Share

Chapter 3

Author: SonOfLincoln
last update Last Updated: 2023-07-31 22:29:24

“You again? The other day you made me your target, and now, it's Miss Gomez. Are you doing this because of what happened between the two us?”

Silang dalawa lang ang naroon sa loob ng opisina ni Mr. Loepz. Ang babae kanina ay hindi na niya nakita pa matapos ang nangyaring iyon sa CR. Ang dinig niya ay umalis na raw para makapagpalit. Kasali siya roon sa meeting; at dahil sa insidenteng iyon ay hindi na ito natuloy. That woman was one of the company's biggest client. Bigatin. And she just called the meeting off dahil hindi raw nito kayang ganoon ang ayos habang kaharap ang iba pang kasosyo.

Siguro nga ay hindi kayang maintindihan ni Haze ang nararamdaman ng babae gayong hindi naman siya nito kagaya. Delicate fashion was never included in her line of taste. Hindi siya mahilig sa damit na halos makita na ang kaluluwa sa sobrang ikli. Pati ang pagsuot ng heels na kapag natapilok ay siguradong bali ang mga buto. Kontento na siya sa simpleng ayos lang. She liked herself better whenever she wore simple clothes. It was comfortable; and it suited her personality.

At ang babaeng iyon, she was different.

“Ano? Tutunga ka na lang ba?” asik ng lalaking nasa kabilang dulo ng lamesa nito. Natauhan siya. Umikot si Mr. Lopez sa lamesang iyon at sumandal sa harap nito. Nakahalukipkip ito habang nakatitig sa kanya. “I don't know what you're thinking Miss Dominguez. Pero hindi naman yata katanggap-tanggap na hindi ka nakikinig habang kinakausap kita? May problema ba sa bahay niyo?”

“Wala naman ho, sir,” tugon niya.

“Are you sure?” The man placed his fingers in his chin. Nananantiya.

“Ouh,” sabay tango ni Haze.

“I’m not that good at reading people, Miss Dominguez. Pero kung may pinagdaraanan ka man ngayon sa buhay mo, huwag mong dadalhin dito sa kumpanya ko. It’s not you who will be affected negatively in the long run, it’s my company,” pagsasalita nito. “Or don’t tell me that it’s what you’re meaning to do in the first place? Gusto mong sirain ang imahe ng kumpanya ko, Miss Dominguez?”

Kumunot ang kanyang noo sa pang-aakusa nito. “Hindi ho, sir.”

In her mind, bakit niya naman gagawin iyon? Ang dami niya nang problema sa buhay, pag-aaksayahan niya pa ito ng oras? Hindi naman ito espesyal para gawin niya iyon!

“Really? You think I forgot what you said to my guard the other day? Sinabi niya lahat ng ’yon sa akin. You wished for my company to go down so I could at least have a taste of a bit of poverty. Naalala mo ’yon, Miss Dominguez?”

Sandali siyang natigilan pero kaagad ding nakabawi. Bumuntonghininga siya. “Sinabi ko nga iyan. Pero hindi naman ibig sabihin na ako gagawa ng mga bagay na magpapabagsak sa kumpanya niyo.” Direkta niyang tinitigan si Mr. Lopez sa mga mata nito.

Maraming puwedeng gumawa noon. Ngunit may isa na talaga namang hindi nito kayang kalabanin. At kapag dumating ito, kahit na ano pang gawin nito, sisiguraduhin nitong mararamdaman at malalasahan ng lalaking ito ang lupa.

“Who is it, then? Naghire ka ba ng mga tao para isakatuparan iyon?”

“Mahal ang bayad sa ganyang gawain, sir. Wala akong sapat na pera para r’yan.”

Umayos ito ng pagtayo. Ibinulsa nito ang dalawang kamay. “Ibig mong sabihin, kung sakaling may pera ka ay ipapabagsak mo ang kumpanya ko? Is that what you’re trying to imply, Miss Dominguez?”

May diin sa bawat salitang binibitawan nito. Haze accidentally provoked him. Dahil iyon sa kanyang sinabi na ngayon ay iba ang pag-intindi nito. Wala iyon sa intensyon niya. Pero hindi niya mahita sa boses nito ang galit o inis dahil para rito ay banta iyon. Puro awtoridad lang iyon na natural dito. He was not provoked at all. Pakiramdam pa nga ni Haze ay nage-enjoy ito sa ginagawa nito.

Umayos din siya ng tayo. Hindi niya alam kung ilang minuto na ba siyang nakatayo. Ang alam niya lang ay nananakit na ang kanyang mga paa. Gusto niyang sabihan ang lalaki kung puwede ba siyang maupo kahit sandali lang. Pero baka iyon pa ang ikagalit nito.

“Hindi ho, sir. Hindi ko magagawa iyan. Magsasayang lang ho ako ng oras kung gagawin ko iyan.”

“Really? Why is that, Miss Dominguez?”

“Dahil hindi naman ho kayo importante para pag-aksayahan ko ng oras, sir,” sagot niya. “Mawalang galang na ho.”

Mr. Lopez stilled. Pagkakuwan ay natawa; tila hindi makapaniwala sa narinig, saka umiiling na nag-iwas ng tingin, sapong-sapo ang baba. May mga binulong pa ito pero hindi na iyon narinig ni Haze. Tumingin ito pabalik sa kanya. Ngayon naman ay tumatango na.

“Do you even know the person who you messed with earlier, Miss Dominguez?” tanong nito.

Iniba nito ang usapan. Hindi niya alam kung bakit. Did her words hit him? He seemed confounded nang sabihin niya na hindi siya ganoon ka importante para paglaanan niya ng oras. Totoong mahirap itong basahin. Pero may pagkakataon na nagiging malinaw kung anong iniisip nito.

“Bethany Gomez. Iyan ang sabi niya.”

“She’s this company’s richest client; and she’s here for an investment. She attended a meeting for that. Pero dahil sa nangyari ay hindi natuloy. Her mere cooperation with this company means success. Alam mo ba kung gaanong kalaking kawalan kapag nagdesisyon siyang iatras ang plano niya?”

“Hindi naman ’yon sinadya,” agaran niyang tugon. Totoo naman. “Aksidente ho iyon. At kahit siya man, alam na alam ’yon.”

“Okay, let’s say it was an accident. But you could've been more careful, Miss Dominguez.”

“Hindi ko alam kung anong pag-iingat pa ang gusto niyong gawin ko. Dahil iyong ginawa ko ay sobra-sobra na ho. Huwag niyo namang palabasin na dahil sa kapalpakan ko kaya ’yon nangyari. Ang babaeng ’yon ang pagsabihan niyo, huwag ako dahil ginagawa ko ng maayos ang trabaho ko.”

“Talaga, Miss Dominguez? If you were really doing your job properly, why do you think did that accident happen?” Ramdam ni Haze ang panunuya sa tono ng pananalita nito.

Gusto niyang matawa sa mga paratang nito.

‘Akala ko ba may-ari siya ng kumpanyang ito?’ tanong niya sa kanyang isip.

“May malaking signage hong nakalagay sa labas ng female’s comfort room, sir. Nakadikit ho iyon sa dingding. At Out-Of-Order ho ang nakasulat do'n gamit ang malaking font. Hindi ho puwedeng gamitin iyon dahil katatapos lang ayusin at hindi pa nalilinisan. Kung hindi niya napansin ang signage ay hindi ko na kasalanan ’yon. Huwag niyo hong isisi sa akin ang kapabayaan niyo.”

Natahimik ito. Wala na sa kanya ang tingin nito. Nanatiling ganoon ang lalaki ng ilang segundo. Tila ba may malalim na iniisip. Hindi alam ni Haze kung ano iyon, at hindi niya na gustong malaman pa.

“Puwede na ho ba akong lumabas, sir? May trabaho pa ho akong kailangang tatapusin.”

Tinapunan siya nito ng tingin. Nang tumango ito ay kaagad siyang yumuko nang bahagya bago tumalikod at lumabas para bumalik sa ikalabing-apat na palapag.

“O, Haze,” salubong ni Manong Jomar sa kanya paglabas niya ng elevator galing sa 15th floor. Nasa magkabilaang kamay pa nito ang mop at balde. Kasunod nito ang iba pa nilang kasamahan.

Kumunot ang kanyang noo. Ano bang nangyayari? Napansin yata ng matanda na nasa likuran nito ang kanyang paningin kaya lumingon din ito.

“Ah.” Napakamot sa ulo si Manong Jomar at natawa ng mahina. “Nnarinig kasi namin na pinatawag ka ni Mr. Lopez. Kaya nagmadali agad kaming pumunta rito. Ako lang dapat iyon, hindi ko naman inakalang sasama pa ang iba.”

Hinahagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Bahagya siyang napaatras. Ilang segundo pa ay lumayo ng kaunti ang matanda at huminga ng maluwag. Nilapag nito ang dala saka tumitig sa kanya.

“Ano ba talagang nangyari?” usisa nito. “Ang dinig ko ay natapunan mo raw ng maruming tubig si Miss Bethany. Totoo ba iyon?”

Nagtaka siya. Sino naman ang nagpakalat na ganyan ang nangyari?

“Hindi ako ang nagtapon. Sarili niya ang tinapunan niya.”

“Sarili niya? Bakit niya naman gagawin iyon sa sarili niya?” singit ng aleng nakatayo sa likod ni Manong Jomar.

“Puwede ba ’yon?" sabat pa ng dalaga na katabi nito.

Namulsa si Haze. “Aksidente ang nangyari. Mukhang hindi niya napansin ang balde. Nasagi niya kaya natapon ang tubig sa paa niya,” paliwanag niya.

“Hindi pa iyon puwedeng gamitin, ah? Bakit doon siya pumunta?” pagtataka ni Manong Jomar.

“’Yon na nga ho. Sa akin pa pinatong ng Lopez na ’yon ang sisi. Hindi ko naman kasalanan na pumasok ang babaeng ’yon sa CR na halata namang out of order.”

“Pinatalsik ka ba?” Sumingit ulit ang ale. Kuryoso ang paraan ng pagtatanong.

Binalingan niya ito. Dahan-dahan siyang inilingan.

Napasinghap ito at nanlaki ang mga mata. “Hindi ka pinatalsik?!” hindi makapaniwala nitong tanong.

Anong nakagugulat doon?

Tumili ang ale. Lumingon ito sa mga nasa likuran at inanunsyo sa iba na hindi na raw siya sinibak sa trabaho. Maya-maya pa ay nagsimula nang magbulungan ang iba pa niyang kasamahan. May mga nagsalita pa pero hindi niya na iyon pinakinggan.

Dumiretso kaagad siya sa CR na kanyang nilinisan kanina para kunin ang mga gamit na naiwan niya roon. But the old man followed her. Tutulong daw ito sa kanya sa paglalampaso nitong hallway; total tapos na rin naman ang trabaho nito.

“Masuwerte ka,” saad nito habang binabanlawan ni Haze ang maruming balde. Nakatayo lang ito at nakasandal sa may hamba ng pintuan. Hindi man niya ito lingunin ay alam niyang nakatitig ito sa kanyang ginagawa.

“Masuwerte... saan?” Pinuno niya ng tubig ang balde at binuhat iyon palabas. Sinulyapan niya ito.

“Sa nangyari kanina. Noong pinatawag ka. Hindi ka pinatalsik agad.”

Bumalik si Haze sa loob at kinuha ang mop. Nang makalabas ay sinimulan niya nang lampasuhin ang hallway.

Pinagtakhan niya ito ng tingin. “Anong masuwerte ro’n? Hindi niya puwedeng gawin ’yon dahil wala naman akong kasalanan.”

Bahagya itong natawa. “Puwede gawin iyon Mr. Lopez, Haze. Maraming janitors na ang nagdaan sa kumpanyang ito; at karamihan sa kanila ay hindi nagtagal. Merong isang linggo o dalawang linggo lang tinatagal bago sinibak sa trabaho. Ang dahilan? Simpleng pagkakamali lang. Mas malala pa nga iyong kinasangkutan mo pero hindi ka nasibak kagaya nila,” paliwanag nito na animo’y namamangha. “Kaya ganoon na lang kung magulat iyong mga kasamahan natin, dahil sila mismo ay saksi sa mga kinahinatnan ng iba naming kasamahan. Para sa kanila, isang milagro ang nangyari sa iyo. Kaya malaya ko ring nasasabi na masuwerte ka.” Ngumiti ito kalaunan.

Tutok si Haze sa pakikinig sa kaharap na hindi niya man lang napansing nakahinto na pala siya. Ang talsik ng tubig sa kanyang suot na pantalon ang nagpabalik sa kanya sa wisyo. Napaatras siya at napatingin sa sahig.

Kaagad na nagpaumanhin si Manong Jomar dahil medyo nalakasan nito ang paglublob ng mop sa balde, kaya umapaw ang tubig. Hindi naman ganoon karami ang tumalsik sa kanya. Nabasa man pero hindi rin naman ganoon kalala. Patuloy pa rin ang matanda sa paghingi ng paumanhin, kaya ngumiti si Haze at sinabing okay lang.

Ilang beses na ring niyang narinig mula sa ibang tao na masuwerte raw siya. May ideya naman siya sa naging batayan nila para masabi iyan. Marahil ay para sa kanila ay masuwerte nga siya.

Pero kung siya ang tatanungin, sa saklap ng buhay na mayroon siya lalo na noon, hindi niya alam kung masasabi niya bang totoong masuwerte nga siya.

Malabo, eh. Sobra.

Related chapters

  • The CEO's Revenge    Chapter 4

    “Kumain ka na muna bago ka lumakad.” Nilingon ni Haze si Manong Jomar matapos isarado ang locker. Pasado ala una na ng hapon nang natapos sila sa trabaho. Mahaba ang hallway ng palapag na iyon. Kaya paniguradong aabutin siya ng alas dos kung hindi nagbuluntaryong tumulong ang matanda.“Oo nga. Sumabay ka na sa’min,” saad ni Aling Wena, ang ale kanina na kasama ni Manong Jomar. “Lagpas alas dose na, o. Hindi ka pa naman nakapagtanghalian,” dugtong nito habang sinusulyapan ang wall clock. “Baka bigla ka na lang himatayin d’yan sa kalsada. Ma-issue pang pinagkakaitan ng kumpanya ang mga empleyado ng pagkain.” Tinapunan niya ito ng tingin. “May kainan dito?” tanong niya. “May canteen sa likod nitong kumpanya,” si Manong Jomar ang sumagot. Napatango siya. “Kayo na lang ho. Hindi sapat itong dala kong pera, e.” Bente pesos lang naman ang dala niyang pera. Barya pa. Hindi ito kakasya kung sa canteen siya ng kumpanya kakain dahil siguradong mahal doon ang mga paninda. Uuwi na lang siguro

    Last Updated : 2023-08-05
  • The CEO's Revenge    Chapter 5

    Isang umiiyak na batang babae ang pumukaw sa kanyang atensyon. Nakatayo ito sa isang bakuran at nakatitig sa lumang bahay sa kanyang harapan. Marumi ang suot nitong puting bestida. Kapansin-pansin din ang may kalakihang mga butas sa ibabang parte nito. “Takbo! Tumakbo ka na! Lumayo ka na rito!” namutawi ang malakas na sigaw mula sa bahay na iyon. Bahagya itong natinag sa sigaw na iyon. Bakas sa mukha ng batang babae ang labis na takot at pagod. Nanginginig din ang katawan nito. Pero tila ba gusto pa nitong gumalaw at tumakbo papunta sa bahay na iyon. Binalingan ni Haze iyon. Mula sa nakabukas na pinto ay natanawan niya ang dalawang anino ng tao. Naramdaman niya ang paggalaw ng bata mula sa gilid ng kanyang mata kaya napatingin siya pabalik dito. “Takbo na!” umalingawngaw muli ang boses. The girl looks hesitant. It’s like she’s tied in a difficult decision of choosing between obeying the voice and wanting to save whoever is the owner of that voice. But with another scream, unti-un

    Last Updated : 2023-08-05
  • The CEO's Revenge    Chapter 6

    “You’re kidding me.” Tumayo si Hector mula sa couch at hinarap siya. Bakas sa mukha nito ang pagkabahala. “Alam mong hindi mo kakayanin ang ganyang klase ng trabaho, Haze.”She knew he would say that. “Hindi ko pa nasusubukan, Hector,” tugon niya. “Sinabi mo na sa akin kung anong klaseng trabaho ang papasukin mo. Kahit hindi mo pa nasusubukan, alam ko—”“Alam mo nang hindi ko kaya. Yeah. Alam ko rin naman ang bagay na ’yan. Pero kailangan ko pa ring subukan. Malay mo naman.”Haze battled with herself whether she would tell Hector about it or just keep it a secret. But then again, she realized that the man had the right to know what was happening. Hindi rin naman pwede na ilihim niya sa lalaki ang proposal ng boss niya at umalis na lang nang walang paalam. Hector would lose his sanity if she would do that. “But Haze—”“Hindi ko rin gustong umalis!” She looked at him. “Pero mas ayoko namang manatali rito at dumepende na lang sa’yo habambuhay. Kailangan kong matutong tumayo sa sarili

    Last Updated : 2024-06-27
  • The CEO's Revenge    Chapter 7

    Tahimik ang naging biyahe mula sa pantalan ng Sta. Fe papuntang Banayan. Walang kibo ang lalaking katabi ni Haze. Buong biyahe ay nakapikit lamang ang mga mata nito habang nakasandal sa headrest ng upuan, hanggang sa makarating sila sa bus terminal. Mula roon ay sinundo sila ng isang itim na sasakyan. Ilang minuto lang ang tinagal bago niya natanaw ang pigura ng mansyon, na habang papalit sila ay unti-unting lumalaki sa kaniyang paningin. Hindi moderno ang desinyo ng mansyon, kundi katulad ito ng isang kastilyo na ilang siglo nang nakatindig doon. Halata sa itsura nito ang ilang beses nang pagrenovate upang magmukha itong bago. Nahaharangan ito ng eskrima na gawa sa bakal, at hindi kalayuan sa likuran nito ay matatanaw ang malawak na dagat. “Nandito na tayo.” Narinig niyang sabi ni Mr. Hao. Nasa unahang upuan ito kaya hindi nito makitang kanina pa alam ni Haze ang bagay na iyon. Maya-maya pa ay huminto ang kanilang sinasakyan. Mula sa kinauupuan ay napansin niya ang dahan-dahang p

    Last Updated : 2024-06-27
  • The CEO's Revenge    Chapter 1

    Diniinan ni Haze ang floor mop sa marmol na sahig hanggang malampaso niya ang huling espasyo nitong hallway. Tinuko niya ang mop sa sahig at pinahid ang namumuong pawis sa kanyang noo. Pasimple niyang tinanaw ang kahabaan ng hallway saka bumuntonghininga. “Nyeta, bakit ba naman kasi ang haba-haba nito?“ bulong niya sa sarili. Naiiling niyang binuhat ang balde at tinahak ang hagdan pababa. Nang makalabas siya sa kumpanya ay natanawan niya kaagad ang guard na mukhang katatapos lang mag-roving. Nakatalikod ito kaya nilapitan niya na ito. “Magandang umaga, ho,” she greeted him. Bumakas ang gulat sa mukha ni Haze nang lumingon ito. May itsura at mukhang hindi nalalayo ang edad nila. Bakit pagga-guard ang kinuha nitong trabaho kung itsura pa lang, pasok na sa modeling?“Bakit?” magalang nitong tanong at ngumiti. “May kailangan ka?”Pinakita niya ang kanyang hawak na balde at mop. “Saan ko ba 'to pwedeng ilagay?” Dumapo ang paningin ng guard doon. “Hindi ba sinabi ng head janitor sa’yo

    Last Updated : 2023-07-31
  • The CEO's Revenge    Chapter 2

    “Wala kang gagawin ngayon?”“Meron.” Nag-angat ng tingin sa kanya si Hector. “Why? May iuutos ka na naman?”“Wala naman.” Nagsandok si Haze ng kanin. Naupo siya at pinagmasdan ang lalaki na ilagay ang sinigang na baboy sa mangkok. “Anong gagawin mo ngayon?”Sinauli nito ang pinaglutuan bago umupo sa kaharap na silya. “Pupunta ako ng ospital.”Natigil siya sa pag-ihip ng mainit na sabaw. Lumipad ang paningin niya pabalik dito. “Anong gagawin mo sa ospital?” pagtataka niya. “Tinablan ka na ba ng sakit?”Naiiling na natawa si Hector. “Hindi. May babantayan ako ro'n.”Kasabay ng agarang pagtigil niya sa pagkain ay ang pagkunot ng kanyang noo. “Babantayan? Sino?”“Iyong kapitbahay natin. Reymundo yata ang pangalan no'n.”“Bakit mo babantayan ang lalaking ‘yon eh mas gurang pa ‘yon sa’yo?”“Nasaksak ng kapatid.”“Hm.” Napatango si Haze. “Bastos ang bibig ng lalaking ‘yon, eh. Kung makapagsalita akala mo kung sino. Masasaksak talaga.”“You hate him that much?”“Lahat naman ng mga taga-rito g

    Last Updated : 2023-07-31

Latest chapter

  • The CEO's Revenge    Chapter 3

    “You again? The other day you made me your target, and now, it's Miss Gomez. Are you doing this because of what happened between the two us?” Silang dalawa lang ang naroon sa loob ng opisina ni Mr. Loepz. Ang babae kanina ay hindi na niya nakita pa matapos ang nangyaring iyon sa CR. Ang dinig niya ay umalis na raw para makapagpalit. Kasali siya roon sa meeting; at dahil sa insidenteng iyon ay hindi na ito natuloy. That woman was one of the company's biggest client. Bigatin. And she just called the meeting off dahil hindi raw nito kayang ganoon ang ayos habang kaharap ang iba pang kasosyo. Siguro nga ay hindi kayang maintindihan ni Haze ang nararamdaman ng babae gayong hindi naman siya nito kagaya. Delicate fashion was never included in her line of taste. Hindi siya mahilig sa damit na halos makita na ang kaluluwa sa sobrang ikli. Pati ang pagsuot ng heels na kapag natapilok ay siguradong bali ang mga buto. Kontento na siya sa simpleng ayos lang. She liked herself better whenever she

  • The CEO's Revenge    Chapter 2

    “Wala kang gagawin ngayon?”“Meron.” Nag-angat ng tingin sa kanya si Hector. “Why? May iuutos ka na naman?”“Wala naman.” Nagsandok si Haze ng kanin. Naupo siya at pinagmasdan ang lalaki na ilagay ang sinigang na baboy sa mangkok. “Anong gagawin mo ngayon?”Sinauli nito ang pinaglutuan bago umupo sa kaharap na silya. “Pupunta ako ng ospital.”Natigil siya sa pag-ihip ng mainit na sabaw. Lumipad ang paningin niya pabalik dito. “Anong gagawin mo sa ospital?” pagtataka niya. “Tinablan ka na ba ng sakit?”Naiiling na natawa si Hector. “Hindi. May babantayan ako ro'n.”Kasabay ng agarang pagtigil niya sa pagkain ay ang pagkunot ng kanyang noo. “Babantayan? Sino?”“Iyong kapitbahay natin. Reymundo yata ang pangalan no'n.”“Bakit mo babantayan ang lalaking ‘yon eh mas gurang pa ‘yon sa’yo?”“Nasaksak ng kapatid.”“Hm.” Napatango si Haze. “Bastos ang bibig ng lalaking ‘yon, eh. Kung makapagsalita akala mo kung sino. Masasaksak talaga.”“You hate him that much?”“Lahat naman ng mga taga-rito g

  • The CEO's Revenge    Chapter 1

    Diniinan ni Haze ang floor mop sa marmol na sahig hanggang malampaso niya ang huling espasyo nitong hallway. Tinuko niya ang mop sa sahig at pinahid ang namumuong pawis sa kanyang noo. Pasimple niyang tinanaw ang kahabaan ng hallway saka bumuntonghininga. “Nyeta, bakit ba naman kasi ang haba-haba nito?“ bulong niya sa sarili. Naiiling niyang binuhat ang balde at tinahak ang hagdan pababa. Nang makalabas siya sa kumpanya ay natanawan niya kaagad ang guard na mukhang katatapos lang mag-roving. Nakatalikod ito kaya nilapitan niya na ito. “Magandang umaga, ho,” she greeted him. Bumakas ang gulat sa mukha ni Haze nang lumingon ito. May itsura at mukhang hindi nalalayo ang edad nila. Bakit pagga-guard ang kinuha nitong trabaho kung itsura pa lang, pasok na sa modeling?“Bakit?” magalang nitong tanong at ngumiti. “May kailangan ka?”Pinakita niya ang kanyang hawak na balde at mop. “Saan ko ba 'to pwedeng ilagay?” Dumapo ang paningin ng guard doon. “Hindi ba sinabi ng head janitor sa’yo

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status