TAHIMIK na nasa loob ng kotse si Caroline at Luna matapos nilang umalis sa restaurant. Ihahatid nalamang ni Luna si Caroline sa bahay nito at siya ay uuwi na. Hanggang ngayon ay mabilis pa ‘rin ang tibok ng kaniyang puso.
Ang daming pumasok na mga eksena sa kaniyang isip. Paano kung malaman nito na may anak sila at kunin ng lalaki ang kaniyang anak? Hindi niya kaya. Hindi niya kaya na mawalan ng anak. Mas lalong hindi nga niya alam kung tatanggapin ba nito si Celine.
Samantalang si Caroline naman ay gustong-gustong kausapin si Luna pero sa nakikita niyang seryosong muka nito habang nag da-drive ay mas pinili niyang manahimik na muna.
Based sa naging reaction ng kaniyang amo ay magkakakilala ang mga ito, kaya ang malaking tanong ay paano? Nang pina-ayos ni Luna ang meeting na iyon ay wala naman itong nabanggit na kilala niya si Mr.Anderson.
Sa gitna ng kanilang katahimikan ay biglang nag ring ang cellphone ni Luna. Gamit ang earpiece na suot ay sinagot niya ito habang focus pa ‘rin sa pag da-drive.
“Hello, this is Luna Fernandez. What can I do for you?” magiliw niyang tanong sa kabilang linya.
Kahit na marami siyang iniisip ngayon ay hindi dapat ma-apektuhan ang kaniyang trabaho lalo na para sa kumpanya ng magulang niya.
“Luna! It’s me, Rocky!”
Natigilan sandali si Luna dahil sa narinig ngunit agad ‘ding ipinilig ang ulo. Nasa daan sila ngayon hindi siya pwedeng magpalutang-lutang.
“R-rocky! Bakit napatawag ka?” pilit siglang tanong niya.
Bakit nga ba nakalimutan niya na may numero ang lalaki ng number niya dahil nga magkakaibigan sila sa Canada?
“About sa meeting, bakit ka biglang umalis? Kung nag-aalala kang hindi tatanggapin nitong si Ian ang proposal mo ako ang bahala!”
Umiling si Luna kahit na alam niyang hindi siya nakikita ng lalaki. Habang si Caroline naman ay agad na nakuha na ang lalaki kaninang kasama ni Mr.Anderson ang kausap ni Luna.
“No need na Rocky.”
“No need? Nabanggit saakin ni Riri nito lang na palubog na ang kumpanya niyo hindi ba? Si Ian ang makakatulong sa’yo Luna!”
Napahigpit ang kapit ni Luna sa manibela dahil doon. Kinalma niya ang kaniyang sarili at huminga ng malalim. Ayaw niyang madamay ang ibang tao sa sitwasyon niya ngayon kaya kinakalma niya ang sarili.
“Please Rocky, sinabi ko ng hindi na kailangan I mean it. Thank you sa pagtawag saakin, bye.”
Binaba na niya ang tawag at napabuntong hininga.
“M-ms Luna?”
Napalingon si Luna ng magsalita si Caroline sa kaniyang tabi. Ngunit sandali lang ‘yun dahil ibinalik na niya ang tingin sa daan.
“Yes, Caroline? Don’t worry ihahatid kita sa bahay niyo. Kapag bumalik na sa dati ang lahat bibigyan kita ng kotse from the company para hindi ka na mag co-comute.”
Nagulat si Caroline dahil sa kaniyang narinig at nanlaki ang mata. Hindi niya akalain na sa ganoong tagpo siya magkaka-kotse lalo na buong buhay niya ay commute lang ang kaniyang ginagawa.
“T-talaga po?! Maraming salamat Ms.Luna!”
Napangiti si Luna dahil doon.
“Hindi lang ‘yun ang benefits na dapat makuha mo Caroline. Isa ka sa pinakang tapat na employee ng kumpanya at ikaw ‘din ang umaasikaso at sumasalo sa lahat ng problema nito. Don’t worry, hinding-hindi ko kakalimutan ang mga benefits mo.”
Sandali muling lumingon si Luna sa katabi habang nakangiti. Si Caroline ay napangiti pabalik sa amo. Na-eexcite siya sa mga sinasabi nito pero hindi niya pwedeng ipagpaliban ang sasabihin dito.
“Uhmm… kasi Ms.Luna, alam ko po na wala akong karapatan mangialam pero bakit po kayo umatras sa meeting? N-nakita ko naman po na kakilala niyo sila. Sila lang po ang pinakang malaking pag-asa natin! Siguradong makakahinga ng maluwag ang mga kapwa ko employee sa oras na malaman nilang malakas ang kapit natin sa business industry.”
Natahimik si Luna dahil sa sinabi ni Caroline. Hindi tuloy mapakali ang si Caroline sa kinauupuan niya kakaisip na baka nagalit niya ang amo o na-offend niya.
Kaya matapos ang halos isang minutong katahimikan ay agad na umimik si Caroline.
“W-wag niyo na pong pansinin ang sinabi ko! Sorry po!” yuko nitong sabi at tahimik na tinapik ang kaniyang ulo.
“No, it’s okay Caroline.” Ngiting linggon na sabi ni Luna sandali dahilan para kahit papaano ay makampante si Caroline.
Hanggang sa maihatid ni Luna si Caroline sa bahay nito ay hindi na siya nagsalita. Napabuntong hininga nalang ang secretary niya at naisip na hihingi nalang siya ng tawad dito kinabukasan.
Samantalang si Luna naman ay natahimik dahil tumatak sa kaniya ang sinabi ni Caroline. Tama ito, siguradong matutuwa ang mga employees siya sa oras na malaman na ka-partner nila sa negosyo ang isang Sebastian Anderson.
Hindi muna umuwi si Luna sa kanilang bahay bagkus dumaan pa siya sa isang convenience store at bumili ng in can na alak. Gusto niya lang muna uminom dahil ang dami niyang isipin.
Pumunta siya sa pinakang malapit na burol na meron doon kung saan kita ang city lights ng kanilang lugar. Ang tahimik doon at walang ibang tao. Noon pa niya alam ang lugar na iyon dahil nga doon siya lumaki.
Hindi niya akalain na walang nakakadiskurbe ng lugar na iyon.
Naka-tatlong in can na siya ng beer ng magpasya siyang umuwi na. Sapat na sa kaniya ang isang oras na pagtambay doon at pakikinig lang sa tahimik na lugar.
Hindi naman siya tinamaan sa kaniyang ininom ngunit sapat na iyon para siya ay tamaan ng antok.
Pagod ‘din siya maghapon dahil sa mga naka-meeting niya kaya deserve niya ng medyo mahabang pagtulog.
Patay na nag ilaw sa paligid at tanging dim light nalamang ang bukas. Nasisigurado niya na tulog na ang anak.
May ilang kasambahay naman na kasama si Celine sa kanilang bahay kaya kampante siya na mayroong mag-aalaga sa kaniyang anak. Mapapagkatiwalaan naman ang mga ito dahil bata palang siya ay nag tatrabaho na ang mga ito doon.
Lalo na mas mapapagkatiwalaan sila sa sikretong mayroon na siyang anak.
Aakyat na sana siya sa kanilang kwarto ng biglang mag ring ang kaniyang cellphone.
Si Riri.
“Hello, Riri?”
“Luna! Thank God gising ka pa!”
Hindi pa ‘rin talaga nagbabago ang kaniyang kaibigan dahil ang sakit pa ‘rin sa tenga ng boses nito. Na tila nakalunok ng mikropono at naka-laklak ng maraming energy drink.
“Yeah. Ikaw gabi na ang hyper mo pa ‘rin.” Natatawa niyang sabi dito.
“Whatever Luna! Tumawag ako kasi kakakausap ko lang kay Rocky at nalaman ko ang nangyari! Bakit ka naman umatras?! Si Ian na ang sagot sa problema mo Luna!”
Muli ay natigilan siya sa sinabi ng kaibigan. Bakit nga ba hindi niya naisip na mag susumbong si Rocky sa kaibigan niya?
Napahilot siya sa kaniyang sentido dahil doon.
“Riri, don’t worry, nakapag desisyon na ako. Ipapa-reschedule ko kay Caroline ang meeting namin.”
Sa katunayan ay tinawagan na niya si Caroline bago pa siya umalis sa burol kanina. Patulog na sana ang secretary niya mabuti at naabutan pa niya itong gising at tuwang-tuwa sa balitang nakuha mula sa kaniya.
“Hay mabuti naman! Akala ko pipilitin pa kita eh hahahha!”
Napailing nalang siya dahil sa sinabi ng kaibigan.
“Sige na Riri, gusto ko na ‘rin magpahinga.” Paalam niya sa kaibigan.
“Wait! Bakit muna para kang nakakita ng multo ng makita si Ian? ‘Yan ang sabi saakin ni Rocky kanina eh.”
Natahimik si Luna dahil doon. Sasabihin niya ba sa kaibigan? Hindi niya nasama sa isipin niya kanina ang bagay na ito. Ang umamin siya kay Riri. Tanging tungkol sa kumpanya at paraan kung paano maitatago ang anak kay Sebastian ang iniisip niya kanina.
Kung itatago niya ito kay Riri, baka sa iba pa nito malaman katulad ng pag iimbestiga nito sa taong nanloko sa magulang niya. At ayaw niyang maulit pa iyon. Matalik na matalik na kaibigan at parang kapatid na niya si Riri.
Ito ‘rin ang kasama niya simula ng siya ay mabuntis, maglihi, manganak at magpalaki kay Celine kaya naisip niya na may karapatan itong malaman ang totoo.
“Huy anteng Luna! Tulog ka na ata jan eh!”
Sigurado siya na umiirap na ang kaibigan sa kabilang linya.
Napabuntong hininga nalamang siya at nagsalita.
“Ang kaibigan ng boyfriend mo, si Sebastian Anderson… siya ang ama ni Celine.”
Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Sigurado siya na nag po-process pa sa utak ni Riri ang sinabi niya.
“Whattt?!”
Nailayo niya ang cellphone sa kaniyang tenga dahil sa biglang pagsigaw nito.
“Sige na Riri bukas nalang tayo usap, I miss you babye! I love you muwah!”
“Wait! Luna bruha ka—!”
Napabuntong hininga si Luna ng patayin na niya ang tawag. Alam niyang tatawag muli ang kaibigan kaya pinatay niya muna at cellphone at iiling-iling na umakyat sa taas.
‘Bahala na bukas’ tanging banggit niya sa kaniyang isipan.
MAAGANG nagising si Luna dahil nanaginip siya na nalaman ni Sebastian ang tungkol sa kanilang anak at pilit itong kinukuha sa kaniya. Kung may kahinaan man siya ito ay ang kaniyang anak na si Celine. Kaya kahit maaga pa ay dali-dali niyang tinawagana ng kaibigan na si Riri.“Hello Riri!” Mahina ngunit kinakabahan na tawag ni Luna sa kaibugan matapos nitong sagutin ang telepono.“L-luna? Ang aga mo namang tumawag,”Antok na sagot sa kaniya ng kaibigan.Tinignan pa muna niya ang anak kung nagising ba ito at ng masigurong hindi ay nagpatuloy siya sa pakikipag-kausap sa kaibigan.“Riri sinabi mo ba kay Rocky ang tungkol sa pagiging ama ng bff niya kay Celine?!”Kabadong kabado si Luna habang tinatanong ang bagay na iyon sa kaibigan lalo na’t ilang segundo din siyang naghintay ng sagot mula dito.“Sa boyfriend ko? Syempre boyfriend ko siya—”“What?!”Napalakas ang tanong ni Luna dahil sa narinig. Ngunit kaagad naman siyang nakarinig ng tawa mula sa kabilang linya. Now she gets it. Jino-jok
AGAD na pumalakpak si Rocky at Caroline matapos ang presentation ni Luna. Si Luna naman ay nakahinga ng maluwag dahil pakiramdaman niya ay sumabak siya sa isang interrogation dahil sa sobrabg daming tanong ni Sebastian sa kaniya.“Ang galing mo Ms. Luna! Akalain mo ‘yun nagawa mo pang maging sarcastic kay Mr.Anderson!” Natatawang bulong ni Caroline sa kaniya habang si Rocky at Sebastian naman ay nag-uusap din ng mahina.Kanina kasi ay naiinis na siya kakatanong ng lalaki tungkol sa presentation niya kaya di niya napigilang sabihin na “Kung makinig ka nalang kaya para makuha mo sagot sa mga tanong mo.” Talagang natahimik sila matapos niya iyong sabihin while si Rocky at natawa.Nag thumbs up pa nga si Rocky dahil natahimik ang kaibigan niya sa sinabing iyon. Pansin naman niya na pinupuntirya siya nito at hinahanapan ng mali kaso mali ang nakabangga niya. Magaling sa mga argumento si Luna kaya wala siyang uurungan.“Let’s eat first bago ko sabihin ang desisyon ko.”Napalingon sila kay S
“MOMMY, do you have time?”Silip na tanong ni Celine sa ina sa kanilang kwarto. Ngunit si Luna ay busy na busy sa pag-aayos sa kaniyang sarili na halos hindi na magkanda ugaga sa kaniyang ginagawa.“Sweetie I’m so sorry. Mommy don’t have time. Male-late na ako sa meeting ko. Nakakainis na alarm bakit kasi hindi tumunog!”Nahulog pa ang earings na sinusuot sa sarili na lalong ikinainis ni Luna ngunit no choice kundi ang pulutin iyon.Pinanood lamang ni Celine ang ina sa kaniyang ginagawa. Alam niya na stress na ito lalo na at dalawang araw na niyang naririnig ang reklamo nito sa tuwing ito’y uuwi o di kaya may tinatapos na report sa office nito sa bahay.Yes, mayroong office si Luna doon. Iyon ay ang office ng kaniyang daddy na siya na ngayon ang gumagamit. Ayaw niya kasi na ma-storbo ang pag tulog ng anak sa tuwing siya ay may tinatapos pa na trabaho kaya sa office niya ito tinatapos.Nang sa wakas ay matapos si Luna dali-dali siyang naglakad papalabas ng kwarto. Tahimik lang si Celin
“CELINE?”“Yes!” Agad na sagot ng batang babae sa kaniyang harapan.Hindi pa rin makapaniwala si Sebastian dahil kamukang-kamuka ito ng babae na kanina pa gumugulo sa kaniyang isipan.“W-wait I don’t get it… yeah… hindi ikaw si Luna pero sino ka? Bakit kamukang-kamuka mo siya?”Sandali na hindi nakasagot ang batang babae sa sinabi niya ngunit maya-maya tumingin itong muli sa kaniya at tila walang kinakatakutan.“I don’t know! Sino ba ‘yang Luna na sinasabi mo?! Ang sakit ng sugat ko!”Bigla nalamang umiyak ang batang babae na ikinataranta naman ni Sebastian. Mabuti nalang at walang ibang tao sa paligid kaya agad niya itong nilapitan.“Shh! Shh! Okay! Okay! Come with me at gagamutin ko ang sugat mo!” natatarantang sabi ni Sebastian.“N-no! Hindi ka sincere sa sinasabi mo!” iyak pa ‘rin nitong sabi.“S-sincere? Wait what?” hindi makapaniwalang tanong ni Sebastian.Hindi siya makapaniwalang nakatingin sa batang babaeng iyon pero mas lalo lang itong umiyak at talagang naiirita na ang lala
“Why are we taking so long in here?” Tila inip na sabi ni Celine habang nasa loob sila ng elevator. Kanina pa kasi siya excited na makita ang itsura ng opisina ng kaniyang ama. “And now your impatient huh?” Ngising sagot ni Sebastian na ikinairap naman ng bata sa kaniya. Sakto na tumunog na ang elevator na tanda na naroroon na sila. Pagkabukas na pagkabukas palang ng elevator ay nauna nang naglakad palabas si Celine na tila alam kung saan ito pupunta. Hinayaan naman siya ni Sebastian dahil tanging ang opisina lamang nito ang naroroon. Napahinto naman si Celine sa isang table na kinaroroonan ng secretary ni Sebastian. Nakatitig lamang si Celine sa isang lalaki na nakasuot ng reading glasses na napahinto sa ginagawa nito dahil sa pagdating ng kaniyang amo. “Sir Ian! Hindi ho ba at may meeting kayo bakit nandito ka na agad?” taas kilay na tanong nito kay Sebastian. “Yeah, pero hindi natuloy.” Simpleng sagot nito na lalong ikinataka ng secretary niya. Siya si Vince Dichoso. Ang
PINAGMAMASDAN ni Celine ang kaniyang ama habang ginagamot nito ang kaniyang sugat. Sa totoo lang bali wala sa kaniya ang sugat na iyon basta makita at makausap niya lang ang ama. Kaya nga nagawa niyang magpanggap na nasagasaan nito para lang mapansin ni Sebastian. Agad napaiwas ng tingin si Celine ng biglang tumingin sa kaniya ang ama. Pakiramdam niya ay umakyat ang dugo sa kaniyang muka dahil sa pagkakahuli nito. Habang si Sebastian naman ay napangisi dahil sa kaniyang nakita. “Uhmm ouch!” Pag papanggap ni Celine at bahagyang inilayo ang kamay niya dito. “Stay still, matatapos na.” Mabuti nalang at hindi siya pinansin ng ama. Kailangan niya mag-isip ng topic! “Mister anong pangalan mo?” Napatingin sa kaniya si Sebastian dahil sa tanong niya na iyon. “You know what, nagtataka na ako sayo. Hindi ka ba tinuruan gumalang ng magulang mo?” Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ng ama. “Of course! Sobrang bait ni mommy at lahat ng kabutihang asal itinuro niya saakin!” “Chill chil
Tahimik ang buong bahay ng pumasok siya dahil na rin sa likod siya dumaan. Maya-maya pa ay narinig niya ang boses ng ina at laking pasasalamat nito na mayroon itong kausap sa telepono.“Celine! Kanina ka pa hinahanap ng mommy mo! Saan ka ba nanggaling?”Nagulat siya ng makasalubong niya ang isa sa kasambahay.Naloko na, hinahanap na siya ng ina!“Naglaro lang po! Akyat na po ako!”Dali-dali niyang sabi at umakyat na sa kanilang kwarto. Nang maisarado ang pinto ay abot-abot ang kaniyang kaba. Akala niya ay mahuhuli na siya ng ina! Madali lang naman ang magpalusot sa kaniya kaya magagawan niya ng paraan ang kaniyang idadahilan.Napatingin siya sa kaniyang kamay na mayroong benda. Napangiti siya dahil naalala niya na ang ama ang may gawa nito sa kamay niya. Ngunit biglang nanlaki ang mata niya kasabay ng pagkaka-alala sa daddy niya.“Baka alamin niya kung sino ako!”Sigurado siya na nanghihinala na ito kanina dahil binanggit nito na kamuka niya ang ina. Kailangan niyang gumawa ng paraan!
“BYE mommy, mag-iingat ka po!”Masayang paalam ni Celine sa kaniyang ina habang papalabas sila ng kanilang kwarto.“Oh wait I remember, nakausap ko si tita-ninang mo.”“T-tita-ninang?” gulat niyang sabi na ikinawala ng malawak na ngiti niya sa kaniyang labi.Nagsimula nanamang tumibok ng mabilis ang kaniyang puso dahil sa kaba. Ang akala niya ay walang sinabi ang tita-ninang niya at pinagbigyan siya nito dahil na ‘rin walang binabanggit ang kaniyang ina tungkol sa daddy niya.“Yes, kagabi. Ang sabi niya sa susunod ‘daw mag-iingat ka. Hindi ka nga ‘daw namin hinayaan na masugatan tapos sa ibang tao ka pa magpapasugat.”Nakahinga siya ng maluwag sa sinabing iyon ng ina. Akala niya ay isinumbong na siya ng kaniyang tita-ninang.“Hahaha si tita-ninang talaga! Sige na po mommy, baka ma-late ka sa trabaho mo!”Pagtutulak niya sa ina kaya walang nagawa si Luna kundi ang umalis nalamang.Ngiting tagumpay si Celine ng bumalik sila sa kanilang kwarto at tinanaw pa sa bintana ang pag-alis ng kot