“Hayup ka talaga! Bakit bumalik ka na naman?” Agad niyang nakilala ang boses ng daddy ni Mika!“Dr. Ramirez, hindi sa’yo bagay ang humawak ng baril. Ibaba ninyo ‘yan. Fully recorded ang lahat ng nagyayari sa loob ng sasakyan ko. Makakarating sa security ko ang pagpatay mo sa akin. Makukulong ka at natitiyak kong hindi ka papatawarin ni Mika.”“Huwag mo akong takutin. Layuan mo si Mika! Hindi pa ba sapat na muntik na siyang mamatay dahil sa’yo?” lalo nitong idinikit sa ulo niya ang baril.“Kaya nga ibinigay ko na ang lupang hinihingi niya para makabawi sa kanya.”“Alam na alam mo kung paano kukuhanin ang loob ng anak ko! May asawa at anak ka na, bakit ginugulo mo pa siya? Gago ka talaga!”“Sinunod ko lang naman ang payo mo, mag-asawa ng taong hindi ko mahal.”“Huling warning ko na sa’yo. Huwag mong guluhin ang buhay ng anak ko.”“Hindi ko maipapangako ‘yan. Ikaw ba hindi mo ginulo ang buhay ng nanay ko? May ideya ka ba kung nasaan siya?”“At bakit ka biglang nagka-interes malaman kung
Sumigaw ang bata pagkakita sa yaya. “Yaya!”Agad kinuha ni Yaya Lorna si Bella kay Andrei. “Tara na at hinahanap ka ng mommy mo.”Pagkaabot ni Andrei sa bata ay wala na si Nessa sa kinakatayuan nito. Tapos na ang fireworks display kaya naglisawan na ang mga tao. Biglang naglaho ang dalaga.Tinawagan ni Nessa ang yaya. “Nasa parking area na ako. Nakatayo lang ako sa labas ng sasakyan. Pakibilisan at gabi na.”Napasandal siya sa kotse. Nangangatog pa din ang kanyang tuhod hanggang ngayon. Muntik ng malaman ni Andrei na may anak sila. Wala siyang planong ipakilala si Bella sa tunay na ama nito. Tahimik na ang buhay ng lahat. Maliwanag ang sinabi ng binata na hindi siya gustong maging ina ng anak nito. May girlfriend na din ito.Dumating ang yaya at si Bella. Agad niyang kinarga ang bata.“Anak, ang sabi ko sa’yo huwag sumama sa hindi kakilala.”“Mommy, duktor po siya sa ospital.”“Saan mo nakilala ang lalaking kumarga sa’yo?”“Sa ospital. Ibinigay niya po ang bola ko.” Naalala na niya. K
Nagmamadaling tumakbo si Mika palabas ng restaurant. Hindi niya matanggap ang nasaksihan. Buong buhay niya ay naniwala siya na masaya ang kanyang pamilya kahit nag-iisa siyang anak. Bakit nagawa ng kanyang ina ang magtaksil sa daddy niya? Ano ang nangyayari sa pagsasama ng mga magulang?"Mika, bakit namumutla ka? Okay ka lang?" tanong ni Liam.Tumango na lamang siya at pumasok sa loob ng sasakyan.Panay ang sulyap sa kanya ng binata. "Mika, galit ka ba sa nangyari? Pasensya ka na."Hindi siya kumibo. Iniisip niya ang kanyang ina. Alam ba ng daddy niya ang kataksilan nito? Madalang niyang makitang magkausap ang mga magulang sa bahay. Iniisip niyang busy lang ang mga ito. Sa mata niya at ng ibang tao ay huwaran silang mag-asawa.Nakarating sila sa Miracle Hospital. Ilang minuto na lang at duty na niya. Mabigat ang kanyang kalooban."Mika, pasensya ka na uli. Hindi ko kang napigil ang sarili ko."Bumaba na siya ang sasakyan at hindi pinansin ang binata. Wala siya sa sarili.Inaabangan si
Binuhat niya si Mika at ipinasok sa kanyang kotse. Nakita niya ang matandang babae na kumakaway pa sa kanya. Matagal na niyang napapansin ang pulubi sa kabayanan ngunit ngayon lang ito lumapit sa kanya. Sana ay may magawa ang pamunuan ng San Marcelino para sa mga palaboy sa lansangan.Nilingon niya ang dalaga na natutulog sa likod ng sasakyan. Mukhang masama ang loob nito sa kanya. Mali yata na lumapit siyang muli. Nahampas niya ang manibela. Dapat ay naghintay muna siya ng tamang pagkakataon. Nagpadala na naman siya sa emosyon.Binuhat niya si Mika. Naalimpungatan ito ng nasa pinto na sila ng condo.“Liam, saan mo ako dadalahin? Ibaba mo ako.” Sinuntok nito ang kanyang likod.“Huwag kang maingay.”Ibinaba niya ito. Napadami ang nainom ng dalaga kaya napasubsob na lamang ito sa kanyang dibdib. Hindi na nito mabalanse ang katawan. Binuksan niya ang pinto ng condo. Pagkasara ng pinto ay sinalo niya ang dalagang muntik ng madapa. Ikinawit nito ang dalawang kamay sa kanyang leeg. Namumung
Niyakap ni Nessa ng mahigpit si Bella. “Mommy, ‘wag ka po umiyak. Okay na po ako.”Kaya pala pamilyar ang bata. Anak ito ni Nessa. Nag-asawa na pala ito o naanakan lang? Teka, tinignan niya ang hawak na records. Apat na taong gulang ang bata. Kaya ba ito biglang nawala ay dahil buntis ito? Nagbilang siya paatras ng buwan at taon. Anak ba niya ang bata? Imposible naman. Tandang tanda niya na isang beses lang may nangyari sa kanila.“Nessa, huwag kang mag-alala dahil maayos na ang lagay ni Bella. Pwede ka bang makausap sa labas?”Sumunod ang dalaga sa kanya sa labas ng hallway ng ospital. “Ako ba ang ama ---?”“Hindi! Hindi ikaw ang ama. Kaya layuan mo kami.”Hinila niya ang kanang kamay nito. “Kung hindi ako ang ama, sino?”“Hindi ko alam, madami akong naging jowa pagkatapos mo. Oo, mga sampu, hindi ko na matandaan. Basta hindi ikaw ang ama. Huwag mo na akong lalapitan. May kanya kanya na tayong buhay. Nakita mo naman may bago akong jowang matanda.”Binawi ng dalaga ang kamay. Saktong
Napatingin siya sa mata ng babaeng pulubi ng madinig ang sinabi nito. Inabutan niya ito ng dagdag na pera pambili ng pagkain. Go signal na, pinaandar niya ang sasakyan. Ipinilig niya ang ulo. Imposibleng alam ng palaboy kung sino ang tatay niya. Limang taon na niya itong hinahanap at ngayon ay ipinapahanap na din niya ang kanyang ina.Nakaabang si Jasmin pagdating niya sa bahay. Inihagis nito ang mga pictures nila ni Mika na kuha kanina sa plaza.Ayaw niyang sirain ang kanyang araw. Masaya siya at nakasama niya si Mika.“Huwag na huwag kang sisigaw. Ayokong madinig ka ni Seb,” banta niya ng mapansin niyang nasa mukha ng babae ang planong awayin siya.“Nahihiya ka pala. Bakit ka nakikipagkita sa ibang babae?” mahina ngunit madiin na sabi nito.“Importante sa akin si Mika. Alam mo naman ‘yan.”“Pinagseselos mo lang ako, hindi ba? Gusto kong malaman mo na selos na selos ako. Akin ka lang Liam. Akin ka, noon at ngayon.”Umiling na lamang siya at umakyat sa loob ng kwarto upang umiwas. Mag
Agad napatayo sila Nessa at Andrei. Napapikit ang dalaga at nasapo nito ang ulo. Kinarga ng matanda si Bella at hinalikan sa pisngi. Muli nitong ibinaba ang bata. “Sumunod ka sa akin,” anang matanda kay Andrei. “Wala po kaming relasyon ni Nessa. Huwag ninyo siyang sasaktan,” pagtatanggol niya sa dalaga. Mukhang matapang ang lalaki. Baka saktan si Nessa dahil sa isiping may relasyon sila. “Bakit ko sasaktan ang anak ko? Gago ka nga palang talaga. Ikaw ang sasaktan ko! Matagal na akong nagpipigil sa’yo. Pinaimbestigahan na kita.” Napawang ang kanyang labi. Ang matandang kaharap niya ay hindi sugar daddy ni Nessa kundi tatay nito talaga. “Kayo po ang tatay ni Nessa?” Paniniguro niya. “Oo, ako nga. Oh ano, may bayag ka na bang akuin ang resposibilidad mo sa mag-ina mo?” “Mag-ina? Ano po ang ibig ninyong sabihin?” Inakbayan siya nito. Bakit ang bigat ng braso ng matanda? “Bakit hindi pa ba sa’yo nasasabi ni Nessa na ikaw ang daddy ni Bella?” Tila siya binagsakan ng bomba. Nagimbal
Hindi makatulog si Nessa. Tumila na ang ulan sa labas. Katabi niya sa kama si Bella. Sana naman ay wala siyang madinig na ingay ng naglalandian mula sa kabilang kwarto. Hindi naman siya nagseselos. Nabubwisit lang siya na hindi tumalab ang sumpa niya kay Andrei na mamalasin ng dalawampung taon. Nagsuot siya ng jacket at lumabas.Aba teka, mukhang nadinig siya ng universe. Natanaw niya si Andrei at Alona na mukhang nagtatalo. Napangiti siya. Hindi pwedeng siya lang ang malungkot at zero love life. Sinampal ni Alona ang binata. Dasurb. Totoo talaga ang karma. At minsan mapapanood pa natin ang higanti ng langit. Gusto niyang tumawa ng malakas ngunit pinigil niya ang sarili. Baka isipin ng makakakita na nababaliw na siya.Nagpunta si Andrei sa malapit na bar at umorder ng alak. Umupo siya sa hindi kalayuan. Mukhang maglalasing ito dahil heartbroken. Malamang ay in love ito talaga kay Alona. Ano kaya ang pinag-awayan ng dalawa?Umorder din siya ng beer. Tumigil na siya ng makadalawang bee
Niyakap ni Mika si Liam upang pakalmahin ito sa matinding galit at sindak sa natuklasan nito tungkol sa amang matagal ng hinahanap. Dumating ang ambulansya at isinugod sa pinakamalapit na ospital si Karlo at ang ina nito. Nadakip naman ng mga pulis si Atty. Flores. Nag-uwian na ang mga bisita. Nananatiling nasa labas ng resthouse si Liam. Pinuntahan ni Mika ang asawa. Umiinom ito ng alak. Alam niyang nasasaktan ang kanyang asawa ngayon. Tinapik siya sa likod ng asawa. “Magiging okay din ang lahat.” “Akalain mo ‘yun si Atty. Flores pala ang tatay ko na matagal ko ng hinahanap.” Naalala niya ang mga pinagsamahan nila ng abogado. Totoong hindi nga ito nawala sa tabi niya. Palaging ito ang nagpupunta sa school events dahil busy ang kanyang tatay Diego. Masakit lang na itinago nito sa kanya ang lahat at pinagbalakan nitong gawan ng masama ang mga taong mahal niya. At hindi din niya mapapalagpas ang pananamantala nito sa kanyang nanay Lucinda noon. “Liam, gawin mo ang inaakala mong tama.
“Paano kita naging kapatid?” tanong ni Liam kay Karlo. Lumuwag ng bahagya ang pagkakahawak niya sa baril.“Simple lang dahil parehas tayo ng ama.”Tuluyan na niyang ibinaba ang baril. Nanlambot ang kanyang tuhod sa natuklasan. May kapatid siya at kilala nito ang kanilang ama.“Sino ang tatay natin? Matagal ko na siyang hinahanap.”“Huwag mo ng alamin kung sino ang demonyong ama natin! Dahil pinagsisihan ko na nakilala ko siya!” tumatawang sabi nito.“Alam niya ang lahat ng nangyayari sa’yo at naghahanap lamang siya ng tiyempo upang magpakilala sa paborito niyang anak! Pero matutuwa ka kapag nalaman mong mahal na mahal ka ng tatay mo.”Pinitsarahan niya ito. “Sino ang tatay natin? Sabihin mo!” Dinuraan siya sa mukha ni Karlo.“Mahigpit ang bilin niya na siya daw ang magsasabi sa’yo. Kaya huwag kang mag-alala, aking kapatid. Kapag patay ng lahat ang taong malalapit sa’yo ay lilitaw ang tatay mong matagal mo ng hinahanap.”Hindi niya alam kung maniniwala sa lalaki o hindi. Tila baliw na
Sinipa ni Mika si Karlo sa maselang parte ng katawan nito sa harapan. Mainam at nagamit niya ang pinag-aralang self-defense. Namilipit ang lalaki sa sakit. Sinamantala niya ang pagkakataong makatakas. Mabilis siyang tumakbo at pumasok sa loob ng bar. May mga nag-iinuman na sa loob at may maingay na tugtog. Nakita niyang nakasunod si Karlo at hinahabol siya. Hindi niya alintana ang mga nababanggang tao.Nang may humawak sa kamay niya. Si Isaac! Parang siyang nabunutan ng punyal sa dibdib. Nayakap niya ito. Hindi sila magkaintindihan sa loob at malakas ang tugtog.“Girl, ayoko ng sumama sa trip mo, last time nabugbog ako ng sobra ng jowa mo.”“Tulungan mo ako, may humahabol sa akin.” Inilapit niya ang bibig sa tenga nito.“Ha? Hindi kita madinig. Saan tayo pupunta? Mag-uumpisa na ang show.” Hinila niya ito sa labas.“Isaac, pahiram ng phone mo, nanganganganib ang buhay ko. Kailangan kong makausap ang asawa ko.”Kukuhanin na ng kaibigan ang cellphone sa loob ng bag kaso ay kumaripas ito
Ilang minuto ng umaandar ang sasakyan. Huminto ito. Binuksan ni Karlo ang trunk sa likod. Binulungan siya nito. “Mika, magpapalit tayo ng sasakyan at kakain. Kapag ikaw ay nagtangkang tumakas. Babarilin kita. Sumunod ka lang sa gusto ko at hindi ka masasaktan.” Tumango siya habang tumutulo ang luha. Inalis nito ang plaster sa bibig at tinulungan siyang makalabas sa loob ng trunk. Pinunasan nito ang kanyang luha. Lumipat sila sa ibang sasakyan. Pumasok sila sa loob ng convenience store. Umorder ang lalaki ng pagkain. Gusto niyang humingi ng tulong sa babaeng kahera ngunit nakatutok sa tagiliran niya ang baril ni Karlo. Nadako ang tingin nilang dalawa sa telebisyon ng tindahan. Nakita nila ang balita sa TV ng pagkawala niya at ang patong na sampung milyon sa ulo ng kidnapper at ang larawan ni Karlo. Agad na hinablot ng lalaki ang pagkain sa cashier at nagmamadaling hinila siya palabas ng tindahan. Nanlaki ang mata ng kahera ng mamukhaan ang kakaalis lang na customer. Agad itong tumaw
Mabilis na naglahong parang bula ang anino bago pa makita ni Liam. Kumakabog ang dibdib ni Karlo ng makalayo sa kwarto nila Liam at Mika. Hindi niya dapat pairalin ang damdaming umaalipin sa kanya. Si Mika ang una sa listahan ng mga taong aalisin nila sa buhay ni Liam ayon sa kanyang ama. Kapag nawala si Mika sa buhay ng kapatid ay madaming tao ang mawawala kasabay nito, si Aurora, Dr. Ramirez, at Zion. Isusunod nila si Lucinda. Plano ng amang pagdanasin ng pighati si Liam at tsaka ito lalapit at magpapakilalang ama. Tumunog ang kanyang cellphone. Tumatawag ang kanyang ama. “Karlo, nakakita ka na ba ng pagkakataon para patayin ang asawa ni Liam?” “Hindi pa, mahigpit ang security nila. Hindi basta basta ang ipinapagawa mo,” iritableng sabi niya. “Hindi ba at nasa resort kayo ngayon? Bilisan mo ang kilos. Makipaglapit ka. Gamitin mo ang charm mo sa babae. Madaming nagkakagusto sa’yo, hindi ba? Akitin mo ang asawa ng kapatid mo.” “Iba si Mika sa lahat ng mga babaeng nakilala ko. Nakik
Walang ibang magaling sa ama kundi si Liam at siya ay isang hamak na utusan lamang. Sarado ang mata nito sa mga kayang niyang gawin.“Basta, pagbutihan mo ang pinapagawa ko sa’yo. Unti-unti nating buburahin ang mga taong malapit sa kanya at tsaka tayo lalapit upang kilalanin niyang pamilya. Matagal ko ng hinihintay ang pagkakataong magkasama kami ng anak ko at magbuhay hari. Siya lamang ang pag-asa kong yumaman,” sabi ng ama.Nakita ni Karlo ang tila demonyong ngiti nito. Tinalikuran na niya ito. Walang utos ang ama na hindi niya sinunod. Gusto niyang matuwa ito sa kanya ngunit tila hindi nito nakikita ang kanyang mga ginagawa. Sinundan niya sa kulungan si Liam dahil gusto nitong proteksyunan niya sa loob ang kapatid. Nakuha niyang sumangkot sa isang kunwaring aksidente upang makulong ng ilang linggo. Baligtad ang ginawa ng ama, nagbayad pa ito para lamang makapasok siya sa loob ng bilangguan. Napailing na lamang siya at umalis na sa madilim na eskinitang pinagtataguan nito.***Anibe
Nagtama ang paningin ni Liam at Mika. Kung nakakamatay lang ang tingin ay bumulagta na ang asawa. Labis ang kabog ng kanyang dibdib sa selos. Nakita niyang akmang may sasabihin si Liam. Sumenyas siya na huwag itong maingay. Tutulungan niya ito. Nakita niyang hindi ginalaw ni Lovely ang pagkain na may pampatulog ayon kay George.Binuksan niya ang bote ng wine at may inilagay siyang pampatulog sa loob ng bote. Abala ang babae sa asawa at nasa gawing likuran siya nito kaya hindi nito siya napapansin. Parang mas gusto niyang ihambalos na lang dito ang bote kaysa painumin ng pampatulog. Pinigil niya ang sarili.Hinahaplos ni Lovely ang mukha ni Liam. Sumandal pa ito sa dibdib ng asawa. Ang haliparot! Parang gusto niya itong ilampaso sa sahig. Halos madurog ang ngipin niya sa pagpipigil sa sarili.Dinampot ni Lovely ang baso ng alak at nakipag-cheers sa asawa. Ininom nito ng deretso ang alak. Ang tibay ng katawan nito, hindi pa bumabagsak. Sinalinan niya uli ang baso nito ng alak. Maya maya
Wala namang kakaiba sa impormasyong nakuha tungkol kay Karlo. Laki ito sa hirap at nakulong dahil sa isang aksidenteng kinasangkutan. Halos sabay silang napasok ng kulungan, nauna lamang siya ng ilang araw. Sinadya niyang makulong ng panahon na iyon dahil gusto niyang makausap si Marco Saavedra. Nagnakaw sila sa ng bahay ng isang mayamang pulitiko. Sinadya niyang magpahuli sa mga pulis upang makapasok sa kulungan. Naalala niya na iniligtas niya si Karlo sa riot. Kaedad ni Mika ang lalaki, mas matanda siya ng dalawang taon.Malaki ang utang na loob niya kay Karlo dahil sa pagkakaligtas nito sa kanila ni Mika kaya tutulungan niya ito. Gayundin si Benjie na naging kasangga niya sa loob ng kulungan. Lahat ng tao kahit pa nabilanggo at nakagawa ng pagkakamali basta nagsisi at nagbagong buhay ay may karapatang muling bumangon at mamuhay ng marangal.Inalis na niya ang anumang masamang hinala kay Karlo. Baka naman nadala lang siya ng selos.Hanggat maaari ay hindi siya nag-oovertime sa opisi
Sinagot ni Lovely ang tawag at nagmamadaling bumalik sa loob ng opisina. Sumunod din siya. At bakit tinatawagan ni Liam si Lovely? Malilintikan sa kanya ang asawa!Halos sabay silang iniluwa ng pinto papasok sa opisina ni Liam. Si George ang bumungad at tila nakaabang na. “Ms. Lovely, naiwan po ninyo ang microphone at flask drive ng hinihingi ninyong kopya ng videos ng bagong branch. Sige po, salamat.” Magalang nitong itinaboy ang babae na hindi na nakapagsalita.Binunggo niya ito ng bahagya upang makapasok at makalapit sa asawang nakatalikod at kumakain na ng lunch na dala niya kanina. Nakahinga siya ng maluwag. Hindi naman pala nagtataksil ang asawa. Paranoid lang siya.Tinakpan niya ng kamay ang mata ng binata. Nagulat ito ng bumalik siya. “Mabuti at bumalik ka tara at kumain ka na din, sabay na tayo.”Kumuha ito ng isa pang plato at kutsara at tinidor sa maliit na kitchen sa loob ng opisina. Sabay silang kumain. Pinagmasdan niya ang asawa. Mas lalo itong naging gwapo at matipuno s