Click! Click! Click! “Nice one, Maurine!” Anya ng photographer na walang humpay ang pagkuha sa akin ng litrato. Kasalukuyan akong nakaupo sa isang upuan at ibinibigay ang lahat ng makakaya upang maging maganda at kaakit-akit sa mga larawan. Suot ko ang isang red two piece habang panay ang pose ko ng iba’t-ibang posisyon.
“Wow, pare ang ganda n’yan.” Narinig kong sabi ng isang lalaki pero hindi ko na ito pinansin pa basta patuloy lang ako sa pagpopose. Maya-maya ay biglang lumapit sa akin ang kaibigan kong si Pauline at inabot sa akin ang isang roba. “Mukhang type ka ni boss Felix ah, mag-iingat ka.” Pabulong na sabi nito sa akin habang tinutulungan ako nitong maisuot sa akin ang roba. “Excuse me noh? he’s not my type, I’m here para magtrabaho hindi para pumatol sa isang matandang uhugin na.” Natatawa kong sagot kaya natawa rin sa akin ang kaibigan kong ito. Si Pauline ang tumatayo bilang assistant ko, siya ang dahilan kung bakit ako nakapasok sa trabahong ito. Bukod sa kaibigan ay Ka-klase ko pa siya sa isang subject. “Kailangan ka ng manager mo sa opisina. Hinihintay ka niya ngayon.” Ani nito kaya pagkatapos kong ibuhol ang tali ng suot kong roba ay kaagad akong tumungo sa restroom upang makapag bihis ng damit. Pagkatapos magbihis ay dumiretso na ako sa opisina ng aking manager. “Come in, Maurine, I have good news for you.” Nagagalak nitong saad, makikita ang matinding kasiyahan sa maganda nitong mukha. Tumayo pa ito at sinalubong ako ng yakap. Halatang hindi makapaghintay sa kung ano ang sasabihin niya sa akin. “What is it, Maam Mercy?” Nakangiti kong tanong sa kanya bago sabay kaming umupo. “Maghanda ka, Maurine, ngayong gabi ay meron kayong dinner meeting with boss Felix, don’t worry, hindi lang si Sir Felix ang kasama mo dahil makikipagdeal kayo sa ating kliyente. Ang sabi sa akin ni Sir Felix ay nagustuhan ka raw ng isa sa kanyang mga kliyente. Gusto kang kunin bilang model ng kanilang kumpanya.” Namilog ang mga mata ko at hindi makapaniwala na tumitig sa mukha ni Ma’am Mercy., this is it! Eto na ang pinakahihintay ko ang maging isang ganap na modelo, pero mangyayari lang ‘yun kung magkakaroon ako ng sponsor. “Wow! I can’t believe it! Ma’am Mercy, thank you po talaga!” Natutuwa kong sabi at mabilis na tumayo upang yakapin ito ng mahigpit. “Oh, s’ya, mag-ayos ka at magbihis, siguraduhin mo na presentable ka sa paningin ni boss at ng ating kliyente.” Natutuwa niyang bilin sa akin, parang may pakpak ang mga paa ko ng lumabas ng opisina ni Maam Mercy. Eight thirty ng gabi nang dumating ako sa address na ibinigay ni Ma’am Mercy, at ngayon ay nasa harap na ako ng isang mataas na gusali ng hotel. Parang tinatambol ang dibdib ko dahil sa matinding kabâ. Subalit, sa tuwing sumasagi sa isip ko na maaari akong kumita ng malaki ay kaagad na napapawi ang anumang agam-agam sa utak ko. Kahit paano ay panatag naman ang loob ko dahil hindi ako nag-iisa, kasama ko naman si Pauline. “Relax, para sa ekonomiya!” Nagbibiro na saad ni Pauline kaya natawa ako. Ito na ang hinihintay kong pagkakataon, sasayangin ko pa ba? Sa oras na magkaroon ako ng stable income ay makakatulong na ako kay ate Miles. Nakakapagod na rin ang mga part time job na pinapasukan ko kaya minsan ay napapabayaan ko na ang aking pag-aaral. Ayaw ko namang mabigo sa akin si Ate kaya gagawin ko ang lahat para maging matagumpay ang career ko. Halos umabot na ng bente minuto na nakatambay kami dito sa lobby ng hotel dahil hinihintay namin ang signal mula kay boss. “Here, take it, pampalakas ng loob.” Nakangiting saad ni Pauline habang inaabot nito sa akin ang isang baso na may lamang wine. Walang pag-aalinlangan na tinungga ko ito dahil sa totoo lang ay hindi na rin ako mapakali sa aking kinauupuan. “Let’s go?” Nakangiting sabi ni Pauline kaya tumayo na ako at sumunod sa likuran nito. Pagdating sa corridor ng six floors ay nagtataka ako kung bakit hindi lumabas ng elevator si Pauline. “Sa lobby lang ako maghihintay, hindi na kasi ako pwedeng pumasok sa loob.” Nakangiti niyang saad, nakakaunawa na tumango na lang ako hanggang sa tuluyang nagsara ang pintuan ng elevator. Ngunit, nang tangkain kong humakbang ay pakiramdam ko’y bigla yatang lumindol. “S**t, what happen?” Nagtataka kong tanong at bigla akong napahawak sa pader. Ipinilig ko ang aking ulo ngunit kakat’wang nakaramdam ako ng init mula sa loob ng aking katawan. Sumagi sa isip ko ang alak na pinainom sa akin ni Pauline kaya nakaramdam ako ng matinding galit sa kanya. “Walang hiya ka Pauline! Hindi ko akalain na magagawa mo sa ‘kin ‘to!” Matigas kong sambit at sinubukan kong humakbang habang nakahawak sa pader. Hindi ako pwedeng tumuloy sa silid na binigay nila sa akin dahil ramdam ko na may binabalak silang masama sa akin. Isa-isa kong pinihit ang doorknob ng bawat pintuan na madaanan ko. dahil kailangan kong makapagtagô muna hangga’t hindi nawawala ang epekto sa katawan ko ng kung anong ipinainom sa akin ng traidor na si Pauline. “I swear, mapapatay talaga kita!” Nanggigil kong bulong habang yakap ng isang kamay ko ang sariling katawan. Pagdating sa ikatlong pintuan ay nakaramdam ako ng kasiyahan, dahil pagpihit ko sa doorknob nito ay bumukas ang pintuan. Walang pagdadalawang isip na pumasok ako sa loob, at saktong ilalapat ko na ang pintuan ay nakita ko na lumabas mula sa isang silid ang mga tauhan ni Felix. Halos pigil ko na ang aking hininga dahil sa takot na baka makita nila ako. Mahigpit kong naikuyom ang aking mga kamay ng maramdaman ko ang matinding epekto ng gamot sa aking katawan. Subalit, ang hindi ko inaasahan ay ang biglaang pagsulpot ng dalawang malaking braso mula sa aking likuran at mabilis na pumulupot ang mga ito sa maliit kong baywang. “Let me go! Mommy!!!” Sigaw ng isang munting tinig mula sa isipan ko, habang kinakaladkad ako ng estrangherong lalaki palayo sa pintuan.”“Why you took so long?” Anya ng isang bruskong tinig, base sa pananalita nito ay halatang inip na inip na ang estrangherong lalaki. Magsasalita pa lang sana ako ng bigla niyang pihitin ang katawan ko paharap sa kanya. Hindi na ako nakahuma ng sibasibin niya ng halik ang aking mga labi na akala mo ay wala ng bukas. Wari moy apoy na biglang sumiklab ang aking katawan, mapusok na tinugon ko ang mga halik nito habang hinahaplos ng mga palad ko ang nakahubad niyang katawan. “Hey, relax, you don’t need to hurry, I’m yours, all night.” Malandi nitong wika na sinundan ng malanding pagtawa. Ngunit, wala akong pakialam, dahil ang mas mahalaga sa akin ay mawala ang init na nararamdaman ko. Nang mga oras na ito ay tuluyan ng nilamon ng epekto ng droga ang buong sistema ko. Halos hindi ko na kilala ang aking sarili at talagang nahihirapan na akong pigilan ito.T-Take off my clothes…” paanas kong bigkas habang mariǐn na gumagapang ang palad ko pababa sa kanyang pusôn. Hanggang sa huminto ito sa bu
“Napatda ako sa aking kinatatayuan ng sumalubong sa akin ang mga tauhan ni Felix. Kaagad na lumapit sa akin ang mga ito at galit na nagtanong. “Saan ka galing!? Bakit hindi ka tumupad sa napag-usapan? Buong magdamag nag hahanap sayo si boss.” Matigas na tanong niya sa akin, kahit nanginginig na ang mga tuhod ko dahil sa matinding takot ay sinikap ko pa ring kumilos ng normal sa harap ng mga ito. Hindi ko naman mapigilan ang panginginig ng aking mga kamay dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang epekto ng gamot sa aking katawan. Napansin ko na bumaba ang tingin nila sa aking mga kamay, at base sa ekspresyon ng kanilang mga mukha ay batid ko na alam nila kung ano ang nangyayari sa akin."S-Sorry, I fell asleep in the stockroom of the hotel. H-hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nahilo hanggang sa hindi ko na namalayan na mali na pala ang pintuan na pinasok ko. P-Pupunta ako ngayon sa hospital para magpacheck-up.” Halos nauutal pa ako sa pagsasalita habang nagpapaliwanag
“Bakit mo ginawa sa akin ‘yun, Pauline? Wala akong kasalanan sayo para traidurin mo ako.” Galit kong tanong sa aking kaibigan habang ito ay nanatili sa kanyang kinauupuan. Hindi siya makatingin ng diretso sa aking mga mata kaya nanatili lang na nakapako ang tingin nito sa sahig. Napansin ko rin na paulit-ulit nitong ibinabaon ang hintuturo sa kanyang hinlalaking daliri. Halatang napi-pressure ito sa presensya ko. Ilang segundo muna siyang nanahimik bago nag-angat ng mukha dahil nakatayo ako sa kanyang harapan. Tumitig sa akin ang namamasa nitong mga mata at nakikita ko na nakukunsensya siya sa kanyang ginawa. “Sa maniwala ka man o hindi, labag sa kalooban ko ang ginawa ko sayo, Maurine., Wala kasi akong ibang pagpipilian kundi ang sundin ang nais nilang mangyari. Dahil kung hindi ay mawawalan ako ng trabaho, bukod pa run ay maaaring mapahamak ang pamilya ko.” Naluluha na sagot nito, ramdam ko mula sa kanyang tinig ang matinding pagsuko dahil wala siyang nagawa sa mga nangyari. Nan
“Tell me, Stella, kailan mo balak na tumigil sa mga bisyo mo? For god sake! Lalaki rin ako na nangangailangan ng atensyon. Nasa thirty’s na ako, at kailangan ko ng magkaroon ng sariling pamilya.” Nanggagalaiti kong pahayag sa aking fiancee. Kulang na lang ay sumabog ako sa galit. Kararating lang nito galing Paris, halos isang buwan din siyang nagtravel para lang magwalwal. Nakatira kami sa iisang bubong at halos ilang taon na kaming nagsasama na parang mag-asawa. But in five years na naging nobya ko ito ay nabibilang lang sa daliri kung ilang beses itong nanatili ng matagal dito sa bahay. Madalas itong mag travel sa iba’t-ibang panig ng mundo. Ito ang bisyo n’ya, ang magliwaliw kasama ng kanyang mga kaibigan at magwaldas ng pera para sa sarili nitong kaligayahan. She’s twenty six now, pero hindi pa rin ito nag-ma-matured. She's happy, go lucky and brats, maybe because she’s the only child of their parents. “My goodness, Andrade, pagtatalunan na naman ba natin ito? How many time
“Susundin ko ang lahat ng sinabi mo, pero mangako ka sa akin na hindi ka mag-aasawa at hihintayin mo akong lumaki. Kapag naka-graduate na ako, magpapakasal tayo.” Ito ang paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko, it has been three years pero sariwa pa rin ang lahat ng mga alaala ng batang iyon sa isipan ko na parang akala mo ay kahapon lang nangyari. Nakakalungkot mang isipin, pero ni hindi ko man lang nalaman kung ano ang pangalan nito. Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan, parang gusto kong suntukin ang sarili ko. Nakakatawa lang kasi, nangako ako sa sarili ko na kakalimutan ko na ang dalagitang ‘yun pero eto na naman ako. Paulit-ulit na inaalala ang mga sandaling namagitan sa amin, napaka kulit kasi nito. “Mr. Blue eyes, alam mo ba na marunong akong manghula? Kaya kong hulaan kung ano ang problema mo.” Nakaangat ang kaliwang kilay sa na nilingon ko ang madaldal na dalagitang ito. Nang makita ko ang nakangiti niyang mukha ay dagling naglaho ang iritasyon ko pa
“Halos isuka ko na pati ang bituka ko, at kulang na lang ay ilublob ko na ang mukha ko sa loob ng bowl. Subalit, kahit anong suka ko ay wala naman akong maisuka. Halos hindi na nga mabilang sa daliri kung ilang beses na akong nagpabalik-balik dito sa loob ng banyo. Kulang na lang ay dalhin ko sa kama ang bowl na ‘to dahil nanghihina na rin ang tuhod ko. What’s wrong with me ba? I don’t remember na kumain ako ng nakasasama sa sikmura ko. I think kailangan ko yatang magpalaway kay kuya Harold sa noo. Simula kasi ng batiin niya ako kahapon ay nagsimula ng sumamâ ang pakiramdam ko. Muli ko na namang isinubsob ang mukha ko sa inidoro at tulas ng mga nauna ay wala naman aking maisuka. Bigla, para akong natuklaw ng ahas dahil natulala ako sa kawalan. “Oh my gosh!!” Natitilihang wika ng utak ko ng mapagtanto ko ang isang bagay. Parang humiwalay na yata ang kaluluwa ko sa aking katawan. “I’ve been delayed for a month!?” Natigilan ako ng maramdaman ko ang paghagod ni Ate Miles sa aking l
“Oh? Ate, saan- Oh my god! Nananaginip ba ako!?” Nagugulumihanan na bulalas ko habang namimilog ang mga mata na nakatitig sa matangkad na lalaking kasama ng kapatid ko. Nakalimutan ko na nagto-toothbrush nga pala ako, kaya ng mapa-lunok ako ng wala sa oras ay ang toothpaste mismo ang nalunok ko. Bigla akong natauhan at dali-daling tumakbo patungong kusina. Kulang na lang ay isuka ko ang nalunok kong toothpaste.Nagmamadali na nagmumôg ako at saka mabilis na bumalik ng salas. Nadatnan ko pa ring nakatulala si kuya Harold at ang aking ama sa mukha ng lalaking kasama ni ate Miles. Mukha itong walang pakialam sa paligid habang sinisipat ng tingin ang kabuuan ng aming bahay. “Ate! Ano itong ginawa mo? Hindi mo ba kilala ang taong ‘yan? Siya ang anak ni Mr. Cedric Hilton! Ang pinakamayamang negosyante sa buong mundo!” Nagugulumihanan kong pahayag, sino ba naman kasi ang hindi nakakakilala sa lalaking ito? Sikat kasi ito sa pagiging playboy nito. Kahit saan ka pumunta ay kilala ang pamilyan
“Hmmmm…” halos ikabaliw ko ang bawat ungol ng munting dalaga na nasa ilalim ng katawan ko habang pinagpapala ng mga labi ko ang malambot niyang mga labi. Ang balat nito ay naghahatid sa akin ng matinding kilabot na siyang lalong nagpapataas ng libido ko.Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng pinasok ang masikip niyang lagusan. Medyo nahihirapan pa nga ako dahil ako pa lang ang unang lalaki na umangkin dito. “S**t! You're so hot! Honey…” anas ko ng mula sa malamlam na liwanag ng buwan ay kita ko kung paanong lumiyad ang balingkinitan niyang katawan. “F-F**k me hard, p-please…” anas nito na may halong pakiusap. Dama ko mula sa kanyang tinig ang labis na paghihirap. “Hmmmmp…, h-hindi na kailangang makiusap ng isang anghel na katulad mo, honey…” ani ko bago sinibasib ng halik ang kanyang mga labi. It’s really sweet, like a candy, I think I’ m the first guy na unang humalik sa mga labi nito. Dahil ramdam ko ang kainosentihan nito sa bawat kibot ng kanyang mga labi. Maging ang bawa
Ako po ay labis na nagpapasalamat sa mga readers na siamahan ako hanggang sa huling yugto ng “The CEO’s Sudden Child” MARAMING 3x SALAMAT PO!!! Sana ay makasama ko kayong muli sa mga susunod ko pang kwento. Lubos akong humihingi ng paumanhin kung hindi ko man naabot ang mataas na expectation n’yo, dahil ito lang ang nakayanan ko. Nasa ibaba po ang susunod na kwento na aabangan ninyo araw-araw. Please follow my page para laging updated sa mga bagong kwento na maibabahagi ko sa inyong lahat. SALAMAT PO! TITLE: His Love from 15th Century BLURB: “You killed me!” - Morzana "I had to do that because I love you, and I can't bear to lose you." - Damian Isang buhay ng pananakop sa tunay na pag-ibig, Kailangang mamatay ng isa alang-alang sa kanilang pag-ibig. Libu-libong taon na ang lumipas, at dumating na ang panahon. Isang makapangyarihang espiritu ng diyosa ang nakulong sa sirkulasyon ng muling pagsilang. Hanggang sa magising siya sa marupok na katawan ng isang piping mor
“Mom, kailangan mong sumamâ sa akin, nakita ko si Daddy may kasamang ibang babae.” Napatayo ng wala sa oras si Lexie ng marinig ang sinabi ng kanyang anak na Xion. “Anong sabi mo!? Ang matandang ‘yun! Sinasabi ko na nga ba at may kinalolokohang babae ang ama mong ‘yan! Hindi na nahiya!” Nanggagalaiti na sabi ni Lexie, naninikip na ang kanyang dibdib. Parang gusto na niyang maglupasay sa sahig at humagulgol ng iyak. Lihim na napalunok ng sarili niyang laway si Xion ng makita ang reaksyon ng kanyang ina. Gumuhit ang matinding pagsisisǐ sa kanyang mukha na para bang gusto na niyang bawiin ang kanyang sinabi.Nagtakâ si Xion ng umalis sa kanyang harapan ang ina, hindi para sumamâ kundi para pumanhik sa hagdan at pumasok sa loob ng silid nilang mag-asawa. “Mom! We need to hurry!” Pigil niya sa kanyang ina pero hindi ito nakinig bagkus ay diretso ito ng pasok sa loob ng silid. Ilang segundo pa ang lumipas ay lumabas ang kanyang ina subalit may dala na itong shotgun.“Patay…” usal ni Xio
Halos hindi na maipinta ang mga mukha nila Aubrey, Vernice, Miles, Maurine, Alesha at Yashveer, Alesha at Samara habang nagpapaligsahan sa pagpapakawala ng marahas na buntong hininga.Sa kabilang bahagi namang ng mahabang lamesa ay maganda ang ngiti ni Misaki. Habang sa tabi niya ay si Song-I na seryosong nakatingin sa pawisang baso na may lamang malamig na pineapple juice. Nandito na naman sila para pag-usapan ang mga kaganapan tungkol sa kanilang mga plano, at iyon ay alamin kung ano ang pinagkakaabalahan ng kanilang mga asawa. “Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Lahat ginawa ko na, pero hindi ko pa rin magawang mapaamin ang asawa ko.” Problemadong saad ni Yashveer.Habang si Samara ay inaalala ang namagitan sa kanila ni Winter.NAKARAAN…“Mabigat ang mga hakbang ng mga paa ni Winter, habang nagpapakawala ng marahas na buntong hininga. Niluwagan niya ang kanyang kurbata upang makahinga ng maluwag. Pakiramdam kasi niya ay nasasakal na siya. Makikita din ang matinding pagod s
“Tsuk!” Mabilis na napaatras ng isang hakbang pabalik sa labas ng pintuan si Xaven. Napalunok pa siya ng wala sa oras ng makita ang isang patalim sa hamba ng pintuan. Sa bilis ng mga pangyayari ay tanging ang impak na lang ng hangin ang naramdaman ni Xaven. Napako ang mga mata niya sa kutsilyo na hinagis ng kanyang asawa. Halos gahibla na lang kasi ang layo nito sa kanyang mukha at medyo malalim din ang pagkakabaôn nito.“Sweetheart?” Kinakabahan na sambit ni Xaven, habang nakatitig sa mukha ni Song-I. Ang mga mata nito ay matalim na nakatitig sa kanya, para bang gusto na siyang balatan nito ng buhay. ““bam 12si 30bun, neoui haengdong-i uisimseuleobso. wonlaeneun ileoji anh-assneunde, beolsseo saheuljjae neujge deul-eoogo issso. naleul eotteohge saeng-gaghao? naega gamanhi anj-aseo gidaligil balao? dangsin hago sip-eun daelo hage dugil balao?”wae nalbogo i gyeolhonsaenghwal-e jichyeossdago malhaji anhso?dangsin-eun tteonado johso, animyeon naega dangsin salm-eseo nagagil balaneun
“Sweetie, bakit gising ka pa? 12:30 na ng madaling araw ah?” Kunot ang noo na tanong ni Storm habang hinuhubad ang kanyang black suit. Mabilis na umalis mula sa pagkakasandal sa headboard si Misaki. Ipinatong sa ibabaw ng side table ang hawak na cellphone at nakangiti na lumapit sa kanyang asawa. Tnulungan niya itong maghubad. “Hinihintay talaga kita, Sweetie, hindi kasi ako makatulog.” Naglalambing na sagot ni Misaki, sabay yakap sa baywang ng kanyang asawa. Naipikit pa nga niya ang mga mata ng maramdaman ang init na nagmumula sa katawan nito. Ngunit ang kanyang ilong ay abala sa simpleng pagsinghot sa bawat parte ng katawan ng kanyang asawa. “Una, ayon sa kaibigan ko, natuklasan niya na may babae ang kanyang asawa ng maamoy niya ang pabango ng ibang babae na dumikit sa damit ng kanyang asawa.” Naalala pa ni Misaki ang sinabi ni Maurine, kaya eto siya ngayon parang aso na walang tigil na inaamoy ang katawan ni Storm. Kapag alam niyang may nalampasan ang kanyang ilong ay talagang b
“Huh? Anong problema mo? Bakit nakasimangot ka?” Nagtataka na tanong ni Yashveer kay Alesha, kararating lang nito. Umupo siya sa kabilang panig ng lamesa ng hindi inaalis ang tingin sa mukha ni Alesha. Nanatiling tulala si Alesha mula sa salaming pader na kung saan ay makikita mo dito ang magandang tanawin mula sa labas ng hotel. Nasa huling palapag sila ng gusali na matatagpuan dito sa Makati. Isa ito sa pag-aari ng pamilyang Hilton. “I was confused, why did my husband suddenly change? After he proposed to me ay bigla na lang siyang naging malamig. So sad, pero pakiramdam ko ay parang may kulang sa akin.” Pagkatapos na magsalita ay nagpakawala pa siya ng isang problemado na buntong hininga. Sa itsura niyang ito ay parang pasân na niya ang mundo. Isang buwan na ang lumipas simula ng makabalik silang mag-asawa nang bansa. Itinalaga nilang presidente ng Draconis ang kaibigan niyang si Feliña, habang siya naman ang tumatayong CEO. Ipinagkatiwala niya sa kaibigan ang pamamalakad
Ako po ay labis na humihingi ng malawak na pang-unawa kung bakit paisa-isa na lang ang update ng “The CEO’s Sudden Childs” dahil pinaghahandaan ko ang susunod na story ko, since na ilang chapter na lang ang kailangan bago matapos ang TCSC. Nasa ibaba po ang susunod na kwento na aabangan ninyo araw-araw. Please follow my page para laging updated sa mga bagong kwento na maibabahagi ko sa inyong lahat. SALAMAT PO! TITLE: His Love from 15th Century BLURB: “You killed me!” - Morzana "I had to do that because I love you, and I can't bear to lose you." - Damian Isang buhay ng pananakop sa tunay na pag-ibig, Kailangang mamatay ng isa alang-alang sa kanilang pag-ibig. Libu-libong taon na ang lumipas, at dumating na ang panahon. Isang makapangyarihang espiritu ng diyosa ang nakulong sa sirkulasyon ng muling pagsilang. Hanggang sa magising siya sa marupok na katawan ng isang piping mortal na babae, walang kapangyarihan, ngunit hinihimok ng nagniningas na pagnanasang maghigant
““Si haces lo que quiero, te prometo un alto puesto. Ya me conoces, con la amplitud de mi influencia, todo lo que parece imposible se convierte en posible para mí.” (Kapag nagawa mo ang gusto ko ay pinapangako ko sayo ang mataas na posisyon. You know me, sa lawak ng impluwensya ko ang lahat ng hindi imposible ay nagiging posible sa akin.) Si Señôr Steiñar, sabay hithit sa kanyang matabang tobacco.“No te preocupes, yo me encargo. Tengo el control del ejército. Mientras esté en el cargo, todos tus negocios estarán a salvo.” (Huwag kang mag-alala ako ang bahala, nasa akin ang kontrol ng militar. Hangga’t nasa posisyon ako ay mananatiling ligtas ang lahat ng mga negosyo mo.) Kumpiyansa sa sarili na sagot naman ni Major. Kasalukuyang nag-iinuman pa ang mga ito habang nakapaskil ang ngiting tagumpay sa kanilang bibig. Ito ang isa sa mga video na nagleak mula sa mga ebidensya na gagamitin sa matanda. Walang ibang laman ang lahat ng tv network sa buong Espña kundi ang mga video tungkol sa
(Sagitsit ng sasakyan…) Mula sa harap ng kumpanya na pag-aari ni Señor Steiñar, ang lahat ng tao sa paligid ay nagambala, dahil sa biglaang pagdating ng limang sasakyan. Halos sabay sila na napalingon sa mga bagong dating na sasakyan. Napako ang tingin ng lahat sa isang mamahalin at itim na kotse na napapagitnaanan ng apat pang sasakyan. Isang malaking katanungan ang naglalaro sa kanilang isipan kung sino ang taong sakay nito. Bumaba ang may nasa labing anim na kalalakihan na pawang mga nakasuot ng black suit. Sa kanang tenga ng mga ito ay isang black earphone. Pawang mga seryoso ang ekspresyon ng kanilang mga mukha, na kung titingnan mo ay wari moy mga galit. Pinalibutan nila ang nasa gitnang sasakyan, kay higpit ng seguridad para sa taong lulan nito. Ilang sandali pa, bumukas ang pinto. Tumapak sa sementadong lapag ang isang makintab at itim na patilus na sapatos. Hanggang sa tuluyan ng bumaba ng sasakyan si Storm, madilim ang awra nito. Ang ekspresyon ng kanyang mukha a