Share

Chapter 7

Tahimik ang naging biyahe mula sa pantalan ng Sta. Fe papuntang Banayan. Walang kibo ang lalaking katabi ni Haze. Buong biyahe ay nakapikit lamang ang mga mata nito habang nakasandal sa headrest ng upuan, hanggang sa makarating sila sa bus terminal.

Mula roon ay sinundo sila ng isang itim na sasakyan. Ilang minuto lang ang tinagal bago niya natanaw ang pigura ng mansyon, na habang papalit sila ay unti-unting lumalaki sa kaniyang paningin.

Hindi moderno ang desinyo ng mansyon, kundi katulad ito ng isang kastilyo na ilang siglo nang nakatindig doon. Halata sa itsura nito ang ilang beses nang pagrenovate upang magmukha itong bago. Nahaharangan ito ng eskrima na gawa sa bakal, at hindi kalayuan sa likuran nito ay matatanaw ang malawak na dagat.

“Nandito na tayo.” Narinig niyang sabi ni Mr. Hao. Nasa unahang upuan ito kaya hindi nito makitang kanina pa alam ni Haze ang bagay na iyon.

Maya-maya pa ay huminto ang kanilang sinasakyan. Mula sa kinauupuan ay napansin niya ang dahan-dahang p
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status