NANGINGINIG ang kamay ni Luna habang pinipihit ang doorknob upang itong buksan. Kanina pa mabilis ang tibok ng kaniyang puso. Handa na siya pero natatakot pa ‘rin sa maaari niyang makita. Mayroong nakapagsabi sa kaniya na naroroon sa penthouse nito ang kaniyang nobyo at mayroong kasamang ibang babae.
Ipinilig niya ang kaniyang ulo at huminga ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob. Tahimik siyang naglakad papasok at rinig na rinig na niya ang isang sexy na tugtog na nagmumula sa kwarto na naroroon. Sa pinto palang ay mayroon na siyang naririnig na mga boses na tila nasasarapan.
Hindi na niya kinaya ang naririnig kaya pinihit niya ang doorknob at sakto na bukas iyon. Parang tumigil ang mundo ni Luna sa nakita. Iyon ay ang kaniyang nobyo habang nasa ibabaw ng isang babae at dahil malakas ang tugtog ng mga ito ay hindi nila narinig ang pag dating niya.
Sunod-sunod na tumulo ang luha niya sa pinaghalo-halong emosyon. Pabagsak niyang isinarado ang pintuan at mabilis na tumakbo palabas sa lugar na iyon habang umiiyak. Ngunit bago siya tuluyang makalayo ay narinig pa niya ang pagtawag ng kaniyang nobyo sa pangalan niya.
***
NAKAKAILANG baso na si Luna ng alak sa bar na kaniyang pinuntahan at kanina pa ‘rin umiiyak. Marami na ang lumapit at sumubok na siya’y damayan dahil tila mas malakas pa sa indak ng musika sa paligid ang kaniyang iyak. Ngunit kahit isa doon ay wala siyang pinansin at pilit na tinaboy ang mga ito.
Nagpasya siyang tumayo kahit hilong hilo na upang sumayaw sa gitna.
“Miss sandali lasing ka na!”
Gulat na tawag ng bartender kay Luna dahil kanina pa niya ito pinag-se-serban ng alak. Alam niya na broken ito dahil kanina pa ito nagmumura at mayroong pangalang binabanggit.
“Stop, I’ll handle her.”
Kusang napahinto ang bartender sa paghabol kay Luna ng humarang sa kaniya ang isang lalaki. Mas matangkad ito sa kaniya at dahil patay sindi ang ilaw sa bar ay hindi niya makita ng maayos ang muka nito.
“Bakit ho, kilala niyo po ba siya?” taas kilay na tanong nito sa lalaki.
Kahit na bartender lamang siya ay ang bar pa ‘rin nila ang malalagot kung sakaling may masamang mangyari sa babae. Napansin pa naman niya na hindi umiinom ang babae dahil mabilis itong malasing.
“Shut up and get this. Tell Ross that I leave early and I do him a favor helping that girl.”
Malamig na sabi ng lalaki at binigay dito ang malaking halaga ng pera. Napakunot pa ang noo ng bartender hanggang na gets niya na bayad iyon sa ininom ng babae at maya-maya ay nanlaki pa ang mata ng marealize kung sino ang nakausap niya kanina lang.
“Hoy! Bumalik ka na sa pwesto mo! Ano bang nangyari sayo at para kang nakakita ng multo?”
Biglang sulpot ng kaniyang katrabaho sa kaniyang tabi.
“Hindi multo ang nakausap ko kundi halimaw! Si sir Sebastian Anderson!”
Mabilis na hinanap ng mata ni Sebastian ang babaeng kanina pa niya napapansin na umiiyak. Sa totoo lang ay wala sana siyang pakialam sa babae kung umiiyak ito ngunit nakaisip siya ng isang magandang ideya.
Magagamit niya ang babae upang maka-alis sa bar at iwan ang kaibigan.
Ayaw kasi siyang puwiin nito dahil naglalasing ang kaibigan at broken ito ngayon. Being him who has a lot of priorities in life, ginto ang oras niya.
Nang sawakas ay nakita na niya ang babae, hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya nakaramdam ng matinding galit. Galit matapos makita ang isang lalaki na nakikipagsayaw dito habang hawak ang bewang nito. Nawalan agad siya ng control sa kaniyang sarili at mabilis na sinapak ang lalaking iyon na ikinatumba nito agad.
Natigilan ang ibang mga tao na nasa tabi nila dahil sa nangyari ngunit walang pakialam si Sebastian at mabilis niyang hinila ang babae paalis doon.
“W-who are you?! Bitawan mo ako!”
Lasing na sabi ni Luna ngunit hindi siya pinakinggan ni Sebastian at patuloy lang na naglakad papunta sa isa sa mga rooms na naroroon. It has a private room para lamang sa mga bigating costumers nila like him. Since sa kaibigan naman niya ang bar na iyon ay alam niyang hindi ito magagalit kung gagamit siya ng isang room para sa babae.
Nang mabuksan niya ang room ay dinala niya agad ang babae sa isang kwarto na naroroon at iniupo ang babae sa kama. Napahilot siya sa kaniyang sentido habang nakapikit dahil sa inis. Naiinis siya sa sarili dahil hindi niya maintindihan kung bakit siya nagagalit ng makitang may kasayaw itong iba.
Napailing nalang siya at tumalikod sa babae upang umalis. “Stay here at ako ng bahala sa bills mo.” Malamig niyang sabi.
Paalis na sana si Sebastian ng biglang magsalita ang babae.
“A-am I not enough for you Luke?”
Napataas ang kilay niya dahil hindi naman Luke ang pangalan niya. Tuluyan na niyang iniwan ang babae dahil nagsisimula nanaman itong umiyak.
“Poor lady.” Walang emosyon na sabi niya.
Sa wakas ay makakauwi na siya! Ngunit ang akala niyang pag-uwi ay hindi natuloy ng makasalubong niya ang kaibigan.
“Fvck.” Mahinang mura niya.
“You can’t get away from me now Ian! Samahan mo akong malasing! Ako muna ang mahalin mo ngayon ‘wag ang trabaho!” at inakbayan siya nito’t naglakad sila pabalik sa kanilang mesa.
“Oh shut up dude I’m not gay!”
***
KAHIT umiikot ang mundo ni Luna ay wala pa ‘rin siyang tigil sa kakaiyak. Pakiramdam niya ay pasan pasan niya ang mundo dahil sa sobrang bigat ng kaniyang dinadala. It’s not her first time to cry over their relationship kaya hindi niya maintindihan kung bakit nasasaktan pa ‘rin siya ng ganon.
Ilang beses na niyang pinatawad ang dating nobyo sa mga panloloko nito dahil naniniwala siya na may kakayanang magbago ang isang tao. Ngunit doon niya lang napatunayan na once a cheater is always a cheater. She was too naïve to believe him at talagang nagsisisi siya.
Totoo nga na nasa huli ang pag-sisisi.
Hindi niya lang maibigay ang gusto nito ay naghanap na ito ng ibang babae. Inipon ng inipon ng kaniyang dating nobyo ang mga tampo nito hanggang sa ibuga nito lahat ng iyon sa kaniya at bigla siyang iwan sa ere. Sa katunayan nga ay dalawang buwan na silang walang relasyon nang dahil doon pero sa loob ng dalawang buwan na iyon ay may communication sila at patuloy na pumupunta ang lalaki sa kaniya.
Pilit niyang ine-earn ang tiwala ng lalaki. Sobrang stress niya kasi sa pag-aaral and anything nadamay ang boyfriend niya kaya siya nakipaghiwalay. Pero lahat ng ‘yun ay binawi niya ‘din agad kinabukasan at hingi siya ng hingi ng tawad ngunit ayaw na ng lalaki.
Ang sabi sa kaniya ni Luke ay aayusin lang nito ang sarili dahil maging ito ay hindi ‘daw maintindihan ang sarili.
Sana noong una palang ay naniwala na siya sa mga signs. Sana noong una palang ay hindi na siya naniwala muli dito, lumuhod sa harap nito para mag maka-awa na balikan siya nito, umiyak gabi-gabi dahil pakiramdam niya ay wala na siyang halaga sa lalaki.
Masyado niyang pinaikot ang kaniyang mundo sa lalaki na maging ang pag-aaral niya ay napabayaan niya.
She regrets it all. Nag-sisisi siya ngunit mahal pa ‘rin niya ang lalaki. Nagmahal lamang siya.
Dahil sa kakaiyak ni Luna ay maging maga ang kaniyang mata sabayan pa ng dim na ilaw sa buong kwarto na nagpalungkot sa kaniya. Narinig niya ang pagbukas ng pinto, napatingin siya doon ngunit hindi niya makita kung sino iyon.
Ang una agad na pumasok sa isip niya ay ang kaniyang nobyo. Maaaring hinanap siya nito at susunduin siya.
Agad na nabuhayan si Luna dahil doon ngunit dahil sa hilo ay hindi niya magawang makatayo manlang.
“L-luke…”
Mahinang tawag niya dito ngunit hindi siya sinagot ng lalaki at nagulat ng bumagsak ito sa kaniya.
Amoy na amoy niya ang alak sa lalaki maging ang pabango nito. Doon siya natauhan dahil hindi ganon ang pabango ng kaniyang nobyo na niregalo niya dito.“S-sino ka?!”
Gulat na tanong niya sa lalaki at pilit itong inaalis sa ibabaw niya ngunit sadyang mabigat ang lalaki.
“I-I’m not Luke stupid lady,” Tila lasing na sagot ng lalaki habang ito ay nakapikit pa.
Napakunot ang noo ni Luna dahil doon. Magagalit sana siya dahil sa sinabi nito ngunit nakaramdam siya ng matinding hilo. Doon muling bumalik sa kaniya ang ginawa ng kaniyang nobyo at ang pagkadismaya na hindi ito ang naroroon para sunduin siya.
“You’re crying again.”
Napadilat siya dahil sa boses ng lalaki at kita niya na nakatingin sa kaniya ang pares ng itim na itim na mata nito. Tila hinihipnotismo siya. Naramdaman pa niya ang pagpahid nito sa kaniyang mga luha.
“Who ever that Luke is, he’s a totally idiot for hurting you.”
Hindi niya maintindihan ang sarili pero nagugustuhan niya ang ugali ng lalaking kaharap. Pakiramdam niya ay matagal na niyang kilala ang lalaki. Dahil sa malalim na pag-iisip ay namalayan nalamang niya na mayroong dumampi na malambot na bagay sa kaniyang labi at walang iba kundi ang labi ng lalaki!
Nanlaki ang mata niya dahil doon at pipigilan sana ito ng gumalaw iyon. Hindi niya maintindihan ang sarili, sinisigaw ng utak niya na pigilan ito at itulak palayo pagkatapos ay tumakbo paalis doon. Ngunit wala manlang siyang magawa ni isa doon dahil kusang kumilos ang kaniyang labi at gumanti ng halik dito.
Kasabay ng pagpikit ng mata niya ay ang pagbalik ng ala-alang nakita niya sa penthouse ng kaniyang nobyo. Kung kaya nitong makipagsiping sa ibang babae ay ganon ‘din siya.
Dahil sa isiping iyon ay tuluyan ng nagpadala si Luna at hinayaan ang lalaki sa nais nitong mangyari.
NAGISING si Luna na sobrang sakit ng kaniyang ulo at nahihilo. Wala sana siyang balak bumangon ngunit ng maramdaman niyang mayroong gumalaw sa kaniyang tabi ay agad na napadilat ang kaniyang mga mata. Sunod-sunod na bumalik ang ala-ala niya kagabi, ang pagsuko niya sa kamay ng isang lalaking hindi niya kilala.Napapikit siya sandali at dinalangin na sana hindi totoo ang lahat ng iyon. Nang lingunin niya ang kaniyang tabi laking dismaya niya ng makita itong nakatalikod sa kaniya at walang damit! Maging siya ay walang damit ng tignan niya ang kaniyang sarili.“Anong ginawa mo Luna!”Mahinang sermon niya sa kaniyang sarili at kahit nahihilo siya ay buong lakas siyang bumangon at pinulot ang kaniyang mga damit.Muntik pa siyang masuka habang nagbibihis ngunit pinigilan niya ito at dali-daling tumakbo papunta sa pintuan. Kabubukas niya lang ng pinto ng maisipan niyang lingunin ang lalaking pinagbigyan niya ng kaniyang pagkababae.“Hmm… pwede na.”Napatawa siya sa sinabi niya at agad na nap
“LUNA kapag hindi ka pa lumabas jan sisirain ko ‘tong pinto ng banyo niyo!”Natauhan si Luna matapos niyang marinig ang sigaw ng kaibigan kasabay ng pagkalabog nito sa pintuan. Dali-daling binuksan ni Luna ang pinto dahil doon at nakita niya ang kaibigan na nag-aalala sa kaniya.“So, anong result?”Minsan talaga nanghihinala si Luna na Canadian ang kaibigan gayong sobrang tatas nito kung magtagalog. Yes, purong Canadian ang kaibigan na si Riri pero dahil Pilipina ang kaniyang nanny ay natuto ito mula dito kaya mabilis silang nagkasundo ng maging mag kaklase ang mga ito.Si Riri ang siyang kasama na niya parati sa isang foreign country. Nakatira siya sa bahay ng kaniyang mga magulang na mula pa ‘daw sa kaniyang mga lolo at lola. Busy sa business nila ang kaniyang mga magulang kaya walang oras ang mga ito na iwan iyon at dalawin siya doon.Sa nakalipas na isang buwan ay marami nang nangyari kay Luna. Ngunit kahit ganon ay andoon pa ‘rin ang sakit sa kaniya lalo na at isang beses ay sinu
— 4 years later —“CELINE!”“Yes, coming down!”Dali-daling iniligpit ng batang si Celine ang kaniyang mga gamit at inilagay ang sulat na gawa para sa ina sa kaniyang sling bag. Nang matapos ay mabilis na lumabas sa kaniyang kwarto at tumakbo pababa ng hagdan. Naabutan niya ang nakasimangot na kaniyang tita-ninang.“Tita-ninang your so atat! Nag-aayos pa po ako!”Umiirap na tumayo si Riri at hinawakan ang kamay ng inaanak at sabay silang naglakad palabas.“Kita mong late na tayo. Baka umiyak ang mommy mo kapag nakita niyang wala ka doon!”“Yeah yeah whatever!” irap na sagot pabalik ni Celine.Apat na taon na ang lumipas simula ng malaman nilang buntis si Luna at ligtas niyang naisilang sa mundo ang kaniyang anak na si Celine Fernandez. Natupad ang kagustuhan ni Luna na magkaroon ng anak na babae kaya mas lalong nagkaroon ng kulay ang kaniyang buhay. Sa nakalipas na mga taon ay mas nagsumikap si Luna lalo na sa pag-aalaga sa anak.Hindi niya hinayaan na hindi maramdaman ng anak ang pag
“GOOD morning, Ms. Fernandez!”Isang malumanay na ngiti ang ibinigay ni Luna sa secretary ng kaniyang magulang ng batiin siya nito ng makarating siya sa kumpanya. Kadarating lang nila sa Pilipinas pero ang una niya agad pinuntahan ay ang kumpanya ng magulang. Kailangan niyang malaman kung ano ang kalagayan nito para ma-handle niya ito ng maayos.Si Celine naman ay iniwan niya muna sa kanilang kotse tutal ay walang ibang nakaka-alam na mayroon na siyang anak.“Good morning to you too. What is your name? Just call me Luna.”Namangha ang babae dahil sa kabaitan ni Luna. Hindi niya inaasahan na ganito ito kabait lalo na at ubod nitong ganda. Marami kasing usap-usapan sa kanila na spoiled ‘daw ang anak ng kanilang dating amo at ngunit ito’y matalino at maganda. Siya’ng tunay naman.“U-uhm… Caroline po.”“Nice to meet you Caroline! Magiging magkasama na tayo ng madalas kaya ‘wag kang mailang saakin, sige ka pati ako maiilang sa’yo.” Pabirong sabi ni Luna at doon na tuluyang napangiti ng mal
“HELLO?” Antok na sabi ni Luna matapos niyang sagutin ang tumatawag sa kaniya. Dalawang araw na siyang walang maayos na tulog dahil inasikaso niya ang libing ng kaniyang mga magulang. Sa huling araw ng mga ito sa mundo ay iyak siya ng iyak kaya hindi na siya magtataka kung maga ang mata niya ngayon. Katabi niya si Celine na naipakilala na ‘rin niya sa mga magulang ang kaibahan lang ay wala ng buhay ang mga ito. “Luna, nagising ba kita? Sorry pero I have important things to say to you!” Ngayon alam na niya kung sino ang tumawag. Si Riri. “It’s okay Riri, what’s the matter?” tanong niya sa pabulong na paraan at maingat na bumangon upang di magising ang anak. “It’s about your parents’ company! Alam ko na kung bakit kayo nalugi! Dahil sa lintek na ex mong si Luke Martinez!” Natahimik sandali si Luna dahil sa sinabi ng kaibigan. Nabanggit niya dito na nalugi ang kumpanya pero di niya sinabi kung sino ang dahilan. Hindi naman niya akalain na gagawa ng paraan ang kaibigan para malaman
TAHIMIK na nasa loob ng kotse si Caroline at Luna matapos nilang umalis sa restaurant. Ihahatid nalamang ni Luna si Caroline sa bahay nito at siya ay uuwi na. Hanggang ngayon ay mabilis pa ‘rin ang tibok ng kaniyang puso.Ang daming pumasok na mga eksena sa kaniyang isip. Paano kung malaman nito na may anak sila at kunin ng lalaki ang kaniyang anak? Hindi niya kaya. Hindi niya kaya na mawalan ng anak. Mas lalong hindi nga niya alam kung tatanggapin ba nito si Celine.Samantalang si Caroline naman ay gustong-gustong kausapin si Luna pero sa nakikita niyang seryosong muka nito habang nag da-drive ay mas pinili niyang manahimik na muna.Based sa naging reaction ng kaniyang amo ay magkakakilala ang mga ito, kaya ang malaking tanong ay paano? Nang pina-ayos ni Luna ang meeting na iyon ay wala naman itong nabanggit na kilala niya si Mr.Anderson.Sa gitna ng kanilang katahimikan ay biglang nag ring ang cellphone ni Luna. Gamit ang earpiece na suot ay sinagot niya ito habang focus pa ‘rin sa
MAAGANG nagising si Luna dahil nanaginip siya na nalaman ni Sebastian ang tungkol sa kanilang anak at pilit itong kinukuha sa kaniya. Kung may kahinaan man siya ito ay ang kaniyang anak na si Celine. Kaya kahit maaga pa ay dali-dali niyang tinawagana ng kaibigan na si Riri.“Hello Riri!” Mahina ngunit kinakabahan na tawag ni Luna sa kaibugan matapos nitong sagutin ang telepono.“L-luna? Ang aga mo namang tumawag,”Antok na sagot sa kaniya ng kaibigan.Tinignan pa muna niya ang anak kung nagising ba ito at ng masigurong hindi ay nagpatuloy siya sa pakikipag-kausap sa kaibigan.“Riri sinabi mo ba kay Rocky ang tungkol sa pagiging ama ng bff niya kay Celine?!”Kabadong kabado si Luna habang tinatanong ang bagay na iyon sa kaibigan lalo na’t ilang segundo din siyang naghintay ng sagot mula dito.“Sa boyfriend ko? Syempre boyfriend ko siya—”“What?!”Napalakas ang tanong ni Luna dahil sa narinig. Ngunit kaagad naman siyang nakarinig ng tawa mula sa kabilang linya. Now she gets it. Jino-jok
AGAD na pumalakpak si Rocky at Caroline matapos ang presentation ni Luna. Si Luna naman ay nakahinga ng maluwag dahil pakiramdaman niya ay sumabak siya sa isang interrogation dahil sa sobrabg daming tanong ni Sebastian sa kaniya.“Ang galing mo Ms. Luna! Akalain mo ‘yun nagawa mo pang maging sarcastic kay Mr.Anderson!” Natatawang bulong ni Caroline sa kaniya habang si Rocky at Sebastian naman ay nag-uusap din ng mahina.Kanina kasi ay naiinis na siya kakatanong ng lalaki tungkol sa presentation niya kaya di niya napigilang sabihin na “Kung makinig ka nalang kaya para makuha mo sagot sa mga tanong mo.” Talagang natahimik sila matapos niya iyong sabihin while si Rocky at natawa.Nag thumbs up pa nga si Rocky dahil natahimik ang kaibigan niya sa sinabing iyon. Pansin naman niya na pinupuntirya siya nito at hinahanapan ng mali kaso mali ang nakabangga niya. Magaling sa mga argumento si Luna kaya wala siyang uurungan.“Let’s eat first bago ko sabihin ang desisyon ko.”Napalingon sila kay S