“Tell me, Stella, kailan mo balak na tumigil sa mga bisyo mo? For god sake! Lalaki rin ako na nangangailangan ng atensyon. Nasa thirty’s na ako, at kailangan ko ng magkaroon ng sariling pamilya.” Nanggagalaiti kong pahayag sa aking fiancee. Kulang na lang ay sumabog ako sa galit. Kararating lang nito galing Paris, halos isang buwan din siyang nagtravel para lang magwalwal. Nakatira kami sa iisang bubong at halos ilang taon na kaming nagsasama na parang mag-asawa. But in five years na naging nobya ko ito ay nabibilang lang sa daliri kung ilang beses itong nanatili ng matagal dito sa bahay. Madalas itong mag travel sa iba’t-ibang panig ng mundo. Ito ang bisyo n’ya, ang magliwaliw kasama ng kanyang mga kaibigan at magwaldas ng pera para sa sarili nitong kaligayahan. She’s twenty six now, pero hindi pa rin ito nag-ma-matured. She's happy, go lucky and brats, maybe because she’s the only child of their parents. “My goodness, Andrade, pagtatalunan na naman ba natin ito? How many time
“Susundin ko ang lahat ng sinabi mo, pero mangako ka sa akin na hindi ka mag-aasawa at hihintayin mo akong lumaki. Kapag naka-graduate na ako, magpapakasal tayo.” Ito ang paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko, it has been three years pero sariwa pa rin ang lahat ng mga alaala ng batang iyon sa isipan ko na parang akala mo ay kahapon lang nangyari. Nakakalungkot mang isipin, pero ni hindi ko man lang nalaman kung ano ang pangalan nito. Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan, parang gusto kong suntukin ang sarili ko. Nakakatawa lang kasi, nangako ako sa sarili ko na kakalimutan ko na ang dalagitang ‘yun pero eto na naman ako. Paulit-ulit na inaalala ang mga sandaling namagitan sa amin, napaka kulit kasi nito. “Mr. Blue eyes, alam mo ba na marunong akong manghula? Kaya kong hulaan kung ano ang problema mo.” Nakaangat ang kaliwang kilay sa na nilingon ko ang madaldal na dalagitang ito. Nang makita ko ang nakangiti niyang mukha ay dagling naglaho ang iritasyon ko pa
“Halos isuka ko na pati ang bituka ko, at kulang na lang ay ilublob ko na ang mukha ko sa loob ng bowl. Subalit, kahit anong suka ko ay wala naman akong maisuka. Halos hindi na nga mabilang sa daliri kung ilang beses na akong nagpabalik-balik dito sa loob ng banyo. Kulang na lang ay dalhin ko sa kama ang bowl na ‘to dahil nanghihina na rin ang tuhod ko. What’s wrong with me ba? I don’t remember na kumain ako ng nakasasama sa sikmura ko. I think kailangan ko yatang magpalaway kay kuya Harold sa noo. Simula kasi ng batiin niya ako kahapon ay nagsimula ng sumamâ ang pakiramdam ko. Muli ko na namang isinubsob ang mukha ko sa inidoro at tulas ng mga nauna ay wala naman aking maisuka. Bigla, para akong natuklaw ng ahas dahil natulala ako sa kawalan. “Oh my gosh!!” Natitilihang wika ng utak ko ng mapagtanto ko ang isang bagay. Parang humiwalay na yata ang kaluluwa ko sa aking katawan. “I’ve been delayed for a month!?” Natigilan ako ng maramdaman ko ang paghagod ni Ate Miles sa aking l
“Oh? Ate, saan- Oh my god! Nananaginip ba ako!?” Nagugulumihanan na bulalas ko habang namimilog ang mga mata na nakatitig sa matangkad na lalaking kasama ng kapatid ko. Nakalimutan ko na nagto-toothbrush nga pala ako, kaya ng mapa-lunok ako ng wala sa oras ay ang toothpaste mismo ang nalunok ko. Bigla akong natauhan at dali-daling tumakbo patungong kusina. Kulang na lang ay isuka ko ang nalunok kong toothpaste.Nagmamadali na nagmumôg ako at saka mabilis na bumalik ng salas. Nadatnan ko pa ring nakatulala si kuya Harold at ang aking ama sa mukha ng lalaking kasama ni ate Miles. Mukha itong walang pakialam sa paligid habang sinisipat ng tingin ang kabuuan ng aming bahay. “Ate! Ano itong ginawa mo? Hindi mo ba kilala ang taong ‘yan? Siya ang anak ni Mr. Cedric Hilton! Ang pinakamayamang negosyante sa buong mundo!” Nagugulumihanan kong pahayag, sino ba naman kasi ang hindi nakakakilala sa lalaking ito? Sikat kasi ito sa pagiging playboy nito. Kahit saan ka pumunta ay kilala ang pamilyan
“Hmmmm…” halos ikabaliw ko ang bawat ungol ng munting dalaga na nasa ilalim ng katawan ko habang pinagpapala ng mga labi ko ang malambot niyang mga labi. Ang balat nito ay naghahatid sa akin ng matinding kilabot na siyang lalong nagpapataas ng libido ko.Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng pinasok ang masikip niyang lagusan. Medyo nahihirapan pa nga ako dahil ako pa lang ang unang lalaki na umangkin dito. “S**t! You're so hot! Honey…” anas ko ng mula sa malamlam na liwanag ng buwan ay kita ko kung paanong lumiyad ang balingkinitan niyang katawan. “F-F**k me hard, p-please…” anas nito na may halong pakiusap. Dama ko mula sa kanyang tinig ang labis na paghihirap. “Hmmmmp…, h-hindi na kailangang makiusap ng isang anghel na katulad mo, honey…” ani ko bago sinibasib ng halik ang kanyang mga labi. It’s really sweet, like a candy, I think I’ m the first guy na unang humalik sa mga labi nito. Dahil ramdam ko ang kainosentihan nito sa bawat kibot ng kanyang mga labi. Maging ang bawa
“Sa tingin ko, kamukha ko ang batang ‘yan.” Nanghaba ang nguso ko ng marinig ko ang sinabi ni Kuya Harold.“Pwede ba kuya, could you please stop that! Malayo sa katotohanan ‘yang sinasabi mo. Why don’t you make your own baby?” Irritable kong saad sabay irap dito. “Bakit wala namang masama sa sinabi ko, ah? And besides, wala ka namang ibang pinanggigigilan kundi ako. Kaya sigurado ako na kamukha ko ‘yan!” Matatag niyang saad kaya tuluyan ng nag-init ang ulo ko. “My god, kuya! Naninindig ang mga balahibo ko sayo! Hrrrr!” Ani ko dito sabay bira ng lakad palabas ng opisina ni ate Miles. He’s with me today, dahil ito ang unang araw ng check-up ko. I’m so excited na makita ang unang larawan ng baby ko. “Be thankful, sa oras na maging kamukha ko ‘yan dahil magkakaroon ka ng gwapong anak.” “My gosh kuya, shut up!” Naiimbiyerna na ako sa isang ito. Kung hindi lang ako buntis baka naumbag ko na ang lalaking ito! Subalit, pagdating sa labas ng opisina ay natulos ako sa aking kinatatayuan.
Three years later … “I’m sorry, Mr. Hilton, nakakalungkot mang sabihin but you have diagnosed with ovulatory disorders. Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin kayo nagkakaroon ng anak.” Nang marinig ko ang sinabi ng doctor ay biglang bumigat ang dibdib ko, pakiramdam ko ay parang tinaningan nito ang buhay ko. For several years ay umaasa ako na magkaroon ng anak pero umabot na ako sa edad thirty five ay hindi pa rin kami makabuo ni Stella. At ngayon, nasagot na ang lahat ng mga katanungan sa utak ko. Ang dahilan kung bakit hindi ako magkaanak, dahil isa akong baog! Bigla, naging blanko ang utak ko at natulala ako sa kawalan, binalot ng iba’t-ibang emosyon ang puso ko kaya hindi ko na alam kung ano ang dapat na maging reaksyon ko sa sinabi ng doctor. “B-Babe, it’s okay, you know marami pa namang paraan para magkaanak tayo. Huwag kang mawalan ng pag-asa, nandito lang ako, hindi kita iiwan.” Madamdaming pahayag ni Stella, habang patuloy na hinahagod nito
“Mommy!!!” “S**t!” Naihagis ko ng wala sa oras ang hawak kong t-shirt ng marinig ko ang matinis na sigaw ng anak kong si Chiyo. Mabilis na tinakbo ang pintuan at hindi alintana ang naka hubad kong katawan na natatakpan ng puting tuwalya.Bigla ang pagsikdô ng dibdib ko at nilokôb ng matinding kabâ ang puso ko ng malanghap ko ang amoy na nasusunog na sinaing. Habang walang tigil ang pagtunog ng smoke detector device.Natataranta na binuksan ko ang nakaawang na pintuan at kulang na lang ay talunin ko ang hagdan na mayroong pitong baitang. Sa labis na pagmamadali ko, sumabit ang isang paa ko sa unang baitang ng hagdan.“Ouch!” Sigaw ko pa ng paupo akong bumagsak sa sahig. Akala ko ‘yun lang ang mangyayari sa akin, subalit dire-diretso akong dumausdos pababa ng hagdan habang ang mga binti ko ay tuwid na naninigas.Great! Nang dahil sa katangahan ko ay hindi ko na kailangan pang humakbang pababa ng hagdan dahil mabilis akong nakarating sa paanan nito. Umuungol na iniinda ang sakit ng ba