Share

The CEO's Revenge
The CEO's Revenge
Author: SonOfLincoln

Chapter 1

Author: SonOfLincoln
last update Huling Na-update: 2023-07-31 22:28:52

Diniinan ni Haze ang floor mop sa marmol na sahig hanggang malampaso niya ang huling espasyo nitong hallway. Tinuko niya ang mop sa sahig at pinahid ang namumuong pawis sa kanyang noo. Pasimple niyang tinanaw ang kahabaan ng hallway saka bumuntonghininga.

“Nyeta, bakit ba naman kasi ang haba-haba nito?“ bulong niya sa sarili.

Naiiling niyang binuhat ang balde at tinahak ang hagdan pababa. Nang makalabas siya sa kumpanya ay natanawan niya kaagad ang guard na mukhang katatapos lang mag-roving. Nakatalikod ito kaya nilapitan niya na ito.

“Magandang umaga, ho,” she greeted him.

Bumakas ang gulat sa mukha ni Haze nang lumingon ito. May itsura at mukhang hindi nalalayo ang edad nila. Bakit pagga-guard ang kinuha nitong trabaho kung itsura pa lang, pasok na sa modeling?

“Bakit?” magalang nitong tanong at ngumiti. “May kailangan ka?”

Pinakita niya ang kanyang hawak na balde at mop. “Saan ko ba 'to pwedeng ilagay?”

Dumapo ang paningin ng guard doon. “Hindi ba sinabi ng head janitor sa’yo kahapon?”

Napaisip si Haze. Ngunit wala siyang matandaan. At kung sinabi man, magtatanong ba siya kung alam niyang may alam na siya? Gusto niya iyong isagot pero sinubukan niyang intindihan si kuyang guard. Baka iba ang nasa isip nito.

“Hindi, eh. Baka nalimutan lang no’ng head janitor,” tugon niya.

Bahagyang umawang ang labi nito bago tumango. “Ah, sige. Pakilagay na lang d'yan at ako na ang mabibigay mamaya.” Tinuro nito ang upuan na malapit sa guard house. “May e-che-check pa kasi ako sa loob.”

Tumango siya. “Sige. Salamat.”

Muling ngumiti ang guard bago siya nito tinalikuran.

Pinagmasdan niya muna itong lumakad. Doon niya napansin na matambok pala ang pwet nito. Hapit na hapit din ang uniform sa katawan kaya kapansin-pansin ang magandang nitong hubog.

Nang makapasok sa loob ang guard ay saka niya lang sinunod ang sinabi nito. Matapos iyon ay tinahak niya ang daan palabas gamit ang maliit na gate.

Nilakad niya ang kaunting distansya. Nasa bandang unahan pa kasi ang pedestrian lane. Walang sasakyang dumaraan. Sobrang payapa at tahimik ng kalsada. Pero kahit na ganoon ay mas gusto niyang tumawid sa tamang tawiran.

Hindi isang mabait na mamamayang Pilipino si Haze. Gusto niya lang na kapag nasagasaan man siya ay may matatanggap siyang benepisyo. Aba, mahal ang ma-ospital. Mahal din ang kabaong. Mahal ang mga bilihin. Hindi sasapat ang ipon niya para ipambili ng kape at tinapay na ipapakain sa mga patay-gutom niyang kapitbahay kapag pinaglamayan siya.

Dinukot niya ang barya mula sa suot na pantalon. Binilang iyon habang papatawid ng pedestrian lane. Nang makarating sa huling ikalawang linya ay roon siya napahinto.

Kulang ng piso ang kanyang pera. Alam niyang hindi na gagana ang kanyang mga palusot sa mga driver na madalas niyang nasasakyan. Punong-puno na ang mga iyon sa mudos niya. Napakamot siya sa kanyang ilong.

“Baka nahulog lang?“ bulong niya.

Pumihit siya paharap sa kanyang dinaanan. Ngunit ganoon na lamang ang kanyang pagkagulat nang biglang may humarurot na sasakyan papunta sa kinaroroonan niya. Sa kanyang desperasyon para hindi masagi ay natumba siya sa gilid ng kalsada.

‘Aba'y p*****a 'yon, ah!’

She gazed at the running car, irritation played on her facial expression.

“Hoy!” sigaw niya ngunit hindi man lang ito huminto. Ramdam niya ang unti-unting pag-akyat ng dugo sa kanyang ulo. Pinulot niya ang sumbrero niyang nalaglag at mabilis na tumayo.

Nang mapansing huminto ang sasakyan sa harap ng gate ng kumpanyang kanyang pinagtatrabahuan ay kaagad niya itong nilapitan. Sarado iyon kaya hindi ito makapasok. Mukhang hindi pa yata nakababalik iyong gwapong guard.

‘Mas mabuti.’

“Hoy, p*****a, kung sino ka man, lumabas ka!” sigaw niya sabay katok sa bintana ng sasakyan.

Tinted iyon kaya hindi niya makita ang nasa loob. Sumigaw pa siya ulit ngunit hindi pa rin bumababa ang driver nito. Sa inis niya ay humakbang siya ng apat na metro mula sa sasakyan.

Mahigpit na ikinuyom ang kamay at walang pagdadalawang-isip na ibinato ang lahat ng baryang hawak niya roon sa sasakyan.

Sa lakas ng pagbato ay nagmistulang mga bala ng baril iyon nang tumama sa pinto at lateral window ng sasakyan. Biglang umingay ang tahimik na paligid. Dahil sa bawat pagtama ay tumatagingting ang mga barya kaya tila kinakalampang ito.

Haze didn't run. Nanatili lang siyang nakatayo roon, pinagmamasdan ang paggulong ng mga barya na sana’y pamasahe niya.

Maya-maya pa ay bumukas ang pinto ng sasakyan sa kanyang harapan. Lumabas mula rito ang isang matangkad na lalaki. Sa pagbungad pa lang ng kanyang ulo ay nasa sasakyan na kaagad ang atensyon nito.

Bumaling ito sa kanya. “Ikaw ang may gawa nito?” matigas nitong tanong habang nakaturo sa kanyang sasakyan.

Napatingin si Haze sa sasakyan nitong puno ng galos. May ibang parte pa na bahagyang nayupi. At ang bintana naman nito ay nagkaroon na ng mga kaunting bitak.

Secondhand yata iyan, eh.

“Ako nga,” simple niyang tugon. Binalik niya ang paningin sa lalaki. “Bakit? May problema ho ba kayo sa ginawa ko?”

Umawang ang labi ng kaharap sa narinig, tila hindi makapaniwala. “Problema?” Natawa ito ngunit bakas dito ang inis. “What the fuck. Of course, may problema ro'n! Look!” Mariin nitong turo sa mga galos. “Look what you've done! Look at what you've done TO. MY. CAR!”

Nabulabog ang katahimikan sa lakas ng boses nito.

Malalim ang kanyang paghinga. Matalim ang paraan ng kanyang pagtitig. Subalit hindi iyon sapat para takutin siya. Dahil kung galit ito, mas malala pa ang galit na nararamdaman niya.

P*****a pala siya. Paano kung nahagip ako ng sasakyan niya?

“Do you know how much this costs?” Humakbang ang lakaki paatras at bahagyang hinawakan ang sasakyan. “This car costs three million United States Dollar! That's exactly nine million Philippine Peso! Tapos ginanito mo lang?”

“Aba’y lintik ka pa lang lalaki ka!” Haze exploded. “Mas nag-aalala ka pa r’yan sa walang kwenta mong sasakyan kaysa sa akin na muntik mo nang masagasaan? Anong akala mo sa buhay ko, patapon?”

“Walang kwenta?” Natatawa nitong sinuklay ang kanyang buhok. “Look, lady. This car costs more than your very life. I don't care if you end up in the hospital bed or dead. My car is valuable and your life is worthless.”

“Tarantado ka, ah! Anong karapatan mong sabihin na walang kwenta ang buhay ko? Hoy! Hindi porke’t mayaman ka ay may karapatan ka nang maliitin ang kapuwa mo!”

“Anong nangyayari rito?”

Napatingin siya sa nagsalita. Iyong guard pala kanina. Binuksan nito ang gate at saka lumapit sa kanilang dalawa.

“Mr. Lopez,” magalang nitong pagtawag sa lalaking kanyang kaharap. Mukhang tama ang hinala niya na ito ang boss, eh. “Magandang umaga, po. May problema po ba?”

Nagtama ang mga mata nila no’ng lalaking nagngangalang Mr. Lopez. Pati iyong guard ay binalingan din siya. “That woman is harrassing me.”

Haze’s eyes widened. The skin between her brows knitted. “Anong harass-harass ang pinagsasabi mo? Hindi kita hina-harass dahil unang-una ako ang biktima rito!”

“It wasn't my fault na tatanga-tanga ka, Miss.” Namulsa ang lalaki.

“Anong sabi mo?” Humakbang siya palapit dito ngunit mabilis na humarang ang guard.

“Tama na po, miss,” pigil nito. “Mas mabuting umuwi na lang po kayo at magpahinga.”

Hindi niya alam. Pero mas lalo yatang nadagdagan ang init ng kanyang ulo dahil sa sinabi nito.

“Umuwi? Magpahinga?” She looked at him with disbelief. “Kuya muntik na’kong masagasaan ng lintik na lalaking ’yan! Ni humingi man lang ng tawad ’di niya pa magawa! Tapos ang kapal pa ng mukha na ipasa sa'kin ang kabobohan niya!”

“Gaya ng sinabi niyo, hindi po kayo nasagasaan, muntik lang. Hindi rin po kayo namatay.” His words stunned the hell out of her. Sinubukan pa siya nitong hawakan pero pumiglas siya.

A sarcastic laugh burst out of her. “Ah, ang ibig mong sabihin, hihingi lang ng tawad ’yang lalaking ’yan kapag nadali niya talaga ako, gano’n ba?”

Mukhang kahit na anong gawin at sabihin niya. hindi sila interesado. Hindi sila maniniwala. Siya na ang naagrabyado, buhay niya na ang nalagay sa alanganin, pero tila wala silang pakialam. Sa madaling salita, nagsasayang lang siya ng oras dito.

She asked herself in her mind, ‘bakit ngayon ko lang 'to naisip?’ Hindi niya lubos ma-isip kung gaano nakasusuka ang pag-uugali ng ibang mga mayayaman.

“Take her away, Lopez,” mariin na utos ng lalaki sa guard. “Ilang oras na lang ay darating na ang ibang employees. They shouldn't see a modern day Sisa this early in the morning. It would negatively affect their work performance.”

Matapos sabihin iyon ay mabilis sila nitong tinalikuran. Pumasok ito sa sasakyan at pinaharurot iyon papasok.

Himalang mas pinili na lang ni Haze na titigan ang sasakyan hanggang sa mawala iyon sa kanyang paningin. Isang himala na hindi niya iyon hinabol at pinagbabato gaya ng ginawa niya kanina. Isang malaking himala na hindi na siya sumabat nang tinawag siya nitong Sisa. Siguro ay dahil sa pagod?

“Here.”

Naagaw ng guard ang kanyang atensyon. Napatingin siya sa kamay nito na may hawak na pera.

Kumunot ang kanyang noo. “Anong gagawin ko r'yan?”

“Galing kay Mr. Lopez ’yan. It's his way of saying sorry.”

Nagsalubong ang kilay niya sa narinig. Pinapamukha ba nito sa kanya na mukha siyang pera? Ang akala ba nito na kaya niya ito binulabog ay dahil gusto niya ng pera? Gano’n na ba talaga kababa ang tingin nito sa kanya? Aba’y p*****a pala siya!

“Just take it. Alam kong kailangan mo 'to.” Ngumiti pa ito. Mas uminit ang kanyang ulo.

Kinuha niya iyon sa kamay nito at mabilis na binilang. Sampung libo lahat.

Ganito ba ang ginagawa niya sa lahat ng taong nagagawan niya ng kasalanan? Binabayaran? Hindi na bago sa pandinig ni Haze ang ganitong kalakaran lalo na sa mga taong nasa itaas. Pero hindi niya lubos na akalain na mararanasan niya ito nang harapan.

Natawa siya.

Akmang tatalikuran na siya ng guard nang hawakan niya ang kamay nito. Pansin niyang ikinagulat ng lalaki ang ginawa niyang iyon. Plastic niya lang itong nginitian bago pabagsak na inilapag pabalik sa palad nito ang binigay nitong pera.

“Hindi ko kailangan ’yan.” Diniinan pa niya ang pera sa kamay nito. “Kahit na limpak-limpak na pera at ginto pa ang ibigay niya ay wala akong pakialam, naiintindihan mo?” Nakabuka pa ang palad nito kaya tinulungan niya itong ikuyom iyon. “Pakisabi na rin sa boss mo na isampal niya sa makapal niyang mukha iyang kakarampot na perang binigay niya. Sabihin mo na hindi ako bayaran at hindi rin ako uhaw sa pesteng pera niyang ’yan. Sabihin mo rin na sana bumagsak iyang kumpanya niya para naman maranasan niyang maghirap nang kunti! Naiintindihan mo?”

Mabilis itong napatango. Parang gulat na gulat pa ito nang kanya itong pinagmamasdan ng maigi.

“At isa pa, ayusin mo ’yang trabaho mo. Guard ka pa naman," huli niyang sabi bago ito tinalikuran.

Binagtas ni Haze ang kahabaan ng kalsada hanggang sa marating ang paradahan ng mga traysikel. May iilan nang nakaparada roon; at nang naglakad siya palapit ay kaagad siyang napansin.

“O, Haze,” si Roman. Umayos ito ng pag-upo sa backseat. Nakakunot ang noo. “Bakit ang aga mo yata? May lakad?”

“Tapos na.” Namulsa siya at sinilip ang loob ng traysikel. Walang tao roon. “Pasakay, ah?”

Hindi pa man nakasasagot ang lakaki ay umikot na siya. Saktong pag-apak niya papasok ay nagsalita ito.

“Pamasahe muna, Haze.” May pagbabanta sa boses nito. “Hindi private vehicle ang sasakyan ko.”

Nanatili ang isa niyang paa sa tapakanan. Napakamot siya sa kanyang mukha saka ito sinilip.

‘Ang malas naman. Wala na rito ang perang pamasahe ko.’

“Iyang braso mo,” pagsasalita ni Roman.

“Ano?”

“Iyang braso mo, anong nangyari r'yan?” Bumaba ito mula sa backseat. Lumapit ito sa kanya suot ang seryosong ekspresyon. Dumapo ang paningin nito sa kanyang braso.

Umayos siya ng tayo. Tinanggal niya ang kamay mula sa bulsa at tiningnan ang tinutukoy ni Roman. Mga gasgas iyon at natuyo nang dugo sa bandang likod sa pang-ibabang parte ng kanyang braso. Namumula rin kaya agaw-pansin.

“Ah, ito ba?” Sinulyapan niya ito. “Nadulas ako kanina sa pinagtatrabahuan ko.”

“Pinagtatrabahuan? May trabaho ka na?” Nakakunot na ang noo nito nang tingalain niya ito.

Namulsa siya ulit. “Ouh. Janitor d'yan sa kumpanyang nasa unahan lang.”

Umawang ang labi nito, tila hindi makapaniwala sa narinig. “Sa kumpanya ng mga Lopez ka nagtatrabaho? Nakapasok ka ro'n?”

Pinangunutan niya ng noo si Roman. “Gulat na gulat ka, ah. Bakit? Hindi ba kapani-paniwala?” Ngumiwi siya.

“Hindi naman.” Sumandal ito sa gilid ng traysikel nito. “Nag-apply rin kasi sina Primo d'yan at iyong dalawa niyang tropa. Janitor din ang papasukin sana. Ang kaso ay hindi natanggap.” Huminto ang lalaki at binalingan siya. “Kailan ka ba nag-apply?”

“Kahapon ng hapon,” tugon niya.

“At natanggap ka agad?” Tinanguan niya ito. “Noong isang araw lang nag-apply sina Primo. Ang sabi sa kanila ng management ay puno na raw ang slots para sa Janitorial services. Hindi na sila umabot. Pero bakit...”

“Aba'y ewan ko.” Sumampa si Haze sa traysikel nito saka umupo sa loob. “Punta ka ro'n at tanungin mo iyong pesteng lalaking nagngangalang Mr. Lopez.”

“Ang may-ari iyan, ah?” pagtataka nito. “Anong namang itatanong ko?”

“Itanong mo kung bakit ang bobo niya.”

Kaugnay na kabanata

  • The CEO's Revenge    Chapter 2

    “Wala kang gagawin ngayon?”“Meron.” Nag-angat ng tingin sa kanya si Hector. “Why? May iuutos ka na naman?”“Wala naman.” Nagsandok si Haze ng kanin. Naupo siya at pinagmasdan ang lalaki na ilagay ang sinigang na baboy sa mangkok. “Anong gagawin mo ngayon?”Sinauli nito ang pinaglutuan bago umupo sa kaharap na silya. “Pupunta ako ng ospital.”Natigil siya sa pag-ihip ng mainit na sabaw. Lumipad ang paningin niya pabalik dito. “Anong gagawin mo sa ospital?” pagtataka niya. “Tinablan ka na ba ng sakit?”Naiiling na natawa si Hector. “Hindi. May babantayan ako ro'n.”Kasabay ng agarang pagtigil niya sa pagkain ay ang pagkunot ng kanyang noo. “Babantayan? Sino?”“Iyong kapitbahay natin. Reymundo yata ang pangalan no'n.”“Bakit mo babantayan ang lalaking ‘yon eh mas gurang pa ‘yon sa’yo?”“Nasaksak ng kapatid.”“Hm.” Napatango si Haze. “Bastos ang bibig ng lalaking ‘yon, eh. Kung makapagsalita akala mo kung sino. Masasaksak talaga.”“You hate him that much?”“Lahat naman ng mga taga-rito g

    Huling Na-update : 2023-07-31
  • The CEO's Revenge    Chapter 3

    “You again? The other day you made me your target, and now, it's Miss Gomez. Are you doing this because of what happened between the two us?” Silang dalawa lang ang naroon sa loob ng opisina ni Mr. Loepz. Ang babae kanina ay hindi na niya nakita pa matapos ang nangyaring iyon sa CR. Ang dinig niya ay umalis na raw para makapagpalit. Kasali siya roon sa meeting; at dahil sa insidenteng iyon ay hindi na ito natuloy. That woman was one of the company's biggest client. Bigatin. And she just called the meeting off dahil hindi raw nito kayang ganoon ang ayos habang kaharap ang iba pang kasosyo. Siguro nga ay hindi kayang maintindihan ni Haze ang nararamdaman ng babae gayong hindi naman siya nito kagaya. Delicate fashion was never included in her line of taste. Hindi siya mahilig sa damit na halos makita na ang kaluluwa sa sobrang ikli. Pati ang pagsuot ng heels na kapag natapilok ay siguradong bali ang mga buto. Kontento na siya sa simpleng ayos lang. She liked herself better whenever she

    Huling Na-update : 2023-07-31
  • The CEO's Revenge    Chapter 4

    “Kumain ka na muna bago ka lumakad.” Nilingon ni Haze si Manong Jomar matapos isarado ang locker. Pasado ala una na ng hapon nang natapos sila sa trabaho. Mahaba ang hallway ng palapag na iyon. Kaya paniguradong aabutin siya ng alas dos kung hindi nagbuluntaryong tumulong ang matanda.“Oo nga. Sumabay ka na sa’min,” saad ni Aling Wena, ang ale kanina na kasama ni Manong Jomar. “Lagpas alas dose na, o. Hindi ka pa naman nakapagtanghalian,” dugtong nito habang sinusulyapan ang wall clock. “Baka bigla ka na lang himatayin d’yan sa kalsada. Ma-issue pang pinagkakaitan ng kumpanya ang mga empleyado ng pagkain.” Tinapunan niya ito ng tingin. “May kainan dito?” tanong niya. “May canteen sa likod nitong kumpanya,” si Manong Jomar ang sumagot. Napatango siya. “Kayo na lang ho. Hindi sapat itong dala kong pera, e.” Bente pesos lang naman ang dala niyang pera. Barya pa. Hindi ito kakasya kung sa canteen siya ng kumpanya kakain dahil siguradong mahal doon ang mga paninda. Uuwi na lang siguro

    Huling Na-update : 2023-08-05
  • The CEO's Revenge    Chapter 5

    Isang umiiyak na batang babae ang pumukaw sa kanyang atensyon. Nakatayo ito sa isang bakuran at nakatitig sa lumang bahay sa kanyang harapan. Marumi ang suot nitong puting bestida. Kapansin-pansin din ang may kalakihang mga butas sa ibabang parte nito. “Takbo! Tumakbo ka na! Lumayo ka na rito!” namutawi ang malakas na sigaw mula sa bahay na iyon. Bahagya itong natinag sa sigaw na iyon. Bakas sa mukha ng batang babae ang labis na takot at pagod. Nanginginig din ang katawan nito. Pero tila ba gusto pa nitong gumalaw at tumakbo papunta sa bahay na iyon. Binalingan ni Haze iyon. Mula sa nakabukas na pinto ay natanawan niya ang dalawang anino ng tao. Naramdaman niya ang paggalaw ng bata mula sa gilid ng kanyang mata kaya napatingin siya pabalik dito. “Takbo na!” umalingawngaw muli ang boses. The girl looks hesitant. It’s like she’s tied in a difficult decision of choosing between obeying the voice and wanting to save whoever is the owner of that voice. But with another scream, unti-un

    Huling Na-update : 2023-08-05
  • The CEO's Revenge    Chapter 6

    “You’re kidding me.” Tumayo si Hector mula sa couch at hinarap siya. Bakas sa mukha nito ang pagkabahala. “Alam mong hindi mo kakayanin ang ganyang klase ng trabaho, Haze.”She knew he would say that. “Hindi ko pa nasusubukan, Hector,” tugon niya. “Sinabi mo na sa akin kung anong klaseng trabaho ang papasukin mo. Kahit hindi mo pa nasusubukan, alam ko—”“Alam mo nang hindi ko kaya. Yeah. Alam ko rin naman ang bagay na ’yan. Pero kailangan ko pa ring subukan. Malay mo naman.”Haze battled with herself whether she would tell Hector about it or just keep it a secret. But then again, she realized that the man had the right to know what was happening. Hindi rin naman pwede na ilihim niya sa lalaki ang proposal ng boss niya at umalis na lang nang walang paalam. Hector would lose his sanity if she would do that. “But Haze—”“Hindi ko rin gustong umalis!” She looked at him. “Pero mas ayoko namang manatali rito at dumepende na lang sa’yo habambuhay. Kailangan kong matutong tumayo sa sarili

    Huling Na-update : 2024-06-27
  • The CEO's Revenge    Chapter 7

    Tahimik ang naging biyahe mula sa pantalan ng Sta. Fe papuntang Banayan. Walang kibo ang lalaking katabi ni Haze. Buong biyahe ay nakapikit lamang ang mga mata nito habang nakasandal sa headrest ng upuan, hanggang sa makarating sila sa bus terminal. Mula roon ay sinundo sila ng isang itim na sasakyan. Ilang minuto lang ang tinagal bago niya natanaw ang pigura ng mansyon, na habang papalit sila ay unti-unting lumalaki sa kaniyang paningin. Hindi moderno ang desinyo ng mansyon, kundi katulad ito ng isang kastilyo na ilang siglo nang nakatindig doon. Halata sa itsura nito ang ilang beses nang pagrenovate upang magmukha itong bago. Nahaharangan ito ng eskrima na gawa sa bakal, at hindi kalayuan sa likuran nito ay matatanaw ang malawak na dagat. “Nandito na tayo.” Narinig niyang sabi ni Mr. Hao. Nasa unahang upuan ito kaya hindi nito makitang kanina pa alam ni Haze ang bagay na iyon. Maya-maya pa ay huminto ang kanilang sinasakyan. Mula sa kinauupuan ay napansin niya ang dahan-dahang p

    Huling Na-update : 2024-06-27

Pinakabagong kabanata

  • The CEO's Revenge    Chapter 1

    Diniinan ni Haze ang floor mop sa marmol na sahig hanggang malampaso niya ang huling espasyo nitong hallway. Tinuko niya ang mop sa sahig at pinahid ang namumuong pawis sa kanyang noo. Pasimple niyang tinanaw ang kahabaan ng hallway saka bumuntonghininga. “Nyeta, bakit ba naman kasi ang haba-haba nito?“ bulong niya sa sarili. Naiiling niyang binuhat ang balde at tinahak ang hagdan pababa. Nang makalabas siya sa kumpanya ay natanawan niya kaagad ang guard na mukhang katatapos lang mag-roving. Nakatalikod ito kaya nilapitan niya na ito. “Magandang umaga, ho,” she greeted him. Bumakas ang gulat sa mukha ni Haze nang lumingon ito. May itsura at mukhang hindi nalalayo ang edad nila. Bakit pagga-guard ang kinuha nitong trabaho kung itsura pa lang, pasok na sa modeling?“Bakit?” magalang nitong tanong at ngumiti. “May kailangan ka?”Pinakita niya ang kanyang hawak na balde at mop. “Saan ko ba 'to pwedeng ilagay?” Dumapo ang paningin ng guard doon. “Hindi ba sinabi ng head janitor sa’yo

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status