TAMARA’S P O VNapaluha ako pagkatapos ibaba ni Lily ang telepono. Sobrang miss ko na siya. Mis na miss ko na ang anak ko. Kailangan ko siya ngayon dito sa tabi ko, pero hindi pwede. Hindi ko rin siya maaalagaan dahil sa kalagayan ko. Mas maiging doon muna siya kay mama habang nagpapagaling pa ako.Nahiga ako sa kama ng dahan-dahan, ang pagitan ng mga hita ko ay nasasalpakan ng pagkakapal kapal na sanitary pads.Nais ko mang iwaksi, ay pilit na bumabalik sa aking isipan ang nangyari sa hospital. Habang itinutulak ng isang medical staff ang wheelchair na sinasakyan ko ay mayroong biglang bumulwak na madulas at parang laman mula sa aking kaibuturan, palabas sa akin. Hindi ito masakit, pero sobra itong nagpabilis ng tibok ng puso ko, at nagpanginig ng aking kalamnan at pagyanig ng buong pagkatao ko.Hindi ito maaari!Hindi pwedeng mawala ang baby ko!“Nurse, may lumabas mula sa akin.” Nanginginig ang boses kong saad dito, ngunit hindi ito nagsalita at nagpatuloy sa pagtulak sa wheelchair
TAMARA’S P O VI closed my eyes and took a deep breath before I unlocked the door to the bedroom. May susi ito sa bahay pero sa kwarto ay wala. Hindi naman kasi namin ugaling maglock ng kwarto kaya hindi kami nagdadala ng susi nito tuwing aalis kami.Bumungad sa akin ang maputlang si Harry. Ang mga mata nitong may mga maiitim na eyebags sa ilalim ay nagsusumamo at nagmamakaawa sa akin, pero hindi ko ito binigyang-pansin. Ang napansin ko ay ang pangangayayat niya ng bahagya.“Tamara…” matamis ang ngiting ibinigay niya sa akin. “Akala ko hindi mo na ako muli pang kakausapin. Salamat…”“Tumigil ka, Harry…” tiim ang mga bagang na sabi ko. Akala naman nito ay madadaan ako sa pagngiti ngiti niyang iyon. Tumabi ako at sinenyasan ko siyang pumasok.Alanganing humakbang siya papasok, at huminto ito mismo sa harap ko.“Upo!” utos ko dito na para bang isang aso ang kausap ko.Agad naman itong tumalima at naupo sa kama.“Hindi diyan!” agad kong pigil dito. “Doon ka maupo.” Itinuro ko ang upuan sa
TAMARA’S P O V“Pwede bang tama na, Tamara…” nagmamakaawang sabi ni Harry. “Please, hindi mo na kailangang malaman pa ang mga---”“Pwes, gusto ko!” sigaw ko dito. “Gusto kong malaman ang lahat lahat. Lahat ng ginawa mo, lahat ng pinuntahan niyo, lahat ng panloloko mo! Huwag ka ulit magsisinungaling sa akin, Harry. Tinawagan ko ang kabit mo at sinabi niya ang lahat sa akin.” Huminga ako ng malalim at pilit kinalma ang aking sarili, bago ulit ako nagsalita ng mahinahon ang boses. “Tignan natin kung pareho kayo ng kuwento. Tignan ko kung sino sa inyo ang nagsisinungaling.”Lupaypay na nagyuko ito ng tingin.Matapos ang ilang minutong katahimikan ay nagsimula na siyang magkuwento.“Lasing ako noong gabing iyon. Hindi ako makapag-isip ng tama. Wala lang iyon. Walang ibig sabihin iyon, basta na lamang nangyari…”He looked up at me, and I looked back at him wordlessly."It was a mistake. A drunken mistake, at iyon lang ‘yun.” Nagpakawala ito ng isang malalim na buntong-hininga. “Kung hindi k
TAMARA’S P O V“Nagulat na lang ako nang dumating siya sa resort noong araw na iyon. Nakarinig ako ng mga katok, at akala ko ikaw ‘yun. Akala ko sumunod ka sa akin. Akala ko sinorpresa mo ako---’’ Bumuntong-hininga muna ito ng malalim bago nagpatuloy. “Nagulat ako nung pagbukas ko ng pinto, andun siya nakatayo. ‘Yun ang totoo, Tam. Hindi talaga namin pinlano ang pagpunta niya doon. Tinanong pa nga niya kung nasaan ka daw, sabi ko masama ang pakiramdam mo, kaya nagstay ka na lang sa bahay.”Napaismid ako. Bakit kailangan niya pang sabihin sa babae niya kahit ang pinakamalilit na detalye tungkol sa buhay namin? “O tapos? Nagsex na kayo?”Umiling ito.“Sabi niya, may dinalaw lang daw siya malapit sa lugar. May kamag-anak daw siya sa Batangas na matagal na niyang hindi nadadalaw, at dumaan lang sa resort para sana bumati sa atin. Wala daw siyang kaalam-alam na mag-isa lang ako sa cottage. Pinapasok ko siya, tapos…’’ napabuga ito ng hangin. Tila nahihirapang ipagpatuloy ang susunod na sasa
TAMARA’S P O V“Si Sabrina? ‘Yung boss mong nilalandi ang lahat ng empleyado niya?” hindi makapaniwalang tanong ko. Naalala ko ang hikaw na suot nito noong family day. Hindi ito pearl. Isa itong diamond. Pero kay Harry na mismo nanggaling na kay Sabrina ang hikaw na hawak ko.“Wala namang ibig sabihin iyong nangyari sa amin. It was just a distraction to her. At saka…” tumingin si Harry sa aking mga mata. “Aalis na ako sa trabaho ko sa isang buwan. Tinapos ko na ang lahat sa amin bago pa dumating ‘yung araw na may nangyari sa resort. Nagpasa na ako ng resignation bago ako bumiyahe pa-Batangas.”Pero hindi na ako nakikinig sa kanya.Pinanlisikan ko siya ng mga mata. Itong lalakeng ito na kamukhang-kamukha ng first love ko na si Daniel de Guzman. Itong lalakeng ito na ipinangakong mamahalin ako, aalagaan ako habang-buhay. Itong lalakeng ito na pinakasalan ako, anim na taon na ang nkararaan. Ang lalakeng ito na sinira ang tiwala at niloko hindi lang ako, kundi pati na ang anak ko. Ang lal
TAMARA’S P O V “Tamara…’’ nabigla si Harry sa sinabi ko. Ang mukha nito ay tila hindi makapaniwala habang tulalang nakatingin sa akin. “Get out, Harry!” I roared. “Ayaw ko nang makita 'yang pagmumukha mo! Get out of my life! Get the fuck out! Now!” Napayuko ito. Dahan-dahan at tahimik ang mga hakbang nitong lumabas ng bahay. Isinalya kong muli ang pinto pasara at saka ko isinandal ang likod ko sa pinto bago ako dumausdos pababa at naglupasay sa sahig. Tinakpan ko ng aking kanang kamay ang aking bunganga upang kontrolin ang malakas na paghagulgol. Alam kong nandoon pa din sa labas si Harry. Nararamdaman kong nandoon pa rin siya, nakatayo at nakikiramdam. Hindi niya ako dapat marinig. Hindi niya dapat malaman na umiiyak ako. Baka akalain niya na siya ang iniiyakan ko. Baka ang akala ng damuho ay nanghihinayang ako sa kanya. Mga ilang minuto lamang ang lumipas ay narinig ko ang mga mabibigat na yabag niya habang naglalakad palayo. I wiped my tears harshly, and slowly, I stood up.
TAMARA’S P O V“Nagkamali ka sa pagpapakasal sa lalaking iyon, aminin mo na kasi.” Pagbibigay-diin ni Wendy, at hindi binigyang pansin ang bahagyang pagtaas ng boses ko. “Nagpapanggap ka lang na masaya sa piling niya, hindi ba? Nagpapanggap kang mahal mo siya! Pero ang totoo, malungkot ka! Nagsisisi ka sa ginawa mong pagpatol sa lalaking ‘yan! Nagsisisi ka na hindi ka nakinig sa akin!”“Shut up, Wendy!” angil ko. “Wala kang alam tungkol sa buhay ko! Wala kang alam tungkol sa amin! Wala!”“At ayokong malaman kahit ano tungkol sa lalakeng iyon…” bigla itong kumalma. “Matutulungan kita. Kung gusto mong layasan siya, tutulungan kita. May pera ako.”“Sige na. Marami pa akong gagawin…”At hindi ko kailangan ang pera mo.Hindi ko na ito isinatinig pa at baka mag-away lang kami lalo.“Pag-isipan mong mabuti, Tam---‘’’ Hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sasabihin dahil ibinaba ko na ang tawag.Pero tumawag ulit ito, pero hinayaan ko munang magring ng magring ang cellphone ko ng ilang segund
TAMARA’S P O V“Ipalaglag mo na lang ‘yang dinadala mo...’’ I remember Wendy telling me this when I was back in our apartment near the University.“Hindi ko ito ipapalaglag, Wendy…” anak ko ito. Dugo at laman ko. Hindi ko maaatim na patayin ang sarili kong anak. “Sabi ni Harry pakakasalan niya daw ako. At umoo ako. Ikakasal na kami sa isang buwan.”“Ano?” padabog nitong ipinatong ang kawali sa kalan. “Nababaliw ka na ba? Magpapakasal ka sa kanya? Paano na ang mga plano natin? Ano ka ba naman, Tam! Nag-iisip ka ba?”“Magiging nanay na ako…” mahina kong sabi.She made a scornful noise. “Akala ko ba magtatravel pa tayo at lilibutin ang buong mundo? Akala ko ba hindi tayo magiging katulad ng mga nanay natin na maagang nagsipag asawa? Na maagang nagpabuntis. Ang labo mo naman, Tam!”“Pwede ko namang gawin ang lahat ng mga ‘yan kahit may pamilya na ako.” giit ko dito.“Eh pa’no naman ako?” may tampo sa tono nito. "Ang tagal kong inasahan 'to. Ang tagal natin 'tong plinano."“Pwede ka pa rin
TAMARA’S P O VKinabukasan ay maagang inihatid ni mama si Lily sa school kaya naman pagbaba ko sa kusina para mag-almusal ay hindi ko na sila naabutan. Hindi rin ako ginising ng anak ko. Siguro ay sinabi dito ni mama na hindi ako papasok sa trabaho ngayon. Nag-isip na lamang siguro ng dahilan si mama kung bakit, dahil alam kong matanong ang anak ko.Nagkape muna ako, at kumain ng tasty bread na nilagyan ko ng palaman na peanut butter. Habang kumakain ay nagiiscroll ako sa cellphone ko kung saan ako pwedeng mag-apply ng trabaho. Pwede siguro ako sa call center dahil fluent naman akong magsalita ng english. Pwede din sa office ulit, mag-iistart ako sa mababang posisyon kagaya ng secretary o personal assistant. Ilang araw pa lang naman kasi akong branch manager sa opisina kaya hindi ko ito pwedeng ilagay as experience.Ah, bahala na. Lalabas na lamang ako at maghahanap kung ano ang mga hiring.Pagkahugas ko ng ginamit kong tasa ay umakyat na ulit ako sa taas para maligo. Kailangan kong u
TAMARA’S P O VAyos na sana ang lahat. Papatawarin ko na sana siya sa ginawa niya sa akin, kaya lang ay bigla ulit itong nagsalita at sinabing, “Kung magreresign ka man, kailangan mong bayaran ang breach of contract…” nakangisi nitong sabi. “Pero isang tingin ko pa lang sa’yo ay hindi mo na kayang bayaran ito…” dagdag pa nito bago tumaas-baba ang tingin nito sa akin at pinagmasdan ang lumang kasuotan ko. “Hindi din siguro sasapat ang ipon mo para bayaran ako, tama ba?”Yumuko ako para itago ang pamumula ng mukha ko dahil sa pagkapahiya. Hindi na ako nakakapamili ng mga bagong suotin sa opisina dahil iniisip ko ang ipon ko para kay Lily. Para sa kanyang pangangailangan ang kakaunting naipon ko kaya hindi muna ako gumagastos para sa aking sarili. Bigla akong nakaramdam ng awa sa sarili ko at sa anak ko. Heto ako nagtitiis upang mabuhay siyang mag-isa samantalang ang tatay niya ay isang milyonaryo at may-ari ng isang matagumpay na kumpanya.Eksaktong paglapit sa akin ni Daniel ay lumipad
TAMARA’S P O VNagkita ulit kami ni Daniel noong may party ang company, pero isa iyon sa mga hindi ko inaasahang mangyayari. At dahil doon ay nakita kami ni Harry at nag-isip agad ito ng masama tungkol sa amin. Akala ko hindi ko na ulit siya makikita, pero wala namang problema kung magkita ulit kami, pero ‘yung maging boss ko siya at araw-araw kaming magkakasama, hindi ko ata kakayanin iyon, lalo na sa sitwasyon ko ngayon.Paano kung malaman niya ang tungkol kay Lily? Baka kunin niya sa akin ang anak ko. Natatakot akong gawin niya iyon. Mas mabuti pang magresign na lamang ako sa trabaho, at kahit bumalik kami sa Maynila, huwag lamang mawala ang anak ko sa akin.Noong sinabi sa akin ni Wendy na nagpakasal na ulit si Daniel, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Pakiramdam ko ay galit na galit sa akin ang mundo. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Maluwag kong tinanggap ang naging kapalaran namin ni Daniel. Alam kong hindi talaga kami para sa isa’t isa dahil ayaw sa akin n
TAMARA’S P O V As usual, nagviral ang video na iyon ni Wendy at tinadtad ito ng iba’t ibang mga comments kagaya ng: “Malandi ang author ng book, bagay lang sa kanya ‘yan!” “Mang-aagaw! Homewrecker! Kulang pa sa’yo yan!" “Dapat ipasunog lahat ng libro mo. Wala nang bibili niyan! Hindi ka pa sumisikat laos ka na kaagad!” Tapos may nabasa pa akong mga comment tungkol naman ito kay Harry. “’Yang lalaki, may anak yan na six or seven years old. Kaklase dati ng anak ko ang anak niyan sa Cubao.” “Cubao? Di ba taga Cebu si Wendy? Paano sila nagkikita ng ganun kalayo?” “Baka naman etong babae talaga ang habol ng habol at panay ang punta dito sa Maynila para magpakantot lang sa lalaking ‘yan! Idinadahilan lang 'yung libro niya, Napakalandi talaga! Sariling kaibigan mo ang niloko mo! Ahas ka! Doon ka sa gubat nararapat!” “Balita ko naglayas na ‘yung tunay na asawa kasama ‘yung anak nila.” “Kahit ako man, iiwanan ko talaga ang babaerong ‘yan! Walang kwentang lalaki!” Sinubukan ko pang b
TAMARA’S P O VUmiiyak na si Harry sa harap ko. At nagsimula na naman itong maglitanya. Mga araw-araw na message niya sa akin na parang sirang plakang inuulit-ulit niya ngayon.“I’m sorry, Tamara. Please forgive me. Please… pwede pa tayong magsimula ulit. Hindi ko kakayanin ang mawala ka. Ang mawala kayo ni Lily sa buhay ko. Mahal na mahal kita, Tam. Please…”He looked up at me. And I was reminded of the way he had looked up at my mom as we sat in the living room of her house six years ago. Ang kanyang mga mata ay punong-puno ng sinseridad habang kinakausap ang mama ko para hingin ang mga kamay ko. He was so raw and honest, like his words, stumbling, yet so sweet and gentle.“Alam mo, mabuti na lamang at hindi ikaw ang tunay na ama ng anak ko.” Hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa sobrang galit na namuo sa dibdib ko. Dahil sa tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko ang mga pagdurusa ni Lily. Sa tuwing sinasabi nito na, ''hindi na ako mahal ni daddy, mommy,'' para akong sinasaksak ng
TAMARA’S P O VNapagdesisyunan kong ibigay na lamang kay Harry ang bahay. Ipinagpipilitan nito na kailangan daw naming maghati kapag naibenta na niya ito. SIyempre hati kami. Hindi ako papayag na mapunta lang ang perang mapagbebentahan namin sa babae niya. At saka mas lugi ako dahil may anak ako. Alam ko naman na hindi siya magsusutento kay Lily, at hindi ko naman talaga hihingin iyon sa kanya, at kahit magpumilit pa ito ay hindi ko tatanggapin dahil wala siyang obligasyon sa anak ko. Wala na siyang karapatan ngayon sa anak ko, dahil lahat ng pagkakataon na ibingay ko ay binalewala lang nito. Hindi nito pinahalagahan ang pagmamahal na ibinigay sa kanya ng anak ko.Isang araw ay tumawag ito pero hindi ko ito sinagot kaya naman nag-iwan na lamang ito ng mensahe sa voice mail.His voice cracked with emotions as he said, “Natanggap ko na ang annulment papers kaninang umaga lang. Gusto kong malaman mo na… hindi ako kumokontra dito. Nagkasala ako sa’yo. Niloko kita, at alam kong hinding-hi
TAMARA’S P O VIt’s been two months. Two months had passed since the day I found out about Harry and Wendy’s secret affair. At magmula noon ay natahimik na ang buhay ko. Nalaman kong niloloko ako ng asawa ko, fine. Ipinagpalit niya ako sa iba, at sa sarili kong kaibigan, fine. Huwag na huwag lang nila akong guguluhin, lalong lalo na ang anak ko dahil talagang magsasampa ako ng kaso para sa kanilang dalawa. Gusto ko sanang ngayon na gawin, pero ayoko na ng gulo. Gusto ko na lamang manahimik para sa kapakanan ng anak ko.Nagdesisyon na rin akong umalis sa bahay na ipinundar naming mag-asawa at nagsabi sa mama ko na doon muna kami sa kanya sa bahay nito sa Sampaloc.Sinimulan ko nang ayusin ang mga gamit namin ni Lily at inilagay ang mga ito sa mga boxes at bags. Lilipat muna kami sa bahay ni mama. Doon muna kami titira dahil ayoko nang manatili pa sa bahay na ito. Maraming mga alaala ditto na gusto ko nang kalimutan.Si Harry ay hindi malaman ang gagawin habang pinapanood ang mga tagaha
HARRY’S P O VNung tumawag si Wendy at sinabi sa akin na nakunan si Tam, pakiramdam ko ay para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Kasalanan ko ang lahat kung bakit nangyari iyon. Ako ang may dahilan kung bakit siya nakunan. Kay tagal kong hinintay na magkaanak kaming dalawa. Kay tagal naming sumubok, ngunit mawawala lamang ito sa isang iglap dahil sa mga panlolokong ginawa ko.Naalala kong napag-usapan pa namin ito ni Wendy noong una kaming nagkita sa isang coffee shop. Hindi ko malaman kung paano napunta doon ang usapan namin pero bigla na lamang itong binanggit ni Wendy. Hindi ko rin alam na nasabi ito ni Tamara sa kanya.“Sabi ni Tam, tinatry niyo daw magkaroon ng anak? Totoo ba?” tanong nito, at sinagot ko ito ng marahang tango sabay ngiti, pero tinignan niya lang ako nang may awa sa kanyang mga mata na ikinakunot ng aking noo. “Hindi mo nga siya masatisfy, paano mo pa siya mabubuntis?” she sighed, and I secretly rolled my eyes. “Huwag kang mag-alala, ituturo ko ang lahat sa’
HARRY’S P O VMay ipinakita pang isang litrato si Abby sa akin. Ito ay ang plate number ng kotse ko para daw maniwala ako na nakita niya talaga ako noong gabing iyon. At sa ikatlong picture ay ang ulo ni Wendy na nakasubsob sa pagitan ng aking mga hita habang ang isang kamay ko ay hawak-hawak ang buhok niya, ang mga mata ko ay nakatirik, at nakabuka ang aking bunganga.Pakiramdam ko ay huminto ang pagtibok ng puso ko. Ang unang unang pumasok sa isip ko ay, hindi ito kailangang malaman ng asawa ko.“Isa siyang kaibigan…” medyo nanginginig pa ang boses ko nung sinagot ko si Abby. “Nag-away sila ng asawa niya, kaya… dinadamayan ko lang siya sa problema niya.” Pagsisinungaling ko dito.“Talaga ba?” Abby chortled. “Pero bakit naghahalikan kayo? Ang dalawang magkaibigan ay hindi maghahalikan dahil lamang sa isang problema sa pamilya. Huwag kang magsisinungaling sa akin kuya.”Hindi siya naniniwala sa akin. Sino ba namang tanga ang maniniwala sa mga sinabi ko?"Sasabihin mo ba sa ate mo?” ta