Share

Kabanata 04

“Para akong pinitpit na luya sa isang tabi habang tahimik na nakaupo at nagmamasid sa mga nangyayari sa paligid ko. Nandito kami ngayon sa presinto. At ngayon, kasalukuyang nakikipagtalo si ate Miles sa mga ilang pulis.

"My sister is innocent! She's a victim here. Why are you punishing her instead of helping her? This is a grave injustice!"” Nanggagalaiti na pahayag ni ate Miles sa isang pulis habang sa tabi nito ay si kuya Harold na sinisikap pakalmahin ang aking kapatid. Base na rin sa panginginig ng katawan ni Ate Miles ay nanggagalaiti ito sa matinding galit.

“Bro, relax baka pati tayo ay makulong sa ginagawa mong ‘yan.” Halos pabulong na sabi ni kuya Harold. Halata sa mukha nito na kinakabahan siya sa mga nangyayari. Kung anong ikinalakas ng loob ni ate Miles ay siya namang ikinahina ng loob ni kuya Harold. Dahil sa pagkakalam ko ay may phobia ito sa mga pulis.

Humugot ng isang malalim na buntong hininga si ate Miles. Bigla, napalunok ako ng wala sa oras, dahil sa biglaang paglingon nito sa aking direksyon. Kinabahan ako sa talim ng tingin niya sa akin ay lihim akong napaantada habang umuusal ng dasal s aaking isipan. Parang hinampas ng maso ang dibdib ko dahil sa lakas ng kabog nito. Galitin mo na ang lahat, huwag lang ang kapatid ko dahil pinaglihi yata ito kay Gabriela Silang.

Sa kabila ng takot na nararamdaman ko ay nakadama ako ng matinding awa sa aking kapatid. Halatang kagagaling lang nito sa talyer, dahil puro grasa pa ang mga kamay nito. Nagmistulang pulubi ito dahil sa maruming damit na kanyang suot. Dahilan kung bakit walang nakakaalam kung gaano kaganda ang ate ko.

“Umamin ka nga sa akin, Maurine, paano ka nasangkot sa gulong ito? At bakit may hawak kang drugs?” Matigas niyang tanong sa akin kaya naman halos manginig na sa takot ang buong katawan ko, kasunod nito ay ang panglalaki ng aking mga mata. Drugs?

“I swear ate, I’m innocent, naglalakad ako papuntang food chain, nang tawagin ako ng isang matandang babae. She ask me to buy oxalic, just because I’m a good girl, sinunod ko sya, I was cross the road para bumili ng pinapabili ng matanda. Then I saw this kuyang mangangalakal and the other guy behind him. Suddenly I was shocked ng tutukan nila ako ng baril. I’m scared ate Miles, believe me, wala akong alam sa drugs na sinasabi mo.” Halos maluha na ako ng maalala ko ang nangyari kanina. I thought it’s my last day of my life here in the world.

“Where’s that old woman?” Seryosong tanong sa akin ni Ate Miles, “gone?” Patanong kong sagot dahil wala talaga akong alam kung saan nagpunta ang matandang babae.

Muli, isang marahas na buntong hininga mula kay ate Miles. Nakita ko na dinukot niya ang kanyang cellphone mula sa maruming pantalon na suot nito. Naghintay pa kami ng ilang minuto bago dumating ang isang lalaki na nagpakilalang abogado. Hindi ko na alam kung ano ang naging usapan nila dahil pagkatapos na kausapin ng abogado ko ang mga pulis ay malaya na akong nakalabas ng presinto.

“Hindi ko alam kung bakit, nang magpaulan yata ang langit ng katangahan ay sinalo mo na yatang lahat.” Nanggagalaiti na sermon sa akin ni Ate Miles, mag-u-umaga na ng makauwi kami ng bahay. Nandito kami ngayon ni Ate sa salas at kasalukuyan kong tinatanggap ang malutong nitong sermon. Nanatili akong walang imik at hinayaan lang na mailabas niya ang lahat ng sama nang loob nito sa akin.

“Talaga bang hindi mo kayang magbago, Maurine? Ayusin mo ang sarili mo, hangga't maaari ay iwasan mo ang magtiwala sa ibang tao! Tell me ilang beses pa kitang tutubusin mula sa kulungan hanggang sa magbago ka?” Matigas na tanong niya sa akin. Nakikita ko mula sa kanyang mga mata na very disappointed ito sa akin.

Yes, hindi lang ito ang unang pagkakataon na sangkot ako sa gulo. Imagine sa murang edad ko ay naranasan ko ng maglabas-masok sa loob ng kulungan? Kaya ang akala ng lahat ay patapon ang buhay ko na parang walang matinong magawa sa buhay.

“I’m sorry, Ate, pangako, hindi na mauulit.” Nagsisisi kong wika habang ang aking mga mata ay mapagpakumbaba na tumingin sa kanya.

“Gawin mo, dahil nagsasawa na ako sa mga pangako mo.” Matigas na sagot ni Ate Miles, tinalikuran na ako nito at pumasok sa loob ng kanyang kwarto. Habang nakatitig sa naka-saradong pintuan ng silid ni ate ay hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako. Pinahid ko ang aking mga luha gamit ang likod ng palad ko. Pagkatapos mamuntong hininga ay tumayo na ako at lumapit sa aking ama na nakahiga sa lumang sofa. Dinampot ko ang kumot at kinumutan ko si Daddy.

Nang malanghap ko ang amoy chico nitong hininga ay nagusot ang ilong ko. Lagi na lang kasi itong lasing at madalas ko itong abutan na nakahiga sa sahig. Isa ito sa problema naming magkapatid, ang lasengero kong tatay. Matamlay na pumasok ako sa aking silid at nanghihina na umupo sa gilid ng matigas na papag.

Dahil sa pagkakasangkot ko sa buy pass operation ng mga police ay hindi na ako nakapasok sa trabaho. At ngayon naman ay hindi rin ako makakapasok sa school dahil magdamag akong walang tulog. Pabagsak na inihiga ko ang pagal kong katawan, pero imbes na makadama ng ginhawa ay lalo lang sumama ang mukha ko.

“B-Bakit ba kasi ang tigas mo?” Naninisi kong sabi sa kamang kinahihigaan ko wari moy tao kung kausapin ko ito. Tumagilid ako ng higa at inabot ang isang unan bago ito mahigpit na niyakap. Nang dahil sa akin ay nabawasan na naman ang ipon ni Ate Miles. Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko at ilang segundo ang pinalipas bago ito pinakawalan. Pinahid ko ang aking luha, kasunod nito ang paghawi ko sa nararamdaman kong lungkot.

“Cheer up, Maurine, hindi bagay sa isang magandang tulad mo ang umiyak, dahil mas kailangan mong pagtuunan ng atensyon kung paano mong ibabalik ang mga nagastos sayo ni Ate Miles.” Anya ng isang tinig sa aking isipan.

Ilang sandali pa ay isang ngiti ang lumitaw sa mga labi ko ng naalala ko ang aking kaibigan na nag part time job sa isang modeling agency.”

"Yeah, this is not the end of the world. Let my problems give up on me, but I won't give up! Yes! iiyak pero hindi susuko!”

Ito ang matibay na paniniwala ni Maurine kaya kahit mabigat ang kanyang loob ay nagagawa pa rin niya na ngumiti.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Adolfo Edna Jabine
my matalino ba tanga? ano author?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status