Share

Chapter 6

“HELLO?”

Antok na sabi ni Luna matapos niyang sagutin ang tumatawag sa kaniya. Dalawang araw na siyang walang maayos na tulog dahil inasikaso niya ang libing ng kaniyang mga magulang. Sa huling araw ng mga ito sa mundo ay iyak siya ng iyak kaya hindi na siya magtataka kung maga ang mata niya ngayon.

Katabi niya si Celine na naipakilala na ‘rin niya sa mga magulang ang kaibahan lang ay wala ng buhay ang mga ito.

“Luna, nagising ba kita? Sorry pero I have important things to say to you!”

Ngayon alam na niya kung sino ang tumawag. Si Riri.

“It’s okay Riri, what’s the matter?” tanong niya sa pabulong na paraan at maingat na bumangon upang di magising ang anak.

“It’s about your parents’ company! Alam ko na kung bakit kayo nalugi! Dahil sa lintek na ex mong si Luke Martinez!”

Natahimik sandali si Luna dahil sa sinabi ng kaibigan. Nabanggit niya dito na nalugi ang kumpanya pero di niya sinabi kung sino ang dahilan. Hindi naman niya akalain na gagawa ng paraan ang kaibigan para malaman ang totoo.

“Huy natahimik ka na jan Luna? Wait don’t tell me until now apektado ka pa ‘rin sa ex mo?!”

“No!”

Napalakas ang pagsagot ni Luna kay Riri mabuti nalang at hindi nagising ang kaniyang anak.

“Ano bang sinasabi mo Riri ang sarap mong kotongan!”

Natawa si Riri sa kabilang linya dahil doon.

“Biro lang. So ano, pabagsakin na ba natin kumpanya ng Luke Martinez na ‘yan? Tyaka bat dika naka-imik shock ka no? Ano pa bang aasahan mo sa pulubi mong ex.”

Napahilot sa sentido niya si Luna dahil sa mga naririnig.

“Honestly alam ko na siya ang may dahilan kung bat bumagsak ang kumpanya.”

“What?!”

Nailayo ni Luna ang cellphone sa kaniyang tenga dahil sa pagsigaw nito.

“Alam mo tapos hindi mo sinabi sakin?! Nagpakahirap pa ako Luna!”

“Excuse me, diko sinabi sa’yo na mag imbestiga ka jan. Tyaka diko na sinabi kasi ako ng bahala. Kaya ‘wag kang makulit jan at chill ka lang. Magiging okay ‘din ang lahat.”

Sigurado si Luna na umiirap na nag kaniyang kaibigan ngayon dahil sa kaniyang mga sinabi. Mabuti nga at hindi niay ito kaharap dahil sigurado siya na kokotongan siya nito sa paglilihim na ginawa niya.

“Yeah, whatever so anong plano mo?”

Napatingin sandali si Luna sa kaniyang anak bago tuluyang kinausap ang kaibigan.

***

“THEY will be here any minute by now Ms. Luna.”

Napatango si Luna dahil sa ibinulong sa kaniya ni Caroline. Nasa isang restaurant sila for dinner dahil doon niya kakausapin ang huling client na ipupursue niya na maging ka-negosyante.

Sa buong maghapon ay walang ibang ginawa si Luna kundi ang makipag meeting. Matapos ang isang araw na pahinga kasama ang anak ay deretsyo siya agad sa trabaho. Kailangan niyang kumilos kaagad para maibalik sa dati ang kumpanya.

Maraming empleyado ang nakadepende sa kaniya kaya kailangan niyang galingan at pagsumikapan ang pakikipag negotiate na ito. Sa katunayan ay wala talaga siyang hilig sa negosyo sadyang magaling lang siya makipag-usap sa mga tao kaya sa dalawang cliente na nakausap niya ay mabilis niyang napa-oo ang mga ito.

Bilib pa nga sila sa kagalingan ni Luna at hindi makapaniwala. Na sa sandaling oras lang ay nakagawa na agad ito ng report na sobrang detalyado at walang naiiwan na butas. Usually, sa mga meeting ay ang mga butas talaga ang hinahanap ng mga ito lalo na kung pabagsak na nag kumpanya.

Bakit nga naman sila makikipag negotiate kung pabagsak na ang kumpanya.

Kaya ‘din bilib na bilib si Caroline kay Luna. Sa sobrang galing nito ay kahit siya na narinig na ang unang presentation nito ay napapahanga pa ‘rin siya. Looking forward na nga siya sa susunod na kausap nito lalo na’t hindi basta-basta ang makakausap ng kaniyang amo.

Isa lang naman ito sa pinakang sikat na negosyante sa buong mundo. Tinarget talaga ni Luna ang malalaking kumpanya. Hindi siya natatakot bagkus malakas pa ang loob niya dahil alam niyang kayang kaya niya.

“Nandito na sila Ms.Luna!”

Bulong ni Caroline na ikinaayos ni Luna sa kaniyang sarili. Nakasuot siya ngayon ng isang suit na kulang itim at tinernohan ng isang black na trouser. Maayos na nakalugay ang kaniyang mahabang buhok sa likuran at ang kaniyang make-up ay light lamang dahil natural nang mapula ang kaniyang labi at pisnge.

Samahan mo pa na makapal na ang kaniyang kilay at pilik mata. Ang kaniyang mga mata naman ay parang mayroong contact lenses dahil sa brown nitong mga mata.

Ramdam na niya ang paparating na presensya kung kaya tumayo na siya at nagpaskil ng malaking ngiti sa kaniyang mga labi.

“Good evening Mr. Anderson, I am Luna Fernandez the new CEO of Fernandez Company.”

Malaking ngiting bungad niya dito at inilahad ang kamay niya sa harap nito ngunit ng makita niya ang muka nito at doon siya nagulat at kusang nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi.

Ang lalaki naman ay nakatitig lang sa kaniya. Napansin ni Caroline ang atmosphere ng dalawa lalo na at nakalahad pa ‘rin ang kamay ng kaniyang amo at hindi tinatanggap ng lalaki. Mukang totoo nga ang tsismis na sobrang sungit ng isang Sebastian Anderson. Ang sikat na sikat ng batang negosyante ngayon!

“Ehem, let’s start the meeting Ms. Luna?”

Doon na natauhan si Luna ng magsalita si Caroline. Hindi na niya napansin na hindi tinggap ng lalaki ang kamay niya. Napalingon siya kay Caroline at nagtaka ito kung bakit kakaiba ang tingin na ibinibigay niya. Muli siyang napatingin sa lalaking kaharap na nakatingin lamang sa kaniya at walang buhay.

“N-no…” mahinang sabi ni Luna.

“Yes. Wait what Ms. Luna?” gulat na sabi ni Caroline.

“No. Wala ng meeting na magaganap. Thank you, Mr. Anderson for coming here tonight!”

Agad na sabi ni Luna at kinuha na nag kaniyang gamit upang umalis doon.

Sa loob loob ni Luna ay nagwawala na siya. Natataranta! Sino ba namang hindi matataranta kung ang lalaking kaharap niya ngayon ay ang ama ng kaniyang anak na si Celine!

It’s been four years simula ng makita niya ito at sa bar pa iyon! Ni hindi nga niya alam na magbubunga ang isang gabing iyon!

Matagal na niyang naririnig ang pangalan ng lalaki dahil sikat na sikat nga itong negosyante ngunit hindi naman niya inaasahan na ito ang ama ni Celine. Kaya naman pala ubod ng talino at sungit ng anak niya at the same time my pinagmanahan!

“Wait Ms. Luna, bakit po?!” habol na tanong ni Caroline sa kaniya ngunit hindi niya ito sinagot at patuloy lang at aalis na sana ng may makasalubong siya.

“Oh! Sorry I’m late—wait Luna is that you?”

Napatingin siya sa nagsalita at mas lalo pa siyang nagulat ng makita si Rocky ang boyfriend ni Riri!

“Rocky? Anong ginagawa mo dito?” naguguluhan niyang tanong.

“I’m here for a meeting. Wala kasi ang secretary ni Mr. Sebastian Anderson ngayon kaya ako muna ang sub. Ikaw bat ka andito?” malaking ngiti na tanong nito sa kaniya.

“You know each other?”

Nanayo ang balahibo ni Luna ng marinig ang malamig na boses na iyon ng lalaki. Sebastian Anderson, ‘yan ang pangalan ng ama ni Celine at ngayon ay tatandaan na niya dahil iiwasan na niya ito!

“Yes of course! Naalala mo ‘yung kwento kong bff ng girlfriend ko? This is her, Luna. Luna, hes Ian, best friend ko.”

Napapikit ng mariin si Luna. Ramdam niya ang titig sa kaniya ni Sebastian. Sadyang kay liit ng mundo dahil ang best friend ng ama ni Celine ay boyfriend ng best friend niya. Kaya naman pala lagi nitong sinasabi na may naaalala siya kay Celine dahil sa ugali nito.

“Wait, ikaw ba ang ka-meeting namin today? Oh right! Kaya pala familiar saakin ang name ng Company dahil Fernandez ang apilyido mo, no wonder! Why don’t we start the meeting na?”

Agad na padilat si Luna dahil sa sinabi ni Rocky.

“No! Wala ng meeting na magaganap. Caroline let’s go!”

At walang lingon na itong umalis doon.

Komen (5)
goodnovel comment avatar
Emily Janagap Samos
kapanapanabik
goodnovel comment avatar
Myles Berces Canillo
Luhh!! Yong tatay ng anak nia
goodnovel comment avatar
Letty Uvero
super exciting
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status