Share

Kabanata 03

After three years…

“I’m sorry, Roldan, but I think this is not the right time for us.” Very dramatic ang pagkakabigkas ko ng mga salitang ito na siguradong tagos hanggang balunbalunan. With matching luha pa, para maging memorable ang araw na ito. Kahit papaano, this guy will be so lucky dahil nag-effort naman ako. Nandito kami ngayon sa parking lot ng Guardian Angel University of Pasig. Wala ng masyadong estudyante sa paligid dahil nakauwi na ang lahat at tanging kami na lang ni Roldan ang natira dito sa campus.

"Actually, this kind of scene is not new to me because I can't count on my fingers how many times I've had a boyfriend. Pero laging nauuwi sa break-up.

“Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo, Maurine? Kaya kong gawin ang lahat para sayo, I-a-alay ko sayo ang lahat ng meron ako, ibibigay ko ang lahat ng gusto mo. Pakiusap, huwag ka lang makipaghiwalay sa akin.” Pagsusumamo niya, imbes na matuwa ay mas lalo lang akong nabagot sa mga pinagsasabi nito. Kulang na lang ay dugtungan ko na ito nang,

“lilibot kita sa Asya

Buong hacienda, ipa-pamana sa iyo

Okey na sana ang lahat, bakit ginising mo pa ako..” (lyrics mula sa kantang Crazy as pinoy)

“Hayytss! Gasgas na ang mga linyang ito sa pandinig ko. Wala na bang bago? Anya ng irritableng tinig mula sa aking isipan. “I’m sorry..” ani ko bago mabilis na tinalikuran ang lalaking ito. “Maurine Kai! Babe, Please!” Nakikiusap niyang tawag sa akin pero hindi na ako nagtangka pang lingunin ito.

Roldan is my boyfriend in just one week, pero ewan ko ba? Bakit sa tuwing hahawakan niya ako ay hindi ako komportable, wala ring kilig moment na namagitan sa aming dalawa. Siguro meron, sa tuwing naiihi ako? Hindi siya ang pinapangarap kong guy, actually gwapo naman si Roldan, ika nga crush ng bayan. But when I discovered na mama’s boy pala ito? Huh? never mind.

As in nawala talaga ang interest ko sa lalaking ‘yun, dahilan kung bakit walang pag-aalinlangan na nakipaghiwalay ako sa kanya. Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan. Ilang taon na kasi ang lumipas pero hindi ko na muling nakita pa ang mala Adones na mukha ni Mr. Blue eyes. Tanging ako lang ang nakakaalam ng itsura nito kaya mahirap para sa akin na hanapin si Mr. Blue eyes.

Wala naman talaga akong balak na makipag boyfriend but, my god! I’m so sick na kasi sa tuwing tinatawag akong abnormal ng mga kaibigan ko . The reason why I always change my boyfriend every week, para lang patunayan sa kanila na kaya ko ring magka-boyfriend. Pero wala akong balak na seryosohin ang sinuman sa kanila, because my heart belongs to my Mr. Blue eyes.

After I broke with Roldan ay mabilis ko ng tinunton ang kinapaparadahan ng scooter ko. Dahil may part-time job pa ako at late na ako ng five minutes.

“Ako nga pala si Maurine Kai Ramirez, third year college student sa kursong Hotel and Restaurant Management. According to the others ang HRM course daw ay para sa mga tamad, but they wrong, because I’m a working student, hindi lang basta working student, madiskarte rin ako sa buhay at katunayan ang maraming sideline na pinapasok ko.

Noong kinse anyos pa lang ako ay bantay sarado na ako kay ate Miles kaya patago ang pagpa-parttime job ko, pero ngayong desi otso na ako? malaya ko ng nagagawa ang lahat ng gusto ko. Malaya na rin akong nakakapasok sa iba’t-ibang klase ng trabaho, but of course it’s really marangal na trabaho.

Marami sa mga tao ang nagtataka kung bakit laging taglish ang paraan ng pananalita ko, "Just because we were rich before, and this hasn't changed even though we are now poor. But for me being a poor is not an obstacle para makamit ko ang pangarap ko. Ika nga, iiyak pero hindi susuko, isa ito sa itinatak ni Ate Miles sa utak ko noong mga panahon na halos gumapang kami sa hirap at sa matinding kalungkutan.

Marami din sa mga kaibigan ko ang nagsasabi na ma-swerte daw ang lalaking mapapangasawa ko dahil nasa akin na daw ang lahat. Makulit, matalino, masipag, madiskarte sa buhay at higit sa lahat, MAGANDA!

Makalipas ang ilang minuto ay huminto ang motor ko sa isang parking lot na hindi naman kalakihan. Pagkatapos na maiparada ito ng maayos ay nagmamadali na bumaba ako sa aking motor. Kaagad na isinilid ang susi sa loob ng bag ko saka ito isinukbit sa ‘king balikat. Kulang na lang ay tumakbo ako para lang mabilis na makarating sa fast food chain na pinagtatrabahuhan ko.

“Miss! Miss!” Natigil ako sa paghakbang ng marinig ko na tinatawag yata ako ng isang matanda. Nang lingunin ko ito ay nahabag ang puso ko dahil sa nakakaawa nitong itsura. Nakaupo siya sa gilid ng kalsada habang hawak ang may kalumaan nitong bag. Masyadong malambot ang puso ko kaya kahit late na ako sa trabaho ay nilapitan ko pa rin ito.

“Bakit po, Lola?” Tanong ko sa kanya habang nakapaskil ang matamis na ngiti sa mga labi ko.

“Iha, hindi na kasi ako makalakad, pwede mo ba akong ibili ng ng oxalic powder sa maliit na tindahan na ‘yun?” Pakiusap nito sa akin sabay turo sa kabilang bahagi ng kalsada. Tumingin muna ako sa pambisig kong relo bago muling nilingon si Lola. It’s already six-thirty in the evening, and I’m fifteen minutes late.

“Sige po.” Nakangiti kong sagot, nagtataka na tinanggap ko ang five hundred pesos, di yata’t masyadong malaki ang five hundred para lang sa isang sachet ng oxalic powder? Anya ng makulit kong utak. Naisip ko na marahil ay walang barya si lola kaya buo ang pera nito. Malaki ang mga hakbang na tumawid ako ng kalsada at nagmamadali na lumapit sa sinasabi ni lolang tindihan.

“Kuya, pagbilan nga po ng oxalic powder.” Ani ko habang panay ang tuktok ng hintuturo ko sa maliit na tabla na siyang nagsisilbing patungan ng mga bibilhin ng customer. Halatang hindi ako mapakali sa aking kinatatayuan dahil mula sa isip ko ay binibilang ko ang bawat minuto na mawawala sa akin. Per hour kasi ang bayad sa akin sa trabaho ko at sayang naman ang ilang oras na kakaltasin sa sahod ko.

Maya-maya ay napalingon ako sa dalawang lalaki na may apat na dipâ ang layo mula sa aking kinatatayuan. Napansin ko kasi na halos sabay na tumingin sa mukha ko ang mga ito. Ang isa sa kanila ay magbobote dahil sa harapan nito ay isang kariton na may lamang mga kalakal. Samantalang ang isang lalaki naman ay nakatambay sa bandang likuran nito habang naninigarilyo.

“Huh? Ano bang problema nila sa mukha ko at kung makatingin ay akala moy nakakita ng artista? Tsk! Ang hirap talagang maging maganda, takaw atensyon, huh?” Bumubulong kong saad habang tinatanggap ang inaabot sa akin ng tindero. Nagtataka ako kung bakit ibinalot pa ito sa lumang dyaryo gayong hindi naman na kailangan. Para makasiguro na tama ang binigay sa akin ni kuya ay sinilip ko pa ito. Muli kong hinarap ang tindero upang kunin sana ang sukli subalit nagulantang ako ng may biglang sumigaw mula sa aking likuran.

“Taas ang kamay! Mga pulis ito!” Ani ng matigas na tinig. Ganun na lang ang panggigilalas ko ng makita ko ang lalaking mangangalakal at ang lalaking naninigarilyo na kapwa may hawak na mga baril at kasalukuyang nakatutok ang mga ito sa aking direksyon.

Kulang na lang ay panawan ako ng ulirat at mabilis pa sa alas kwatro na nagtaas ng mga kamay sa ere kaya nahulog sa lupa ang hawak ko. Mabilis na lumapit sa akin ang dalawang lalaki habang nanatiling nakatutok ang baril ng mga ito sa aking mukha. Nagulat pa ako dahil bigla silang dumami gayung wala naman ang mga lalaking ito kanina. Ang mas lalong ikinasindak ko, nang sapilitan nilang pinasok ang maliit na tindahan. Nasaksihan ko kung paanong pwersahan nilang inilabas mula sa loob ng tindahan ang tindero na nagbigay sa akin ng oxalic kanina.

“T-teka! Bakit ninyo ako pinoposasan? Sir, anong kasalanan ko!?” Nahintakutan kong tanong sa kanila. “Sir, positive.” Ani naman ng isang pulis sa harap ko habang sinusuri ang binili ko sa tindihan.

“Teka! Anong positive? Anong ibig sabihin nito?” Naiiyak na ako habang nagtatanong sa kanila kaya sabay silang lumingon sa akin. “Miss, sa presinto ka na lang magpaliwanag.” Ito ang sagot ng pulis na siyang labis na gumimbal sa akin. Blangko ang utak ko sa mga nangyayari at nang mga oras na ito ay isa lang ang nauunawaan ko. AYOKONG MAKULONG!

"Why are you taking me to the police station? Wala akong ginawang kasalanan! I’m innocent! Bumili lang ako ng oxalic! Bakit masama na bang bumili ng oxalic ngayon!?” Umiiyak na ako at matinding takot ang bumabalot sa puso ko. Ngunit, wala na akong nagawa pa ng sapilitan akong isakay ng mga ito sa kanilang sasakyan ng hindi inaalis ang posas sa mga kamay ko.

I can’t imagine na ang maganda kong mukha ay nasa loob ng maruming rehas! I’m still young para makulong! Marami pa akong pangarap sa buhay!” Ani ko bago humagulgol ng iyak.

“S**t! Ang sakit mo sa tenga, could you please shut up!” Naiinis na saway sa akin ng pulis na nasa tabi ko, kaya ang iyak ko ngayon ay parang akala mo ay sa tuta na naipit.

Huh? Nabanggit ko na ba sa inyo na lapitin din ako ng gulo?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status