Share

Chapter 4

— 4 years later —

“CELINE!”

“Yes, coming down!”

Dali-daling iniligpit ng batang si Celine ang kaniyang mga gamit at inilagay ang sulat na gawa para sa ina sa kaniyang sling bag. Nang matapos ay mabilis na lumabas sa kaniyang kwarto at tumakbo pababa ng hagdan. Naabutan niya ang nakasimangot na kaniyang tita-ninang.

“Tita-ninang your so atat! Nag-aayos pa po ako!”

Umiirap na tumayo si Riri at hinawakan ang kamay ng inaanak at sabay silang naglakad palabas.

“Kita mong late na tayo. Baka umiyak ang mommy mo kapag nakita niyang wala ka doon!”

“Yeah yeah whatever!” irap na sagot pabalik ni Celine.

Apat na taon na ang lumipas simula ng malaman nilang buntis si Luna at ligtas niyang naisilang sa mundo ang kaniyang anak na si Celine Fernandez. Natupad ang kagustuhan ni Luna na magkaroon ng anak na babae kaya mas lalong nagkaroon ng kulay ang kaniyang buhay. Sa nakalipas na mga taon ay mas nagsumikap si Luna lalo na sa pag-aalaga sa anak.

Hindi niya hinayaan na hindi maramdaman ng anak ang pagmamahal na naranasan niya sa magulang. Siya ang tumayo bilang ina at ama para kay Celine at syempre katulong niya doon si Riri pati ang mga magulang nito. Kaya malaki ang utang na loob ni Luna sa pamilya Cullen sa pagtanggap sa kanila ng kaniyang anak.

Lumaki na kamukang-kamuka ni Luna ang anak ngunit ang pag-uugali nito ay malaking kaibahan sa kaniya. May ilang namana si Celine ngunit karamihan ay tingin nila’y namana sa ama nito. Masungit ang bata at mataray na akala mo’y bitbit ang lahat ng problema sa mundo. Isabay mo pa na pilya ito at mahilig mantrip.

Minsan nga ay hindi na napigilan ni Luna na pagalitan ang anak dahil sa pantitrip nito pero dahil mahal niya ito ay hindi niya matiis ang bata. Sa nakalipas ‘din na mga taon ay patuloy niya pa ‘ring tinatago sa mga magulang ang tungkol kay Celine. Maayos naman niya itong pinaliwanag sa anak kaya sa tuwing kausap niya ang magulang ay tumatahimik lamang si Celine.

Isa iyon sa mas ikinakahanga nila sa bata, mabilis itong makaintindi na tila matandang tao. Kung sabagay ay ganoon ‘din naman si Luna dahil lahat ay napapag-aralan niya sa saglit na oras lamang ngunit mas malala lang si Celine. Marahil ay matalino ‘din ang ama nito kaya nang magsama ang pag-uugali nila ay namana ni Celine.

Basta ang alam ni Luna ay hindi sa kaniya nagmana ng kakulitan ang anak.

“Congratulations mommy!”

Masiglang bati ni Celine sa ina matapos ang seremonyas ng graduation nito. Kumpleto sila ngayon dahil maging ang magulang ni Riri ay naroroon.

“Aww thank you my baby girl!” masayang sagot ni Luna at niyakap ng mahigpit ang anak.

Binati na ‘rin siya nila Riri at nagsipagkuhaan ng litrato. Matapos iyon ay ibinigay ni Celine ang sulat na ginawa niya para sa ina.

“A letter? Is this for me my daughter?” ngiting malaking tanong ni Luna dito.

Tumango naman ng marahan si Celine habang di makatingin sa ina. Kilala ni Luna ang anak, ganoon ito kapag nahihiya o ‘di kaya may tinatago sa kaniya.

“Thank you, my daughter! Best graduation gift ever!”

“Really?!” nagliliwanag na tanong ni Celine sa kaniya.

“Of course! Walang makakatumbas na regalo kay mommy bukod dito.”

Dahil doon ay natuwa si Celine at nagtatalon. Ang akala kasi nito ay hindi magugustuhan ng ina kaya napatawa sila dahil sa naging reaction nito. Ngunit sa gitna niyon ay nakatanggap ng tawag si Luna kaya’t dali-dali niya itong sinagot.

“Yes hello?” ngiting tanong niya sa kabilang linya. Ngunit ang ngiting iyon ay agad na nawala ng marinig ang sinabi ng nasa kabilang linya.

“W-what?”

***

“LUNA?”

Agad na pinunasan ni Luna ang kaniyang luha at isinara na ang maleta na pinaglalagyan ng kaniyang mga damit.

“R-riri, I’m so sorry I really need to go back to the Philippines.” Matamlay na sabi niya sa kaibigan at binaba na ang kaniyang maleta.

“Luna look at me!”

Napahinto si Luna sa paglalakad ng harangan siya ng kaibigan at hawakan ang magkabilang pisnge nito.

“Hindi ka nag-iisa Luna, kasama mo kami! Nandito ako, sila mommy at daddy, ang anak mo. Nasasaktan ‘din kami Luna pero alam kong mas nasasaktan ka kaya please ‘wag mong sarilihin ang lahat.”

Tuluyan ng hindi napigilan ni Luna ang pagtulo ng luha niya kaya mabilis siyang niyakap ni Riri.

Ang tawag na natanggap niya ay mula sa ospital na nagsasabing wala na ang kaniyang mga magulang. Nagkaroon ‘daw ng car incident ang magulang niya at dead on arrival ang mga ito. Hindi alam ni Luna kung paano tatanggapin ang balitang iyon. Araw ng graduation niya ngayon at araw ng pag-amin niya sa mga ito tungkol kay Celine ngunit malalaman niya wala na ang mga ito.

Hindi niya alam kung paano tatanggapin ang bagay na iyon.

“S-salamat Riri, pero kailangan ko na talagang umalis.” Hiwalay na sabi ni Luna sa kaibigan.

“You’re leaving not leaving without me mommy.”

Sabay na napalingon ang magkaibigan sa pinto at doon ay nakita nila si Celine na dala ang maliit nitong maleta laman ang mga gamit niya. Habang nag-eempake ang ina ay siya ‘ring pag-eempake nito.

Nagkatinginan silang dalawang magkaibigan at napakibit balikat lang si Riri kaya napabuntong hininga si Luna. Wala na siyang magagawa dahil kilala niya ang anak.

“Okay, aalis ako kasama ka anak.”

***

“WELCOME to the Philippines!”

It’s been four years simula ng maka-apak si Luna sa Pilipinas. Hindi niya alam ang mararamdaman lalo na umalis siya ng broken hearted dahil sa ex niya and not knowing babalik siyang muling broken hearted nang dahil naman sa masamang balita.

“Mommy are you okay?”

Natauhan siya sa tanong ng anak at agad na tumango dito.

“Yes baby, let’s go.”

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ano ba yan itinapat pa talaga sa graduation ni luna ang pagkamatay ng mga magulang nya 🥲🥲
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status