TAMARA’S P O VBumalik ako sa kuwarto at dali-dali kong kinuha ang aking cellphone sa bag ko at binuksan muli ito. Hindi nga ako nagkamali ng hinala. Tadtad ng messages at missed calls ni Harry ang messenger ko, pati na ang aking number mismo. At may tatlong tawag mula kay mama. Napatitig ako sa cellphone ko, iniisip pa kung kaninong number ang aking tatawagan.Sa huli ay napagdesisyunan kong tawagan ang number ng bestfriend ko.“Hello, Tamara?”“Wendy…” bulong ko, hindi na mapigilan ang pagnginig ng aking boses.“Tamara…” ulit nito, at may mga narinig akong iba’t ibang ingay mula sa background. Parang kumakain si Wedy sa labas dahil sa mga nagkakalansingang mga kutsara at tinidor, idagdag pa ang ingay ng mga taong nag-uusap. “Tamara, may problema ka ba?”“Wendy… dinudugo ako. Sa tingin ko… makukunan ako.” Wika ko at napasinghap ako nang may maramdaman akong biglang kumirot sa may bandang tiyan ko, dahilan upang ako ay mapangiwi.“Ano? Bakit? Anong nangyari?” natataranta nitong tanong
TAMARA’S P O VNapaluha ako pagkatapos ibaba ni Lily ang telepono. Sobrang miss ko na siya. Mis na miss ko na ang anak ko. Kailangan ko siya ngayon dito sa tabi ko, pero hindi pwede. Hindi ko rin siya maaalagaan dahil sa kalagayan ko. Mas maiging doon muna siya kay mama habang nagpapagaling pa ako.Nahiga ako sa kama ng dahan-dahan, ang pagitan ng mga hita ko ay nasasalpakan ng pagkakapal kapal na sanitary pads.Nais ko mang iwaksi, ay pilit na bumabalik sa aking isipan ang nangyari sa hospital. Habang itinutulak ng isang medical staff ang wheelchair na sinasakyan ko ay mayroong biglang bumulwak na madulas at parang laman mula sa aking kaibuturan, palabas sa akin. Hindi ito masakit, pero sobra itong nagpabilis ng tibok ng puso ko, at nagpanginig ng aking kalamnan at pagyanig ng buong pagkatao ko.Hindi ito maaari!Hindi pwedeng mawala ang baby ko!“Nurse, may lumabas mula sa akin.” Nanginginig ang boses kong saad dito, ngunit hindi ito nagsalita at nagpatuloy sa pagtulak sa wheelchair
TAMARA’S P O VI closed my eyes and took a deep breath before I unlocked the door to the bedroom. May susi ito sa bahay pero sa kwarto ay wala. Hindi naman kasi namin ugaling maglock ng kwarto kaya hindi kami nagdadala ng susi nito tuwing aalis kami.Bumungad sa akin ang maputlang si Harry. Ang mga mata nitong may mga maiitim na eyebags sa ilalim ay nagsusumamo at nagmamakaawa sa akin, pero hindi ko ito binigyang-pansin. Ang napansin ko ay ang pangangayayat niya ng bahagya.“Tamara…” matamis ang ngiting ibinigay niya sa akin. “Akala ko hindi mo na ako muli pang kakausapin. Salamat…”“Tumigil ka, Harry…” tiim ang mga bagang na sabi ko. Akala naman nito ay madadaan ako sa pagngiti ngiti niyang iyon. Tumabi ako at sinenyasan ko siyang pumasok.Alanganing humakbang siya papasok, at huminto ito mismo sa harap ko.“Upo!” utos ko dito na para bang isang aso ang kausap ko.Agad naman itong tumalima at naupo sa kama.“Hindi diyan!” agad kong pigil dito. “Doon ka maupo.” Itinuro ko ang upuan sa
TAMARA’S P O V“Pwede bang tama na, Tamara…” nagmamakaawang sabi ni Harry. “Please, hindi mo na kailangang malaman pa ang mga---”“Pwes, gusto ko!” sigaw ko dito. “Gusto kong malaman ang lahat lahat. Lahat ng ginawa mo, lahat ng pinuntahan niyo, lahat ng panloloko mo! Huwag ka ulit magsisinungaling sa akin, Harry. Tinawagan ko ang kabit mo at sinabi niya ang lahat sa akin.” Huminga ako ng malalim at pilit kinalma ang aking sarili, bago ulit ako nagsalita ng mahinahon ang boses. “Tignan natin kung pareho kayo ng kuwento. Tignan ko kung sino sa inyo ang nagsisinungaling.”Lupaypay na nagyuko ito ng tingin.Matapos ang ilang minutong katahimikan ay nagsimula na siyang magkuwento.“Lasing ako noong gabing iyon. Hindi ako makapag-isip ng tama. Wala lang iyon. Walang ibig sabihin iyon, basta na lamang nangyari…”He looked up at me, and I looked back at him wordlessly."It was a mistake. A drunken mistake, at iyon lang ‘yun.” Nagpakawala ito ng isang malalim na buntong-hininga. “Kung hindi k
TAMARA’S P O V“Nagulat na lang ako nang dumating siya sa resort noong araw na iyon. Nakarinig ako ng mga katok, at akala ko ikaw ‘yun. Akala ko sumunod ka sa akin. Akala ko sinorpresa mo ako---’’ Bumuntong-hininga muna ito ng malalim bago nagpatuloy. “Nagulat ako nung pagbukas ko ng pinto, andun siya nakatayo. ‘Yun ang totoo, Tam. Hindi talaga namin pinlano ang pagpunta niya doon. Tinanong pa nga niya kung nasaan ka daw, sabi ko masama ang pakiramdam mo, kaya nagstay ka na lang sa bahay.”Napaismid ako. Bakit kailangan niya pang sabihin sa babae niya kahit ang pinakamalilit na detalye tungkol sa buhay namin? “O tapos? Nagsex na kayo?”Umiling ito.“Sabi niya, may dinalaw lang daw siya malapit sa lugar. May kamag-anak daw siya sa Batangas na matagal na niyang hindi nadadalaw, at dumaan lang sa resort para sana bumati sa atin. Wala daw siyang kaalam-alam na mag-isa lang ako sa cottage. Pinapasok ko siya, tapos…’’ napabuga ito ng hangin. Tila nahihirapang ipagpatuloy ang susunod na sasa
TAMARA’S P O V“Si Sabrina? ‘Yung boss mong nilalandi ang lahat ng empleyado niya?” hindi makapaniwalang tanong ko. Naalala ko ang hikaw na suot nito noong family day. Hindi ito pearl. Isa itong diamond. Pero kay Harry na mismo nanggaling na kay Sabrina ang hikaw na hawak ko.“Wala namang ibig sabihin iyong nangyari sa amin. It was just a distraction to her. At saka…” tumingin si Harry sa aking mga mata. “Aalis na ako sa trabaho ko sa isang buwan. Tinapos ko na ang lahat sa amin bago pa dumating ‘yung araw na may nangyari sa resort. Nagpasa na ako ng resignation bago ako bumiyahe pa-Batangas.”Pero hindi na ako nakikinig sa kanya.Pinanlisikan ko siya ng mga mata. Itong lalakeng ito na kamukhang-kamukha ng first love ko na si Daniel de Guzman. Itong lalakeng ito na ipinangakong mamahalin ako, aalagaan ako habang-buhay. Itong lalakeng ito na pinakasalan ako, anim na taon na ang nkararaan. Ang lalakeng ito na sinira ang tiwala at niloko hindi lang ako, kundi pati na ang anak ko. Ang lal
TAMARA’S P O V “Tamara…’’ nabigla si Harry sa sinabi ko. Ang mukha nito ay tila hindi makapaniwala habang tulalang nakatingin sa akin. “Get out, Harry!” I roared. “Ayaw ko nang makita 'yang pagmumukha mo! Get out of my life! Get the fuck out! Now!” Napayuko ito. Dahan-dahan at tahimik ang mga hakbang nitong lumabas ng bahay. Isinalya kong muli ang pinto pasara at saka ko isinandal ang likod ko sa pinto bago ako dumausdos pababa at naglupasay sa sahig. Tinakpan ko ng aking kanang kamay ang aking bunganga upang kontrolin ang malakas na paghagulgol. Alam kong nandoon pa din sa labas si Harry. Nararamdaman kong nandoon pa rin siya, nakatayo at nakikiramdam. Hindi niya ako dapat marinig. Hindi niya dapat malaman na umiiyak ako. Baka akalain niya na siya ang iniiyakan ko. Baka ang akala ng damuho ay nanghihinayang ako sa kanya. Mga ilang minuto lamang ang lumipas ay narinig ko ang mga mabibigat na yabag niya habang naglalakad palayo. I wiped my tears harshly, and slowly, I stood up.
TAMARA’S P O V“Nagkamali ka sa pagpapakasal sa lalaking iyon, aminin mo na kasi.” Pagbibigay-diin ni Wendy, at hindi binigyang pansin ang bahagyang pagtaas ng boses ko. “Nagpapanggap ka lang na masaya sa piling niya, hindi ba? Nagpapanggap kang mahal mo siya! Pero ang totoo, malungkot ka! Nagsisisi ka sa ginawa mong pagpatol sa lalaking ‘yan! Nagsisisi ka na hindi ka nakinig sa akin!”“Shut up, Wendy!” angil ko. “Wala kang alam tungkol sa buhay ko! Wala kang alam tungkol sa amin! Wala!”“At ayokong malaman kahit ano tungkol sa lalakeng iyon…” bigla itong kumalma. “Matutulungan kita. Kung gusto mong layasan siya, tutulungan kita. May pera ako.”“Sige na. Marami pa akong gagawin…”At hindi ko kailangan ang pera mo.Hindi ko na ito isinatinig pa at baka mag-away lang kami lalo.“Pag-isipan mong mabuti, Tam---‘’’ Hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sasabihin dahil ibinaba ko na ang tawag.Pero tumawag ulit ito, pero hinayaan ko munang magring ng magring ang cellphone ko ng ilang segund