Share

Kabanata 12

“Oh? Ate, saan- Oh my god! Nananaginip ba ako!?” Nagugulumihanan na bulalas ko habang namimilog ang mga mata na nakatitig sa matangkad na lalaking kasama ng kapatid ko. Nakalimutan ko na nagto-toothbrush nga pala ako, kaya ng mapa-lunok ako ng wala sa oras ay ang toothpaste mismo ang nalunok ko. Bigla akong natauhan at dali-daling tumakbo patungong kusina. Kulang na lang ay isuka ko ang nalunok kong toothpaste.

Nagmamadali na nagmumôg ako at saka mabilis na bumalik ng salas. Nadatnan ko pa ring nakatulala si kuya Harold at ang aking ama sa mukha ng lalaking kasama ni ate Miles. Mukha itong walang pakialam sa paligid habang sinisipat ng tingin ang kabuuan ng aming bahay.

“Ate! Ano itong ginawa mo? Hindi mo ba kilala ang taong ‘yan? Siya ang anak ni Mr. Cedric Hilton! Ang pinakamayamang negosyante sa buong mundo!” Nagugulumihanan kong pahayag, sino ba naman kasi ang hindi nakakakilala sa lalaking ito? Sikat kasi ito sa pagiging playboy nito. Kahit saan ka pumunta ay kilala ang pamilyan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status