Share

Kabanata 07

“Napatda ako sa aking kinatatayuan ng sumalubong sa akin ang mga tauhan ni Felix. Kaagad na lumapit sa akin ang mga ito at galit na nagtanong.

“Saan ka galing!? Bakit hindi ka tumupad sa napag-usapan? Buong magdamag nag hahanap sayo si boss.” Matigas na tanong niya sa akin, kahit nanginginig na ang mga tuhod ko dahil sa matinding takot ay sinikap ko pa ring kumilos ng normal sa harap ng mga ito. Hindi ko naman mapigilan ang panginginig ng aking mga kamay dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang epekto ng gamot sa aking katawan.

Napansin ko na bumaba ang tingin nila sa aking mga kamay, at base sa ekspresyon ng kanilang mga mukha ay batid ko na alam nila kung ano ang nangyayari sa akin.

"S-Sorry, I fell asleep in the stockroom of the hotel. H-hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nahilo hanggang sa hindi ko na namalayan na mali na pala ang pintuan na pinasok ko. P-Pupunta ako ngayon sa hospital para magpacheck-up.” Halos nauutal pa ako sa pagsasalita habang nagpapaliwanag sa kanila.

Napansin ko na biglang naalarma ang mga ito at sa isang iglap ay nagmukha silang isang maamong tupa.

“Ang mabuti pa ay umuwi ka na lang muna sa inyo. Kulang ka lang siguro sa tulog. Ihahatid ka na namin.” Ani ng isang lalaki na alam kong nagkukunwari lang ito na nag-aalala sa akin.

“S-Sigurado ka? Baka m-magalit si Sir Felix.” Kunwa’y tutol ako sa sinabi nito, parang gusto kong patayin ang tatlong lalaki sa aking harapan ng ngumisi pa ang mga ito.

“Ako na ang bahalang magpaliwanag kay boss, basta siguraduhin mo lang na papasok ka bukas para hindi magalit sayo si boss Felix.” Ani nito bago sumenyas na pumasok ako sa loob ng itim na kotse.

Paika-ika pa na humakbang ako pasakay sa kotse, hanggang ngayon kasi ay masakit pa rin ang aking katawan. Ang walang hiyang lalaki na ‘yun, kung makabayo ay akala moy may galit sa mundo! Mahigpit kong naikuyom ang aking mga kamay dahil sa matinding inis.

Makalipas ang halos isang oras ay humimpil ang sasakyan sa tapat mismo ng aming bahay. Napalunok ako ng wala sa oras ng sumalubong sa akin ang nagngangalit sa galit na mga mata ni Ate Miles.

Even it’s hard ay sinikap ko pa rin na tumayo ng tuwid, pero kahit anong gawin ko ay hindi ko mapagpantay ang aking mga paa. Para akong lasing na pasuray-suray habang naglalakad. Mas pinili ko na lang ang hindi sila pansinin kaya nilampasan ko na lang si Ate Miles at kuya Harold.

Wrong move, dahil mukhang nasagad ko na yata ang pasensya nito.

“Saan ka galing? bakit ngayon ka lang umuwi?” Matigas na tanong ni ate na hindi ko pinansin. Akala ko ay hahayaan na lang niya ako, subalit, pagdating sa aking silid ay mabilis niyang isiningit ang kanyang paa sa siwang ng pinto kaya bigo ako na maisara ito. Ewan ko ba pero biglang nag-init ang ulo ko at galit na tumitig sa mukha ng aking kapatid.

“Kailan ka pa natutong gumamit ng drugs? Kailan!?” Nagulat ako sa naging tanong niya sa akin, how come? Ganun na ba ka obvious ang epekto ng gamot sa akin!?

“Ano ba, leave me alone! Leave me alone! I don’t need you! Nasa tamang edad na ako at alam ko ang ginagawa ko!” “PAK!” Isang malakas na sampal ang nag payanig sa buong pagkatao ko. Ito ang unang pagkakataon na sinaktan ako ng aking kapatid. Napakabilis ng mga pangyayari at natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakakulong sa sarili kong silid. I’m so devastated, it seems na patapon na ang buhay ko. And my sister thinks that I am pariwara!? What will be happen if one’s she find out na nakipag one night stand ako sa isang estranghero? Siguradong mapapatay ako ng kapatid ko!

Mahigpit kong niyakap ang aking mga tuhod habang tahimik na umiiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko at ang labis na kinatatakutan ko ay baka magbunga ang isang gabing pakikipagtalik ko sa lalaking hindi ko nakikilala.

Dahil sa isipin na ‘yun ay tuluyan na akong napahagulgol ng iyak. Naghalo na ang lahat ng mga nararamdaman ko, matinding kabiguan, kahihiyan at matinding awa para kay ate Miles.

Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na sasapitin ko ito, ang nais ko lang ay magtrabaho at kumita ng pera para makatulong sa kapatid ko. Pero, bakit lagi na lang problema ang pinapasok ko!? Wala naman akong balat sa puwet, pero bakit!?

Parang akala mo’y namatayan na umatungal ako ng iyak.”

“K-kapag akho! Nakatayho dito! Patay kang sa ‘king baka kha!” Galit na sigaw ng ama ni Maurine na kasalukuyang gumagapang sa sahig dahil sa matinding kalasingan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status