“You’re kidding me.” Tumayo si Hector mula sa couch at hinarap siya. Bakas sa mukha nito ang pagkabahala. “Alam mong hindi mo kakayanin ang ganyang klase ng trabaho, Haze.”
She knew he would say that. “Hindi ko pa nasusubukan, Hector,” tugon niya. “Sinabi mo na sa akin kung anong klaseng trabaho ang papasukin mo. Kahit hindi mo pa nasusubukan, alam ko—” “Alam mo nang hindi ko kaya. Yeah. Alam ko rin naman ang bagay na ’yan. Pero kailangan ko pa ring subukan. Malay mo naman.” Haze battled with herself whether she would tell Hector about it or just keep it a secret. But then again, she realized that the man had the right to know what was happening. Hindi rin naman pwede na ilihim niya sa lalaki ang proposal ng boss niya at umalis na lang nang walang paalam. Hector would lose his sanity if she would do that. “But Haze—” “Hindi ko rin gustong umalis!” She looked at him. “Pero mas ayoko namang manatali rito at dumepende na lang sa’yo habambuhay. Kailangan kong matutong tumayo sa sarili kong mga paa. Ito na ang oras para gawin ko ’yon. Buong buhay ko ikaw ang kasama ko at buhat na buhat mo ako.” “That's why you're leaving? Ano ’yang ginagawa mo? You're already standing on your own feet! You've been doing that since then.” “Pero nandiyan ka sa tabi. Siguro nga matagal ko nang ginagawa ’yan, pero hindi niyan mababago ang katotohanan na nakasandal pa rin ako sa’yo. Hangga’t nandiyan ka, maiisip at maiisip ko na dapat akong aasa sa’yo.” Huminga si Haze ng malalim bago nagpatuloy. Hector kept shaking his head. “Napag-isip-isip ko rin na masyado na akong nagiging makasarili. Buong buhay mo nakatali ka sa'kin. Nalilimitahan ko ang kilos mo. Hindi mo magawa ang mga bagay na gusto mong gawin, dahil kailangan mo akong bantayan... alagaan. Alam kong may mga plano ka rin sa buhay. Kaya ayokong ikulong ka sa mga kagustuhan ko. Ayokong balang araw ay pagsisihan mo ang desisyon mong manatili sa tabi ko.” Iyon ang huling paliwanag ni Haze kay Hector. Sinubukan pa siyang kumbinsihin ng lalaki pero hindi na niya ito inintindi. Kaya kalaunan, wala rin itong nagawa. Hector was right. She wouldn't be able to do what was written in the contract. Masyadong limitado ang alam niya sa mga gawaing bahay. But she knew everything takes time. At lahat ng bagay ay napag-aaralan. Naniniwala rin siya na may mga taong magtuturo sa kaniya sa probinsyang pupuntahan nila kung paano gawin ang trabaho. Her boss took a risk to push her to do this job without consulting her expertise in it. Kaya malaki ang tiwala niyang may plano ito para sa maaaring mangyari. The island in front of Haze gradually zoomed in. Kita-kitang iyon mula sa pangalawang palapag ng lantsang sinasakyan niya. Amoy na amoy niya ang dagat. Her heart began to pound with a mixture of fear and excitement. She'd never been there before. Hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan ng kaniyang desisyon kaya hindi niya mapigilang hindi matakot. And that's what made her feel excited at the same time. Bumulusok ang malakas na hangin mula sa kaniyang kaliwa. Hindi mapigilang hindi mapamura nang tangayin nito ang kaniyang mahaba-habang buhok. Wala siyang pwedeng pamigil dito. Ang sombrerong lagi niyang suot ay naiwan sa inuupuhan nila ni Hector. Pwede naman siyang bumalik sa loob ng lantsa. Hindi kalakasan ang hangin doon. Pero dahil naroon ang boss niya, hindi niya gagawin iyon. Hindi siya kumportable na katabi ang lalaki. Sinikap niyang sikupin at pilipitin ang kaniyang buhok. The sea was silver under the 3PM sun. Napakaganda nitong pagmasdan kahit medyo nakasisilaw sa mata. “Miss Dominguez, pinapabalik na po kayo ni Mr. Lopez sa loob,” pagbatid ng boses mula sa kaniyang likuran. Nilingon niya ang medyo may katandaang lalaki na kasama nila nang umalis sila mula sa Maynila. He introduced himself as Mr. Hao sa una nilang pagkikita. Isang intsik na nakapag-asawa ng isang pinay at dito na nanirahan sa Pilipinas. “Sige, susunod ako.” Umalis agad ito matapos siyang tinanguan. The crew was preparing for the ship to dock at the small port of Sta. Fe. Tatlo ang munisipalidad ng Banayan Island: Sta. Fe, Banayan, at Lawis. Ang Banayan ang nasa gitna at ang pinakamalaking munisipalidad ng isla. Hence, its name. Pagbaba Haze ay agad niyang natanawan si Mr. Hao na dala-dala ang kaniyang bagahe. Nakasunod ito sa kaniyang boss na nasa tenga ang telepono. “Bakit hindi na lang tayo gumamit ng private ship? May pag-aari naman siguro ’yang mga Lopez. Kesa naman sa maantala sa byahe katulad nito,” mahinang saad ni Haze sa lalaki nang makalapit; ang mga mata ay nakatingin sa siksikan ng pasahero sa may daanan palabas. Muntik pa siyang matawa nang madulas iyong lalaking nakapula sa kakamadali. ’Kitang medyo basa ang daanan hindi magdahan-dahan,’ isip niya. “Meron naman. Sa katunayan, marami. Ngunit minsan hindi gumagamit ng mga iyon si Mr. Lopez, lalo pa’t hindi naman siya nagmamadali,” sagot nito. Bumaling sa direksyon nila si Mr. Lopez. Sumenyas ito sa kanila na lumapit. “Tara na,” sambit ni Mr. Hao. Binitbit ulit nito ang bagahe niya. Sumunod naman si Haze. Pinagmasdan niya ang boss nang maglakad ito kasunod ng iba pang mga pasahero. “Hindi ba siya nayayamot sa mga tao?” tanong niya ulit. “Karamihan sa sakay ng lantsang ito ay may mga kamag-anak na sa pamilya Lopez nagtatrabaho. Bakit naman siya mayayamot sa mga ito?” “Kasi mayaman siya. Samantalang ang mga kasakayan niya ay hindi kasingyaman niya. Para sa mga mayayaman, nakayayamot ’yon.” Tumawa ang lalaki. Napaisip tuloy siya kung aling banda ba roon sa kaniyang sinabi ang nakatatawa. Hindi niya tuloy maiwasang murahin ang lalaki sa kaniyang isip. “Hindi naman ganyang tao si Mr. Lopez. Istrikto minsan pero mabait ’yan. Malaki rin ang respeto niyan sa mga taong nasasakupan.” Hindi mapigilan ni Haze na kunutan ng noo ang lalaki sa sinabi nito. Humarap pa siya rito at sa ganoong paraan na naglakad para matitigan ito nang mabuti. Gusto niyang makumpirma kung nagsasabi ba talaga ito ng totoo. Baka naman kasi nagsisinungaling lang ito. Baka naman takot sa posibleng mangyari sa kaniya kapag nagsalita siya nang masama laban sa mga Lopez. “Anong ginagawa mo?” pagtataka ng lalaki sa kaniya. “Sigurado ka ba sa sinasabi mo?” Natawa ulit ito. “Oo naman.” Her boss, Mr. Lopez, wasn't a good man to her. He was brilliant, but he was definitely not a good person. To her, the man was a cold, strict, mean, scheming piece of crap. Hindi nga siya nito magawang irespeto. Kaya ganoon na lamang ang pagdududa niya sa lalaking kaharap niya ngayon. Umayos sa paglalakad si Haze. Hindi niya mabasa ang ekspresyon ng lalaki. Kaya hanggang sa mapasok sila sa bus ay hindi na niya ito kinibo pa. “Where are you going?” Nilingon niya ang kaniyang boss nang magsalita ito. “Dito.” Turo niya sa katabing upuan ni Mr. Hao. “Uupo.” “One of you should sit beside me.” That statement sounded like an order to Haze. “Ah.” Bahagyang siyang natawa. Mr. Hao was already seated by the bus window. Gusto niya ring maupo malapit sa bintana. “Sige.” Tumayo siya at mabilis na nilampasan si Mr. Lopez. Dumako siya roon sa bankanteng upuan sa kabila na nasa gilid ng bintana. She had only done this once. It was on her birthday with Hector. Pag-uwi nila galing sa beach ay nabutasan ang gulong ng motor ni Hector, kaya kinailangan nilang magbus. It was an inconvenience, but she couldn't deny that it was one of her memorable moments with him. Looking at the sea, this experience reminded her of that particular moment; she couldn't help but smile. Gusto niyang pasalamatan ang boss niya sa kagandahang loob. “What are you doing?” tanong ulit nito habang nakatayo at nagtatakang nakatitig sa kaniya. “Nakaupo.” “In my spot.” “In your spot?” Tuloy ay napausisa siya sa kaniyang inuupuan. “Wala namang nakalagay na sa’yo ’to.” “Alam ko.” “O, edi pwede akong umupo rito. Tsaka first time kong sumakay ng bus, kaya pagbigyan mo na,” pagsisinungaling niya. Saglit siyang tinitigan ng lalaki. Ang itim na mga mata nito ay tila pinag-aaralan ang kaniyang itsura. Nanantiya kung totoo ba ang kaniyang sinabi. Ilang sandali pa ay nagbitaw ito ng mabigat na hininga bago naupo sa katabing upuan. ‘Uto-uto rin pala ang isang ’to.’Tahimik ang naging biyahe mula sa pantalan ng Sta. Fe papuntang Banayan. Walang kibo ang lalaking katabi ni Haze. Buong biyahe ay nakapikit lamang ang mga mata nito habang nakasandal sa headrest ng upuan, hanggang sa makarating sila sa bus terminal. Mula roon ay sinundo sila ng isang itim na sasakyan. Ilang minuto lang ang tinagal bago niya natanaw ang pigura ng mansyon, na habang papalit sila ay unti-unting lumalaki sa kaniyang paningin. Hindi moderno ang desinyo ng mansyon, kundi katulad ito ng isang kastilyo na ilang siglo nang nakatindig doon. Halata sa itsura nito ang ilang beses nang pagrenovate upang magmukha itong bago. Nahaharangan ito ng eskrima na gawa sa bakal, at hindi kalayuan sa likuran nito ay matatanaw ang malawak na dagat. “Nandito na tayo.” Narinig niyang sabi ni Mr. Hao. Nasa unahang upuan ito kaya hindi nito makitang kanina pa alam ni Haze ang bagay na iyon. Maya-maya pa ay huminto ang kanilang sinasakyan. Mula sa kinauupuan ay napansin niya ang dahan-dahang p
Diniinan ni Haze ang floor mop sa marmol na sahig hanggang malampaso niya ang huling espasyo nitong hallway. Tinuko niya ang mop sa sahig at pinahid ang namumuong pawis sa kanyang noo. Pasimple niyang tinanaw ang kahabaan ng hallway saka bumuntonghininga. “Nyeta, bakit ba naman kasi ang haba-haba nito?“ bulong niya sa sarili. Naiiling niyang binuhat ang balde at tinahak ang hagdan pababa. Nang makalabas siya sa kumpanya ay natanawan niya kaagad ang guard na mukhang katatapos lang mag-roving. Nakatalikod ito kaya nilapitan niya na ito. “Magandang umaga, ho,” she greeted him. Bumakas ang gulat sa mukha ni Haze nang lumingon ito. May itsura at mukhang hindi nalalayo ang edad nila. Bakit pagga-guard ang kinuha nitong trabaho kung itsura pa lang, pasok na sa modeling?“Bakit?” magalang nitong tanong at ngumiti. “May kailangan ka?”Pinakita niya ang kanyang hawak na balde at mop. “Saan ko ba 'to pwedeng ilagay?” Dumapo ang paningin ng guard doon. “Hindi ba sinabi ng head janitor sa’yo
“Wala kang gagawin ngayon?”“Meron.” Nag-angat ng tingin sa kanya si Hector. “Why? May iuutos ka na naman?”“Wala naman.” Nagsandok si Haze ng kanin. Naupo siya at pinagmasdan ang lalaki na ilagay ang sinigang na baboy sa mangkok. “Anong gagawin mo ngayon?”Sinauli nito ang pinaglutuan bago umupo sa kaharap na silya. “Pupunta ako ng ospital.”Natigil siya sa pag-ihip ng mainit na sabaw. Lumipad ang paningin niya pabalik dito. “Anong gagawin mo sa ospital?” pagtataka niya. “Tinablan ka na ba ng sakit?”Naiiling na natawa si Hector. “Hindi. May babantayan ako ro'n.”Kasabay ng agarang pagtigil niya sa pagkain ay ang pagkunot ng kanyang noo. “Babantayan? Sino?”“Iyong kapitbahay natin. Reymundo yata ang pangalan no'n.”“Bakit mo babantayan ang lalaking ‘yon eh mas gurang pa ‘yon sa’yo?”“Nasaksak ng kapatid.”“Hm.” Napatango si Haze. “Bastos ang bibig ng lalaking ‘yon, eh. Kung makapagsalita akala mo kung sino. Masasaksak talaga.”“You hate him that much?”“Lahat naman ng mga taga-rito g
“You again? The other day you made me your target, and now, it's Miss Gomez. Are you doing this because of what happened between the two us?” Silang dalawa lang ang naroon sa loob ng opisina ni Mr. Loepz. Ang babae kanina ay hindi na niya nakita pa matapos ang nangyaring iyon sa CR. Ang dinig niya ay umalis na raw para makapagpalit. Kasali siya roon sa meeting; at dahil sa insidenteng iyon ay hindi na ito natuloy. That woman was one of the company's biggest client. Bigatin. And she just called the meeting off dahil hindi raw nito kayang ganoon ang ayos habang kaharap ang iba pang kasosyo. Siguro nga ay hindi kayang maintindihan ni Haze ang nararamdaman ng babae gayong hindi naman siya nito kagaya. Delicate fashion was never included in her line of taste. Hindi siya mahilig sa damit na halos makita na ang kaluluwa sa sobrang ikli. Pati ang pagsuot ng heels na kapag natapilok ay siguradong bali ang mga buto. Kontento na siya sa simpleng ayos lang. She liked herself better whenever she
“Kumain ka na muna bago ka lumakad.” Nilingon ni Haze si Manong Jomar matapos isarado ang locker. Pasado ala una na ng hapon nang natapos sila sa trabaho. Mahaba ang hallway ng palapag na iyon. Kaya paniguradong aabutin siya ng alas dos kung hindi nagbuluntaryong tumulong ang matanda.“Oo nga. Sumabay ka na sa’min,” saad ni Aling Wena, ang ale kanina na kasama ni Manong Jomar. “Lagpas alas dose na, o. Hindi ka pa naman nakapagtanghalian,” dugtong nito habang sinusulyapan ang wall clock. “Baka bigla ka na lang himatayin d’yan sa kalsada. Ma-issue pang pinagkakaitan ng kumpanya ang mga empleyado ng pagkain.” Tinapunan niya ito ng tingin. “May kainan dito?” tanong niya. “May canteen sa likod nitong kumpanya,” si Manong Jomar ang sumagot. Napatango siya. “Kayo na lang ho. Hindi sapat itong dala kong pera, e.” Bente pesos lang naman ang dala niyang pera. Barya pa. Hindi ito kakasya kung sa canteen siya ng kumpanya kakain dahil siguradong mahal doon ang mga paninda. Uuwi na lang siguro
Isang umiiyak na batang babae ang pumukaw sa kanyang atensyon. Nakatayo ito sa isang bakuran at nakatitig sa lumang bahay sa kanyang harapan. Marumi ang suot nitong puting bestida. Kapansin-pansin din ang may kalakihang mga butas sa ibabang parte nito. “Takbo! Tumakbo ka na! Lumayo ka na rito!” namutawi ang malakas na sigaw mula sa bahay na iyon. Bahagya itong natinag sa sigaw na iyon. Bakas sa mukha ng batang babae ang labis na takot at pagod. Nanginginig din ang katawan nito. Pero tila ba gusto pa nitong gumalaw at tumakbo papunta sa bahay na iyon. Binalingan ni Haze iyon. Mula sa nakabukas na pinto ay natanawan niya ang dalawang anino ng tao. Naramdaman niya ang paggalaw ng bata mula sa gilid ng kanyang mata kaya napatingin siya pabalik dito. “Takbo na!” umalingawngaw muli ang boses. The girl looks hesitant. It’s like she’s tied in a difficult decision of choosing between obeying the voice and wanting to save whoever is the owner of that voice. But with another scream, unti-un