Nagkatinginan sina Zion at Jasmin. “Hindi ko kilala tatay niya. Tinatanong ko lang kung ano ang trabaho ng ama niya kung pulis ba o security din. Kaya pala hindi siya makasagot agad dahil hindi niya kilala tatay niya.”“Sabi ng lola ko na umampon sa akin, sa military nagtatrabaho ang tatay ko. Hindi ko lang alam kung buhay pa siya. Hindi ko siya kilala at wala na din akong interes na kilalanin pa siya.” Matalim ang tingin nito kay Jasmin.“Ano nga pala ang kailangan mo, Jasmin?”Naging mailap ang mata ng babae. “Hmmm. Wala na kasi laman ang credit card ko. Magpapasend sana ako ng allowance namin ni Seb for next month.”“Ano? Kakabayad ko lang ng two hundred thousand sa credit card mo last week. Wala na namang laman? Ano bang binibili mo? Baka akala mo unlimited ang pera ko.”“Advance ko na lang ang allowance namin ni Seb. Magtitipid na ako, promise.”“Jasmin, baka bili ka ng bili ng mamahaling bag at sapatos. Ipapaalala ko lang sa’yo na wala kang trabaho.”Umismid ang babae. “Siyempre
“Nay, hindi po kami totoong magkapatid. Tignan ninyo po. Magka-iba ang mata namin. Tsinito po siya. Malaki naman po ang mata ko,” ani Mika“Pero magkapatid po ang turingan namin.” Inakbayan siya ni Zion.“Kung malaki ang iyong mata, dapat gamitin mo para makita mo ang katotohanan. Sa paglilibot ko sa San Marcelino, madami akong natuklasan gamit ang aking mga mata at tenga.”Ngumiti ang matandang pulubi bago lumayo. Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Hinabol niya ito at inabutan ng pera pambili ng pagkain.“Palagi kong nakikita sa plaza at harap ng ospital ang matandang pulubi na ‘yun,” aniya kay Zion.“In fairness kay nanay, parang naglagay lang ng uling. Hindi din siya mabaho. Magulo lang ang buhok,” natatawang sabi ng binata.“Tsaka mukha siyang maganda kapag napaliguan. Kita mo matangos ang ilong niya. Ano kaya ang nangyari sa kanya at nagkaganoon ang buhay niya.”“Alin lang sa dalawa, baka masama ang ugali niya o masama ang ugali ng pamilya niya kaya siya inabandona.”“Mukha nam
“Dad, nagkakamali kayo. Lasing lang si Andrei. Hindi niya alam ang nangyari!”“Tumigil ka Nessa, hindi ikaw ang kausap ko.” Dumagundong ang boses ng matanda.“Handa ko pong panagutan ang nangyari. Papakasalan ko po ang anak ninyo.” Hindi makatingin ng deresto sa kanya ang binata. Nakayuko ito.“Ipatawag mo ang mga magulang mong lalaki ka. Kailangang makasal kayo sa lalong madaling panahon.”“Dad, teka lang. Hindi naman kailangang mamilit ng tao para pakasalan ako. Hindi ako gusto ni Andrei. Kawawa naman siya kung matatali sa ---”“Hindi gusto pero pinakialaman ka!” Nakita niya ang ugat sa leeg ng kanyang ama. Galit nga ito.“Nessa, sundin natin ang daddy mo. Kahit pa hindi kita gusto, dapat kong panagutan ang nangyari kagabi.”Ang pait ng sinabi nitong hindi siya gusto. Tumatanggi ang puso niya dahil ayaw na niyang maulit ang nangyari noon na nagpakasal sila at nauwi lang naman sa hiwalayan. Posible ulit mangyari. Naging pabaya siya at hindi kinontrol ang sarili. Nagpadala siya sa sil
Nagising siyang katabi si Gemma sa loob ng opisina ni Liam. Pinapaypayan siya nito.Lumapit si Liam at Zion sa kanya. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” Sabay pa ang dalawang lalaki.Nawalan siya ng malay. Ngayon lamang nangyari sa kanya ito. Hindi kaya buntis siya? Agad siyang napahawak sa tiyan. Hindi. Inalis niya agad ang ideya sa isip. Nalipasan lamang siya ng gutom. Tama, hindi pa siya kumakain simula kagabi. Hindi siya nagdadalantao.“Okay na ako. Sige, salamat.” Agad siyang tumayo upang umalis at lumayo kay Liam. Hindi mapapadali ang paglimot niya sa binata kapag makikita pa niya itong muli.Sa kaibuturan ng kanyang puso ay handa siyang lumaban sa anumang hamon ng buhay basta kapiling niya ang binata. Pero may mga tao at bagay na hindi talaga nakalaan. May mga taong dadaan lang sa buhay upang magbigay ng masasayang alaala na maaring balikan sa oras ng kalungkutan. At dapat na niyang tanggapin ang katotohanan na si Liam ay hindi nakatadhana para sa kanya.Nasa ospital na siya ay hi
Tumulong si Ms. Castro upang bigyan ng pampakalma ang matandang pulubi. Muli itong nakatulog. Kilala ba ng ama niya ang pasyente? Bakit gulat na gulat ito pagkakita sa babae? Posible namang guni-guni lang niya ang nakitang reaksyon nito.“Dad, mauna na po kayong umuwi. Naalala ko, may usapan po kami ni Gemma,” kahit ang totoo ay wala naman. Ayaw muna niya itong makausap.Hindi pa siya handang tanggapin ang relasyon ng daddy niya kay Ms. Castro. Hindi naman siya tutol sa relasyon ng dalawa. Sino ba naman siya para tumutol sa kaligayahan ng ama. Masyado lang madaming gumugulo sa kanyang isip ngayon lalo at nalaman niyang buntis siya.Babantayan na lamang niya ang pulubi habang hindi pa ito tuluyang magaling. Kawawa ito dahil walang kamag-anak na dadalaw. Lalabas muna sana siya ng room ng babae ngunit napabalik siya ng makasalubong niya sa hallway si Liam. Ayaw din niya itong makita.Ngunit naabutan siya nito bago pa niya maisara pinto. “Iniiwasan mo ba ako?”“Ano sa tingin mo? Sinusunod
Nagimbal siya ng makilala ang kotse ng kanyang ama! Naaksidente ang daddy niya. Tumakbo siya palapit ngunit inawat siya ni Liam. Durog ang harapan ng truck na kumain ng linya at bumangga sa kotse ng daddy niya.“Daddy! Daddy! Kotse ni daddy ‘yan!” Humahagulgol na siya.“Mika, delikado. Huwag ka ng lumapit. Ayan na ang pulis at ambulansya.” Niyakap siya ng binata. Nagpupumiglas pa din siya. Gusto niyang makalapit at makita ang ama.Nahirapang mailabas sa loob ng sasakyan ang daddy niya. Iyak siya ng iyak. Panay ang usal niya ng panalangin na sana ay ligtas ang kanyang ama. Ito na lamang ang nag-iisang taong nagmamahal sa kanya. Ang kanyang kakampi sa buhay. Dumaan sa harapan nila ang stretcher. Duguan ang daddy niya. Nagpakilala siyang duktor at sumama sa loob ng ambulansya. Sumunod si Liam gamit ang kotse nito.Hawak hawak niya ang kamay ng ama. Wala itong malay. Nag-aagaw buhay na ito. Mabilis nilang narating ang Miracle Hospital. Si Andrei ang mag-oopera dito. Wasak ang dibdib ng da
Akmang aalis na ang matanda. Tumalikod ito at humakbang palayo. Hinawakan ito ni Liam sa kamay. “Teka po. Ano po ang sinasabi ninyo? Hindi ko po kayo naiintindihan.”Bigla itong kumanta ng isang lumang awitin. Binitawan ito ng binata. Wala ito sa sarili at hindi niya dapat paniwalaan ang anumang sinasabi ng palaboy.Bumalik si Liam sa ospital. Nakasabay niya si Mika. “Kumusta na ang pakiramdam mo? Kahapon nagsusuka ka.” Puno ng pag-aalala ang tinig nito.“Liam, naiinis ako sa mukha mo! Pwede ba huwag ka ng magpapakita sa akin? Nabubuwisit ako sayo! Feeling mo ang pogi mo.”Napatda ang binata sa sinabi niya. “Mika, naglilihi ka ba at napaglilihihan mo ako kaya ka naiinis sa akin?” biro ng lalaki na binuntutan nito ng tawa.Hindi agad siya nakasagot, ganoon na nga. Mukhang naglilihi siya. Pero hindi niya aaminin. “May menstruation ako kaya mainit ang ulo ko. At isa pa akala ko ba ay tapusin na natin ang anumang ugnayan natin? Bakit lapit ka ng lapit?”“Dinalaw ko si Lolo Artemio.”“Ano
Hinabol niya si Andrei. “Nessa, tama na. Huwag mong ipalo sa ulo ko ‘yang vase. Masakit ‘yan!”Hinila ng bata ang palda niya. Inawat siya nito. Nakakuha ng kakampi ang lalaki. Bakit ganoon, hindi ba dapat ay siya ang kampihan ng anak?“Mommy, huwag kayong away ni daddy,” ani Bella.“Anak, naglalaro lang kami ng habulan.” Binigyan niya ng pilit na ngiti ang anak upang hindi ito matakot.Bakit pakiramdam niya ay pinagkaisahan siya ng mga ito? Alam na nina Andrei at Bella na mag-ama sila. At isa lang ang suspect ang kanyang ama na bigla na lamang naglaho sa gitna ng komosyon.Pinatulog muna niya si Bella. Magkaharap sila ni Andrei sa lamesa na nasa garden. Walang gustong maunang magsalita. Nagpupuyos ang dibdib niya sa galit.“Bakit hindi mo sinabi sa akin na buntis ka at ako ang ama?” basag ng binata sa katahimikan.“At talagang ako pa ang tinatanong mo! Malinaw na sinabi mo na ayaw mo akong maging ina ng anak mo at hindi mo nakikita ang future mo na ako ang kasama mo. Bakit ko ipipilit