilala?”“Shhhh. Hinaan mo ang boses mo. Oo, kilala ko siya.”“Boyfriend mo?”“Hindi.”“Hindi? Nasa loob ng kwarto mo at nadatnan kong kayakap mo. Hoy! Mikaella Grace Ramirez, hindi ako ipinanganak kahapon.”“Manliligaw pa lang, basta mahirap ipaliwanag. Quiet ka muna lalo sa parents ko. Hindi nila dapat malaman na magkasama kami sa kwarto ngayon.”“Teka, kailangang dumaan muna ito sa aking masusing inspeksyon.” Lumapit ito sa lalaking nakatayo sa gilid ng kama. Pinagmasdan nito si Liam mula ulo hanggang paa at bumalik sa kanya.“Hoy, saan mo nabinggwit ‘to? Sobrang gwapo at mabango. Artista ba o model?”“Heh! Tsaka ko na ipapaliwanag sa’yo. Umalis ka na muna.”“Aba, bakit kailangan ko umalis? Mikaella, anong plano ninyong gawin na kailangang kayong dalawa lan
Muli niyang tinignan ang number sa taas ng pinto. Tama naman sa address na ibinigay ni Liam. “Ikaw ba si Mika?” tanong ng babae. Halata sa mukha nito ang pagkadisgusto sa kanya. Nakasimangot ito. “Oo. Dito ba nakatira si Liam?” “Pumasok ka. Nasa labas pa siya. Padating na ‘yun.” “Ah sige, babalik na lang ako at baka nakakaabala ako sa inyo.” “Bilin niya na hintayin mo siya. Magagalit ‘yon kapag umalis ka.” Hinila siya ng babae sa loob. Nilinga niya ang loob ng condo. Minimalist. Halos walang gamit at display sa loob maliban sa maliit na mesa at dalawang upuan, cabinet, at ilang appliances. Black and white ang motif. Malinis at mabango ang loob. “Todo paganda pa ako dahil ipapakilala ka daw niya sa akin. My God! Hindi ka naman pala kagandahan.” Nakapamaywang na sabi ng babae na nasa kanyang likuran. “Sino ka ba?” tanong niya bago tuluyang uminit ang ulo at patulan niya ang kaharap. “Kaibigan niya. Future asawa kung hindi ka umeksena.” Hindi niya alam kung maiinis o matatawa sa