Share

Kabanata 02

“Ate, ano ba! For god sake! Pagod na akong maging NPA! Nakakasawa na ang maging alien! My god bitawan niyo ako!” Walang humpay ang kadadakdak ko habang parang tuko na nakayakap sa matabang haligi ng aming bahay, I mean ng inuupahan naming bahay. Ang nakakatawa pa ay suot ko pa ang hello kitty kong pantulog. Ngayong araw ay hindi ko alam na ito na pala ang huling araw na aapak ang mga paa ko sa bahay na ‘to.

Paggising ko kasi ngayong umaga ay nagulat na lang ako na wala na ang aming mga gamit. Akala ko ay nilimas na ito ng mga magnanakaw, ‘yun pala ay madaling araw ng magsimulang ipahakot ni ate Miles ang aming mga gamit. Hindi ko na namalayan dahil two thirty na ng madaling araw ako nakauwi. Sa sobrang puyat at pagod ay masyadong napasarap ang tulog ko kaya hindi ko na alam ang mga nangyayari sa paligid ko.

At ngayon, tanging ako na lang at ang mga damit ko ang naiwan sa loob ng bahay. Tapos na silang maghakot kaya ako naman ang sunod nilang i-evacuate sa bago naming tirahan.

Sa sobrang abala ko sa school at sa mga part time job ko ay hindi na ako updated sa mga nangyayari sa buhay ng pamilya ko. Kaya talagang nagulat ako na ngayong araw mismo ay lilisanin na namin ang bahay na ‘to.

Bumalik sa reyalidad ang mataba kong utak ng muling tangkain ni kuya Harold na kalasin ang mga braso ko mula sa mahigpit na pagkakayakap nito sa haligi.

“Kapag hindi ka bumitaw d’yan! Ay talagang magmumukhang alien sa ‘kin ‘yang pagmumukha mo!” Napipikon na sabi ni Ate Miles habang nakayakap ito sa bewang ko at pwersahan akong hinihila paalis sa haligi. Binalewala ko ang sinabi nito, because I know her, she loves me more than anything else!

“Kuya Harold naman! Could you please don’t touch me! Let me go, and leave me alone!” Naiinis kong sigaw dito bago tinangka kong kagatin ang kamay nito na pilit akong hinahawakan. Sa takot na makagat ay kaagad niyang inalis ang kanyang mga kamay sa braso ko.

“Sssst! Shut up! Don’t English English to me ha!” Naaasar na sabi ni kuya Harold bago pinagtulungan na naman nila akong hilahin palayo sa haligi. Kahit masakit na ang mga braso ko at namumula na ito ng husto ay hindi pa rin ako sumuko. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para hindi sila magtagumpay na ma-i-sakay ako sa kotse.

“How many times do I need to tell you, Ate, na ayoko ng lumipat ng bahay. I’m tired of being NPA!” Naluluha ko ng sabi, at kahit papaano nakahinga ako ng maluwag nang bitawan ni ate ang bewang ko. Maging si kuya Harold ay kusang bumitaw sa aking mga braso.

“Anong NPA? At kailan pa kayo naging NPA?” Naguguluhang tanong ni Kuya Harold na halatang hindi aware sa kung ano ang ibig kong sabihin.

“NPA, No Permanent Address! Obob lang?” Naiinis kong sagot habang magkasalikop ang aking mga braso sa tapat ng dibdib ko.

“Aba’y Bro, pigilan mo ko baka makalimutan ko na kapatid mo ang maarteng ‘to, eh mabatukan ko! Saan ba ipinaglihi ang kapatid mong ‘yan? At nasobrahan sa kaartehan? Maganda nga pangit naman ang ugali.” Napipikon na sabi ni Kuya Harold, galit na tumitig ako sa pagmumukha nito. Did he think na uurungan ko s’ya? No way, ako yata si Maurine Kai at wala sa bokabularyo ko ang magpadaǐg.

“How dare you? At least I’m beautiful unlike you, pangit na nga mukha, pangit pa ugali, no choices! Hmp!” Mataray kong saad, kaya lalo itong nag-alburuto sa galit. Mukhang nasagad ko yata ang kakapiranggot nitong pasensya, dahil nanggigigil na tinangka niyang lumapit sa akin.

“Aba’t talagang sinusubukan ako ng batang ‘to ah!” “Oh, oh, bro relax, kapatid ko ‘yang maarte na ‘yan.” Ani ni ate Miles habang pilit na inawat ang kaibigan nito na gusto akong batukan.

“See? Binubully n’yo akong dalawa! Why are both of you ba always calling me maarte? It’s really me.” Ani ko sabay irap sa mga ‘to, kulang na lang ay sumayad ang nguso ko sa lupa. May time talaga na nagtatampo na ako kay ate Miles, because it’s obvious na very close sila ng kaibigan niyang ito. Tinalo pa nila ang tunay na magkapatid sa tibay ng pundasyon ng kanilang pagkakaibigan.

“Look, Maurine, kailangan nating iwan ang bahay na ito dahil may nabili na akong lupa at bahay. So hindi na natin kailangan pang mangupahan!

Ano ba ang mahirap unawain sa mga sinasabi ko?” Halatang nauubos na rin ang pasensya sa akin ni ate Miles at halatang nagtitimpi lang ito dahil may diin ang bawat salita nito.

Saglit akong na tahimik, binalot ng matinding lungkot ang puso ko, honestly, iba ang reason ko kung bakit ayokong umalis sa bahay na ‘to.

“Tell me, bakit ayaw mong umalis sa bahay na ‘to?” Muling tanong sa akin ni Ate, halatang pinipilit pa rin niyang unawain ako. Ganyan kabait ang ate ko, she’s not selfish. Nagpakawala ako ng marahas na buntong hininga bago tiningnan isa-isa ang mukha ni Ate Miles at Kuya Harold na matiyagang naghihintay ng sagot ko.

Muli, isa na namang buntong hininga mula sa akin na parang akala mo ay pasân ko na ang mundo.

“Dahil hinihintay ko ang mapapangasawa ko.” Malungkot kong sagot, pakiramdam ko kasi ay babalik dito si Mr. Blue eyes. Hangga’t hindi ko siya nakakausap ay kailangan kong manatili sa bahay na ‘to. Nang mag-angat ako ng mukha ay sumalubong sa akin ang mukha ni ate na halos hindi na maipinta. Para na itong nag-aalburutong bulkan na anumang oras ay malapit ng sumabog. Habang sa tabi nito ay si kuya Harold na nakaawang ang bibig at nakatanga sa mukha ko.

“Asawa!? For dios for Santo, Maurine! Fifteen years old ka palang puro kalandian na ‘yang tumatakbo sa utak mo? Halika ba-batukan kita para matauhan ka!” Galit na sigaw ni ate Miles kaya mabilis akong napatakbo palayo dito.

“Bro! Kalma lang kapatid mo ‘yan!”

“Wala akong pakialam! Kapag nasuntok ko ng isang beses ‘yan siguradong matatauhan ang batang ‘yan! Bitawan mo ako!” Nagwawala na sa galit si Ate Miles habang pilit na pinipigilan ito ni kuya Harold. Sa takot ko kay ate, mabilis pa sa alas kwatro na sumakay ako sa may kalumaan na nitong kotse.

Marahas na hinawi ni ate Miles ang mga kamay ni Kuya Harold habang matalim ang tingin nito sa akin. Hindi maipinta ang mukha na lumapit siya sa kotse at ng matapat ito sa akin ay inambahan pa ako nito ng suntok kaya umunok ang ulo ko. “May paasawa-asawa ka pang nalalaman, hmp! Sapakin kita dyan eh!” Nanggagalaiti na wika ni ate halatang hindi talaga nito matanggap ang sinabi ko. Nakangiti dito na nagtaas ng kamay habang naka peace sign ang mga daliri ko. Hindi na ako nito pinansin pa at nagdadabog na umupo siya sa driver seat.

Wala na akong nagawa pa ng tuluyan na naming lisanin ang lugar na ito. Pakiramdam ko ay ang bigat ng dibdib ko at narun ang panghihinayang. Huh, kung kami talaga sa isa’t-isa ay siguradong magkikita kaming muli. “Goodbye Mr. Blue eyes.” Malungkot kong bulong sa hangin habang nakatitig sa malawak na kalangitan. Kahit na maaliwalas ang panahon ay tila matamlay pa rin ito sa akin. “

May trenta minuto na ang lumipas simula ng umalis ang sasakyan nila Maurine. Saka naman dumating ang tatlong mamahaling kotse. Huminto mismo ang mga ito sa tapat ng bahay na binakante ng pamilya ni Maurine.

Bumaba mula sa magarang sasakyan ang gwapong binata na nakasuot ng itim at mamahaling suit na tinernuhan ng abuhing kurbata. Sumandal ito sa gilid ng kanyang kotse bago dumukot ng sigarilyo mula sa bulsa ng pantalon nito. Lumapit ang isa sa mga tauhan nito upang sindihan ang sigarilyo na nakaipit sa pagitan ng kanyang mga labi. Pagkatapos ng hithit-buga sa usok ng sigarilyo ay tumingin ang asul nitong mga mata sa maliit na bahay na nasa kanyang harapan.

Sa bahay na ito nila hinatid ang makulit na batang babae, at hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya para balikan ito. Sumenyas siya gamit ang ulo kaya kaagad na kumilos ang kanyang tauhan. Lumapit ang tauhan nito sa puting gate na medyo kinakalawang na, at nang makita na nakabukas ito ay walang paalam na pumasok ang lalaki sa loob ng bakuran. Mula sa nakabukas na bintana, kumunot ang noo ng lalaki ng makita niya na bakante na ang loob ng bahay, wala ni isa mang gamit na makikita dito.

“Boss, sa tingin ko wala ng nakatira sa bahay na ‘yan, wala akong nakita ni isa mang gamit sa loob.” Ani ng kanyang tauhan na ngayon ay nakatayo na sa harapan ng binata.

Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ng binata, maya-maya ay lumitaw ang sarkastikong ngiti sa mga labi nito habang marahang umiiling ang kanyang ulo. Halatang hindi nagustuhan ang sinabi ng kanyang tauhan. Nanatili siyang nakangiti kaya kay hirap maunawaan kung ano ba talaga ang nararamdaman nito.

“For God sake, Andrade, twenty nine ka na pero nagpaloko ka pa rin sa isang paslit?” Hindi makapaniwala na kastigo niya sa kanyang sarili. Marahas niyang itinapon sa lupa ang hawak na sigarilyo bago tahimik na muling sumakay sa kanyang kotse.

“Never mind.” Anya pa na wari mo ay may kausap sa loob ng sasakyan. Walang pakialam na pinatakbo ang kanyang sasakyan palayo sa lugar na ‘yun.

“I can’t believe this na nagawa kong pag-aksayahan ng panahon ang kalokohan ng isang teenager. Huh?” Natatawang saad niya bago mas dinoble pa ang tulin ng kanyang sasakyan. Parang gusto niyang batukan ang sarili dahil nagawa niyang ikansela ang isang mahalagang meeting sa kanyang kliyente para lang balikan ang dalagita na hinatid niya kaninang madaling araw.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status